Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 8

8: Light’s off

-

Rain’s POV

Wrong decision. Bakit ako nanghiram ng damit kay Ayesha? Hindi ko siya nasabihan na hindi ako nagsusuot ng dress, pero ito ako ngayon. Pinahiram niya ako ng longsleeve fitted dress na kulay pula. Masiyadong masikip at hindi ako makakilos ng maayos.

“Hindi ba masiyadong maigsi ‘to? At saka kailangan ba nakaheels?” Tanong ko habang nag-aayos si Ayesha. Nakasuot siya ng black dress, medyo may pag kapareho sakin pero sleveess yung kanya.

“Okay lang ‘yan. Mas sexy tignan pag nakaheels. Tara na, 7:00 na. Hanggang 9:00 lang yung party. Lubusin natin, once a month lang ‘yon.” hinawakan niya ako sa kamay at agad lumabas ng girl's dorm. Sakto naman dahil kararating lang ng sundo namin.

Si Liam, ang gwapo niya tignan sa suot niyang white V-neck shirt, itim na leather jacket at denim pants.

“Woah. Ang ganda niyo, ah. Tara na?” aya nito at pumagitna siya samin ni Ayesha. Medyo malapit lang yung function hall sa gym kaya mabilis kaming nakarating doon, hindi pa naman ako sanay mag heels kaya medyo nahihirapan akong maglakad.

“Mocktails and beers ang sineserve tuwing party. Every month iba rin ang nag oorganize. If I’m not mistaken Insolent ang organizer ngayong month.” sabi ni Ayesha habang naghahanap kami nang mapagp-pwestuhan. Wala kasing upuan, mga tables lang ang nandito. Wow just wow! Nakaheels pa man din ako. Goodluck sa mga paa ko.

“Anong gusto mong inumin?” Tanong ni Liam nang makahanap na kami ng pwesto.

“Mocktails na lang.” tumango siya at nagpunta sa kuhaan ng drinks.

“Rain, wait lang ah? Puntahan ko lang yung classmate ko.” paalam ni Ayesha at tumango lang ako. Saktong pag alis naman niya ay biglang tumugtog ang ang kantang despacito. Ang ingay. Yung iba ay nag paparty party habang ako ito nganga lang. Hindi ako sanay sa mga ganito.

“Wow, who’s that chick?” Nakakalokong tanong ni Matthew ng lapitan niya ako. Nagsalubong naman ang kilay ko. “Bakit mag-isa ka?” Tanong niya ulit at nang sasagot na sana ako ay biglang dumating si Liam

“Date mo?” Tanong ni Matthew at umiling naman ako. Inilibot ko ang paningin sa buong function hall, nagbabakasakali na makikita ko si Jiro.

“Wala si Thunder.” Biglang sabi ni Matthew nang mapansin niyang may hinahanap ako.

“Hindi siya ang hinahanap ko. Ikaw lang ba mag-isa ang nandito?”

“Hindi, nandoon sila malapit sa stage. Sige mauna na ako, mukhang beast mode yung date mo, eh.” paalam ni Matthew at bigla na lang siyang umalis. Napalingon naman ako kay Liam, nakakunot ang noo niya.

“Uy, okay ka lang?” Tanong ko.

“Hindi. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit ganun siya makipag-usap sa’yo pagtapos ka nilang bigyan ng card. You can’t trust them, Rain. Stay away from them.” seryosong sabi niya kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan, may point naman siya eh pero pakiramdam ko ay mabait naman si Matthew.

“May I call the presence of Mr. Liam Montero here on stage?” Boses ni Ayesha. Sabay naman kaming napalingon ni Liam sa stage.

“Aish! Sinabi ko na sa kanya na ayokong kumanta eh.” napakamot pa siya sa ulo pero nagpaalam pa rin siya sakin na aalis muna. Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin.

Maya-maya lang ay nawala na ang malakas na tugtog at isa-isang namatay ang maliliwanag na ilaw kasabay nang pagkanta ni Liam. Goosebumps. Ang ganda ng boses niya.

Please don’t see, just a boy caught up in dreams and fantasies ♪

“Malapit na yung lights off!” kinikilig na sabi ng babaeng hindi kalayuan sa pwesto ko. Nagtataka ko siyang nilingon pero maya-maya lang ay biglang dumilim sa paligid. Sinubukan kong wag magpanic pero may bigla na lang humawak sa bewang ko.

“Sino ka?” Tanong ko pero nag-umpisa na siyang gumalaw para isayaw ako. Ilang segundo ang lumipas at bumukas yung ilaw.

“Hi. Natakot ba kita?” Natatawang tanong ni Matthew, ang weird ng lalaking ‘to. So, ito pala yung sinasabi niya na ‘Dance with me later’ paano naman siya nakasigurado na pupunta talaga ako rito?

“Pag namatay yung ilaw wag kang bibitaw sa’kin, baka kung sino ang kumuha sa’yo eh.” sabi niya habang patuloy kami sa pagsayaw.

“Nandito yung mga nakaaway namin sa loob ng hell’s gate.” Dagdag niya pa kaya napalingon ako sa paligid. Kinabahan ako bigla, baka ako yung gantihan nila dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Magsasalita sana ako kaso bigla na namang namatay ang ilaw at naramdaman ko na lang na may humihila sa akin palayo kay Matthew.

God, give us the reason youth is wasted on the young, It’s hunting season and this lamb is on the run, searching for meaning but are we all lost stars, trying to light up the dark ♪

“Nice to see you again new girl.” Shit! Gusto kong sumigaw pero pagbukas ng ilaw ay si Thunder ang bumungad sa akin. Nakahinga ako ng maluwag kahit paano.

“Pwede ba? Wag kang nananakot ng ganun?!” Irita kong reklamo pero nginisian niya lang ako. Sapilitan naman niyang inilagay ang kamay ko sa balikat niya.

“Still scared of me?” Tanong niya.

“Kailan ba ko natakot sa’yo?" Medyo may pagkasarcastic na tanong ko. Hindi naman siya nakasagot agad, mukhang naiinis siya. Ganito ba kalakas ang epekto ko sa gaya niya?

“You’re brave.”

“No, hindi lang ako naiintimidate sa’yo.”

“Really?” Tanong niya at bigla na lang niyang hinatak ang bewang ko palapit sa kanya kaya naman inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin. I can feel his fuckin breath!

“Hindi ka pa rin naiintimidate?” Tanong niya at nakipagtitigan lang ako sa kanya. Hindi ako papatalo.

“Still no.” Pagsabi ko noon ay namatay na naman yung ilaw for the third time, hinigpitan ni Thunder ang paghawak sakin pero hindi ko inasahan ang sunod na ginawa niya.

In just one snapped nakadikit na ang labi niya sakin. Agad ko siyang itinulak at sakto naman dahil bumukas yung ilaw. Pilit kong kinusot ang labi ko gamit ang likod ng palad ko. Bwisit talaga ang lalaking ito! Napakamanyak, anong karapatan niyang halikan ako ng walang permiso?

Hindi ko na nagawang magsalita kaya napatakbo na lang ako pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay namatay na naman ang ilaw. Why again?

“Bakit namatay na naman yung ilaw?”

“Di ba tatlong beses lang ang lights off?” Napatigil ako sa pagtakbo nang maramdaman kong may humarang sa daanan ko.

“I guess it’s not a lucky night for you, new girl.” nagbilang ako ng limang segundo, nagbabakasakali na pinagtitripan lang ako ni Thunder pero ilang segundo na ang lumilipas at hindi pa rin bumubukas ang ilaw.

Shit.

“Hindi ba talaga kayo nadala?” Tanong ng pamilyar na boses. Ugh! Wala akong makita, pero yung boses na ‘yon, It’s from Jiro. I can’t be wrong. “Third year na kayo, bakit nakikipaglaro pa kayo?”

Biglang bumukas ang ilaw at nakitang nasa harapan ko ang mga third year. Agad ko namang nilingon si Jiro na cool na cool lang na nakatayo sa likuran ko. Nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon niya at hindi nawawala ang blankong ekspresyon sa mukha niya and darn! Talagang idinescribe ko pa kung gaano siya ka-hot sa mga oras na ito.

“Hoy Villaruelㅡ” hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang biglang dumating sila Thunder. Nabuo bigla ang tensyon sa buong function hall at kusa na lang nag si puntahan sa gilid ang mga estudyante.

Natapos na rin sa pag kanta si Liam, mukhang natanaw niya ako kaya naman bumaba siya ng stage kasama si Ayesha. Bakas na bakas ang pag-aalala sa sakanilang dalawa.

Gusto ko mang humakbang paatras, hindi ko na nagawa dahil mabilis akong nahatak ng mga third year. Shit, yung paa ko. Hindi ba sila aware na nakaheels ako? Wagas kung makahatak.

“Come on! Let me try this girl. Hindi niyo naman chicks ang isang ito. Bakit ipinagdadamot niyo?” Tanong ng lalaking nakahawak sa braso ko. Tinignan ko siya ng masama. Bakit ba ang manyak nila?!

“Eh kung sabihin ko sa’yo na girlfriend ko siya? Gusto mo pa rin bang itry? Mamili ka. Siya o buhay mo?” Shit! Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin dahil sa sinabing iyon ni Jiro.

Naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng lalake. Akala ko ay effective na yung pagbabanta ni Jiro pero mukhang waepek iyon sa kanila.

“Hindi ako tanga.” sabi ng lalaking nakahawak sa akin. Inakbayan niya ako at kinilabutan na lang ako ng ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Napapikit na lang ako sa takot. Sana kainin ako ng lupa ngayon, nagsisisi na ako na nagpunta pa ako sa party na ‘to.

“Hoy! Ako lang may karapatan gumawa niyan sa kanya.” Nawala bigla ang takot ko dahil sa sinabi ni Thunder. Tinignan ko siya ng masama at maya-maya lang ay may ibinato siya sa direksyon namin.

Saktong pagbitaw sa akin nang lalake ay hinatak ako ni Thunder at doon na nagsimula ang gulo. Itinulak niya ako palayo kaya natapilok ako, mabilis namang lumapit sa akin sina Ayesha at Liam para alalayan ako.

“Rain, are you okay?” Sabay na tanong nila at tumango lang ako habang pinagmamasdan kung paanong mag suntukan ang dalawang grupo.

Bakit ba lagi na lang akong nalalapit sa gulo? At bakit lagi nalang si Thunder ang nagliligtas sa akin? Nakakainis na! Galit ako sa kanya pero hindi ko magawang magalit sa kanya ng sobra. Siya ang dahilan kung bakit ako napapahamak pero siya rin ang dahil kung bakit ako nakakaligtas. Isn’t it weird?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.