7: Enemies
-
Dalawang araw ang lumipas at hindi pa rin pumapasok si Thunder. Gusto ko man siyang puntahan sa boys dorm o kaya sa hideout nila pero hindi ko magawa. Ayoko nang mag punta sa lugar na iyon.
Flashback/
Kahit nandito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo pero tanaw na tanaw ko pa rin rito mula sa pinto ang away dahil hindi naman ganun kalayuan ang pwesto nila.
Nandoon na rin sila Axel para tulungan sila Jiro. Napatingin na lamang ako sa kamay ko dahil nag dudugo iyon. Masiyado atang malakas ang pagkakahawak sa akin ni Thunder kaya na-pressure yung sugat ko.
Yung lalaking ‘yon. He really have his ways para takutin ako, pero mabuti na lang at may natitira pang konting kabaitan sa loob niya. Yung ginawa niya sakin kanina, hindi ko akalain na gagawin niya iyon. He saved me.
“Tara na. Mag-uumpisa na yung klase.” aya ni Jiro habang inaayos ang uniform niya na parang walang nangyari. Napatingin ako sa labas at nakitang nakahiga na sa sahig ang mga third year. Alam kong kabaliwan itong gagawin ko pero may nagtutulak sakin na yakapin si Jiro kaya naman hindi ako nag-alinlangan na yakapin siya.
“Salamat.” ayun lang ang nasabi ko. Takot na takot talaga ako sa mga oras na 'to pero mabilis din akong kumalas nang makita ko si Thunder. Lalapitan ko sana siya para pasalamatan pero tinignan niya lang ako ng masama.
“Umalis na kayo. Hindi ako papasok,” bored na sabi nito at saka padabog na umakyat ng hagdan. Napatingin naman ako sa apat.
“Tara na.” Kibit balikat na aya ni Jasper at sabay-sabay na kaming lumabas sa hideout nila. Nakokonsensya ako.
End/
“Inaalala mo ba si Thunder?” Tanong ni Axel dahil magkatabi kami ngayon. Kami kasi ang mag partner sa activity ngayong araw.
“Ha? Hindi naman sa nag-aalala, hindi ko pa kasi siya napapasalamatan. Bakit ba hindi siya pumapasok? May sakit ba siya?” Tanong ko.
Nakakatuwa lang isipin na bigla akong naging komportable sa kanila matapos akong sumgod sa hideout nila. Minsan tuloy naiisip ko kung may saltik na rin ba ako but to be honest? Hindi naman sila ganun nakakatakot. Insolent sila pero hindi sila ganun kasama, mukhang masama lang talaga ang imahe nila dahil sa kind na meron sila.
“Oo, nasuntok kasi ng ilang beses ang sugat sa braso niya. Baka ayun yung dahilan kung bakit nilalagnat siya.” nakapalumbaba na sagot ni Axel habang nakatingin sa akin.
“Nasaan siya ngayon? Pupuntahan ko siya.”
“Wag na, malayo naman ‘yon sa bituka. Don’t mind him.”
“Please?”
“Ayaw.” napanguso na lang ako at tumayo para lapitan si Matthew. Napakafeeling close ko pero hindi na ‘yon mahalaga. Hinawakan ko siya sa pulsuhan at hinatak palabas ng classroom.
“Saan mo ko dadalhin cutiepie?” Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway. Tsk, wala na ba siyang naiisip na mas magandang itawag sa akin bukod sa cutiepie?!
“Samahan mo ko kay Thunder.”
“Ha? Anong kapalit?" Nag salubong ang kilay ko dahil nanghihingi pa siya ng kapalit. “Hmm alam ko na, dance with me later.” sabi niya pa at nabigla na lang ako nang akbayan niya ako. Hindi naman kami friends, feeling close din ang isang ito.
“Anong dance with you later?”
“Basta.” sabi niya at pumasok na kami sa elevator. Wala raw sa hideout si Thunder ngayon kaya naman sa boys dorm kami nag punta. Bawal itong ginagawa ko pero okay na ‘to kesa hindi ako patulugin ng konsensya ko.
“Ayan, kwarto ‘yan ni Jiro at Thunder. Sigurado kang papasok ka mag isa? Baka rapin ka ni Thunder.” seryosong sabi ni Matthew nang huminto kami sa tapat ng room 318. “Nah, just kidding. Sige na pumasok ka na sa loob bago pa may makakita sa’yo.”
“Thank you.” Tinapik niya lang ang balikat ko bago umalis. Huminga ako ng malalim at saka kumatok sa pintuan.
Halos mag-iisang minuto na bago iyon bumukas. Agad naman akong napaiwas ng tingin nang mapansing wala na namang pang itaas si Thunder.
“Ginagawa mo rito?” Bored na tanong niya pero bago ko siya sagutin ay pumasok muna ako sa loob. Nabigla siya sa ginawa ko pero pinanatili niya ang blankong ekspresyon sa mukha niya.
“Kamusta yung sugat mo?” Kaswal na tanong ko dahil namamaga na iyon. Hindi niya ako sinagot at bigla na lang nahiga sa kama niya habang nakangiti ng nakakaloko. May sakit ba talaga siya?!
“Nah, I’m okay. Ikaw? Sa tingin mo ba ay magiging okay ka ng tayong dalawa lang dito?” Tanong niya at napalunok ako. No! Hindi ako matatakot, hindi siya gagawa ng masama, kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan.
“Yung sugat mo yung kinakamusta ko. Hindi ikaw,” sabi ko para makaiwas sa tingin niya. Actually para makaiwas sa pag tingin sa katawan niya. Tss, wala man lang ba siyang balak mag suot ng t-shirt?
“Sure ka?” Tanong niya at bigla na lang niya akong hinatak kaya naman pumaibabaw ako sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sobrang kaba. Manyak talaga ang isang ito! Ang init init ng katawan niya pero nagagawa niya pang magbiro ng ganito.
Sampong segundo ang lumipas bago ko dahan-dahang minulat ang mga mata ko. Nakatingin lang siya sakin kaya naman dali-dali akong tumayo habang siya naman ay naupo at sumandal sa headboard. Kinuha na rin niya yung sando sa tabi niya at nagbihis. Mabuti naman at marunong siyang makaramdam.
“Gagamutin ko lang yung sugat mo tapos babalik na ako sa klase.” sabi ko nang kuhain ko yung first aid kit na nasa ibabaw ng cabinet nila. Hindi na siya nagsalita kaya naupo ako sa tabi niya at ginamot ang sugat niya. Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakatitig siya sa akin ngayon.
“I know I’m beautiful but staring is rude you know?” Tanong ko at naramdaman ko ang bahagya niyang pagngisi.
“Alam mo bang ayaw ko sa presensya mo?” Tanong niya.
“The feeling is mutual kaya babalik tayo sa pagiging magkaaway pag tapos nito.”
“Bakit? Hindi ka rin ba sanay tumanaw ng utang na loob?” Tinignan ko siya at ngumiti ng pilit.
“This is my way of saying thank you. Kung hindi dahil sa inyo ni Jiro baka nabaliw na ako.”
“Tss!” Ayun lang ang lumabas sa bibig niya. Alam kong awkward ‘to pero mag k-kwento na lang ako para hindi dead air. Tutal siya naman ang dahilan kung bakit bumalik sa akin yung mga masasamang alaala na iyon.
“Second year highschool ako nang mamatay si mama. Simple lang naman yung buhay namin, hindi kami ganun kayaman pero may grupo ng mga kalalakihan ang nanloob sa bahay namin..”
“..Nagkataon na ako lang ang tao sa bahay noong gabing ‘yon. Those guys tried to rape me pero biglang dumating si mama, niligtas niya ako sa mga lalaking ‘yon. Sobrang takot na takot ako nung mga oras na ‘yon dahil hindi ko magawang kumilos para tulungan si mama..” Huminga ako ng malalim at nagpigil ng luha.
“Kung hindi dahil sa akin, siguro ay buhay pa siya ngayon. Simula noon ay takot na akong makakita ng away at saka alam mo ba na dahil sa ginawa mo sa akin noon sa infirmary ay bumalik yung trauma ko?” Tanong ko nang tumayo ako.
Tapos ko nang gamutin ang sugat niya kaya ibinalik ko na yung first aid kit kung saan ko iyon kinuha kanina.
“Hindi mo na kailangan sagutin. Sinabi ko lang ‘yon para makonsensya ka kung mero ka man noon. Babalik na ko sa room, pagaling ka.” Naglakad na ako papunta sa pinto pero bago ko pihitin ang doorknob ay nilingon ko muna siya.
“We’re still enemies, Mr. Thunder.” Paalala ko at nag ngisian lang kaming dalawa. Kahit papaano ay gumaan na iyong bigat sa loob ko, nakaready na rin ako para sa pagbabalik ni Thunder.
Liam’s POV
Tahimik kaming kumakain ni Ayesha nang tabihan kami ni Rain. Habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
“Bakit hindi mo na sinusuot yung choker?” Tanong ko habang kumakain kami, napansin ko kasing hindi na niya iyon sinusuot. Bagay pa naman sa kanya.
“Ah wala lang, hindi na ako komportable eh.” Naiilang na sagot niya at ngumiti ako ng tipid. She’s really something. Mabait siya at palaban, hindi ko nga akalain na kaya niyang banggain yung dark.
Nakatanggap man siya ng king of death ay hindi iyon naging dahilan para matakot siya sa mga gangster na ‘yon. Mas naging matapang pa nga siya eh, yung araw na niyakap ko siya para protektahan, that’s one of the coolest thing I’ve ever done for a girl.
“Hoy, nakikinig ka ba?” Tanong ni Ayesha nang bigla niya kong tusukin ng tinidor sa kamay. Napakasadista talaga niya.
“Ha? Ano ba ‘yon?”
“Sabi ko punta tayo sa party mamaya. ‘Di ba once a month nagkakaroon ng gathering yung limang kind ng students? Gusto ko ulit pumunta.”
“Okay lang. Ikaw Rain? Gusto mo sumama? Masaya doon.” nginitian niya ako at tumango.
“Sige.”
“Okay. It’s settled then..” Masayang sabi ni Ayesha at maya-maya lang ay nagsibalikan na rin kami sa kanya-kanya naming klase. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa party mamaya?