Monstrous Academy 2&3 Chapter 19

19: Sparring.

-

Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon, dito sa bahay nila Zero na siya at ako lang ang magkasama.

“Bakit ba tayo nandito? Okay lang ba si Third na katulong lang ang kasama niya?” Tanong ko habang naglalakad paakyat sa hagdan, wala akong idea kung bakit kami nandito. We were supposed to be in the hospital right now!

“Mahimbing naman siyang natutulog... Samahan mo ako sa kwarto.” Bigla na lang akong naubo sa sinabi niya. Ano na naman ang iniisip ng lalaking ‘to?! He’s so casual about it!

“Hoy ‘wag kang nag-iisip ng kung ano, ‘di kita re-rape-in. May ibibigay lang ako.” Aniya habang hindi ako nililingon. Pagpasok naman namin sa kwarto niya ay bigla na lang akong namangha.

“You really love robots, aren’t you?” Tanong ko nang makita ko ang napakaraming robots na nakapila sa isang mahabang cabinet.

“Mas #$%&*.”

“Ha? Ano? May binubulong ka?” Lumapit ako sa mga robot na collections niya, napangiti ako kasi nandoon ‘yong robot na pinag-aagawan namin noon. ‘Yong bigay ni Xian sa kanya pero pilit kong kinukuha.

“Wala. Tara na, roon tayo sa kusina.” Nilingon ko siya at nakitang may hawak siyang libro at plastic. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang i-abot niya sa akin ‘yong libro. Cook book? Ito ibibigay niya sa akin? Unbelievable.

“Gusto ko ipagluto si Third, tulungan mo ako.” Sabi nya at lumabas na. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan siya papunta sa kusina. Nagsuot siya ng apron at nabigla na lang ako nang suotan niya rin ako. Nakatingin lang ako sa kanya at gano’n din siya sa akin.

“Erin, I liㅡ”

“Nandito pala kayoㅡ” Napalingon kaming dalawa dahil sa boses ni Jester. Maya-maya lang din ay nagsidatingan na sila Alex, Tyler at Xian. They just stared at us. Ano naman ang ginagawa ng mga ‘to rito?”

“What brings you here?” Tanong ni Zero ngunit nanatiling tahimik ‘yong apat. They must be shocked, tss hindi naman nila kailangan maging oa dahil lang sa nakikita nilang magkasundo na kami ni Zero. Seriously, hanggang kailan nila balak tumitig sa amin ng parang nakakita sila ng multo?

“Guys, oa na ha? Oo na magkasundo na kami ni Zero, bakit nga kayo nandito?” Agad lumapit sa amin si Xian at inakbayan kaming dalawa. Sa kanilang apat, siya lang ang masaya and to be honest, I can still see the sadness in his eyes. Bakit? Bakit gano’n?

“Nagpunta kami ng hospital pero sabi ng mga katulong umuwi kayo kaya nandito kami. Kayo? Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ni Xian nang bumitaw na siya sa amin.

“Ah, ito kasi gusto niya raw ipagluto si Third. Tutal nandito na rin kayo, mind helping us? Para mabilis tayong makabalik sa hospital.” Sabi ko at nagsitanguan lang sila habang si Jester ay lumabas ng kusina. Cold talaga kahit kailan. Hindi ko alam na mas malala pa pala siya kay Zero.

Chloe’s POV

Almost five hours na ng umalis si Erin, hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko dahil sa panggugulo na ginagawa ni Lexy, pakiramdam daw niya ay minaliit siya dahil sa hindi ginawang pagpunta ni Erin sa battleground as if walang halaga sa kanya ang event na ‘yon.

“Ano ba?! Hindi niyo sasabihin kung nasaan ‘yong kaibigan niyo?” Sigaw niya. Kasalukuayan kaming nasa field ngayon at maraming estudyante na ang nakatingin sa amin. Nakatago lang si Aki at Kevin sa gilid ko dahil ayaw raw nilang mabugbog.

“Hindi nga namin alam! ‘Wag ka nga mag iskandalo. Kung gusto mo manatiling maayos ‘yang mukha mo, ‘wag mong hamunin si Erin sa paraang hindi niya magugustuhan!”

“Do you think ma-te-threaten ako sa sinasabi mo? Eh wala namang binatbat ‘yang Erin na ‘yan, ang sabihin niyo. Natatakot lang siya kaya siya nagtatagoㅡ”

“Sinong nagtatago?” Hindi pa man ako lumilingon, napangiti na ako nang marinig ang boses niya.

“The bad girl’s here.” Sabi ko at saka nagbigay ng daan kay Erin para harapin si Lexy. Mas dumami lalo ang tao sa paligid, pati sila Alex ay nasa likuran na rin namin para manuod sa mangyayaring sparring. Himala hindi nila pinigilan si Erin?

“Teka, hahayaan lang ba natin si Erin?” Nag-aalalang tanong ni Aki nang hawakan niya ang kamay ko.

“The question is, hindi ba natin pipigilan si Lexy?” Sarcastic na tanong ng nakangising si Jester. Mukhang kumpyansang kumpyansa siya na si Erin ang mananalo sa battle na ‘to. Well, mukha namang nasa mood siya ngayon para ipamukha kay Lexy na walang lugar ang salitang takot sa bokabularyo niya.

Erin’s POV

Tuwang tuwa si Third sa niluto namin, well thanks to Tyler. Kung hindi dahil sa kanya baka mas lalong nagkasakit si Third.

/Flashback/

“Erin, ikaw nga muna maghalo nito. May kukunin lang ako.” Sabi ni Zero kaya pumunta ako sa kanya at hinalo ang niluluto niyang lugaw. Nilapitan naman ako ni Xian para tignan kung maayos ba ang pagkakaluto peroㅡ

“Teka, bakit iba ‘yong kulay?” Tanong niya, eh wala naman akong alam. Never pa naman ako nagluto at anong malay ko sa kulay ng lugaw.

“Ah, nabuhos kasi ‘yong paminta kaya medyo kulay gray na siya. Tinikman ko masarap naman, eh. Tikman mo.” Sabi ni Zero nang akbayan niya si Xian. Naki-usosyo na rin dito sina Alex at Tyler.

“Teka, shell ba ‘yan ng itlog?” Tanong ko at agad sinamaan ng tingin si Zero.

“Ako na nga magluluto, lalo magkakasakit si Third sa inyo eh.” Prisinta ni Tyler at tumawa na lang kami. Pagtapos niya mag luto ay bumalik na kami sa hospital pero hindi rin kami nagtagal.

/end/

Nasa may parking lot na kami nang mapansin namin may mga taong nagkukumpulan sa tapat ng malaking puno sa may field. Hindi na dapat kami makiki-usosyo pero narinig ko ang boses ni Chloe.

“Wag ka na makichismis.” Sabi ni Alex nang humakbang ako, hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglakad.

“Do you think ma-te-threaten ako sa sinasabi mo? Eh wala namang binatbat ‘yang Erin na yan, ang sabihin niyo. Natatakot lang siya kaya siya nagtatagoㅡ”

“Sinong nagtatago?” Tanong ko at saka naglakad paabante.

“The badgirl’s here.” Sabi pa ni Chloe nang bigyan niya ako ng daan. Hinarap ko si Lexy, nakatingin lang siya sa akin ng masama but I remained poker face. Kailangan ko ba siya pakitaan ng emosyon? She’ not even worth it.

“There you are.” Iyon lang ang sinabi niya pero mabilis niya akong sinugod. I dodged her attacks, masyado siyang aggressive. Bitaw lang siya nang bitaw ng mga suntok na hindi na niya namamalayan na paparating na ang paa ko sa sikmura niya.

“Damn you, bitch!” Sigaw niya nang mapaatras siya sa ginawa kong pagsipa.

“Is that the best you can do? Seriously, rank 1 ka na niyan?” bored kong tanong at humikab pa ako para mas lalo siyang mainis.

“Don’t be so full of yourself! You’re nothing but a trash!” Sinugod niya ulit ako and as usual naiwasan ko ‘yon pero hindi ko inasahan na mabilis niyang mahahatak ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay. Hinila niya ‘yon at saka ako inuntog sa tuhod niya, nakaramdam ako ng pagkahilo at hindi nakabawi agad kaya nasuntok niya pa ako ng dalawang beses.

“What now, bitch?!” Tanong niya, sinamaan ko lang siya ng tingin at saka dinura ang dugong nalalasahan ko ngayon, tch. She’s really serious about this, huh?

Dumiretso ako ng tayo at saka hinintay ang pagsugod niya, aaminin ko na malakas siya but that’s not enough para matalo niya ako. I’ve been through a lot at hindi ang gaya lang niya ang makakapag patumba sa akin ng madalian.

Naiwasan ko ang una niyang suntok at saka nagpakawala ng malakas na suntok na pinatama ko sa mismong sikmura niya. Wala na rin akong panahon mag-aksaya ng oras sa kanya kaya sinuntok ko pa siya ng isang beses sa panga.

“Erin, tama na.” Suway ni Xian mula sa likuran ko. Nilingon ko sila at saka tumango, medyo nahihilo na rin ako. Pahakbang na sana ako papunta sa kanila pero naramdaman ko ang pagtayo ni Lexy, agad ko siyang nilingon at saka sinipa ng malakas bago pa niya maihampas sa akin ang batong hawak niya.

“Playing dirty? Pathetic.” Nginisian ko siya at saka nagpatuloy sa paglakad. Agad naman akong inalalayan nila Chloe para dalhin sa infirmary dahil sa mga ilang sugat na natamo ko. I wonder kung paparusahan ulit ako ni Travis, but obviously. Hindi naman ako ang nag-umpisa ng gulo.

“Sige na, ako nang bahala kay Erin.” Sabi ni Chloe at tumango lang ‘yong lima, gano’n na rin si Kevin at Akira. Nang maiwan kaming dalawa ni Chloe rito sa infirmary ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. She’s acting strange.

“May problema ba?” Tanong ko.

“You’re aberrant, right?” Tanong niya, dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi ko na nga nagawang ibuka pa ang bibig ko sa pagkabigla. Paano niya nalaman?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.