Chapter 20: True kind.
-
“Anong pinagsasabi mo? Aberrant you say? May kind bangㅡ”
“You can’t hide it from me, Erin. Aberrant ka.” Agad kong binitawan ang kamay ni Chloe, I don’t know what’s going on. Should I tell her? No, I can’t do that. Oo magkaibigan kami pero hindi ko pwedeng ibigay ang tiwala ko ng gano’n na lang, but the question is, paano niya nalaman?
“You don’t need to worry about it, you can trustㅡ”
“Sweetie ko, binilhan kita ng marshmallow. Kumain ka para gumaan pakiramdam mo?” Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagdating ni Kevin, finally. May nagawa rin siyang tama. Tinignan ko lang si Chloe at saka nginitian ng tipid, something’s odd. I feel so uneasy.
“Ihahatid ko na sa kwarto niya si Erin, tingin ko mas makakapagpahinga siya roon.” Sabi ni Tyler nang pumasok siya ng infirmary. Bumangon na rin ako agad, mabilis lang naman nalinis ang sugat ko kaya wala ng dahilan para manatili pa ako sa lugar na ‘to.
“Salamat, Chloe and Kevin.” Sabi ko at saka lumapit kay Tyler. Agad niya akong inalalayan papunta sa girl’s dorm. Sabi niya ay may inasikaso raw ‘yong apat kaya siya na ang nag-insist na maghatid sa akin. Damn! Hindi mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Chloe.
Kinabuksan, saturday and as usual walang klase. Medyo masakit ang katawan ko kaya wala akong balak bumangon, gusto ko mahiga magdamag. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw.
“Erin, okay ka na ba? lalabas lang ako saglit.” Tumango lang ako at lumabas din agad si Aki, naiwan niyang bukas ang laptop niya. Kanina pa siya nakatutok doon, ayoko sanang pakialaman pero parang nakita ko kasi ‘yong mukha ni Zero or baka namalik mata lang ako?
Para makasigurado, lumapit na ako sa kama niya at tinignan. Video pala ‘yon pero tama nga ‘yong nakita ko. Nandoon si Zero, natawa ako noong i-play ko ang video. Sumasayaw pala siya at ang nakakabigla, eh gano’n din sila Xian at ‘yong tatlo. Napapangiti na lang ako pero napansin ko na kay Zero lang naka-focus ‘yong camera.
“E-Erin.” Kumaripas ng takbo si Akira papunta sa akin, biglang bigla siya dahil sa pinapanuod ko.
“Sorry pinakialaman ko. Hindi mo naman kailangan itago, eh. May gusto ka kay Ze?” Nakangiting tanong ko at bigla na lang siyang namula. Hindi niya pala alam na keen din ako kaya kahit itago niya, malalaman at malalaman ko pa rin kasi obvious naman, eh.
“Sino ‘tong ibang kasama nila?” Tanong ko. Naupo na rin siya sa tabi ko at sabay naming pinanuod.
“Mga kagrupo nila, noong grade 9 kami niyan. Nagpa-contest kasi ‘yong school, bumuo sila ng grupo tapos ayan, that time gusto ko na si Zero. Please, Erin. Secret lang natin ‘to, ah?” Makaawa niya at tumango naman ako.
“Dito rin ba nag-aaral ‘yong mga ‘yan? Hindi ko sila nakikita.”
“Ah hindi, nasa ibang academy sila. May rumor kasi na nag-away away sila kaya naghiwalay sila ng college school na papasukan, bakit? Interesado ka ba sa isa sa kanila?” Pilyang tanong niya at tumawa lang ako.
“Over my dead body.” Tumayo na ako at saka bumalik sa kama. Marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanilang lima, I want to know them more.
Agad akong bumangon ulit at nagpunta ng banyo para maligo, wala naman akong gagawin kaya aayain ko na lang ‘yong lima, pakiramdam ko kasi pagtapos ng weekend, mas magiging magulo na ‘yong buhay ko. It’s strange pero alam kong ano mang oras ay dadating na ang sunod-sunod na problema.
ㅡ
“What’s with you all of a sudden?” Tanong ni Jester pagdating ko sa parking lot kung saan sila naghihintay. Napansin ko na kanina pa may nagmamasid sa akin pero hindi ko pinansin.
“Wala akong magawa eh, gusto ko pumunta ng amusement kasama kayo.” Nakangiti kong sabi at lahat sila ay natahimik.
“You’ve really changed, Erin. Pero sure ka ba? Look at you, kagagaling mo lang sa away kahapon.” Nag-aalalang sabi ni Xian nang hawakan niya ang mukha ko. Ngumiti lang ako ng tipid at saka tumango.
“Sure ako, galos lang naman ‘to eh. Ano? Let’s go?” Aya ko at wala rin silang nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse, hindi na rin kami naghiwalay kaya kay Xian na ‘yong ginamit namin dahil siya lang ang may malaking kotse sa kanilang lima.
“Guys, aware ba kayo na aberrant ako?” Tanong ko ngunit tahimik lang sila. Hindi ko kasi matandaan kung alam ba nila, ang pagkakatanda ko kasi si Alex lang ang may alam sa totoo kong kind.
“What do you mean?” Tanong ni Zero.
“Keen, insolent at intrepid ang kind ko kaya ako naging aberrant.”
“Seryoso ka ba? Paano ka nakapasok sa academy?” Tanong ni Xian.
“Because of dad, pineke niya ‘yong result test ni Erin. Aware naman kayo na delikado ang mga aberrant sa academy, right? Sikreto lang natin ‘to.” Pagsingit ni Alex.
“Pero alam ni Chloe, hindi ko sinabi at hindi rin ako umamin pero sabi niya hindi ko maitatago sa kanya na aberrant ako. What should Iㅡ”
“Guys! Yuko!” Biglang sigaw ni Xian at mabilis akong nayakap ni Jester para yumuko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakarinig na lang ako ng putok ng baril. Nagpagewang gewang na rin ang kotse.
“The hell?!” Sigaw ni Zero, nasa harapan kasi siya habang nasa likod naman kaming apat nila Tyler.
“Kumapit kayo.” Sabi ni Xian at mabilis niyang pinatakbo ang kotse. Nakita ko namang may hinugot si Tyler sa may pantalon niya. The fuck? Bakit may dala siyang baril? He gotta be kidding me.
“Tyler, bakitㅡ”
“Don’t worry, marunong akong gumamit. Lahat kami meron nito.” Sabi niya at mabilis niyang binuksan ang bintana. Nilabas niya ang kamay niya at agad pinaputok ang baril sa kotseng nasa harapan namin. Mukhang pinatama niya ‘yon sa gulong kaya bumangga iyong kotse sa puno.
“Mabuti na lang at bulletproof ‘yong windshield ko.” Sabi ni Xian, dahilan para magsalubong ang kilay ko. Eh, bakit pinayuko niya pa kami? Ugh. Hindi ko akalain na ngayon na darating ang problema. Sabi na at kanina pa may nagmamasid sa akin.
“Bumalik na tayo sa academy.” Suhestiyon ni Alex.
“Hindi. Sure ako na may red organization sa academy, hindi na rin ako sa safe ro’n. Natatandaan niyo naman ‘yong tatlong lalake noon eh.. Hindi na sila nakasunod kaya tumuloy na tayo sa amusement.” Kalmadong sabi ko.
“You’re unbelievable, nasa bingit na ng kamatayan ‘yang buhay mo gusto mo pa rin mag-amusement?” Naiiling na komento ni Zero.
“Para saan pa at naging Cross ang apelyido ko kung madali rin akong matatakot?” Napailing na lang sila at tumuloy sa byahe na parang walang nangyari.
Pagdating namin, bumili kami agad ng ride all you can ticket, sinulit namin ‘yong araw para magsaya. Lahat ng rides sinakyan namin pero hindi rin kami nagtagal dahil inaalala nila ako, kaya kahit ayoko pang umuwi wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nila.
“Hi mga kuya, pwede bang magpa-picture sa inyo?” Tanong ng mga babaeng lumapit sa amin.
“Ah okay lang.” Nakangiting sabi ni Xian. Tch, masyado siyang mabait. Ano bang feeling ng mga babaeng ‘to? Mascot ‘yong mga kasama ko?
“Ate, paki-picturan mo naman kami oh.” Inabot sa akin ng babae ‘yong camera pero tinitigan ko lang ‘yon. As if naman magpapautos ako sa kanya.
“Hindi siya photographer.” Inakbayan ako ni Zero at saka naglakad palayo sa mga babaeng ‘yon. Naging maingat rin kami sa pagbalik sa academy dahil sa insidenteng nangyari kanina.
Mabilis lumipas ang oras, magkakasama na kami ngayon nila Kevin kasama si Akira at Chloe, hindi rin mawawala ‘yong lima dahil nagdodoble protekta na sila ngayon sa akin. Ayoko naman sayangin ‘yong araw kaya inaya ko na sila kumain, who knows. Baka sa susunod na araw hindi ko na ‘to magawa.
Someone’s P.O.V
Pinagmamasdan ko lang ang mga kaibigan ko, napaka-boring kapag Saturday pero pagkasama ko sila sumasaya ako. Kasalukuyan kaming kumakain ng tumunog ang phone ko.
“Sagutin ko lang ‘to.” Paalam ko sa kanila at agad lumayo sa lamesa kung saan kami nakapwesto.
“Mom, napatawag ka?”
“Are you with Erin right now?” Panandalian akong hindi nakasagot dahil sa tanong ni mommy.
“Hmm, yes. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?”
“Help me to do my plan, gusto kong i-update mo sa ‘kin lahat ng lakad niya, kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya.”
“Wait, why? You’re being weird, Mom.”
“Just do what I said, ayaw mo naman siguro na pumatay ako ng tao ‘di ba?” Muntik ko nang mabitawan ang phone ko. Anong nangyayari?
“Wait, Mom. What’s with you all of a sudden?”
“Gusto kong mapasakamay ng red org ‘yang Erin na ‘yan. Kung ayaw mong sundin ang gusto ko, ako mismo ang papatay d’yan sa kaibigan mo.” Napalingon ako sa lamesa kung saan kami nakapwesto nila Erin. I don’t know what’s going on. Si mommy ba talaga ang kausap ko ngayon?
“I need your answer!”
“O-okay, ano bang nangyayari? Bakit bigla ka na lang naging gan’yan kay Erinㅡ” Binaba ni mom ang tawag at naluha-luha akong bumalik kung saan kami nakapwesto. Tuwing ik-kwento ko si Erin sa kanya, masaya naman siya pero ngayon, anong nangyari? Kaya ko bang gawin ang pinapagawa niya?