22: Battlefield.
-
“Gusto mo lang talaga na halikan kita, eh.” Pahabol ni Zero matapos niyang suntukin ‘yong lalaking nasa gilid ko.
“Hey now, don’t be so full of yourself. Kung may gusto ka sa ‘kin, say it. Lol!” Binigyan ko ng isang malakas na sipa ang nasa likuran ko. Hindi na rin nagawang sumagot pa ni Zero, the hell was wrong with me to say that stupid word?! Parang in-encourage ko siyang mag-confess sa akin. Ugh, seriously!
“Erin!” Tawag ni Jester bago niya ako mabilis na nahatak palayo.
“What are you doing?” Tanong ko ngunit patuloy siya sa paghatak sa akin. Nanlaki na lang din ang mata ko nang makita kung sino nakikipagsuntukan sa tatlong lalake, you’ve gotta be kidding me.
“Chloe.” Banggit ko sa pangalan nito pero hindi niya iyon narinig. Sinabihan ko na lang si Jester na tutulungan ko si Chloe pero sumunod pa rin siya sa akin.
“What the fuck are you doing?” Tanong ko nang hatakin ko ang damit no’ng lalaking pasugod kay Chloe mula sa likuran niya.
“Erin.” Sinuntok niya ang isa pang sumugod sa kanya. The hell? Marunong siyang makipagsuntukan? Am I seeing things or what?!
“What’s with the face? Gusto ko tumulong.” Nakangiting sabi niya at napailing na lang ako. Sa susunod ko na siya tatanungin, uubusin muna namin itong mga asungot na ‘to. Kahit napatumba na namin ang tatlo, patuloy lang sila sa pagdami. I Thought nasa 20 or 30 plus something lang sila. Honestly, namamanhid na ang kamao ko.
“Erin, baby!” Sigaw ni dad. Sinamaan ko naman siya ng tingin imbis na sumagot, what’s with the baby? Nakakahiya.
“Sorry, tara rito.” Hinatak niya ako at saka inilagay sa gitna kung saan napapalibutan ako nila Tito Jiro, ngayon ko lang din napansin na nandito rin pala sila Tito Ramon, seriously. Kailan pa sila dumating?! Wala akong magawa kung hindi ang manuod sa kanilang lahat.
Si Zero at Xian na sabay makipagsutukan sa limang lalake. Si Chloe at Jester na tumutulong kay Tyler, sila mom at tita Tymee na pilit kinakausap ang mga napatumba nila para humingi ng impormasyon at si daddy na nakikipagkwentuhan kay Tito Liam. ‘Yong totoo?!
“Dad! Dinala mo ba ako rito para panuorin kang makipagkwentuhan kay tito?” Iritang tanong ko.
“Ha? Kinausap niya ako eh, sabi niya umamin na raw sa ‘yo si Xian.” Napanganga na lang ako nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung paano magre-react, now isn’t the right time to talk about that! Bakit kasi naimbento pa ang probity sa school na ‘to, eh.
Gustuhin ko man lumaban at tumulong wala na rin akong nagawa kasi tapos na, hindi ko rin akalain na may darating na mga pulis. Sobrang laki ng gulo na ‘to para sa school, tatanggapin pa ba ako rito? Baka bukas makalawa malaman ko na lang na kick out na pala ako.
“Bumalik ka na sa kwarto, ako na ang mag-aayos ng gulo na ‘to.” Sabi ni dad at mabilis naman akong nayakap ni mommy, tumingin ako sa lahat ng tumulong at nginitian nila ako.
“Ihahatid ka na namin.” Lumingon ako sa likuran at doon nakita ang lima, mukhang nakabalik na rin ng girl’s dorm si Aki dahil nandito na si Alex.
“Bye, Ate.” Paalam ni Third, ngumiti ako at maya-maya lang din ay nakabalik na ako sa dorm pero hindi ko maintindihan kung bakit nandito rin ‘yong lima, hindi ba sila aware na bawal sila rito?
“I told you I’m fine, bakit kailangan niyo pa tumambay rito?” Tanong ko pero parang hindi nila ako naririnig. Tinignan ko naman si Aki, halatang tensyonado siya ngayon. Uh! Nandito nga pala si Zero kaya hindi na nakakabigla ang reaksyon niya.
“Dito ako matutulog.” Biglang sabi ni Xian kaya naibaling ko ang atensyon sa kanya.
“Napagkasunduan na naming ‘tong lima. Dahil sa nangyari mas kailangan natin magdoble ingat, we can’t let our guard down. Ngayon ako muna ang magbabantay, then bukas bahala na kung sino.”
“W-wait. You’re joking right? Alam mong against sa rules and regulations ‘yon.” Lumapit ako kay Xian at saka tinitigan ng diretso sa mata.
“Alam mong hindi ako magsisinungaling, you don’t need to worry about it. Walang makakaalam, okay na ko rito sa lapag. Lagyan na lang ng sapin.”
“Geez! You really don’t need to go that far just to protect me. Aki, share tayo sa kama mo.” Mabilis akong naupo sa tabi ni Aki at tumango lang siya ng marahan. Tense na tense siya masyado.
“Sige na magpahinga na kayo, gusto ko na rin matulog. Thank you for tonight, nag-enjoy ako.” Tumango lang sila at mabilis na umalis habang si Xian ay naupo na sa kama ko. Wala naman akong magagawa sa gusto nila, for sure naman kasi na idea na naman ito ni dad.
“Aki, okay ka lang ba?” Tanong ni Xian.
“H-ha? Oo, ‘yong mga lalaking ‘yon. Bakit nila gustong kunin si Erin?” Tinignan ko siya at saka ngumiti.
“Hindi mo na kailangan malaman, ayoko nang madamay ka pa sa gulo ng buhay ko. Sige na, matulog na tayo.” Ngumiti lang siya at pinatay ko na rin ‘yong ilaw, pakiramdam ko ay sasakit ang katawan ko bukas.
Kinabukasan, maaga pa lang ay bumangon na ako. Sunday ngayon and obviously walang pasok, sure naman ako na alam na ng management ng school ang gulong nangyari last nightㅡnot to mention na anniversary party pa ng school ‘yon. Ugh! Ayokong ma-kick out, gusto ko sa school na ‘to, it’s very unusual.
“Good morning.” Bati ni Xian pagbangon niya, ngumiti naman ako at saka bumati pabalik.
“Babalik na ako sa boy’s dorm, tawagan mo ako ‘pag may nangyari.” Tumango lang ako at mabilis siyang umalis. Dumiretso naman ako sa banyo para maligo na, may mga pasa pala akong natamo mula kagabe.
Pagtapos kong mag-asikaso, agad kong kinuha ang cellphone ko, natawa na lang ako nang makitang may good morning text si Zero, he’s not in his usual self to do thisㅡ
“Gusto ka ni kuya.” The hell? bigla bigla na lang nag-echo ‘yong sinabi ni Third sa isip ko.
“Erin? Bakit ka namumula?” Napalingon ako kay Aki, gising na pala siya.
“H-ha? Wala.” Sabi ko at agad nahiga sa kama, naaamoy ko tuloy si Xian, lakas naman kumapit ng amoy niya sa kama ko.
“Sa tingin mo ba tatanggapin ako ni Zero kapag nag-confess ako sa kanya?” Eh? What’s with the sudden question?
“Uh, I think so. Well, you’re pretty and prim and proper, sinong hindi magkakagusto sa ‘yo? Although wala akong alam sa type ni Zero, lately lang din kasi naging maayos ang relasyon namin bilang magkaibigan. Do you want me to help you?” Ugh stupid! Ang stupid no’n Erin, hindi mo naman kailangan mangialam sa bagay na ‘yon. I’m not in my usual self, really!
“How?” Tanong ni Aki, ngumiti siya na parang interesado siya sa sinabi kong tutulungan ko siya. Wrong move.
“Hmm I don’t know, set up I guess?” Tumayo siya at lumapit sa akin.
“Talaga? Sige. Gusto ko na talaga mag-confess but I don’t have the courage to do it. Sana magkaroon kami ng time na dalawa lang kami.” Tumango ako at saka ngumiti ng pilit.
“Ako bahala, siguraduhin mong ready ka, gagawin ko ‘yong plano mamaya.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at bigla na lang namula. Seriously?!
Ilang oras ang lumipas, pinaghintay ko si Aki sa may bench malapit sa soccerfield, sinabihan ko siyang maghintay dahil gagawa ako ng paraan para papuntahin si Zero.
Sinubukan ko siyang kontakin at ilang minuto bago niya iyon sagutin.
“Bakit ka tumawag?” Bungad ni Zero. Mukhang kagigising lang.
“Puntahan mo ako rito sa may bench malapit sa soccerfield, may sasabihin ako.”
“May nangyari ba?”
“Wala, basta pumunta ka na lang. I’m waiting.”
“Okay, on the way na.” Pagbaba ko ng tawag ay nilapitan ko si Aki at saka sinabing hintayin si Zero.
“Make sure na makakapag-confess ka ha? Maghihintay ako sa cafeteria, goodluck.” Ngumiti siya at saka ako hinawakan.
“Salamat, Erin.” Ngumiti lang ako at tumakbo na rin papunta sa cafeteria. Uh! Am I doing the right thing?
Ilang minuto ang lumipas nang maisipan kong sumilip sa labas, tanaw naman ang soccerfield dito pero bakit parang mag-isa pa rin si Aki?! Ugh. Zero!
Kinuha ko ang phone ko at saka siya sinubukang kontakin pero nanlaki na lang ang mata ko nang may mag-ring na cellphone sa likuran ko.
“What do you think you’re doing, Erin? Akala ko ba sa may soccerfield mo gustong makipagkita? Si Akira lang ‘yong nandoon.” Panandalian akong hindi nakasagot. Er!
“Uh, oo nga. May binili lang ako, sige na hintayin mo ako sa may bench.” Papasok na sana ako sa cafeteria pero hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinarap.
“Give up, Erin. Hindi ako interesado kay Akira.”
“What are you talking about?” Shit! Hindi gumana ‘yong plano ko. Paano niya nalaman? Alam na ba niya na may gusto si Aki sa kanya?
“Junior high pa lang alam ko nang may gusto siya sa ‘kin. You don’t need to help her.” Nanlaki na lang ang mata ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
“Ha? Wala akong alam sa sinasabi mo. Sabog ka ba?” Binitawan niya ang kamay ko pero mas lalo niyang inilapit ang mukha niya hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Uh! ‘yong puso ko, masyadong wild.
“Masakit makita na ‘yong taong gusto ko ay ipinagtutulakan ako sa ibang babae.” The hell? Am I hearing things? Waitㅡnagha-hallucinate na ba ako? The fuck! I didn’t see this coming for pete’s sake!
“W-what?”
“Sabi mo last night, kung may gusto ako sabihin ko. Ito na, sinasabi ko na.” Ngumiti lang ako ng pilit. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko noong nag-confess sa akin si Xian. Uh bakit parang ang hirap huminga? Dahil ba malapit siya sa akin?
“Alam kong may gusto rin sa ‘yo si Xian. Wala akong balak makipagkompetensya, gusto ko lang sabihin ‘yong nararamdaman ko para hindi mo na tulungan si Akira.” Lumayo siya at saka tumalikod sa akin.
“Babalik na ako.” Hindi ko nagawang magsalita. Gusto ko siyang pigilan sa pag-alis but in the end, pinanuod ko lang siyang maglakad palayo. What did just happened? Tinignan ko ang bench kung saan nakaupo si Aki pero wala na siya roon.
Ugh Zero! Anong ginagawa mo? You’re confusing me!