21: Anniversary party.
-
Erin’s POV
Lumipas ang ilang araw, nakakapagtaka dahil hindi ko na naramdaman ang presensya ng red org. I wonder kung pinagpaplanuhan na nilang maigi kung paano ako mapupunta sa mga kamay nila.
“Erin, let’s go.” Aya ni Akira, ngayon na kasi ang anniversary ng academy, wala siyang choice kung hindi si Kevin ang maging ka-date. Weird man pakinggan pero ‘yong lima ang ka-date ko ngayong gabi. Well, wala akong magagawa, sine-secure lang naman nila ang safety ko.
Pagdating namin sa function hall, tumutugtog na ‘yong banda. Unlike the acquaintance, mas marami ang tao ngayon kasi lahat ay pwedeng um-attend. First year to 4th year.
“Erin, tara dito... Nakapwesto na sila ro’n.” Aya ni Aki nang tumuro siya sa isang lamesa kung saan nakaupo sila Chloe at Kevin. Papunta na sana kami roon nang bigla na lang maghiyawan ang mga tao. Napalingon kami sa entrance kung saan nandoon ang lima.
“Sige, Aki. Mauna ka na.” Sabi ko at saka nagpunta sa may entrance. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang tabinging bowtie ni Xian.
“What took you so long?” Tanong ko nang ayusin ko ang bowtie niya. Napansin ko rin na pinagtitinginan kami. Okay, wrong move ‘yon.
“Tara na.” Aya ko at saka nagpunta kung saan nakaupo sila Chloe. Sampung tao kasi ang kasya sa isang lamesa kaya nagsama-sama na kami. Tinignan ko lang si Aki, halatang kinakabahan siya dahil katabi niya si Zero, gusto kong matawa pero deep inside naiirita ako. Lol ano bang nangyayari sa akin?
“Mukha kang babae ngayon.” Komento ni Ze habang nakatingin sa akin, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon.
“Talaga? Well, mukha kang tao ngayon.” Ngumiti ako ng peke at saka tumawa si Jester. Siya lang ang masaya, maliban kasi sa akin ay siya lang ang may lakas ng loob pagtawanan o asarin si Zero.
“You’re laughing too much, Jes.” Puna ni Alex at tumahimik bigla ang paligid dahil huminto sa pagtugtog ‘yong banda. Kasabay noon ay ang pag-akyat ng stage si Tito Axel kasama si Travis at Gino.
“Good evening everyoneㅡ” Panimula ni Tito Axel pero naputol ang sinasabi niya nang may sumigaw.
“Yoyoyo!” Naibaling ni tito ang paningin niya sa entrance, para namang naging estatwa si Tyler.
“Boses ni dad ‘yon, ah?” Sabi niya kaya agad kaming napalingon. Para akong sinabuyan ng malamig ng tubig nang makita si dad, kasama si mom pero hindi lang ‘yon, pati ‘yong parents ng lima. The hell?!!! Sabay-sabay kaming napatayo at tumakbo sa mga parents namin.
Another scene na naman kung saan inaagaw namin ang atensyon ng mga tao. Nakakahiya but deym! Who cares?
“Mom, Dad. The hell? Bakit kayo nandito?” Hindi makapaniwalang tanong ko, hindi nila ako sinagot agad pero niyakap lang ako ni mommy.
“Anniversary ng former school namin kaya naisip namin na mag-reunion.” Paliwanag ni Tita Ayesha kay Xian. Okay, that’s weird.
“Mawalang galang na sa mga gurang d’yan sa may entrance. Maupo kayo, nag-speech ako rito. ‘Wag niyo agawin ‘tong moment ko na ‘to gaya ng ginawa niyo noong graduation.” Seryosong sabi ni Tito Axel kaya naman umalis na kami sa entrance at naupo ang mga parents namin sa katabing lamesa, bumalik na rin kami sa mga upuan namin.
“So again good evening students. ‘Yong mga gurang na nakita niyo kanina ay mga alumni ng Monstrous Academy. Tonight’s the anniversary of our beloved school, enjoy the rest of the night and let’s get wild.” Bumaba na si Tito Axel kasama sila Travis, dahilan para mag-ingay ang mga estudyante. Hindi na rin naman ako nabigla mang makitang dumiretso sila sa lamesa kung nasaan sila dad.
“Oh my god! Unexpected ‘to.” Kinikilig na sabi ni Akira, ayan na naman siya sa pagiging fangirl niya.
“Nakakainggit.” Nakapalumbabang sabi ni Kevin. Maya-maya pa ay may lumapit kay Chloe, hawig na hawig niya ‘yong lalake at waitㅡmedyo pamilyar.
“Tito Jin, Tita Pink.” Puna ni Jester sabay beso. Malawak naman ang naging ngiti ni Chloe. Tama, isa si Tito Jin sa mga kaibigan ni dad. Anak pala nila si Chloe? So, I guess I can really trust her?
“Mom, dad. Bumyahe kayo rito? Sino naiwan sa bahay natin sa Japan?” Tanong ni Chloe.
“Si baby at ‘yong dalawang katulong.. Sige na enjoy niyo ‘yong party, puntahan lang namin ‘yong iba.” Sabi ni Tita Pink at saka lumapit sa lamesa kung nasaan ang ibang alumni.
Tahimik lang si Zero kaya hindi na ako nabigla.
“Hi, Ate.” Agad akong napalingon sa yumakap sa akin.
“Third!” Tumayo ako at saka siya pinaupo sa bakanting upuan na nasa tabi ko. Agad naman nakipagpalit ng pwesto si Zero kay Alex para katabi rin niya si Third. Napuno ng kwentuhan ang buong lamesa kung nasaan kami at gano’n din sa pwesto ng mga parents namin. I feel like I’m dreaming. Seriously, ang saya sa pakiramdam.
Nagiging malapit na rin sila Chloe, Kevin at Aki sa apat, si Zero kasi kay Third lang nakalaan ang atensyon. Parang halos kaming tatlo nga lang ang nag-uusap.
“Ate Erin, sayaw tayo.” Aya ni Third at agad kaming tumayo. Nagsayaw kami sa gitna, sa maigsing panahon napamahal na talaga sa akin ‘tong bata na ‘to.
“Ate, may secret akong sasabihin pero pangako mo na hindi mo ‘to ipagsasabi sa iba ha?” Sabi niya at nakangiti akong tumango.
“Gusto ka ni kuya.” Naubo ako bigla sa sinabi niyang iyon kaya tinapik-tapik niya ang likuran ko bago magpatuloy sa pagsasayaw.
“Nakakasamid naman ‘yong joke mo.”
“I’m telling the truth. Lagi ka niya kinukwento sa akin, bukang bibig nga niya ‘yong pangalan mo. Sabi niya sa ‘kin bata pa lang gusto ka na niya, gustong gusto ka niyang inaaway kasi ang cute mo raw kapag galit. Nagalit rin siya sa ‘yo kasi iniwan mo raw siya noon ng walang pasabi kaya no’ng bumalik ka, hindi niya alam kung paano ka haharapin at paano pa kokontrolin ang feelings niya..”
“..Sinubukan nga raw niyang maging cold sa ‘yo pero ang hirap daw.. Er, kapag nalaman ni kuya na sinabi ko sa ‘yo lahat ‘to, panigurado magagalit ‘yon.” Tahimik lang akong nakikinig sa kwento ni Third. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.
“Natatakot lang daw siya umamin sa ‘yo kasi alam niyang mahal ka rin ni Kuya Xi. Alam mo ba na gusto din kita, hehe kung matured lang ako katulad mo, liligawan kita eh. Kaso ayokong dagdagan ang karibal ni kuya.” Natatawang sabi ni Third. Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya.
Hindi nawawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sure naman ako na hindi mag-iimbento ng kwento si Third kaya napatingin ako sa lamesa namin kung saan nakita kong pinapanuod kami ni Zero. Pakiramdam ko ay nag init ang mga pisngi ko nang magtama ang paningin namin kaya umiwas ako ng tingin. The hell, Erin? Anong nangyayari sa ‘yo?!
“Third, pwede ko ba mahiram ‘yong maganda kong anak?” Biglang sabi ni daddy nang sumulpot ito sa gilid namin.
“Opo, Tito Thunder. Bye, Ate Erin.” Ginulo ko ang buhok ni Third at saka nakipag sayaw kay dad. I bet alam na nila ‘yong nangyari sa amin noong nakaraang araw. Kahit naman hindi sabihin sa akin ng lima, alam kong lagi nilang ina-update si dad.
“Parang nakita kong nag-blush ka kanina. Inlove?” For the second time nasamid ako. Seriously! Ang dilim sa kinatatayuan namin, nakita niya pa ‘yon?
“You’re just like your mom, naikwento niya na ba sa ‘yo noon na lima rin ang naging ka-date niya sa party?”
“Yeah, doon nga raw nangyari ‘yong first kiss niyo at dahil sa kanya nasira ‘yong party. What if, sirain ko rin ‘tong party, Dad? What do you think?” Tinaas-taas ko ang kilay ko habang naka-evil smile.
“Gusto ko ‘yan pero nand’yan mommy mo, mayayari ako.” Sabi ni dad at sabay na lang kaming natawa. Maya-maya ay nagpaalam siyang isasayaw si mommy, babalik na sana ako pero nilapitan ako ni Xian. Kami naman ang nagsayaw.
“Yong mga parents natin, napaka-unexpected.” Aniya at sumangayon ako. Seryoso lang kaming nagsayaw habang nakatingin sa isa’t isa but something’s odd. Why again?
“Erin, anong problema?”
“Someone’s staring at me, sa malayo. May nagmamasid sa akin.” Lumingon lingon sa paligid si Xian pero hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi para iharap ulit sa akin.
“It’s okay, let’s just enjoy the partyㅡ”
“Paano natin ma-e-enjoy kung alam nating anytime pwedeng may umatake sa ‘yo?” Nagkibit balikat lang ako habang nakangiti pero nanlaki na lang ang mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“W-why?” Nauutal kong tanong pero hindi siya sumagot. The next thing I know? Nakatayo na sa gilid namin si Zero kaya lumayo na si Xian.
“Hindi safe rito, let’s go. Maraming tao ang madadamay. Sabi ni Tita Rain, may nakita raw siyang lalaki na may dalang baril. Hindi siya nag-iisa.” Sabi ni Zero, dahilan para mapatingin ako sa lamesa kung nasaan sila dad. Nakatayo na silang lahat.
“Lalabas tayo, si Alex na bahala kila Akira. Let’s go.”
“Si Third, paano si Third?” Nag-aalala kong tanong.
“Kasama niya si mommy, tara na.” Aya niya at mabilis kaming lumabas ng function hall. Hinawakan ni mommy ang mga kamay ko. She’s mad, I can see it in her eyes.
“It’s okay, Erin. Poprotektahan kita. Tamang tamang lang ang plano namin ng daddy mo.” Hindi ko na nagawang tanungin pa si mommy, obvious naman na alam nilang mangyayari ‘to. Sabi na at hindi lang simpleng reunion ang ipinunta nila rito.
“Beb, Pink. Kayo muna bahala kay Erin. Sasama ako kila Thunder sa pakikipaglaban. Marami nang red org sa paligid, sila Axel at Amanda na ang bahala sa mga estudyanteng nasa function hall, Tymee let’s go...” Mabilis akong nahatak ni Tita Ayesha palayo kay mommy. Nakita ko rin ang baril sa bulsa niya. Shit! Anong binabalak niya? Makikipagbarilan sa red org with the rest of dad’s gang?
“Tita, sorry...” Mabilis kong natabig ang kamay ni Tita Ayesha at kumaripas ng takbo papunta sa puno kung saan nakita kong may nagmamasid sa akin. Mabilis ko itong hinampas sa batok at kinuha ang baril na hawak niya.
“Erin! What are you doing?” Tanong ni mommy kung saan nakapwesto na sila sa dulo ng field at malayo sa function hall.
“Sorry, Mom. I can’t let you do this alone. Ako ‘yong target nilaㅡ”
“Stay behind my back, kahit anong mangyari ‘wag kang aalis d’yan sa likod ko.” Biglang sumulpot si Zero sa harapan ko. Lumingon ako kung nasaan sila Xian, may mga hawak din silang baril. Are they serious about this?! Gagawin talaga naming battlefield itong school? I mean, yes... I want to ruin the party pero hindi sa ganitong paraan.
“Labas!” Nakakatakot na sigaw ni dad at nanlaki na lang ang mata ko nang makitang nagsisulputan ang mga red org. Lagpas pa sila sa bente, gagawin talaga nila ang lahat para makuha ako. Kahit ano namang gawin nila ay hindi ko maibibigay ‘yong code dahil nakalimutan ko na. For goddamn’s sake, na-trauma ako noong araw na ‘yon. In-expect ba talaga nilang matatandaan ko ‘yong mga numero na pilit pinapakibasado sa akin?
“Drop your guns.” Sabi ni Tito Jiro, nakikipagsundo sila na walang gagamit ng armas dahil nga nasa ekswelahan kami. I wonder kung pagtapos nito, makakapasok pa rin kaya ako sa academy na ‘to?
“I’ll let you get my daughter, ‘yon ay kung kaya niyo.” Sabi ni mommy at mabilis nilang binaba ang mga hawak nilang baril, gano’n din ang red org kaya wala na ring nagawa sila Zero kung hindi ang lumaban gamit lang ang mga katawan nila.
“Yown! Let’s go mga yokai!” Sigaw ni Tito Jasper at mabilis silang nakipaglaban, napapa-wow na lang ako sa nakikita ko, it’s my first to watch them fighting, idagdag pa na kasama nila si mommy at Tita Tymee. Ang cool!
I need to make an appearance, ako ang bida ngayong gabi kaya kailangan ko rin makipaglaban, hahakbang na sana ako pero mabilis akong nilingon ni Zero.
“I told you to stay behind my back, hahalikan kita kapag umalis ka d’yan.” Seryosong sabi niya at natigilan ako, pinanuod ko na lang kung paano niya paduguin ang ilong noong lalaking sumugod sa amin. Seriously! ako bida rito, kailangan kong mag-stand out!
“Sorry pero hindi nakakatakot ‘yong banta mo.” Natatawang sabi ko at saka sinipa ang lalaking pasugod sa gilid niya, and just like thatㅡnakikipaglaban na rin ako kasama sila Xian at dad. This is the best night of my life!