26: A not so date.
-
It’s been what? 3 days? Yeah. 3 days na ang nakalipas ng mawindang ang buong pagkatao ko. I’m planning to be the version of myself again, making friends? Yes. Pero attachments? Never!
I’m always been the bad girl and cold hearted, kaya ko pa rin namang gawin ang mga ‘yon.
Today is Friday kaya suot ko na naman ang nakakairitang jacket ng intrepid, I’m currently on my way to the headquarter and guess what? Kasama ko ang nakakairitang si Josh.
“Bakit mo aba ko sinusundan? Wala kang friends?” Nilingon ko siya at nag-peace sign lang siya habang nakangiti.
“Come on, we’re friends.” Napairap na lang ako, never akong makikipagkaibigan sa ‘yo. Tch! Not to mention na kinidnap mo ang inosenteng si Third noon.
Pagpasok namin sa headquarter ay agad kaming dumiretso sa training room kung saan marami nang estudyante ang may kanya-kanyang activity na ginagawa. Maya-maya pa ay pumasok ng kwarto si Travis dala ang isang pulang papel.
“Listen guys! Find your partner. Opposite gender, magkakaroon tayo ng special activity today. Nakasalalay ang rank niyo rito.” Saktong pagsabi niya no’n ay nilapitan ako ni Zero, nag-uusap na kami ulit ngayon pero hindi na kami tulad ng dati, bumalik kami sa pagiging cold sa isa’t isa.
“Be my partneㅡ”
“Sorry, may partner na ako.” Hinatak ko si Josh at magsasalita pa sana siya pero kinurot ko na ang tagiliran niya bago pa soya magsabi ng hindi maganda sa harap ni Zero.
“Si Lexy, bakit hindi mo ayain?” Tanong ko pero bigla na lang siyang umalis. Agad naman nagpunta sa harapan ko si Josh at ngumiti.
“May gusto ka ba sa ‘kin?” Natawa na lang ako sa tanong niya.
“Kapal ng mukha mo.” Inirapan ko siya at saka naupo sa gilid habang naghihintay sa instructions ni Travis about sa activity. Naalala ko bigla na mamaya na pala iyong date namin no’ng pangit na si Jester.
Sabi niya ay lalabas lang kami at kukuha ng pictures para may maipakita siya kila Tito Jasper at Tita Emerald na nagde-date kami. Ang weird ng pamilya nila, well ano bang aasahan mo kay Tito Jasper. Akala mo matino at seryosong tao pero magugulat ka na lang kung ano anong nonsense ang sinasabi. But still, he’s funny.
“Okay, listen. Bawat mag-partner ay kakabitan ko ng posas at kailangan niyong malagpasan lahat ng obstacles ng magkadikit. Ang pares na makatatapos ng mabilis na oras, madadagdagan ang score at makakaapekto ‘yon para tumaas ang mga rank niyo.”
“Well, who wants to go first?” Walang sabi-sabi nagtaas ng kamay si Josh at saka ako hinatak papunta kay Travis. Pareho niyang inabot ang kamay namin para makabitan na ng posas.
“Jollibee ka ba?” Iritang tanong ko sa kanya.
“Okay na ‘yon, para tayo ang mag-set ng record.” sabi niya at napailing na lang ako. Kinabitan na kami ni Travis ng posas at saka kami pumwesto sa starting point ng obstacle. Nanlaki na lang din ang mata ko nang hawakan ni Josh ang kamay ko.
“Mas madadalian tayo kapag ganito at saka para maiwasan natin mahatak ‘yong posas.” Napairap ako sa sinabi niya dahil may point siya.
Maya-maya ay nagbilang na si Travis. Mabilis kaming tumakbo ni Josh at sabay na tumapak sa stepping stone, gumapang sa tunnel, naglakad sa balancing bridge, umakyat sa apex ladder at sumabit sa monkey bar. This was so easy! Akala ko ay tapos na pero hindi pa pala, sa dulo ng mga obstacle ay nag-aabang si Travis. Hawak ang isang plato kung saan maraming susi.
“Unlock that handcuffs and you’re done.” Aniya at mabilis akong kumuha ng susi at saka sinubukan buksan, gano’n din si Josh. Nagpapasalit salit lang kami hanggang makita ko na ‘yong tamang susi. Pag-alis na pag-alis ng posas sa mga kamay namin ay mabilis akong niyakap ni Josh. Tumalon talon kami at kumalas din agad.
“We did it!” Nakangiting sabi niya at tumango lang ako habang nakangiti.
“Let’s talk.” Mabilis akong nahatak ni Zero pero nahawakan din ni Josh ang isa ko pang kamay.
“You don’t need to drag her.”
“Ano bang pakialam mo?! Kilala ko pagkatao mo, Josh. Kung may binabalak kang masama, itigil mo na ngayon pa lang.” Bumitaw si Josh at saka ako tuluyang hinila ni Zero hanggang sa makalabas na kami ng training room. Sinandal niya ako sa hallway at saka kinorner gamit ang dalawa niyang braso.
“Ano bang problema mo?!”
“Hindi mo kilala si Josh! Stop hanging out with him... Please.” Yumuko siya at saka sumandal sa balikat ako. Bakit umaarte siya ng ganito ngayon?!
“Please, Erin. This is for your own safety. Just listen to me.” Dagdag niya ngunit hindi ako kumibo, hindi ko magawang magsalita.
“Erin…” Inangat niya ang ulo niya at saka ako tinignan, nanlaki na lang din ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko at pagkalas niya sa halik ay tinignan niya ako ng diretso sa mata.
Wala siyang sinabing kahit na ano, umalis lang siya at iniwan ako na parang wala lang ang ginawa niya. What the hell was that for?! Tinignan ko siyang makalayo at mapahawak na lang sa labi ko.
Is he crazy?! Paano niya ako nagawang halikan ng gano’n and in the first place bakit niya ginawa ‘yon gayong karelasyon niya ang kaibigan ko.
ㅡ
“It’s very unusual for you to space out. May nangyari ba?” Tanong ni Jester, naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.
“Nothing, saan pala tayo pupunta?” Sumakay siya sa motor niya at saka ako inabutan ng helmet.
“Secret.” Napailing na lang ako at saka sumakay sa motor. Alas tres na ng hapon, saan naman kaya balak pumunta ng lalaking ‘to? Paglabas ng academy ay agad akong napayakap sa kanya. Galit na galit magmaneho.
“Hoy! Gusto ko pa mabuhay!” Sigaw ko pero mas lalo pa niyang binilisan ang pag-drive. Halos abutin din kami ng 20 minutes sa byahe, huminto kami sa isang maliit na establishment. More of, isang club?
“Seryoso ka ba? Hapon? Club?” Tanong ko pagbaba namin, hindi niya ako sinagot at pumasok lang sa loob. Walang tao rito maliban sa amin, naupo siya sa isang upuan at saka ipinahinga ang ulo niya sa lamesa habang nakatingin sa akin.
“Nababaliw ka na ba? Anong gagawin natin dito?”
“May ginawa akong kanta, gusto ko iparinig sa ‘yo. Actually gagamitin ko siya sa panliligaw.” Tinaasan ko lang siya ng kilay. May ipaparinig lang pala, eh bakit dito pa?
“Sino namang liligawan mo?” Kinaway niya yung hintuturo niya na nag lsasabing hindi niya ipapaalam sa akin. Napabuntong hininga ako at naupo na sa harap niya.
“Say it, or else tatawagan ko si Tito Jasper.” Banta ko nang ilabas ko anng phone ko.
“Okay okay, galing siya sa America, sa Athlos University siya nag-aaral at next month babalik na siya sa Pilipㅡ”
“Athlos you say?! That’s my former school. Are you kidding me?”
“No. I’m not, actually kilala mo siya.” Nilabas niya ang phone niya at may ipinakitang picture. Nanlaki na lang ang mata ko nang makita ang teammate ko sa women’s basketball team. We’re not close pero kilala ko siya.
“Si Jennie?! Seriously? Paano mo siya nakilala?”
“Si Jennie?! Seriously? Paano mo siya nakilala?”
“Well... Kung hindi mo alam, anak siya ni Tito Ramon.” Now that he mention it, Kim din ang apelyido ni Jennie. What the hell?! Bakit hindi ko alam ‘yon? Gano’n na ba ako kawalang pakialam sa paligid ko noon?
“Are you serious?!”
“What? Do I look like I’m joking?” Seryosong tanong niya at hindi na ako sumagot pa.
“Nagbago na isip ko, hindi ko na ipaparinig. Let’s go.” Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at saka hinila papunta sa motor niya, bumyahe na naman kami at huminto sa isang maliit na ice cream store pero pagpasok namin ay hindi ko akalain na sila ang makikita ko.
“Oh Zero, Akira. Kailan pa kayo naging close?” Tanong ni Jester. WaitㅡWhat? Hindi niya alam?
“Bakit magkasama kayo? Saan kayo galing?” Seryosong tanong ni Zero. Uh what a perfect timing! Ang awkward nito, matapos ng nangyari kanina... Hindi ko alam kung paanong haharapin si Akira ng normal. I mean, her boyfriend kissed me!
“Bakit mo ako dinala rito? Ayokong mag-ice cream.” Reklamo ko at saka ako tinignan ni Jester ng masama. Bigla niya akong inakbayan at saka ni-wrestling ang ulo ko.
“Alam mo kanina ka pa, eh! Sinisira mo mga plano ko sa date na ‘to, eh!”
“Aray ko, ano ba? Isusumbong talaga kita kay tito.” Reklamo ko habang pilit siyang nilalabanan.
“Magsumbong ka, sasamahan pa kita.”
“Ah talaga lang ah?” Mabilis kong nilabas ang phone ko bago kinuhaan ng picture ang pinaggagagawa niya sa akin.
“Ipapakita ko ‘to kila tito.” Binitawan niya na ako at saka kami nagtawanan, nakalimutan naming nasa harap pala kami nila AkiraㅡAnd there’s Zero na mukhang badtrip. What’s with him all of a sudden?
“You’re on a date?” Tanong ni Akira at tumango naman ako ng tipid.
“Then... We’ll go ahead, enjoy your date.” Sabi ko at saka hinatak si Jester palayo.
“Teka. Nagde-date sila?” Tanong niya paglabas namin.
“Obvious ba? Sila na kaya, wala kang alam?”
“No way! Si Zero? Tch. Do you really think na magugustuhan niya si Akira? Hello, Erin. Bulag ka na ba? Hindi mo ba nakikitang hindi masaya si Zero? Gano’n ba ang itsura ng in love?” Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Actually wala na akong pakialam, it’s not my business anymore.
Do as they please, masaya na akong ganito.