Monstrous Academy 2&3 Chapter 27

27: Birthday camp (part1)

-

“Erin?” Tawag ni Akira nang lapitan niya ako rito sa kama ko.

“Galit ka ba sa ‘kin? Napansin ko kasi na hindi mo ako masyadong kinakausap.” Dagdag niya kaya naman bumangon ako at saka siya tinignan.

“What do you mean? Ganito naman na talaga ako dati pa. Kinakausap lang kita kapag kinakausap mo ako.” Ngumiti siya ng tipid at saka hinawakan ang kamay ko.

“Okay. I’ll be honest with you, naiilang ako, remember that day? ‘Yong tinulungan mo ako para makapag-confess kay Zero?” Tumango lang ako sa tanong niyang ‘yon kahit hindi ko alam kung bakit pinag-uusapan pa namin ‘to.

“Narinig ko ‘yong mga sinabi ni Zero sa ‘yo that time. That day, nakita ko siya sa malayo and I was expecting na sa soccer field siya pupunta pero ibang daan ang nilalakaran niya. Sa cafeteria, nandoon ka that time kaya tumakbo ako papunta roon at nagtago...”

“...I heard everything at aaminin ko na nasaktan ako pero hindi ko magawang magalit sa ‘yo.”

“Akira, you really don’t need to explain. Infact, I really don’t care. Kayo na ‘di ba? Kaya okay na ‘yon at saka isa pa, ‘yong mga sinabi ni Zero noon, puro kasinungalingan lang ‘yon.” Ngumiti siya ng malawak at saka nag-umpisang magkwento.

Sabi niya ay nabigla rin siya sa mga pangyayari, na kesyo hindi niya in-expect na tatanungin siya ni Zero kung pwede raw ba siya maging girlfriend. Mabilis daw ang pangyayari and I can see na masaya talaga siya, para sa akin sapat na ‘yon. Hindi ko na kailangan i-stress pa ang sarili ko sa mga nangyayari.

Sabi ko nga, do as they please. Wala akong pakialam. But that really sounds so bitter. My God!

“Nag-date ba talaga kayo ni Jester kanina? Hindi ko talaga in-expect ‘yon, ang alam ko kasi ay may gusto sa kanya si Chloe, eh. But I’m not sure.” Napangiwi na lang ako. Si Chloe? Really?

“Yeah date ‘yon pero hindi naman talaga, ginagawa niya lang ‘yong gusto ng parents niya kaya lumabas kami kanina. And now that you mention it, lalabas muna ako. Pupuntahan ko si Chloe.” Agad akong tumayo at lumabas, dumiretso ako sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Chloe.

“Oh! Erin.” Bungad niya sa akin nang pagbuksan ako ng pinto. Pinapasok niya ako sa loob at napansin na mag-isa lang siya roon.

“Wala kang roommate?” Tanong ko nang maupo ako sa kama.

“Meron kaso nag-drop out siya kanina, mukhang hindi niya na kinaya rito. Alam mo naman, hindi lang kapansin-pansin pero marami pa ring nabu-bully rito. Anyways, bakit ka pala napapunta rito? Did something happened?”

“May gusto ka ba kay Jester?” Diretso kong tanong, dahilan para manigas siya mula sa kinatatayuan niya. She’s like an open book, obvious naman ang sagot sa tanong ko.

“Hello! Chloe, are you still there?” Tanong ko at bigla na lang siyang tumalon sa kama at hinawakan ang balikat ko habang nakatingin ng diretso sa mata ko. She’s blushing too much.

“Okay, hindi mo na kailangan sumagot. Obvious naman na, eh.”

“My God! Erin, paano mo nalaman? Shit. ‘Wag mong ipagsasabi sa iba, okay? Sa atin lang ‘to. I trust you, please tayo lang makakaalam.”

“Okay kalma. I really don’t want to break your heart pero may balak ligawan si Jester. That’s sad , you know? Well... baka gano’n talaga ang mga aberrant, malas ang love life. ” Natawa ako nang sabihin ko ‘yon habang si Chloe ay nakatitig lang sa akin.

“Wait. ‘Wag mong sabihing broken hearted ka? What happened? Ah, I know.” Tinignan ko lang siya at nag-abang sa susunod niyang sasabihin.

“Si Zero, right? Noong papunta tayo sa infirmary. It’s okay, Erin. Tutal pareho naman tayong hindi gusto ng gusto natin, tayo na lang.” Niyakap niya ako pero tinulak ko siya na parang nandidiri.

“Ew. Alam kong maganda ako but I’m not into girls.” Natawa na lang kami pareho. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa kwarto ni Chloe at nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan.

First day of school pa pala siya may gusto kay Jester, nakakatuwa lang kasi mas lalo kami naging close and for some strange reason. Mas pinagkakatiwalaan ko pa siya ngayon kaysa kay Akira. Well it’s really strange or sadyang bitter lang ako? Grr.

Kinabukasan, inaya ako ni Akira pumunta sa harap ng gym, may sasabihin daw kasi si Kevin. Hindi ko naman inaasahan na pagpunta namin doon ay makikita ko ang grupo nila Zero at Josh. Nandoon din si Chloe. What the hell?!

“Yes! Kumpleto na.” Nakangiting sabi ni Kevin.

“Bakit mo ba kami pinapunta rito?! Kung hindi lang kay Akira hindi ako susunod, eh.” Ani Zero at parang gusto kong manakit ng tao.

“Well... Birthday ko ngayon. Yey! Happy birthday to me.” Siya lang ang tanging masaya kaya hindi ko napigilan ang matawa.

“Yey! Rest in peace.” Sabi ko at mabilis niyang nayakap ang braso ko.

“Ang sweet mo talaga, sweetie.”

“Shut up! Ano naman kung birthday mo?” Tanong ko nang alisin ko ang braso niya sa braso ko.

“Weekend naman kaya aayain ko sana kayo mag-camp, sagot ko lahat. May alam akong place, sa villa namin.”

“Eh bakit kasama pa ‘tong mga pangit na ‘to?” Tanong ni Jester sabay turo sa grupo nila Josh.

“Eh kasi classmate ko sila. Sige na please oh, ‘wag na kayo mag-away. Sumama na kayo. Birthday gift niyo na lang sa ‘kin, please?”

“Nananadya ka ba?” Tanong ni Alex.

“Okay teka kalma. Pagbigyan na natin si Kevin, kawawa naman eh.” Ani Chloe.

“Oo nga saka promise, hindi kami gagawa ng gulo. I told you we’re here to make friends with you and infact, magkaibigan na nga kami ni Erin, eh.” Sabi ni Josh nang akma siyang lalapit pero tinakpan ko na ang mukha niya bago pa siya makalapit sa akin ng tuluyan.

“So what’s the plan?” Tanong ko kay Kevin nang lingunin ko siya sa gilid ko.

“Maaga pa naman, eh. Mamayang 5:00 p.m kita-kita tayo ulit dito. Bali Monday na tayo ng umaga makakauwi.” Paliwanag niya at sumangayon naman ang lahat. Bigla naman akong nilapitan ni Xian at saka may binulong.

“Si Akira at Zero na ba talaga?” Tanong niya at tumango lang ako. Pagtapos no’n ay napagdesisyunan na ng lahat na bumalik sa kanya kanyang kwarto para makapaghanda ng gamit. Wala ng plano-plano. Bahala na ‘yong birthday boy, sagot naman niya lahat eh.

Ilang oras ang nakalipas. Nakapag-impake na kami pareho ni Akira, sabay na rin naming dinaanan si Chloe sa kwarto niya para magkakasama na kaming pumunta sa meeting place. Pagdating namin, kami na lang pala ang kulang.

“Nasa labas na raw ‘yong mini bus namin. Tara na?” Excited na aya ni Kevin at nagsimula na kaming maglakad paalis.

“Erin.” Nilingon ko si Xian at nabigla na lang ako nang tanggalin niya ang bag ko sa pagkakasabit sa balikat ko.

“Bakit?”

“Ako na magdadala. Parang mas mabigat pa sa ‘yo ‘yong bag mo, eh at ito... Suotin mo ‘yan.” Inabutan niya ako ng jacket. The hell? Ang init kaya.

“Sige na suotin mo na. Kapos na naman sa tela ‘yang suot mo. You're surrounded by boys, it’s not appopriate.” Uh, he’s lecturing me again. Na-miss ko ‘yon.

“Hay hay. Ito na po.” Sinuot ko na ang jacket at sabay kaming naglakad. Nasa kaliwa ko siya habang nasa kanan ko naman si Chloe.

“Buti kahit walang Zero may Xian ka.” Bulong niya.

“Shut up! Gusto mo tawagin ko si Jester?” Mahina kong banta at umiling lang siya. Napalingon naman ako sa likuran kung saan magka-holding hands si Akira at Zero. Sila Josh at ang mga kagrupo niya naman ay may kanya kanyang mundo. Gano’n din sila Tyler, Alex, Jester at Kevin.

Pagdating namin sa labas ng academy ay naroon na nga iyong mini bus na sinasabi ni Kevin. Isa-isa na kaming umakyat sa loob.

“Alex, doon ka maupo sa tabi ni Tyler.” Sabi ko nang itulak ko siya paupo.

“Hoy pangit, dito ka na umupo para may katabi si Chloe.” Hinatak ko ‘yong bag ni Jester at saka sapilitang pinaupo. Sinamaan naman ako ng tingin ni Chloe pero kumindat lang ako.

“Sweetie.” Tawag ni Kevin.

“Erin.” Tawag ni Josh.

“Tabi tayo.” Sabay na sabi noong dalawa pero nginitian ko lang sila ng pilit.

“Bakit hindi na lang kayong dalawa ang magtabi?” Sako sabay upo sa tabi ni Xian. Nasa bandang dulo kami at gano’n din sila Zero, not to mention na nasa kabilang side lang sila ni Aki. Nice nice!

“Matulog ka muna.” Rinig kong sabi ni Zero sabay hawak sa ulo ni Aki. What the fuck?! Bakit kasi tumitingin pa ako? Ugh! Naalala ko na naman iyong ginawa niyang paghalik sa akin. What an asshole.

“Erin.” Saktong paglingon ko kay Xian ay tumusok ang daliri niya sa pisngi ko. Nginitian niya pa ako.

“Sa ‘kin ka lang tumingin.” Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Ngumiti naman ako at nakipagpalit ng pwesto sa kanya dahil gusto ko na malapit ako sa bintana.

Tahimik ang naging byahe, nasa tapat lang namin si Jester at Chloe na hindi man lang nag-uusap.

Maya-maya ay biglang humarap sa akin si Xian. Hinawakan niya ang buhok ko at may kung anong ipinatong doon.

“Cute. Bagay sa ‘yo.” Komento niya at nang tanggalin ko. Isang cap na kulay puti na may design na tainga ng bear? Ewan basta.

“Suotin mo ‘yan para naman maranasan mo maging cute sa buong buhay mo.” Sinamaan ko siya ng tingin nang sabihin niya ‘yon pero nginitian niya lang ako.

“Lagi ka na lang kasing maganda, eh.” Dagdag niya pa sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.

“Ang cheesy mo, sarap mong ihagis sa bintana.” Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Nagtawanan lang kami hanggang sa magsalita si Zero.

“Ang ingay niyo.” Seryosong sabi niya pero hindi namin siya pinansin. Nagpatuloy lang kami ni Xian sa pang-aasar sa isa’t isa na tila kami lang ang nasa sasakyan.

Hindi ako nagsisisi na naging honest ako kay Xian, nasaktan ko man siya. May parte pa rin na masaya ako dahil hindi niya ko iniwan, close pa rin kami at nanatiling mag-bestfriend despite of what happened.

“Hey Xi, Thank you.” Nakangiting sabi ko at nginitian niya lang ako pabalik, pagtapos no’n ay sinandal niya ang noo niya sa noo ko. Medyo nagulat pa ako dahil akala ko ay hahalikan niya ako.

“Kung nasasaktan ka, nandito lang ako.” Mahinang sabi niya at napapikit na lang kaming pareho. Sana makahanap si Xian ng magmamahal sa kanya ng sobra at kung sino man ang babaeng ‘yon. Sobrang swerte niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.