31: Finding the traitor.
-
What the fuck?! Awtomatiko ko na lang na naibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi niyang iyon.
“What the hell, Zero?!” Sigaw ko ngunit tipid siyang natawa.
“I’m just kidding.” Aniya at saka yumuko habang nakasara ang mga kamao niya. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon.
“Humarap ka nga sa ‘kin. Anong problema? You’re acting really weird, nag-away ba kayo ni Aki?” Tanong ko. Tumingala naman siya at saka binaling sa akin ang tingin.
“Hindi kami nag-away, it’s just that... Nahihirapan na ako.”
“Nahihirapan saan? Kanina ka pa nagsasalita ng kung ano-ano. Kanina nag-sorry ka ng walang dahilan, what’s the problem?” Tanong ko. Tumayo naman siya at saka naupo rito sa kama katabi ko.
“Nothing, matulog ka na.” Ginulo niya pa ang buhok ko habang nakangiti. Nag-iba talaga ang aura niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
“It’s still early, hindi pa ako makakatulog.” Sabi ko at saka sumandal sa headboard ng kama.
“Just tell me what’s the problem. I’m all ears.” Tinignan ko lang ang likuran niya at hinintay siyang magsalita pero wala siyang kahit anong sinabi kaya binato ko siya ng unan.
“Aray ah!” Reklamo niya sabay bato sa akin noon pabalik. Napipikon na ako sa lalaking ‘to kanina pa. Tumayo ako at hinampas siya ng malakas sa ulo. Tumayo rin naman siya at kumuha pa ng isang unan para hampasin din ako.
“Napaka-ungentleman mo!” Sigaw ko.
“Napaka-amazona mo naman!” Sigaw niya at masyado na yatang malakas ang pagkahahampas ko dahil bumulagta siya sa kama habang nakapikit.
“Hey! Zero, wake up!” Sinampal sampal ko ng mahina ang pisngi niya para magising.
“Zero, stop joking around.” Inangat ko ang talukap niya at saka hinipan ang mata niya pero hindi pa rin talaga siya gumagalaw.
“Zerㅡ” Bigla siyang dumilat at itinulak ako, dahilan para mapahiga ako. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang nasa ibabaw ko na siya. What the hell?!!
“Kinabahan ka ‘no?” Natatawang tanong niya pero hindi ako nakakibo. Pakiramdam ko ay sasabog na sa pula ang mukha ko. Wala akong ideya kung anong ekspresyon mayroon ako sa mga oras na ‘to.
“You really think it’s funny? Susuntukin talaga kita nang tuluyan kang mawalan ng malay.” Inirapan ko siya at saka itinulak. Naupo ako at sumandal naman siya sa headboard habang nakangiti sa akin.
“Nakaka-miss kang makasama.” Fuck! Ayan na naman siya sa mga weirdong pananalita niya. What’s his deal this time? But well...
“Yeah. I miss this, too. So tell me, anong feeling ng ma-in love? Kwentuhan mo naman ako.” Sabi ko at saka sumandal din sa headboard.
“Mahirap na masaya. Mahirap kasi hindi ko masabi ‘yong mga gusto kong sabihin, hindi ko maipakita kung gaano ko siya kamahal pero masaya pa rin dahil kahit papaano... Nakakasama ko siya.” Nilingon ko siya at saka hinampas ng mahina.
“Bakit hindi mo masabi? Lagi mo namang nakakasama si Akira. Tch! Mahina.”
“Kung alam mo lang.” Naiiling niyang sabi bago ako nilingon.
“You’re really weird.” Tinawanan niya na lang ang sinabi ko and just like thatㅡpareho kaming natahimik.
Zero’s POV
Parang may mabigat na bakal ang nakapatong sa dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakitang mahimbing na natutulog si Erin habang nakayakap sa akin. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan siya.
Ang payat pero ang bigat ng braso, medyo natawa ako at ipinahinga ko ang ulo ko sa kamay ko. Sana ay huminto ang oras, alam kong mali ito kaya maaga pa lang ay sasabihin ko na kay Akira ‘yong totoo. Alam kong masasaktan siya pero handa akong tanggapin lahat. It’s my fault anyway, I’m such an asshole.
But stillㅡgagawin ko ang lahat para hindi na malayo sa akin si Erin, kahit buhay ko pa ang kapalit. Wala akong pakialam, I’m ready to risk everything.
“Hoy! Babaeng marshmallow.” Tawag ko nang pitikin ko ang noo niya sa mahinang paraan.
“Ano ba? Susuntukin kita.” She mumbled, napangiti na lang ako. Cute.
“Are you aware kung nasaan ‘yong kamay mo? Are you a pervert or what?”
“Ano baㅡ” Nanlaki na lang ang mata niya at agad napabangon ng wala sa oras. Kinuha niya pa ‘yong kumot at nilagay sa dibdib niya.
“W-what did you do to me?” Hindi ko alam pero imbis na mainis ay natawa ako sa reaksyon niya.
“Asa ka namang may gagawin ako, mag-ayos ka na.” Sabi ko at saka tumayo. Dumiretso naman ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.
Maya-maya lang din ay nakapag-ayos na si Erin kaya lumabas na kami sa motel at nagpunta sa may gilid ng kalsada habang hawak-hawak ko ‘yong motor ni Jester.
“Darating na rin si Xian maya-maya.” Sabi ko pero tahimik lang si Erin.
“Hoy! Kinakausap kita. Ano na namang iniisip mo?”
“Wag mo kong kausapin.” Tinarayan niya ako at napailing na lang ako. Abnormal din talaga siya minsan, eh. ‘Wag niya sabihing nahihiya siya sa akin? She’s surprisingly cute. I really want to hug her.
Erin’s POV
The hell was wrong with me? I let my guard down. Ugh! Stupid, Erin! Stupid!
“Nakabalik na si Chloe.” Sabi ni Xian nang makasakay kami sa kotse niya habang nasa itaas iyong motor ni Jester.
“What? Paano?!”
“Si Alex at Jester.” Simpleng sagot niya at nakahinga ako ng maluwag bago sumandal habang si Zero ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Doon siya nakaupo sa tabi ni Xian kaya hindi ko makita kung anong ekspresyon mayroon siya ngayon.
Habang nasa byahe ay nag-ring ang phone ko. It’s him again.
“Hi. Ibinalik ko na nga pala ‘yong kaibigan mo. Nakita ko ring sinalubong siya nila Alex at Jester, she’s safe.”
“Who the hell are you?! Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo kami!”
“Of course. We’re friends, right?” Ibinaba niya ang tawag at agad akong tinignan ni Xian mula sa rear mirror habang si Zero ay nakalingon sa akin.
“Siya na naman ba?” Sabay na tanong nila.
“Yeah, and he said that we’re friends but I can’t identify his voice dahil gumagamit siya ng voice changer, pero feel ko ay lalake siya or maybe not? I’m not sure.”
Pagbalik sa academy ay agad akong dumiretso sa kwarto kung saan nakaupo lang si Akira sa kama. Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap.
“What happened? Ayos lang ba kayo ni Zero?” Nag-aalalang tanong niya and for some strange reason, kahit hindi naman dapat ay nakaramdam ako ng guilt.
“We’re fine. Alam mo na ‘yong nangyari?”
“Pinaliwanag sa ‘kin ni Xian last night. Si Chloe? Kumusta?” Kumalas siya sa yakap at makikitang talaga nag-alala siya. She’s restless.
“Hindi ko pa siya nakikita, pero ang sabi ni Xian ay nakabalik na raw siya.” Tumango lang siya at saka hinawakan ang kamay ko.
“Mamaya after class, pwede ba tayong mag-usap? Kasama si Zero.” Seryosong sabi niya, dahilan para bahagyang magsalubong ang kilay ko.
“Why? What for?”
“Basta, sige na mag-asikaso ka na para makahabol ka pa sa klase. Mauuna na ako ha?” Tumango lang ako at pinanuod siyang lumabas ng kwarto. Saglit pa akong nanatili sa kinatatayuan ko bago mapagdesisyunang pumasok na rin sa banyo para maligo. Ano naman kaya ang pag-usapan? At bakit kasama pa si Zero?
Pagpasok ko sa classroom ay naging normal naman ang lahat hanggang sa mag-breaktime na.
“Sino ‘yong mga kumuha sa ‘yo? Namumukaan mo ba?” Iyon agad ang binungad ko nang makita ko si Chloe.
“Hindi, nakamaskara sila eh. Kinidnap lang nila ako para takutin ka. I’m okay, hindi nila ako sinaktan.” Nakangiting sabi niya.
“I’m sorry.” Napayuko na lang ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
“I told you, kasama mo akong lalaban. Hindi tayo papatalo sa mga pilit gumugulo sa buhay mo.” Napangiti ako ng tipid at saka tumango.
“Gusto mo bang maging bodyguard mo ko?” Suhestiyon ni Kevin.
“Hay nako! Baka si Chloe pa ang maging bodyguard mo. Duwag ka kaya.” Pang-aasar ni Akira, dahilan para magtawanan kami. Napatingin naman ako sa pwesto nila Josh, masaya lang silang nagk-kwentuhan. Lumingon din ako kila Zero at gano’n lang din sila. Everything seems normal but I really have this strange feeling. Hindi ko ma-explain.
“Describe mo nga ‘yong kumuha sa ‘yo.” Sabi ko kaya naibaling nila sa akin ang atensyon.
“I am not sure pero mga kasing katawan siguro ni Zero.” Tumango lang ako at saka ipinag patuloy ang pag mkain. Paniguradong may traydor dito sa mga kakilala ko and I will surely find you.
Akira’s POV
Kasalukuyan akong naghihintay lang sa sinabi kong meeting place namin nila Erin. Nakikita ko na ring naglalakad si Zero palapit sa akin. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung tama itong gagawin ko.
Ayokong kalabanin si mommy, pero ayoko rin namang may mangyaring hindi maganda sa mga kaibigan ko. Especially, Erin..
“Anong pag-uusapan? Bakit kasama si Erin?” Bungad sa akin ni Zero nang maupo siya rito sa tabi ko.
“I’m breaking up with you, Ze.” Diretso kong sabi.
“Ha? Bakit? Why all of a sudden?” Tinignan ko siya at saka hinawakan ang kamay niya.
“Don’t be so hard on yourself, Ze. Hindi mo kailangan pilitin ‘yong sarili mo sa ‘kin. Alam kong hindi mo talaga ako gusto, narinig ko ‘yong ginawa mong pag-confess kay Erin noon. Hindi ako naniniwalang hindi totoo ‘yon dahil ibang-iba ang pagtitig mo kay Erin sa pagtitig mo sa akin.” Ngumiti ako ng matamis kahit na sa totoo lang ay medyo nasaktan ako.
“I’m sorry.”
“Naiintindihan ko. Alam ko naman na nandoon ka noong oras na nakikipag-usap ako kay mommy, hindi kita masisisi.” Nanlaki ang mata niya ngunit agad ding napayuko. Ngumiti ulit ako at sakto naman dahil dumating na si Erin.
“Aki, what’s going on? May problema ba?” Bungad niya sa akin nang tumayo siya sa harapan ko. Mabilis ko namang nakuha ang kamay niya at saka sila ipinaghawak ni Zero. Halatang nagulat silang dalawa sa ginawa kong ‘yon. This is the right thing to do, kung may magpapaubaya man sa aming tatlo. Ako iyon.
“A-Aki.”
“Come on, I know you love each other. Tanga nalang siguro ang hahadlang sa inyong dalawa.” Tinignan ko si Zero at halatang mababakas sa mukha niya ang guilt. Si Erin naman ay halatang nabigla, first time ko rin na makita siyang mag-blush. Hindi niya siguro inaasahan na alam kong may gusto rin siya kay Zero.
“I’m really sorry, Akira. I didn’tㅡ”
“It’s okay, Ze. Hindi ako galit sa ‘yo dahil sa ginawa mo. Gusto ko lang sabihin sa inyong dalawa na handa akong makipagtulungan para matigil ang mga plano ni mommy.”
“Wait. Plano? Mommy?” Naguguluhang tanong ni Erin.
“Yeah, gusto ng mommy ko na ibigay kita sa mga red org. Gusto niyang maghiganti sa mommy mo.”
“Wait, I can’t understand. Anong ibig mong sabihin?” Bumitaw siya sa kamay ni Zero para hawakan ang magkabilang balikat ko.
“Si Sunny, ‘yong mommy ko. She wants me to betray you.”
“What? Mommy mo si Sunny? Kahapon lang ay gusto niyang makipagkaibigan kay mommy and nowㅡsabi na nga ba’t may kakaiba talaga sa babaeng ‘yon, eh.” Hindi makapaniwalang sabi niya at nabigla rin naman ako dahil kilala niya pala si mom and wait, nagkita sila kahapon?
“Sorry, Erin. Hindi ko alam kung bakit gano’n si mommy kaya nga ginagawa ko ‘to.. Next week, paniguradong mas gugulo ang sitwasyon. I don’t know kung dapat ko ‘tong sabihin pero Erin, sa tingin ko ay kilala ko kung sino ‘yong tumatraydor sa ‘yo, pinaglalaruan nila tayo.”
Nanginginig akong nagkwento. Hindi ko talaga alam kung tama itong ginagawa ko.
“Say it. Sino?” Tanong ni Zero.
“Siㅡ” Napahawak ako bigla sa tiyan ko nang may maramdamang tumama roon. Ang init.
“Aki!” Sabay na sigaw nila Erin, dahilan para tignan ko ang kamay ko, punong-puno iyon ng dugo.
“What the fuck! Akira! Zero, dalin mo siya sa hospital, hahanapin ko ‘yong may gawa nito. Nandito lang siya sa paligid.” Nagsimulang mag-panic si Erin habang ako naman ay lumingon-lingon sa paligid.
“Don’t do reckless things, Erin. Ako na maghahanap, ikaw magdala kay Akiㅡ”
“O-okay lang ako.” Pagsingit ko sa dalawa kahit pa dumodoble na ang paningin ko.
“Hindi ako pwedeng magkamali! Silencer. Iyon din ‘yong gamit nang gagong bumaril sa akin noon! Kapag nakipagtalo ka pa sa ‘kin mauubusan na ng dugo si Aki!” Sigaw ni Erin at hindi ko alam kung bakit naluluha ako.
Dahil ba ‘to sa sakit ng tama sa akin? O dahil ang swerte ko dahil kahit alam ni Erin na anak ako ng taong gustong pumatay sa kanya ay iniisip niya pa rin ang kapakanan ko? Hindi ako nagkamali. Mabait si Erin kaya tama lang itong ginagawa ko, sorry mommyㅡ
“AKIRA!!!”