Monstrous Academy 2&3 Chapter 30

30: The start of storm.

-

“Mom, who is she?” Tanong ko at hinawakan naman niya ako bigla.

“Ah. Call her Tita Sunny, isa siya sa mga naging acquainㅡ”

“Let me just correct your mom, fiancé ako ng yumaong kapatid ng daddy mo, pero namatay nga siya kaya walang kasal na naganap... Ang laki mo na.” Nginitian niya ako pero naba-bother ako sa presence niya. There’s something about her that’s very unsetlling.

“Anong kailangan mo?” Tanong ni mom, ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

“I’m just passing by when I saw you and your daughter. I just want to say na kung ano man ‘yong nangyari noon sa past. Nakalimutan ko na and for Cloud’s sake na rin. Let’s be friends?” Inabot niya ang kamay niya at hinawakan naman ‘yon ni mommy.

“Sure! Let’s meet again soon, okay? Nagmamadali kasi kami ng anak ko. It’s nice to see you, Sunny. Una na kami.” Nagngitian lang silang dalawa at sumakay na rin kami ni mom sa kotse.

“I don’t believe that she wants to be friends with you, Mom. I can feel her hostility towards us. Obvious naman na napipilitan lang siya. What’s with that old hag?” Tanong ko.

“The feeling is mutual, Anak. There’s no way na makikipagkaibigan sa ‘kin ‘yon. I’m a 100% keen, remember? Obvious na nakikipagplastikan lang siya. I guess, she had an ulterior motive.”

“I know pero ano ba talagang nangyari sa inyo noon?”

“Past is past, Anak. So by the way, nasarapan ako sa pakikipagkwentuhan kanina sa pastry shop, nakalimutan ko nang ipaalam ‘yong surprise sa ‘yo.” Agad kong naibaling ang tingin kay mom.

“I’m two months pregnant.” Masayang announcement niya, dahilan para manlaki ang mata ko at mapanganga.

“What?! You’re pregnant? Pero kung makipaglaban ka sa party noon, daig mo pa ako. Kumusta? Healthy ba si baby? Wala bang naging problema?” Natawa na lang si mom habang nagda-drive.

“Chill, Erin. Okay ang baby pero kami ng dad mo? Hindi. Paano ba naman, ako na raw ang nagpangalan sa ‘yo noon kaya kahit anong mangyari. Whether I like it or notㅡipapangalan niya na sa baby ‘yong dapat pangalan mo noon.”

“What name?”

“Storm.” Kibit balikat na sagot niya at napanganga na lang ako.

“The hell? May pagka-alien talaga si dad minsan.” Naiiling na sabi ko at marami pa kaming pinagkwentuhan habang nasa byahe. Sana ay huminto ang oras, gusto ko pang makasama si mom ng matagal.

Dito muna raw sila sa Pilipinas titira kaya pwede akong dumalaw dalaw sa bahay namin noon kasi nandoon na ulit sila. I really can’t believe na magkakaroon na ako ng kapatid. Nae-excite ako.

“Bye mom, message ka kapag nakauwi ka na, okay? Mag-ingat kayo ni baby. I love you, ikumusta mo ako kay dad.” Sabi ko habang nakasilip sa bintana ng kotse.

“Okay, mag-ingat palagi. Be a good girl. I love you.” Kumaway lang ako at nagmaneho na rin siya kaya pumasok na ako sa academy pero hindi ko inaasahan na sila ang bubungad sa akin.

“Why?” Tanong ko sa lima, himala lang talaga dahil nandito rin si Zero.

“Anong meron?” Tanong ko ulit dahil hindi sila kumikibo, parang may masamang nangyari.

“Chloe’s missing.” Ani Alex, dahilan para matigilan ako.

“Nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya kanina, parang may humahabol sa kanya na hindi ko maintindihan and after that wala na. Naputol ‘yong tawag.” Kwento niya at saka inabot sa akin ang isang cellphone.

“At ito, nakita ni Jester malapit sa parking lot.” Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Cellphone ito ni Chloe, saktong magsasalita sana ako nang mag-ring ang phone ko.

“Sino ‘to?”

“Kumusta? Kasama ko nga pala ang kaibigan mo.”

“What the hell?! Sino ka? Anong ginawa mo kay Chloe?!”

“May ibibigay akong address, let’s meet there.” Agad niyang binaba ang tawag kaya hindi na ako nakapagtanong pa.

“What? Sino ‘yon?” Tanong ni Tyler.

“Aalis akoㅡ” Akma na sana akong tatalikod ngunit mabilis akong nahatak ni Zero.

“What? Nababaliw ka na? Ni hindi mo nga alam kung sino ‘yong tumawag sa ‘yo.”

“I don’t care, hawak nila si Chloe.” Tinitigan lang akong mabuti ni Zero. ‘Yong mga tingin niyang ‘yan. Ano bang gusto niya iparating?

"I’ll go with you.”

“Kaya kong mag-isㅡ”

“Sasama ako! Tara.” Mabilis niya akong nahatak at saka hiniram ang motor ni Jester. Hindi na sumama ‘yong iba dahil pinigilan ko na sila bago pa sila magpresinta.

Pag-alis na pag-alis namin ni Zero ay tahimik lang akong nakaangkas sa likuran niya. Pinakita ko sa kanya ‘yong address na minessage noong lalaking kausap ko. East district, doon kami papunta ngayon.

“Erin.” Rinig kong tawag sa akin ni Zero. Wala kaming suot na helmet dahil sa pagmamadali.

“Why?”

“Nothing.” Napataas na lang ako ng kilay, he’s acting weird again.

Pagtapos ng halos isang oras na byahe ay huminto na si Zero sa isang bakanting lote. May kinakalawang na gate at isang maliit na bahay mula sa dulo ng lote.

“Sure ka ba na rito?” Tanong ko at tumango lang siya. Binuhat niya ako bigla patawid doon sa gate at sumunod siya. Marahan naman kaming naglakad papunta sa bahay, masyadong matataas ang mga damo rito.

“Aw!” Napahawak ako sa paa ko nang maramdamang may tumusok doon. Mabilis naman akong nalapitan ni Zero at nanlaki na lang ang mata ko nang pasanin niya ako ng walang pasabi.

“Ano ba! Ibaba mo ako.”

“Masusugatan lang ‘yang hita mo sa mga damo.” Aniya at kaagad din niya akong nilapag nang makalagpas na kami sa damuhan. Nasa tapat na kami ng lumang bahay, pasimple lang akong sumilip sa loob nito pero walang tao.

Sinubukan kong tawagan ‘yong number kanina at agad naman niya iyong sinagot.

“Too late, better luck next time.” Sabi nito, dahilan para magsalubong ang kilay ko.

“What the fuck are you trying to say? Nandito na ako!”

“I know, but wala sa usapan natin ang magsama ka. Just wait for my next call.” Ibinaba niya ‘yong tawag kaya nasipa ko na lang ang pintuan.

“Bakit?” Tanong ni Zero.

“Wala sila rito.”

“Tara na, mag gagabi na, bumalik na tayo. Magiging okay si Chloe.” Sabi niya at saka bumalik sa motor ni Jester, kung sino man ang mga walangyang gumagawa nito, sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ‘to! Red org man ‘yan o ano, ako dapat ang puntirya nila! Hindi nila kailangan idamay ang mga kaibigan ko. Fuck!

“Oh bakit?” Irita kong tanong nang huminto si Zero sa kalagitnaan ng daan kung saan walang kotse ang dumadaan. Kumusta naman.

“Wala ng gas, bumaba ka.” Utos niya kaya bumaba ako at saka niya iginilid ‘yong motor. Nilabas niya ‘yong phone niya pero lowbat kaya inilabas ko ‘yong akin pero kapag minamalas ka talagaㅡwalang signal!

“The hell! Zero! May balat ka ba pwet?” Sigaw ko sa inis habang nakasandal kami pareho sa motor ni Jester. Walang kahit anong sasakyan ang dumadaan dito, wala pang kahit na anong establishment ang makikita.

“Tignan mo pa kung meron!” Sigaw niya pabalik.

“As if titignan ko ‘yan, kadiri!”

“Baka ikaw ang may balat!” Tinignan ko siya ng masama at saka nag-iwasan ng tingin habang pareho kaming naka-cross arm.

Shit! Mag-aalasais na, kumusta naman ‘di ba? Aabutin na kami ng gabi rito. Mahaba pa ‘yong byahe pabalik sa West district.

“Tara mag lakad na tayo, baka makahanap tayo ng gas station.” Sabi niya at saka hinila ‘yong motor ni Jester. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa ‘yon na nga, inabot na kami ng gabi sa daan.

Halos isang oras na kaming naglalakad nang huminto si Zero dahil may isang establishment siyang nakita.

“Dito na tayo magpalipas ng gabi, sure naman ako na may telepono sila sa loob. Makitawag na lang tayo para masundo tayo nila Xian bukas.” Sabi niya at napanganga na lang ako.

Motel? Kaming dalawa? What the hell! pakisapak nga ako ng magising ako sa katotohanan na ang malas ng araw ko ngayon!

Pinarada niya ‘yong motor at saka kami pumasok sa loob, dumiretso naman siya sa front desk.

“Miss, may available pang kwarto? Dalawa. Tig-isa kami.” Sabi nito sa babae sabay turo sa akin.

“Ah sorry, sir. Isa na lang po ang available na kwarto.” Nahampas ko ‘yong lamesa at saka tinitigan ng masama ‘yong babae.

“Pwes gumawa ka ng paraan para maging dalawa!” Agad akong hinila ni Zero palayo doon sa babae dahil talagang napupuno na ang pasensya ko.

“Kumalma ka nga! Sorr, miss. Sige kukunin ko na ‘yong isang kwarto.” Napasandal ako sa pader habang nakikipag-usap si Zero. Maya-maya ay hinatak niya na ako papasok sa isa sa mga kwartong narito.

“Makikitawag lang ako, titingin na rin ako kung may pagkain sila rito.” Sabi niya at saka siya lumabas. Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Bakit ba kinabahan ako bigla? Ugh! I can’t imagine na magsasama kami ng Zero na ‘yon sa iisang kwarto ng kaming dalawa lang. Overnight pa. Ugh!

Nasubsob ko na lang ang unan sa mukha ko at nanatili akong gano’n hanggang sa maramdamam kong bumalik na siya.

“Hindi na makalabas si Xian ng academy. Bukas pa nila tayo masusundo. May pizza rin sila dito, bumili ako. Hintayin mo na lang.” Sabi niya sabay upo sa may upuan na katabi lang ng kama. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at saka bumangon habang nakaharap sa kanya.

“Sa sahig ka matulog.” Agad niyang naibaling sa akin ang atensyon niya.

“Asa ka! Ang luwag ng kama. Lagyan mo na lang ng unan sa gitna. Akala mo naman re-rapin kita. May Akira na kㅡ” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya at bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon, why is he acting funny?

“Alam mo naman palang may Akira ka na, eh! Hindi ‘yon matutuwa kapag nalaman niya ‘to kaya sa sahig ka matulog.” Tumayo ako at saka pumasok sa banyo para maghilamos.

Paglabas ko naman ay si Zero agad ang bumungad sa akin, aatras pa sana ako ngunit nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong yakapin.

“Sorry.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

“Sorry for what? Bitawan mo na ako.” Sabi ko nang pilit ko siyang itulak. Kumalas naman siya ng kusa at humarap sa akin. Ito na naman iyong mga tingin niyang nakaka-confuse.

“I loㅡ” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil may kumatok.

“Baka ayan na ‘yong pizza.” Sabi ko at kumunot na lang ‘yong noo ko nang sipian niya iyong upuan bago buksan ang pinto.

“Ano?” Iritang tanong nito sa lalake.

“S-sorry, ito na po ‘yongㅡ” Hindi niya pinatapos sa pagsasalita ‘yong lalake at agad kinuha ang pizza sabay sarado ng pinto.

“Ano bang problema mo? Inaatake ka na naman ng ka-abnormalan?” Tanong ko nang lapitan ko siya. Hindi siya sumagot at kumain lang ng pizza habang nakaupo kaming pareho sa kama.

Tahimik lang kami hanggang sa maubos na namin ‘yong isang box.

“Ano ‘to? Walang panulak?” Tanong ko dahil kanina pa ako nabubulunan. Ayoko lang magsalita dahil awkward, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagiging badtrip niya. Napaka-inconsistent ng ugali.

“Bibili ako.” Sabi niya at saka siya lumabas. Ano kaya ‘yong sasabihin niya dapat kanina? Nagiging weird na naman ang mga ikinikilos nya. I hate that side of him, I can’t tell what he’s thinking. Ang hirap niyang basahin.

Pagbalik niya ay agad niya sa ‘king binato ‘yong bottled water pero nasalo ko ‘yon. Pag-inom ko ay naupo siya sa may upuan malapit sa kama. Nakatingin lang siya sa akin habang nakapatong ang baba niya sa may sandalan ng upuan. Halatang may gusto siyang sabihin sa akin.

“What? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na.”

“Kapag natapos lahat ng problemang nangyayari. Pwede na ba kitang mahalin ng walang kahit sinong humahadlang?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.