40: Chasing the bad girl
-
Hingal na hingal na kaming pito sa kakatakbo. Hawak-hawak ko ang kamay ni Akira dahil alam kong sa aming lahat na nandito ay siya ‘yong mahina ang stamina.
“Aki, kaya mo pa?” Hingal na tanong ko habang tumatakbo.
“I-I’m okay.” Sagot niya kaya hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya.
“Shit! May nag-aabang sa harap.” Sabi ni Alex, dahilan para huminto kami rito sa masikip na eskinitang dinaanan namin. Naghanap kami ng matataguan at doon sinubukan habulin ang mga paghinga namin.
“What are we going to do now?” Tanong ni Jennie nang magpunas ito ng pawis.
“May na-received akong message galing kay Xander. Sa East district, sa may gubat. Doon daw anh hideout ng mga red org.” Ani Jester. Sa gubat kung saan nakatayo ‘yong bahay na tinirahan namin nila Josh noon?! That was damn too far.
“Xian, Jennie. Can you take Aki? Sa bahay. Safe siya roon.” Sabi ko at tumango lang sila pareho.
“Okay. Alex, Jester, Chloe. Susugod tayo sa harap para makaalis sila Xian.. Magbibilang ako. On three, tatakbo tayo.” Paliwanag ko at saka huminga ng malalim.
“One.. Two.. Three!” Pinangunahan ko ang pagtakbo at saka dinambahan ang lalaking nakatalikod. Sinimulan na rin dumamba nila Chloe habang sila Xian ay nakatakbo na patungo sa main road para tumakas.
Nasiko ako ng isa sa mga lalake kaya napaatras ako pero mabilis naman akong nakahawak sa balikat ng taong pasugod sa akin. Nilagpasan ko siya at saka binigyan ng highkick ang sumiko sa akin. Tinulak ko naman ang lalaking pinatungan ko at saka siya sinuntok. Tumingin ako sa iba at napatumba na sila nila Chloe.
As much as possible, ayaw namin gamitin ang mga baril dahil makukuha namin ang atensyon ng mga taong nasa paligid lang. Nang masigurado naming wala ng sumusunod sa amin ay sumakay kami ng taxi at nagpunta sa East district.
Sorry Ze, pero hindi ko na kayang hintayin ang pagbalik mo. It’s my problem, ako ang puno’t dulo ng lahat ng ito kaya dapat lang na ako magtapos nito.
“Pasusunurin ba natin sila Xi?” Tanong ni Jester at tumango ako. Sinubukan ko ring tawagan si dad dahil alam kong mangingialam siya rito. Too bad! Gusto kong hingiin ang tulong nila tito pero bumalik na ang ilan sa kanila sa ibang bansa.
“Hello dad? Hinahabol kami ng red org ngayon. Papunta kami ngayon sa hideout nila dahil nagpunta roon si Tyler, nandoon din si Zero. Mamaya darating d’yan sila Xian para itago muna si Akiㅡ”
“Where exactly are you? Sasama akoㅡ”
“No need, Dad. Gusto ko bantayan niyo si Aki. I can handle this. Kasama ko sila Alexㅡ”
“Crap!” Sigaw ko nang maputol ang tawag. Dead batt na ako.
“Anong gagawin natin kapag dating doon?” Tanong ni Chloe.
“Mag manman muna tayo, ‘pag nakita kong hawak nila si Tyler o Zero. Hindi ako magdadalawang isip na sumugod.” Seryosong sabi ko at nagsitanguan lang sila.
Ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa East district. Napilitan pa kaming maglakad papunta sa bakanting lote dahil ayaw ng pumunta roon ng taxi driver. Sinundan lang namin si Alex since siya na nakakaalam ng daan. Pumasok kami sa lumang bahay pero lumabas din mula sa kabilang pinto. Doon bumungad sa akin ang isang kalsadang napapaligiran na lang ng gubat at walang kahit anong sasakyan ang dumaraan.
“Ito na ‘yon.” Ani Jester at tumango ako. Nagsimula na rin kaming maglakad papasok. I don’t know where exactly their hideout is. Hindi ko rin alam ang daan papunta sa bahay na pinag-i-stay-an namin ni Josh dahil tinakpan nila ang mata ko noon.
“Tago.” Biglang sabi ni Chloe. Kanya-kanya naman kaming nagtago sa mga puno at patagong sinilip ang grupo ng kalalakihan na paparating.
“Patutumbahin ba natin sila?” Bulong ni Alex.
“Let’s go. Kaya naman natin ang sampu ‘di ba? Patumbahin na natin para mabawasan ‘yong kalaban natin pagdating sa hideout.” Mahinag sabi ko.
“One.. Two.. Three.” I mouthed bago mabilis na sumugod. Ipinatama ko lang ang gilid ng palad ko sa batok ng isa kaya madali siyang nawalan ng malay. Uulitin ko sana ‘yon sa isa pang lalake ngunit nasuntok niya ako sa bandang balikat. Mabilis lang din naman akong nakabawi at tinuhod siya sa precious balls niya. Nang mapayuko siya ay tinuhod ko siya sa mukha, dahilan para mag-pass out siya.
Hinatak ko naman ang damit noong isang pasugod kay Chloe. Hinila ko siya at saka inuntog sa puno ng tatlong beses hanggang sa mawalan ito ng malay. Three down.
Tinignan ko si Chloe at napatumba na rin niya ang dalawa. Gano’n din si Alex at Jester pero may natitira pang isa.
“Mag-isa ka na lang.” Tinangka pa niya hugutin ang baril niya ngunit nauna kong nahugot iyong akin.
“Hindi mo ba alam kung ilang baril ang nakatutok sa ‘yo ngayon?” Tanong ko at lumingon siya just to see na nakatutok din pala ang baril nila Jester sa kanya.
“Sa’n mo nakuha ‘yan?” Tanong ko kay Chloe nang makitang may hawak din siya.
“Doon sa pinatumba ko.” Kaswal na sabi nya habang naka-peace sign. Nang ibato ng lalaki ang baril niya ay mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa leeg.
“Nasaan ang hideout niyo?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot kaya sinuntok ko siya.
“Saan? Answer me.” Tanong ko ulit nang tutukan ko siya ng baril sa ulo.
“Sa duloㅡ”
“Dalhin mo kami ro’n.” Utos ko at saka tinakpan ng panyo ang bibig niya. Hinatak naman siya nila Jester at Alex sa magkabilang braso habang kami ni Chloe ay nakasunod sa likuran habang naglalagay ng ilang clue sa daan para kung sakaling makarating na sila si Xian dito ay madali nila kaming mahahanap.
Ilang minutong paglalakad at natatanaw na namin ang isang lumang warehouse. Mabilis pa sa isang segundo ng patulugin ko ang lalaking nagdala sa amin dito. Nang masiguradong wala na siyang malay ay dahan-dahan kaming lumapit sa warehouse at nagtago sa puno.
Maya-maya lang ay may lumabas mula sa warehouse. Naikuyom ko ang kamao ko nang makitang hawak ng isang lalaki si Zero na duguan ngayon. Nagpunta sila sa harap ng malaking water drum at doon nilublob ang ulo niya. Damn it!
Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ako nagdalawang isip at mabilis na tumakbo papunta roon. Hindi naman naramdaman ng walang hiyang lalake na ‘yon ang presensya ko kaya kinuha ko ang kahoy sa sahig at hinampas sa likuran niya. Natumba si Ze pero nasalo ko siya.
“Ze.. Hey, Ze. Wake up!” Tawag ko habang tinatapik ang balikat niya. Punong-puno ng pasa at sugat ang buong mukha nya. Damn! What happened?!
“Fuck Zero! Wake up! Wala kang karapatan mamatay! Gumiㅡ”
“Sabihin mo muna na mahal mo ako at sinasagot mo na ako.” Pilyo niyang sabi nang idilat niya ang isang mata niya and for some strange reason, Tumulo na lang ang luha ko.
“Mahal na mahal kita pero bibigwasan kita. Don’t do that again! Tinakot mo ako.”
“I’m happy to hear that pero bakit ka nandito? Ang tigas talaga ng ulo mo.”
“Now isn’t the time to be talking about that. Where’s Tyler?” Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Lumapit na rin sila Alex dito sa amin.
“Mamaya na kayo mag-usap. Kailangan natin magtago.” Ani Jester at mabilis naman nilang naakay si Zero papunta sa gubat para itago roon.
“Hey, Ze. Kaya mo pa ba?” Tanong ni Alex. Maya-maya lang din ay hingal na dumating sila Xian. Kay Zero naman agad siya lumapitㅡI could see the anger in his eyes.
“We don’t have much time. Ze, iiwan ka muna namin dito. Susugod kami sa loob. Don’t do reckless things, okay? Just stay here like a good boy.” Sabi ko at tumango naman siya ng tipid. Tinignan ko ‘yong lima at saka kami bumalik sa warehouse. Sumilip kami sa pinto at doon nakita ang ilang lalaking nakatayo at ‘yong iba ay naglalaro ng baraha.
Nilibot ko pa ang paningin ko para hanapin si Tyler pero hindi ko siya makita. Kaunti lang naman ang tao sa loob kaya siguradong kaya namin sila but damn! Pagod na ang ilan sa amin. Ang layo ng nilakad namin at ang sakit na ng kamao ko. Idagdag pa ang ginawa naming pagtakbo kanina at ang byahe papunta rito.
“Tigilan niyo na si Erin!” Agad kong naibalik ang tingin sa loob nang marinig ko ang pagsigaw ni Tyler. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya ulit at kusa na lang tumulo ang luha ko nang makitang nakakadena ang mga kamay niya habang nakasabit sa may itaas. Nakalambitin siya roon habang tumutulo ang dugo sa mukha nya. Damn it! They’re going too far!
Tumakbo ako sa loob at saka binaril ang lalaking lumapit sa akin. Nagulat sila Xian sa ginawa ko ngunit tumakbo pa rin sila papunta sa akin at saka nagsimulang makipagsuntukan at kung kinakailangan ay ginagamit nila ang mga hawak nilang baril.
“Tyler! I will save you!” Sigaw ko at saka tumakbo papunta sa lalaking nagsusugal kanina. Mabilis niya akong nasuntok kaya natumba ako. Ramdam na ramdam ko ang pagkangilo pero pilit akong bumangon at sinuntok siya pabalik.
Nasikmuraan pa ako ng isang lalake at saka sinuntok pero nakatayo pa rin ako para tumakbo. Hinabol ako nito pero pinaputukan ko siya ng baril.
Tinignan ko sila Xian at napupuruhan na rin sila. Habang tinitiis ang ilang suntok na natatamo ko ay tinitiis ko rin na ‘wag umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. I can’t bare to see them in this kind of situation. Sa sobrang galit ay binabaril ko lahat ng humarang sa daraanan ko. Ayokong pumatay pero wala akong choice.
Sumigaw si Xian na parang pagod na pagod na siya. Lumingon ako sa paligid at nakitang tumba na ang lahat. Nagmadali naman akong hanapin kung paano ko maibababa si Tyler. Nang makita ko na ang makina ay agad akong tumakbo roon at saka ibinaba si Tyler. Pag baba niya ay mabilis siyang nilapitan nila Alex para tanggalin ang kadena sa kamay niya.
Ngumiti ako at saka lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang mga nakaharang na buhok sa mukha niya bago ipinahinga ang noo ko sa noo niya.
“Tyler. Don’t do reckless things by your own.” Mahinang sabi ko at nakita ko siyang bahagyang ngumiti. Lumayo ako para makita ang mukha niya. Naramdaman ko namang pinunasan niya ang luha ko.
“Don’t cry. I want to see your smile.” Aniya kaya ngumiti ako habang hawak ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.
“Napatay ko ‘yong boss nila.” Nakangiting sabi niya kaya mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kamay niya.
“Maraming salamat sa lahat. Hang in there, okay? Sabay-sabay tayong babalik sa academy. I promise.” Tumango siya habang nakangiti at naibaling ko naman ang atensyon sa dulong bahagi ng warehouse kung saan nakatali si Xander na walang malay.
“Kakalagan ko lang ang isang ‘yon. Bawi na siya sa ginawa niya sa ‘kin noon.” Sabi ko at saka bumitaw kay Tyler. Nagpunta ako kay Xander at saka siya kinalagan pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Tyler! Tyler!” Sigaw ni Alex, agad naman akong lumingon at lumapit nang makitang umiiyak si Chloe, gano’n na rin si Jennie, Xian at Jester.
“Anong nangyari?” Nanginginig na tanong ko habang tumutulo ang luha ko. Lumuhod ako at saka kinuha ang kamay ni Tyler. Hindi siya gumagalaw.
“Is he unconscious?” Tanong ko ulit.
“He’s not breathing.” Ani Jester. Tinignan ko siya ngunit binalik din ang tingin kay Tyler.
“Hey, Ty. Stop joking around, okay? Let’s go, dumilat ka na d’yan. Hinihintay tayo ni Zero, baka inamag na ‘yon roon.” Sabi ko habang pilit ngumingiti.
“Tyler, wake up. Kasasabi ko lang na sabay tayong babalik ‘di ba? Gumising ka na, please...”
“Wala na siya, Erin.” Umiiyak na sabi ni Alex.
“Hindi magandang biro, Alex. Tara na na buhatin na natin siya para makalabasㅡ”
“Wala na siya!” Sigaw ni Alex at doon ako nag-breakdown. Niyakap ko si Tyler habang humahagulgol sa pag-iyak. Ayoko lang aminin pero noong hawakan ko ang kamay niya ay alam kong hindi na siya didilat.
“Tyler, araw-araw akong ngingiti basta gumising ka lang. Please, Tyler. I’m begging you, wake up.”
“What happened?” Boses ni Zero at maya- maya lang ay nakalapit na siya sa akin. Naramdaman ko ang pag lhawak niya sa balikat ko pero hindi ko siya nagawang lingunin.
Hinawakan ko lang ang pisngi ni Tyler kahit hindi ko gaanong makita ang muka niya dahil sa mga luhang nasa mata ko.
“Paano ako ngingiti kung wala na ‘yong taong nagpapa-aalala sa akin kung gaano kaganda ang ngiti ko? Tyler, ang daya mo... And I’m sorry. kasalanan ko ‘to lahat, I’m so sorry Tyler.”