Epilogue:
Sabay-sabay kaming lumabas ng gubat kasama si Tyler. I was too lost in my own thoughts na hindi ko na napansin na sila ang bubungad sa amin paglabas.
“Dad.” Mabilis ko siyang nayakap at naibaling ang atensyon kay Tito Matthew na halos parang nanigas sa kinatatayuan niya. Nahihiya akong humarap sa kanya ngunit kailangan.
“T-Tito, I’m sorry. Hindi ko nailigtas si Tyler.” Humahagulgol pa rin ako at halos hirap nang huminga. Hindi ko nagawang lapitan si tito dahil lumapit siya kila Jester na ngayon ay buhat si Tyler. Lumuhod siya at saka yumuko habang umiiyak at mahigpit na hawak ang kamay ni Ty. Lumingon ako kay dad at saka yumakap ulit.
“Dad, what am I going to do? Wala na si Tyler, kasalanan ko ‘to.”
“Shh. It’s not your fault, don’t blame yourself.” Hinimas niya ang likura ko at saka ko nilapitan si Tito Matthew.
“Tito, I’m sorry.” Paghingi ko ng tawad nang hawakan ko ang kamay niya. Nilingon niya ako kaya napayuko ako. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. I can’t look him in the eyes.
“Don’t apologize. May sariling desisyon si Tyler kung bakit niya ginawa ang bagay na ‘yon. Masakit, Erin. Sobrang sakit dahil wala akong nagawa para sa anak ko.” Niyakap ako ni tito kaya pumatak na naman ang luha ko.
Ilang oras ang lumipas ay nakauwi na kami sa bahay. Nagkulong lang ako sa kwarto habang ang iba ay nasa ibaba at ginagamot ni mommy at Aki. Wala akong ihaharap sa kanila, nahihiya ako. Sana ako na lang.
Sinamahan ni dad si Tito Matthew para asikasuhin ang burol ni Ty. Hindi ko matanggap. Ang bilis ng pangyayari, parang noong nakaraan lang ay ang saya pa namin sa mga rides na sinakyan namin.
“Erin, anak? Can you open the door?” Dahan-dahan akong bumangon at pinagbuksan si mommy.
“He died happily because he was able to save you. Hindi magugustuhan ni Tyler kapag nakita niyang gan’yan ang mukha mo.” Sabi ni om kaya pinilit kong ‘wag umiyak. I even tried to smile dahil iyon na lang ang nakikita kong paraan para makabawi. Tyler loves to see me smiling kaya pipilitin kong ngumiti kahit na ang sakit-sakit ng nangyari.
“Bumaba ka na, nag-aalala sila sa ‘yo.” Tumango ako at saka bumaba sa sala. Yakap naman ni Zero ang bumungad sa akin. Pumikit lang ako at agad ding kumalas, tinignan niya lang ako at saka siya bahagyang ngumiti.
“It’s over now. Nabawasan man tayo, alam kong masaya si Tyler dahil siya ang dahilan kung bakit natapos ang problema.” Aniya kaya ngumiti rin ako.
Days has passed.
“Erin let’s go. Uulan na, gusto mo bang maging guard ng puntod ni Tyler?” Tanong ni Zero kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinawakan ko ang lapida niya habang nakangiti.
“Hanggang sa muli, Tyler. Magpapakabait ako para magkita tayo d’yan sa langit.” Sabi ko at saka tumayo, dahan-dahan naman akong lumingon kung saan nakatayo sila Zero with the rest of our squad. Xian, Jennie, Chloe, Jester, Alex at Rozee. Tumakbo ako papunta sa kanila.
Sabay-sabay naman kaming naglakad papunta sa tapat ng kotse kung saan naghihintay ang mga parents namin.
“Male-late na tayo. Kailangan na natin magpunta ng airport.” Sabi ni mom at tumango ako. Sumakay kami sa mga kanya-kanyang kotse at nagpunta sa airport.
“Erin. Mami-miss kita.” Kunwaring naiiyak na sabi ni Jennie.
“Tigilan mo ako, sasapukin kita.”
“Ito naman joke lang, eh. Anong oras ba ‘yong flight ni Aki?”
“Sabi 1:00 daw, eh. Nandito na ba siya?” Tanong ni Xian.
“Guys.” Sabay-sabay kaming napalingon at doon nakita si Akira kasama ang mommy niya. Tipid kaming nagkatinginan ni Tita Sunny bago ko mabilis na niyakap si Akira.
“Sure ka ba talaga na aalis ka?” Tanong ko at tumango siya habang nakangiti.
“Promise ko na babalik ako. You have your new friends and I know na mas masusuportahan ka nila. They’re aberrant too, right?” Binulong niya ang huling sinabi nya at saka kumindat sa akin.
Well, isn’t kind of weird na aberrant kaming apat? Ako, si Chloe, Jennie at Rozee? Miski ako ay nabigla nang sabihin nila sa akin iyon. Syempre ayoko na ring magtago ng kahit anong sikreto kay Aki kaya sinabi ko na rin sa kanya ang totoo.
“Yeah right. Email me kung babalik ka na rito sa Pilipinas ha? Mami-miss ka namin.” Lumingon ako kila Zero at lumapit sila sa amin para mag-goodbye kay Aki.
Napatingin naman ako sa direksyon ni mommy na ngayon ay nakikipag-usap kay Tita Sunny. Okay na sila dahil na rin nakiusap si Akira at ipinaliwanag sa mommy niya ang lahat. Napangiti na lang ako, maayos na ang lahat and it’s all thanks to Tyler pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang maghirap sa mga problema ko kaysa mabawasan ng kaibigan para lang matapos ang gulong sinimulan ko. But I need to move on, mahirap pero pipilitin ko.
“Oras mo na, bes.” Sani Jennie kay Aki kaya nasiko ko siya.
“I mean. Oras na ng flight mo, have a safe trip.”
“Erin, sorry sa mga nagawa ko and thank you for taking good care of Aki.” Pagsingit ni Tita Sunny nang lumapit ito sa amin. Ngumiti ako at tumango.
“Aalis na ako, masaya akong makilala kayo. Hindi ako aalis dahil natatakot akong malagay sa panganib ang buhay ko. You don’t know how happy I am na makasama sa mga crazy stunts na ginagawa niyo. I am doing this para makabawi kay mom, see you when I see you!” Ngumiti si Aki at nag-umpisa nang maglakad palayo pero huminto siya at lumingon for the last time.
“Zero, alagaan mong mabuti si Erin.” Bilin niya at tumalikod din agad, lumingon naman ako kila Alex at masayang ngumiti.
“Let’s go.”
ㅡ
“Ayan na siya.”
“Intrepid ka ‘di ba? Ayan si Erin Cross. Top 1 ‘yan sa buong Intrepid.”
“Gusto ko maging gaya niya pero freshman pa lang ako.”
“They call her the badgirl. She’s really cool.”
Huminto ako sa paglalakad. Ito ba ang bubungad sa akin sa pagbabalik eskwela ko after ng mga problemang nangyari? Bulungan pa rin?
“Pinag-uusapan niyo ba ako?” Tanong ko sa dalawang freshman na nakatayo sa hallway. Yumuko lang sila sa akin habang pinagpapawisan.
“Hey hello, I’m talking to you.” Inangat nila ang ulo nila para makatingin sa akin.
“S-sorryㅡ”
“Bakit ka nagso-sorry? I’m happy na gusto mo ko maging katulad, but trust me magsisisi ka. You can be a better version of yourself, well then... Goodluck on your studies.” Nakangiting sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng classroom.
Kinabahan ako nang makitang hindi maipinta ang mukha ng pito. Agad akong lumapit at kinuha ang papel sa kamay ni Zero.
“Condolence. Sayang at hindi ako napatay ng kaibigan mo, he’s too dumb para maniwala na ‘yong kanang kamay ko ang boss ng red org. Wanna meet me? Let’s have a one-on-one. Kapag nanalo ako, ibibigay mo sa ‘kin ang code. Kapag nanalo ka, you can kill me to avenge your friend’s death. I’ll call you later.”
Agad kong nilukot ang papel matapos iyong basahin. Anong ibig sabihin nito? Napunta sa wala ang buhay ni Tyler?!
“Erin.” Tawag ni Zero ngunit nanatili akong nakatingin ng masama sa sahig. Para akong sasabog.
“Ako na ang tatapos nito! ‘Wag na ‘wag kayong mangingiaㅡ”
“Erin.”
“Hindi niyo ko mapipigilan!” Sigaw ko at saka nagmadaling lumabas at naghintay ng tawag. Maya-maya ay nag-ring ang phone ko.
“Let’s meet in the woods. Alam mo na kung saan ‘yon.”
“I’ll surely kill you.” Ibinaba ko ang tawag at lumabas ng dorm.
“Teka Ms. Cross, may klaseㅡ” Sinamaan ko ng tingin ang gwardya kaya hindi niya naituloy ang pagsasalita. Dumiretso ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng academy.
Sorry, Tyler pero magpapakademonyo muna ako. Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay moㅡ
Teka. Pamilyar ang boses ng lalaking tumawag. Could it be? Naikuyom ko ang mga kamao ko nang pumasok siya sa isipan ko. I’m sure sa kanya galing ang boses na ‘yon.
Nang makarating ako sa gubat ay agad kong nilibot ang paningin ko.
“Lumabas ka na! Alam ko kung sino ka!” Sigaw ko at maya-maya ay lumabas na siya mula sa pagkakatago sa puno. I fucking knew it!
“Brave as ever.” Nakangising sabi niya.
“Walangya ka, Travis! Pinaglaruan mo kami!” Sigaw ko nang sugurin ko siya. Nakaiwas siya at saka ako sinikmuraan, dahilan para mapasuka ako ng dugo.
“I’m really proud of myself. Hindi mo man lang nahalata na kaaway ako.” Sabi niya kaya sumugod pa ulit ako pero mabilis niya akong nasipa palayo.
“Such a pity, naniwala ka talaga na totoo akong kaibigan ng tatay mo? Yes, we’re friends pero hindi ako tunay na kaibigan.” Naikuyom ko ang kamao ko habang nakaupo. Ayokong kainin ako ng galit dahil kahit anong pag-atake pa ang gawin ko, as long as I don’t keep my calmㅡpaulit ulit lang niya akong masasaktan.
Huminga ako ng malalim. Kaya pala kahina-hinala ang pagtulong niya sa akin noon. All of sudden, sasabihin niyang gusto niya akong tulungan dahil pinakiusapan siya ni dad. Ugh! Damn, Erin! Bakit hindi ko napansin? Kaya pala mabilis nakakapasok ang ibang miyembro ng red org sa academy.
“Let me give you a round of applause.” Sarcastic na sabi ko at saka pumalakpak. Mukha namang hindi niya nagustuhan ang ginawa kong iyon. Susugod sana ako pero nakita kong may pasugod sa akin mula sa gilid. Mabilis akong nakaiwas at saka ipinulupot ang braso ko sa leeg niya habang nakatutok ang dala kong baril sa sentido niya. Nagulat si Travis sa ginawa ko, halatang pinagpapawisan siya.
“Hindi na ako nagulat na kasabwat ka rin niya, Sir Gino.”
“You’re really a badass.” Aniya at ngumiti ako.
“Now, gusto mo ba malaman kung paano magalit ang isang Cross?” Tanong ko habang nakatingin ng masama kay Travis.
“Isa-isahin natin ang atraso mo. ‘Yong pagpapahirap mo sa ‘kin no’ng unang araw ko sa Academy, ang pang gagago mo kay dad, ang panggugulo sa buhay ko at pagdamay sa mga kaibigan ko and last ang pagpatay ng red org kay Tyler. Now! Say goodbye to your friend.” Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Travis at buong lakas na binaril sa ulo si Gino. Hindi ko ma-imagine na magiging ganito ako ka-brutal. But at this point of my lifeㅡI don’t fucking care.
“Masakit ba, Travis?! Masakit bang mawalan ng kaibigan?! Sumagot ka!” Sigaw ko nang makitang halos maluha siya sa kinatatayuan niya. Hindi siya nag-abalang sagutin ang tanong ko at mabilis akong sinugod, nabitawan ko ang hawak kong baril at saka niya ako sinuntok.
Napaatras ako ngunit bumawi pa ng isang suntok pero nasipa niya ako sa may tagiliran, dahilan para masubsob ako.
“Wala na kong pakialam sa code! Papatayin kitang bata ka!!” Sigaw niya nang maiwasan ko ang paparating niyang suntok. Sa hindi malamang dahilan, natawa ako ng malakas na tila nababaliw.
“Magpatayan pa tayo hangga’t kailan mo gusto!” Sigaw ko nang bigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa panga ngunit hindi ko inasahan na mabilis niyang makukuha ang baril sa lupa. Sinipa niya ako, dahilan para mapaupo ako at mabilis na maitutuok sa akin ang baril habang nakatingala ako sa kanya.
“Tingin mo talaga mapapatay mo ako?!” Sigaw niya nang ikasa niya ang baril. Wala akong kahit anong takot na nararamdaman sa oras na ‘to. I wonder why? Tanggap ko na ba na hanggang dito na lang ako?
“Say your last words.” Aniya at napangisi ako nang maibaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon ng isang segundo. Tinitigan ko ng masama si Travis at saka nagsimulang magsalita.
“Chasing me would be hard and whatever doesn’s kill me, had better start running.”
Confusion spread across his face, isang putok ng baril ang muling umalingawngaw sa gubat, dahilan para huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumayo.
“Zero.” Tumakbo ako papunta sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit habang nakatingin sa barkada na nasa likuran niya. Hindi ko rin napigilan ang pagpatak ng luha ko nang kumalas ako sa pagyakap.
“Mabuti dumating ka.” Ginulo niya ang buhok ko at sabay kaming tumingin sa bangkay ni Travis.
“Hindi ko akalain na siya ang boss ng red org.” Aniya. Lumapit naman sa amin sila Rozee.
“Head shot ‘yon, Zero ah?”
“Now. It’s really over.” Nakangiting sabi ni Xian at ngumiti rin ako. Inakay ako ni Zero at sabay-sabay kaming naglakad palayo.
“Lakas makapelikula ng sinabi mo do’n, Erin.” Sabi ni Jester sa akin.
“Shut up!”
“Oh, Tyler. Alam kong pinapanuod mo kami ngayon, mamatay ka sa inggit.” Pabirong sabi ni Alex kaya nabatukan siya ni Jennie.
“Dalawin ka sana niya mamayang gabi.” Ani Chloe.
“Peace. Tyler, miss na kita.” Nagtawanan kaming lahat at masayang umalis sa lugar na iyon. Mas masaya sana kung kasama namin si Tyler ngayon, paniguradong abot tainga ang ngiti no’n. Napabuntong hininga ako at saka huminto sa paglalakad kaya napalingon sila sa aking lahat. Ngumiti ako ng matamis habang nakatingin sa kanila.
“Thank you, guys.”
[THE END]