(Angus)
MAY KAKAIBA sa mansiyon ni lolo Carlos nang dumating kami. There is something heavy and ominous in the air. Noon pa man may unapproachable atmosphere na ang mansiyon pero hindi iyon ang nararamdaman ko doon ngayon.
“It feels like this place is grieving,” sabi ni Cain na bumaba na rin sa kotse niya.
Iyon mismo ang nararamdaman ko. Noong bata pa ako napansin ko nang nakikiayon ang mansiyon na iyon sa emosyong nararamdaman ng pamilyang nakatira sa loob. Ganoon din sa Old Alpuerto mansion. Siguro dahil mahabang panahon nang pag-aari ng pamilya namin ang mga iyon kaya nabahiran na rin ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan ang mga mansiyon.
At ngayon damang-dama ko na nagluluksa ang buong kabahayan. “Hindi maganda ang kutob ko.”
Dumeretso ng tayo si Cain. “Kailangan pa rin nating pumasok sa loob para komprontahin sila tungkol kay Ayesha.”
Tumango ako at kinuyom ang mga kamao. Saka kami pumasok sa mansiyon.
ISANG mayordoma ang sumalubong sa amin. Halata ang pagkagulat at pagkataranta niya nang makita kami. Una dahil matagal na panahon na akong hindi umuuwi doon. Pangalawa, aware ang mga kasambahay sa mansiyon na hindi gusto ng immediate family ko si Cain. Lahat ng mga helper doon nagmula sa mga piling pamilya na maraming henerasyon na naglilingkod sa mga Alpuerto. Alam nila na may unspoken rivalry ang henerasyon ng Elders na gusto ng mga magulang namin na maipasa hanggang sa aming magpipinsan.
Madidismaya lang sila dahil kahit hindi kami lubos na malapit kay Cain wala rin naman kaming nararamdamang hindi maganda para sa kaniya. In fact, I think he’s the best candidate for the position as clan leader. He’s more calm and authoritative.
Ang katangian niyang iyon ang ginamit niya nang igiit sa mayordoma na gusto namin makita sila lolo Carlos. Nang magdalawang isip ang matandang kawaksi ay ako naman ang nagsalita, “Nasaan sila?” Nakita ko na bibigay na siya kaya ngumiti ako at medyo naglabas ng kapangyarihan ko. “Sabihin mo sa amin.”
Nakita ko nang sandaling mapasailalim siya sa kapangyarihan ko. Na-relax ang kanyang katawan at nawalan ng focus ang mga mata. Nagkaroon rin ng nahuhumaling na ngiti ang kanyang mga labi. “Sundan niyo ako.” Saka siya tumalikod at humuhuni pa na umakyat ng hagdan.
“Pambihira ka. Kahit matanda ginamitan mo ng kapangyarihan mo,” kunot ang noo na bulong sa akin ni Cain habang nakasunod kami sa mayordoma.
“I have no choice. Nagmamadali tayo baka nakakalimutan mo,” sagot ko na lang. Dahil sa totoo lang ay hindi rin naman ako komportable na gamitin iyon sa kahit na sino. Kahit nga kinokontrol ko iyon, madalas ay kusa pa ring may kumakawala.
Dinala kami ng mayordoma sa library. Nasa labas pa lang kami naririnig ko na ang mga boses mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Cain. Mukhang nagtatalo ang mga tao sa loob ng library. Nagtanguan kami bago ko inunahan ang mayordoma at hindi kumakatok na binuksan ang pinto.
Natahimik at gulat na napalingon ang lahat sa akin. Ilang segundo lang rumehistro na sa akin ang hinagpis at pagod sa mukha ni lolo Carlos; ang pamumutla at panic sa mukha ng aking inang si Corazon Viloso; ang seryosong ekspresyon pero bagsak na mga balikat ng aking ama na si Demetrio at ang nanlilisik na mga mata at mapulang mukha ng tiyuhin kong si Victor.
“A-angus!” Si mama ang unang nakahuma sa kanilang lahat. “What are you doing here –” Naging singhap ang sasabihin pa niya at naalis ang tingin sa akin. Napunta kay Cain na naramdaman ko nang pumasok na rin sa library at tumayo sa tabi ko.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nawawala si Ayesha. Kung mayroon sa inyo ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kaniya o kung sino ang may pakana ng pagkawala niya, magsalita na.” Kalmado pero tumataginting ang awtoridad sa boses ni Cain. I realized that he is very, very angry right now. Mas matindi pa yata sa nararamdaman ko. Narealize ko rin na hindi siya magagalit ng ganoon kung para lang sa posisyon ng clan leader kaya siya nakikipaglapit kay Ayesha. Na siguro mas malalim na ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa isiping iyon.
Kumilos si tiyo Victor paharap sa amin at naging alerto ako. “Pinagbibintangan mo ba kami na may kinalaman kami sa pagkawala niya?”
“Walang ibang may motibo para saktan siya maliban sa mga kaaway ng pamilya o sa iyo, tiyo,” seryosong sagot ko.
Lalong namula at bumalasik ang mukha ni tiyo Victor. Humakbang palapit sa amin. “Sinasabi mong ako ang utak ng pagkawala ng babaeng iyon? Pinagsasalitaan mo na rin ako ng ganiyan Angus?”
“You were rude to her at the party,” sabi ni Cain, kontrolado pa rin ang galit. “You looked at her with hatred in your eyes.”
“Sinira ng ina ng babaeng iyon ang buhay ko! Nawala sa akin ang dapat mayroon ako dahil sa kaniya. Buong buhay mo ay katulad mo rin ako Cain. I was trained to be the head of this family. I took pride in it. Hindi niyo pa alam kung ano ang pakiramdam na mawala sa inyo ang isang bagay na buong buhay mo ay akala mo sa iyo. Wala ba akong karapatan makaramdam ng galit para sa kanila? Ibig sabihin ba niyon ay dudungisan ko na ang mga kamay ko at gagawa ng krimen?! Dahil may motibo ay may karapatan na kayong pagbintangan ako? Mga walang respeto!”
“Hindi ito usapin ng respeto, tiyo. Ito ay tungkol sa kaligtasan ng isang tao. Ng isang babae!” nagtaas na ng boses si Cain, hindi na naitago ang tinitimping galit.
“He didn’t do it,” malakas at ma-awtoridad na sabi ng aking ama na si Demetrio. Napunta sa kaniya ang atensiyon namin ni Cain. Tiim ang ekspresyon ni papa at mukhang galit. “Bukod sa nadala na siya sa nagawa niyang pagkakamali labing walong taon na ang nakararaan, wala rin siyang kakayahan na isakatuparan ang ibinibintang ninyo sa kaniya. Kung iniisip niyo rin na may isa sa amin ang gagawa niyon sa moon bride, nagkakamali kayo. We know she’s the key to the survival of this family. Siya ang susi upang mapanatili sa atin ang kapangyarihan, impluwensiya at yaman na mayroon tayo mula pa noong unang panahon. We are not foolish enough to harm her. Isa pa, sa inyo pa lang namin nalaman na nawawala siya.”
Hindi kami nakahuma ni Cain. Nagkatinginan kami. Kahit na walang awa ni simpatya si papa hindi rin siya ang tipong ikakaila ang mga bagay na alam niya o ginawa niya. He takes pride in his works, no matter how evil it is. Ibig sabihin talagang wala silang kinalaman sa pagkawala ni Ayesha.
Hindi ako nakahinga ng maluwag sa isiping hindi ko kilala kung sino ang salarin.
“Ilang araw na siyang nawawala,” sabi ni Cain, mas kalmado na ang tinig. “Malapit na ring maggabi. Kapag lumipas na naman ang magdamag ay apat na araw na siyang nasa kamay ng kung sino man ang kumuha sa kaniya. Kailangan natin siyang matagpuan.”
“Mas iniintindi niyo pa siya? Can’t you see your lolo Carlos is sick?!” halos tumili si mama.
Sa kabila ng kalamigan at kalupitan ni lolo Carlos sa amin ni Chance mula pa noon hindi ko pa rin napigilan ang pakiramdam na parang may sumipa sa sikmura ko sa sinabi ng aking ina. Napunta sa matandang lalaki ang tingin ko na ngayon ko lang napansing kanina pa tahimik. Nakasalampak pa rin siya sa couch, laglag ang mga balikat, wala ang tapang at awtoridad na palaging pumapalibot sa kaniya. Para rin siyang tumanda ng ilang dekada. He really looks sick.
Nagsimula akong lumapit sa kaniya. “What’s wrong with you, lolo?” tanong ko.
“Nagising siya kaninang umaga na matamlay,” sagot ni papa.
Nakalapit na ako kay lolo at lumuhod sa harapan niya para mapagmasdan siyang mabuti. “May masakit ba sa inyo?”