MOON BRIDE (Filipino) Chapter 40

(Angus)

Humawak si lolo Carlos sa dibdib niya at huminga ng malalim. “Naninikip ang puso ko. I woke up feeling depressed and lonely. Hindi ko maintindihan kung bakit.”

“Pinatingin na namin siya sa doktor kanina pero wala naman daw problema sa puso niya. Ang sabi ng doktor kailangan niya lang ng pahinga,” nag-aalalang sabi ni mama.

Umiling si lolo Carlos. “I can’t sleep like this. Hindi ako mapakali. Para bang kapag nalingat ako may kukuha ng isang bagay na importante sa akin. I have a strong urge to use my power. To shout until the whole world can hear it. To listen to every conversations. To feel everything.”

Kumunot ang noo ko. Naninibago ako kay lolo. Hindi siya ganoon magsalita. Hindi ko rin naman siya nakitang nagkasakit buong buhay ko. Ganito lang ba siya dahil masama ang pakiramdam niya?

Bago pa ako makaisip ng sasabihin naramdaman ko nang nakalapit na sa amin si Cain. Napatingin ako sa kaniya dahil naramdaman ko ang tensiyon sa katawan niya. Seryoso ang ekspresyon niya habang titig na titig kay lolo Carlos. Napatayo ako sa pagkagulat nang magsalita ang pinsan ko. “Do you feel like crying, lolo?”

Gulat na nag-angat ng tingin ang matanda. Sandaling bumakas ang pagmamatigas sa mga mata ni lolo. Sa kabila ng lahat mukhang ayaw niyang aminin ang kahinaan kay Cain. Pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata, suminghap na parang kinakapos ng paghinga at mahigpit na hinawakan ng dalawang kamay ang dibdib.

“Papa!” tili ng aking ina at agad lumapit kay lolo Carlos.

Bumaling ako sa nakabukas pa rin na pinto ng library. “Tumawag kayo ng doktor,” sigaw ko dahil alam kong may mga kawaksi ang sigurado na nakaantabay sa labas.

Mas kalmado si Cain na mabilis dumukot ng cellphone mula sa bulsa at kusa nang tumawag sa doktor. Nakatutok pa rin ang tingin niya kay lolo. Nang muling ibaba ang gadget seryosong nagsalita ang lalaki. “I don’t think you are sick, lolo Carlos.”

Napatingin kami lahat sa pinsan ko. Hindi ko gusto ang nakikita kong ekspresyon sa mukha niya.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Kapareho sila ng sintomas ni lolo Ingracio. That is not a sickness. That is…”

Nagulat kaming lahat nang tumulo ang mga luha ni lolo Carlos, napatingala sa kisame pero alam kong hindi talaga iyon ang tinitingnan niya. It was as if he’s looking beyond the sky. Napaigtad ako nang kumilos si lolo at biglang lumuhod, humikbi at dumiin ang pagkakahawak sa kanyang dibdib na para bang nagluluksa.

Lumuhod sa tabi ni lolo ang aking ama. Maging si tiyo Victor na kilala kong malamig at malupit tumakbo paluhod upang daluhan si lolo. “Papa! Anong nangyayari sa iyo?” tarantang tanong ni tiyo Victor. Iyon ang unang beses na nakita kong ganoon si tiyo. Hindi siya mukhang malupit. Bagkus mukha siyang batang paslit. Maging ang aking ama na buong buhay ko nakita kong nakataas ang mga balikat at determinado palagi ang ekspresyon sa mukha para bang nawala din ang maskara ng kapangyarihan.

Hindi ako nakakilos at hindi alam kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang tatlo. Silang tatlo ang simbulo ng kapangyarihan, kayamanan at kalupitan sa mga bangungot ko noong bata pa ako. At habang tumatanda ako lalo ko lang nakumpirma na ganoon talaga sila sa tunay na buhay. To be perfectly honest, as I grew older I grew to hate my family. At alam kong higit pa doon ang nararamdaman ni Chance.

Pareho kaming sumailalim sa kalupitan ng mga taong dapat nangangalaga sa amin. Ako ibinenta nila sa mga kasosyo sa negosyo na parang karne sa palengke. Si Chance pinag-eksperementuhan nila na parang isang guinea pig. They never treated us as family but a tool to fulfill what they want. Kaya masisisi ba ako kung bukod sa pagkabigla wala akong masyadong maramdamang ibang emosyon para sa kanila ngayon?

“It’s gone,” garalgal na anas ni lolo Carlos.

Kumurap ako. “What is gone?”

“Para bang may bumiyak ng dibdib ko at may kamay na humatak niyon mula sa loob ko. Ngayon ay wala na.” Lumuluha pa rin si lolo nang ibaba niya ang tingin sa amin. Puno ng hinagpis at kahinaan ang mukha. “Wala na ang kapangyarihan ko.”

Nahigit ko ang hininga. Parang lahat sila ganoon din ang reaksiyon. Napatanga kami kay lolo Carlos. Maliban kay Cain na para bang hindi nagulat.

“T-that can’t be…” garalgal na basag ni mama sa katahimikan.

“Paanong?” anas ni tiyo Victor.

“Bakit ito nangyayari?” tanong naman ng aking ama.

“Rumurupok na ang koneksiyon natin sa mga diyos,” seryosong sabi ni Cain. Napunta sa kaniya ang tingin namin. Nakatiim ang panga ng pinsan ko at nakakuyom ang mga kamao. “Nauna nang nawala ang kapangyarihan ni lolo Ingracio. At ngayon ikaw naman lolo Carlos. Kapag nagpatuloy ito, kaming magpipinsan ang magiging huling henerasyon ng Alpuerto.”

“Aware ka sa nangyayaring ito, Cain?” manghang tanong ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.