Moonlight Bride (Tagalog) Chapter 12

Palinga-linga ito sa bawat paghakbang. Animo’y nag-aabang kung may halimaw na lalabas. Napa-paranoid ba ito dahil akala nito ay may multo sa mansion.

Napapitlag ito nang tapikin niya ang braso nito. “Ito na ang kuwarto ko.” Nang buksan niya ang pinto ay tangkang papasok pa ito. Inagapan lang niya. “It’s okay. Kaya ko nang mag-isa. Bahay ko naman ito.”

“I just want to make sure that you are safe…” Natigilan lang ito nang taasan niya ng kilay. He smiled like a little boy then scratched his head. “Goodnight!” wika nito at kinintalan siya ng halik sa labi.

Nagulat siya. Hindi iyon padaplis lang na halik gaya ng ginawa nito nang nagdaang gabi. His kiss lingered for a while. Parang lumulutang at lumilipad siya sa ilang sandaling iyon. She nearly swooned. Unti-unti nang pumipikit ang mata niya nang bigla itong lumayo sa kanya.

Hinigit niya ang hininga upang punuin ang baga niya ng hangin. Nakatulala lang siya. Nahihiya naman itong hinaplos ang gilid ng labi niya. “I don’t really want to kiss you goodnight, Callea. But I can’t help it. You are so damn beautiful. Pumasok ka na. Thanks for the lovely evening.”

Di na siya nakasagot dahil parang zombie siya nang makapasok ng kuwarto niya. He kissed her again. Sinabi na naman nitong maganda siya.

Ibinaon niya ang daliri sa buhok. Then she shook her head. Muli na namang binaligtad ni Deive ang mundo niya. Her heart was beating erratically. Binasa niya ang labi. That lingering kiss really nailed her.

She wants… she wants some more.

“No! Hindi ito pwede!” Binalingan niya ang natutulog na si Luna sa cat bed nito sa tabi ng kama niya. Binuhat niya ang inosenteng pusa at niyugyog. “Luna! Hinalikan niya ako. Sinabi niyang maganda ako! Anong gagawin ko?”

Naiiyak na ngumiyaw na lang si Luna. Parang nagmamakaawa na itigil na niya ang pagyugyog dito dahil nahihilo na ito. Malamang ay nagulo din ang mundo nito. Pero wala pa ring makakatalo sa gulong ginagawa ni Deive sa kanya.

He kissed her twice now. Ni hindi man lang niya nagawang tumutol o magalit.

She hated him. She hated his kiss because she wanted some more.

She hated that kiss because it was driving her crazy. He was driving her crazy. Kaya pa ba niyang mabuhay nang isa pang araw na guguluhin na naman nito ang mundo niya?

“KUMUSTA na ang groom-to-be? Itigil na ba ang kasal? O gusto mong tulungan ka namin para takasan siya?” tanong ni Sidney nang ka-video conference niya ang mga kaibigan sa laptop niya. Mabuti na lang at dinala niya ang laptop niya. Di kasi sapat ang cellphone lang sa kwentuhan nilang magkakaibigan.

“Ako? Tatakas kay Callea?” Pumalatak siya at ngumiti na parang nangangarap ng gising. “No, dude! She’s an angel. Dapat matikman ninyo kung gaano siya kasarap magluto.”

Nagpalatakan ang iba niyang kaibigan. Hinaplos ni Lucian ang sariling baba. “You got it bad, dude! Ngayon ka lang nagsalita nang ganyan tungkol sa isang babae. A nymph? An angel?”

“I don’t really mind marrying someone like her. And she has a sweet voice…” Naramdaman niya ang pagkaubos ng dugo sa mukha niya nang maisip ang boses nito. Ang boses na iyon ay boses din ng multo sa bahay na iyon. “Dude, kailangan kong magsimba bukas ng umaga. Kung pwede nga lang ngayon mismo tumakbo na ako ng simbahan. Kaya magdadasal na lang ako bago matulog.”

“Ha? Naka-drugs ka, dude?” tanong ni Averill. “Bigla kang napagsimba? Tapos magdadasal ka pa bago matulog. Aba! Anghel nga siguro iyang si Callea.”

“O baka laking kumbento iyan. Sigurado ka na gusto ka niyang pakasalan? Baka magmadre iyan.” Itinaas pa ni Sidney ang mga kamay at tumingin sa langit. “Tapos baka sa susunod gusto mo na ring magpari.”

“No! Callea and I will be husband and wife soon. Isa pa, wala pang babaeng tumatanggi sa akin.”

Hinampas ni Sidney ang sariling dibdib. “Kaya nga idol kita! Kahit nga posteng nakapalda di makatanggi sa iyo, dude!”

Nagtawanan ang mga kaibigan niya pero nanatili siyang seryoso. He liked Callea so badly. Di kasi ito tulad ng ibang babae na nagpapakita agad ng interes sa kanya kaya madali siyang magsawa. She had that air of innocence around her that charmed him. She was the type of girl that he wanted to protect and cherish. Hindi pa siya nag-isip ng ganoon sa isang babae kahit na kailan. Kay Callea lang.

“It is almost twelve. Kailangan ko nang matulog,” wika niya.

“Ang aga naman,” angal ni Lucian. “Ganitong oras pa lang nagsisimula ang gabi natin dito, di ba?”

“Baka mapalo siya ni Callea. Patulugin na natin,” kantiyaw ni Averill.

Ngumisi lang siya nang nang-iinis. “May date pa kami ni Callea bukas. Itu-tour niya ako dito sa bahay.” Inggit lang ang mga ito dahil walang Callea. Tapos na siya sa papalit-palit na girlfriend. Iyon siguro ang nagawa ni Callea sa kanya. Baka sadyang ipinadala ito para ituwid ang buhay niya.

Nakakaidlip na siya nang makarinig siya ng iyak ng isang babae. Di na sana niya papansinin subalit patuloy pa rin ang pag-iyak. Parang kahit ang mga dingding ng bahay ay umiiyak din. Nakakabagabag.

Bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Baka mamaya ay si Callea ang umiiyak. Baka kailangan siya ni Callea.Lumakas ang kaba niya paglabas ng hallway. Galing sa kuwarto ni Callea ang iyak. Tinakbo niya ang kuwarto ni Callea. Unti-unti siyang kinikilabutan sa panaghoy dahil sa lamig ng sahig sa nakayapak niyang paa.

Pagtapat sa kuwarto ni Callea ay biglang tumahan ang pag-iyak. Marahan siyang kumatok. “Callea! Callea, are you okay?” tanong niya.

Wala siyang narinig na sagot. Idinikit niya ang tainga sa pinto. Wala siyang narinig kahit na pigil na hikbi. Tahimik na tahimik ang loob ng kuwarto nito. Mukhang mahimbing na ang tulog nito. Lumipas ang ilang sandali pa ay wala siyang narinig na kahit anong kaluskos. Di kaya imahinasyon lang niya ang mga panaghoy?

Nanlamig ang katawan niya nang maisip ang babaeng duguan at ang pusa nito na nakita niya nang nakaraang gabi. It must be her. Dali-dali siyang tumakbo papasok ng kuwarto niya at ini-lock ang pinto. He prayed so hard for the first time in his life. The house is really haunted.

Kailangan niyang maprotektahan si Callea sa kahit anong paraan.

“GOOD morning!” bati ni Callea kay Luna paggising niya. Humikab ito at nag-inat nang haplusin niya ang ulo nito. “Masarap ba ang tulog mo? Ako, nag-enjoy akong matulog. Ang ganda ng pampatulog natin, di ba?”

Magkatabi silang matulog dahil ayaw niyang pakawalan pa si Luna kagabi. Dahil sa halik ni Deive, nahirapan siyang matulog. Di siya pwedeng mag-piano na naman nang disoras ng gabi. Ayaw na niyang takutin pa si Deive. Kaya isinalang niya ang paborito niyang sound effects kapag nagse-set siya ng mood. Ang iyak ng crying white lady. Ilang saglit lang matapos isalang iyon ay nakatulog agad siya. Naka-set ang computer niya na mag-shut down matapos I-play ang mp3 file na iyon. Kaya kahit tanghali siyang nagising ay okay lang. Nag-enjoy naman siyang matulog. Sana ay di niya nabulabog ang pagtulog ni Deive.

Paglabas niya ay nagulat niya nang may maapakang magalas sa sahig. Nang yumuko siya ay may iodized salt na nagkalat sa sahig. Bukod doon ay may bawang pa sa tabi ng pinto. Dinampot niya ang bawang. “Anong ginagawa nito dito?”

Pagbaba niya ay naghahanda na ng late na agahan si Marina para sa kanya. Nalukot ang mukha nito nang makitang hawak niya ang bawang. “Nasa iyo lang pala iyan. Ano na naman ang inimbento mo at pati bawang ko binawasan mo? Mabuti na lang hindi kinulang ang pangsangag ko.”

“Hindi ko kinuha iyan. Nakita ko na lang iyan sa labas ng kuwarto ko.”

“Sino naman ang maglalagay niyan sa labas ng kuwarto mo? Aswang ka ba?”

“Si Deive!” Maaring ito ang naglagay ng bawang at asin sa labas ng kuwarto niya. Bakit? Narinig ba nito ang iyak kagabi? Iniisip ba nito na may pagka-multo siya o aswang?

“Magsisimba daw siya.” Dinuro siya nito ng serving spoon. “Tapatin mo nga ako. Ano ba ang ginawa mo at inaalayan ka ng asin at bawang ni Señorito Deive?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.