Moonlight Bride (Tagalog) Chapter 11

Galit siya sa mga taong tulad nito. Mabuting tao si Marina. Bakit huhusgahan agad nito?

Sayang. Akala pa mandin ni Marina ay mabait si Deive.

Naalarma si Deive nang mapansing di niya nagustuhan ang sinabi nito. “Hey! Don’t get me wrong. Hindi ko hinuhusgahan ang pagkakaibigan ninyo ni Marina. Pero kayong dalawa lang dito sa bahay. Hindi lahat kaya niyang gawin. Paano kung may masasamang loob na pumasok dito?”

“Thanks for the concern. Pero walang magtatangkang pumasok dito.”

Nakatulong ang istorya ng mga multo para iwasan ng tao ang lugar kahit pa ng mga magnanakaw. Mahihirapan ang mga ito na bitbitin ang mga malalaking muwebles na antique sa mansion. Di iyon madaling nakawin. Wala rin namang mamahaling heirloom o pera doon. Ang lahat ng pangangailangan niya ay ibinibilin at ipinapadala ng lolo niya. At alam din niya na nagtalaga ng bantay ang lolo niya na nagmamasid sa mansion. She was okay with that.

It was comforting to know that he was not judging Marina. Kaibigan niya si Marina. Sinumang manakit dito ay makakalaban siya.

“Sabi ng Lolo Tomasino mo, hindi ka daw halos lumalabas ng mansion. Anong ginagawa mo kapag nandito ka?” tanong nito.

“I have online classes. I am taking up Creative Writing. Gusto ko kasing gumawa ng mga graphics novels. The old books at the library help me enrich my imagination. I am also working with several novels. Kaya marami akong gagawin.”

Di na lang niya sasabihin dito na isa na siyang sumisikat na horror graphics novelist. Na naipa-publish na niya ang mga graphic novels niya di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Philippine based lang ang publisher niya pero nagagawa na niyang makakuha ng atensiyon. Thanks to the Internet.

Pero pen name niya ang gamit niya. Tanging publisher niya ang nakakakita sa kanya. While she was a confidential item to the rest of the world.

“Ano bang isinusulat mo? Romance? Fiction? Political satire?”

She smiled sheepishly. “Saka na siguro kapag na-publish na.” Di siya komportable na ipakita sa ibang tao ang mga gawa niya habang raw material pa. Kahit nga kay Marina ay di niya iyon ipinapakita. Kasama iyon sa eccentricities niya bilang isang artist. “How about you? Sa Hontiveros Coco Industries ka, hindi ba?”

“I used to work for our family business. Not anymore,”malungkot nitong wika.

“Then what do you do now?”

“A professional bum,” nakangisi nitong sagot. “Kaya nga ipinamimigay na lang ako ng lolo ko. Okay lang ba sa iyo na pakasalan ang tulad ko?”

Nagkibit-balikat siya. Wala rin naman siyang magagawa dahil ito ang gustong ipakasal sa kanya ng lolo niya. Kahit pa siguro isa itong terorista ay pakakasalan niya ito kung iyon lang ang paraan para matiyak na mapapasakanya ang mansion.

“Kung okay lang sa iyo na laging kumain ng talbos ng kamote at kung ano pang gulay at damong mapipitas sa likod-bahay.”

Pumailanlang ang halakhak nito sa buong kabahayan. Natigagal siya. Biglang nagkaroon ng buhay at liwanag ang kabahayang di nakatikim ng masasayang halakhak sa loob ng mahabang panahon.

“Talbos ng kamote at damo ang ipapakain mo sa akin? Great!” Magaan nitong hinampas ang mesa. “Ibig palang sabihin kailangan ko nang matutong mag-alaga ng mga damo ngayon pa lang.”

Iniwas niya ang mga mata dito. She loathed his smiling face. She loathed his laugh. It touched her gloomy heart. It was not good.

“Kung nagsasawa ka sa talbos ng kamote, pwede namang hukayin mo. Baka sakaling may bunga na iyong kamote o kaya iyong gabi.”

“Don’t worry. Wala na ako sa Hontiveros Coco but I am working on a project with some of my friends. A pirate ship.”

“Wow!”

Nagningning ang mga mata niya nang maisip ang mga kalansay ng mga dating pirata na muling nabuhay upang lipulin ang mundo. Naroon din ang mga lumang kayamanan kung saan may mga bantay na halimaw. It was exciting! Kung ganoon ay may mapagkakasunduan pala silang dalawa.

Umiling ito. “It would be an elegant floating hotel and restaurant. Pwede rin siyang maging cruise ship. Gusto ko talagang magbiyahe sa mundo nang nakasakay ng barko. I think it is cool.” Inilahad nito ang palad. “Gusto mo bang sumama sa akin kapag kasal na tayo?”

Pinagmasdan niya ang nakalahad nitong palad. It was a splendid invitation for any normal, starry-eyed woman who was in for a romance with a handsome man. Tipid siyang ngumiti. Di siya maaring tumanggi nang direkta. Wala siyang balak lumabas ng mansion. Masyadong malawak at malupit ang mundo para sa katulad niya. Sapat na siyang manatili sa sa loob ng Villa Celesta.

“Hindi ka ba natatakot nang dadalawa lang kayo ni Marina dito?” tanong ni Deive habang nagkakape sila sa verandah matapos ang hapunan. Malamig ang hangin at bilog na bilog pa rin ang buwan. What a lovely night.

“Ano naman ang katatakutan ko?”

Nagkibit-balikat siya. “Kasi hindi ba kapag ganito kaluma ang bahay at malaki pa, madalas iniisip ng mga tao na pinamumugaran ng multo at maligno?”

“Naniniwala ka doon?” Ngumisi siya. “Nakakita ka na ba?”

Naging malikot ang mga mata nito at di alam kung saan titingin. Sa huli ay itinuon na lang nito ang atensiyon sa bilog na buwan. “Wala! Kalokohan lang iyon.”

Bahagya siyang humilig dito. “Paano kung may multo talaga?”

Mahabang sandali siya nitong tinitigan. Pilit itong lumalaban upang huwag ipakita ang takot sa kanya. Tingnan niya kung hanggang saan ang tapang nito. Sa huli ay ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. “Poprotektahan kita para hindi ka matakot. Welcome ka lagi na yakapin ako.”

Lumayo siya dito. Akala nito ay takot siya sa multo. Wala itong kaide-ideya na siya ang multo. Uminom ulit siya ng tsaa. “Ibig sabihin okay lang pala sa iyo kung dito tayo titira?”

Tumikhim ito. “Mapag-uusapan naman natin iyan kapag kasal na tayo.”

It would be a tug of war. Wala itong balak na tumira sa mansion dahil tingin nito ay may multo. At lalong di naman siya aalis ng Villa Celesta. What a life!

“Next time tsaa na lang muna ang inumin mo, ha? Bawas-bawasan mo ang kape. Hindi iyan makakabuti sa iyo.”

“Bakit?” tanong nito.

Makahulugan ang ngiting isinagot niya. Huwag na itong magkape para hindi ito maging masyadong nerbiyoso.

Sa loob ng dalawang oras ay nag-enjoy siya sa pakikipag-kwentuhan dito at sa pagtingin sa buwan. He was indeed a charming man. May sense din itong kausap. Sa loob ng ilang oras na papakipag-kwentuhan dito ay di siya nakadama ng pagkailang. Siguro dahil safe naman ang mga bagay na napag-uusapan nila.

Sinulyapan nito ang relo. Napansin niyang balisa si Deive nang tumuntong ng alas diyes ng gabi. “It’s late. Dapat siguro magpahinga ka na.”

“Okay,” aniya at tumayo. Ginagap nito ang kamay niya. Pero kakaiba ang hawak nito sa kamay niya. He tucked it in his hand. Di nito halos binibitiwan. Parang natatakot ito na anumang oras ay may aagaw sa kanya mula dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.