Moonlight Bride (Tagalog) Chapter 18

“GOOD morning, Luna! Good morning, Napoleon! Good morning, Marie Antoinette!” bati ni Callea pagmulat ng mata. Pumikit ulit siya at dumapa. Mahimbing na ang tulog niya kahit pa puyat siya dahil inayos niya ang magulo niyang kuwarto. Kaya nga alas diyes na siya ng umaga nagising.

Sa wakas ay alam na ni Deive ang tunay niyang pagkatao pati ang dahilan ng pagpapakasal niya dito. Ngayon ay nagkakatulungan pa sila para maabot ang mga mithiin nila sa buhay. Hindi na niya kailangang pigilan ang sarili na mag-piano sa gabi, o mag-alala sa damit na dapat niyang isuot at itsura niya sa pagharap dito. Maiintindihan na nito ng ayon kung magmukha man siyang kaluluwang ligaw na hindi nagsusuklay. She could be perfect. She was free.

Pwede na niyang ipahinga ang isip niya ngayon. Hindi na mawawala pa sa kanya ang Villa Celesta. Di na rin siya kailangang intindihin ng Lolo Tomas niya.

Matapos maghilamos at bahagyang magsuklay ay lumabas siya ng kuwarto. Suot niya ang lumang saya ng lola niya na hanggang sakong ang haba at sinamay na blusa. Nagkagulatan pa sila ni Deive nang magkita sila sa hagdan.

“Huh!” Muntik na itong mawalan ng balanse at napakapit sa barandilya. “Akala ko nabuhay na ang Lola Celesta mo sa suot mo.”

“Masanay ka na. May araw na ito ang gusto kong isuot. Ito ang paboritong baro at saya ni Lola.” Napansin niya na bihis pa ito. “Aalis ka ba? Saan ka pupunta?”

“Kadarating ko lang. May mga binili lang ako. Magbibihis lang ako sandali. Gigisingin na nga kita para makapag-agahan ka na.”

“Sasabay ka ba sa akin?” tanong niya.

“Hindi na muna. Nauna na kaming nag-agahan nila Mang Lito kanina. Ipinainit ko na ang breakfast mo. May gagawin pa ako. Sige.”

Nagtataka siyang bumaba ng hagdan. Parang busy itong masyado. Baka may kailangan itong asikasuhin sa negosyo nito sa Maynila.

Papunta sa kusina ay nadaanan niya sina Mang Lito at ang anak na binatilyo na nagtutulong sa pagkukuskos ng tiles sa swimming pool.

Lumabas siya sa pool area. “Mang Lito, bakit po naglilinis kayo ng pool?”

“Magandang araw po, Señorita. Inutos po ni Señorito Deive. Baka daw po kasi pinamamahayan na ng lamok itong pool. Baka daw po ma-dengue kayo.”

“May chlorine naman iyan, Mang Lito.”

“Baka po gagamitin ito ni Señorito. Siya pa mismo ang bumili ng gamit.”

Naalala niya nang maglublob ito sa pool nang unang gabi nito sa mansion. Baka gusto nitong ulitin ang experience. Natatakot ito na baka magka-allergy ito o may makuhang sakit sa pool. Madalang gamitin ang pool. Bahala na si Deive sa gusto nito sa pool. Ito naman ang nagprisinta.

Nag-aagahan na siya nang may ilapag na mga bote ng gamot si Marina sa harap niya. “Vitamins at mga food supplements na bili ni Sir Deive. Inumin mo pagkatapos mong kumain.”

“Para saan iyan?” tanong niya.

“Nagpupuyat ka daw lagi. Baka bumagsak ang resistensiya mo. Napaka-maalalahanin ng mapapangasawa mo, señorita. Guwapo pa! Kahit kami nila Mang Lito binigyan din niya ng vitamins para daw mas maalagaan ka naming mabuti.”

Nakangiti niyang itinuloy ang pagkain. Di niya naisip masyado ang pagpapalakas sa katawan niya lalo na’t iba ang oras ng tulog niya. “Mukhang may yaya na ako. Tapos ipinalinis pa niya ang pool.”

“Mukhang maraming magbabago dito sa bahay dahil sa kanya.” Kung anumang mga pagbabago iyon, sana ay sa ikabubuti ng lahat.

Pagkatapos kumain ay sumilip siya sa pool area. Muntik nang malaglag ang puso niya dahil naka-shorts lang si Deive at walang pang-itaas na damit habang tinutulungang mag-eskoba ng tiles ng pool sina Mang Lito.

Nagtago siya sa isang haligi habang pasimple itong sinisilip. The sun was touching his body drenched with sweat. Naggagalawan din ang muscles nito sa bawat paggalaw nito. Kaiinom pa lang ng malamig na juice pero parang nauuhaw na naman siya. Kung isa siyang bampira, baka gugustuhin niyang tumungga ng dugo… dugo ni Deive.

“Sinong tinitingnan mo diyan?” untag sa kanya ni Marina.

“Bakit ka nanggugulat?”

“Masyado ka kasing busy sa katititiig. Si Señorito Deive ba?”

Pasimple ulit siyang sumilip. “Tinitingnan ko lang kung tama ba ang pagkaka-eskoba niya. Baka mamaya palpak siya. Siyempre laking mayaman iyan. Baka nga di iyan nakahawak ng eskoba sa buong buhay niya.”

“Iyon nga din ang sinabi namin sa kanya. Pero sabi niya wala naman daw trabahong hindi natututunan. Mukhang gagawin niya ang lahat para sa iyo.”

Tinaasan niya ito ng kilay nang mahimigan niya ang panunukso nito. Ngayon lang siya tinutukso ni Marina. Samantalang dati ay di nila napag-uusapan ang tungkol sa pakikipagrelasyon at ang mga lalaki. It was a taboo subject. Pero ngayon, mukhang komportable na ito na pag-usapan iyon dahil kay Deive.

“Sa attic na muna ako at magbabasa-basa. Kailangan ko ng bagong idea para sa istorya ko.” At tinalikuran na niya ito. Nakakuyom naman ang palad niya habang pinipigilan ang sarili na lingunin si Deive at ang makisig nitong katawan.

Marriage for convenience. Pakakasalan niya ito para sa Villa Celesta at wala siyang karapatan na pagnasaan ito.

“KUMUSTA NAMAN ang lalaking napili ko para sa iyo, hija? Nagkakamabutihan na ba kayong dalawa ni Deive?”

Napangiti lang si Callea sa tanong ng Lolo Tomas niya. Nasa kuwarto siya noon at nag-I-sketch dahil tinatamad pa siyang ituloy ang susunod na eksena sa istorya niya. Nagkataon namang tumawag ang lolo niya. Alam kasi nito na gising pa siya nang hatinggabi.

“Nagkakasundo po kaming dalawa ni Deive. He is so nice. Napaka-maalalahanin at maalaga.”

“Nabanggit din sa akin ni Jorje na nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Deive. Puring-puri ka niya, hija. Magaling ka daw magluto. Ginamot mo pa ang ang sugat niya nang masaktan siya at magaling ka ding tumugtog ng piano.”

“Talaga po? Sinabi niya iyon?” tanong niya at nasapo ang isang pisngi.

Nag-init ang mukha niya kahit na di niya tiyak kung taos sa puso ni Deive ang mga papuri sa kanya. He groomed the garden and the pool area. At pasilip-silip siya dito habang nasa attic. May pagkakataon pa nga na tinitingala nito ang sinisilipan niyang bintana na parang nararamdaman nito ang mga mata niya. Nang mag-dinner naman sila ay wala itong sinabi.

“Oo. Akala nga namin mahihirapan kayo ni Deive na magkasundo. Gandang-ganda nga daw siya sa iyo. Mukha ka daw diwata. Mabuti naman at hindi mo ako ipinahiya, hija. Akala ko matatakot na sa iyo si Deive sa unang gabi pa lang niya diyan. Na baka naka-aswang costume ka pa…”

“Sinunod ko po kayo, Lolo. Di po ako humarap kay Deive na gamit ang mga costumes ko. Pero na-appreciate naman po niya ang talent ko.”

“Hija, siguro nagtatampo ka sa akin. Ipapakasal kita sa lalaking di mo pa lubusang kilala. Pero ito lang ang paraan ko para maging normal ang buhay mo. Gusto kong bumalik ka sa pagiging Callea na tulad ng dati. Masayahin, magiliw sa mga tao at hindi nagtatago sa dilim…”

“Thank you po, Lolo!” Magpapakasal siya subalit hanggang doon lang ang magbabago sa pagkatao niya. Wala siyang ibang nais baguhin sa pagkatao niya.

“Magkita tayo kapag bumalik ako ng Pilipinas, hija.”

Ipinagpatuloy niya ang pag-I-sketch. Nasiyahan siya nang sa wakas ay matapos ang ini-sketch niya na imahe ni Deive. He was wearing cotton pants and was not wearing any upper garment at all. Iyon ang imahe ni Deive nang unang gabi silang magkita sa garden. That image of him always made her want to smile. He was so adorable.

Di niya alam kung bakit naisipan niya itong I-sketch. She stopped sketching the faces of the people she knew a long time ago. Mas gusto na lang niyang lumikha ng mga imahe mula sa isipan niya. Pero may kung anong nag-utos sa mga kamay niya na I-sketch si Deive and she loved it.

Napalingon siya sa pinto nang may kumatok. “Callea, this is Deive. Buksan mo ang pinto. Ipinagdala kita ng gatas.”

Dali-dali niyang binuksan ang pinto. “Nag-abala ka pa. Salamat.”

“Maganda daw kasi ang gatas sa nagpupuyat. Saka di rin naman ako makatulog. Okay lang bang makipag-kwentuhan?”

Niluwagan niya ang bukas ng pinto. “Come in…” Nag-aalangan niyang nilingon ang pinto. “Kung okay lang sa iyo na pumasok sa haunted room ko.”

Mahina itong humalakhak at pumasok sa loob. “Your man-hater cat?”

“Sa kay Marina muna natulog si Luna.”

“Good,” anito at saka lang pumasok. “Di ka ba busy?”

“Katatapos lang naming mag-usap ni Lolo Tomas. Nabanggit ko sa kanya na magkasundo tayo. He is happy about it.”

“Pareho sila ni Lolo Jorje. Muntik pa yatang mag-sommersault si Lolo dahil nasabi ko na maganda ka.”

“Kung alam lang niya,” naiilinga niyang wika.

Tinitigan siya nito ng malagkit. “Bakit? Maganda ka naman talaga, ah.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.