“You promised me a real lady, Jorje. Cult leader or a black lady.” Huminga nang malalim si Don Jorje. “This is not what I bargained for. My grandson is a fine young man. He has his faults but it’s forgivable. Wala akong itinago sa iyo tungkol sa mga pinagdaanan niya. Kaya nga nagkasundo tayong dalawa, hindi ba?”
“Ako ang may kasalanan, kumpadre,” wika ni Don Tomasino sa mababang tono. Her grandfather was defeated. Hindi nito inaasahan na magkakasundo sila ni Deive at tatanggapin siya nito sa kabila ng kaibahan niya. At ang kaibahan na iyon ang di matanggap ni Don Jorje.
“I am sorry, Lolo,” paumanhin niya sa mahinang boses. She failed her grandfather. Inaasahan nito na magiging normal na siya. Ang gusto nito ay baguhin din ang pagkatao niya, ang magkunwari sa mundo. She could never be that girl.
And Deive won’t have her any other way either. Mas na-appreciate nito ang tunay na siya. Kung kailan natagpuan na niya ang lalaking makakatanggap sa pagkatao niya, saka ito aagawin sa kanya ng taong nagbigay dito.
Bakit ngayon pa kung kailan di na siya sanay sa dilim nang mag-isa?
Mas mabuti bang di na lang nalaman ni Deive ang tunay niyang pagkatao o kaya ay di siya nito tinanggap nang tuluyan? Baka hindi masyadong masakit kung noon pa ito nawala sa kanya?
“Tapos na ang bakasyon mo, Deive,” wika ni Don Jorje. “Magpasalamat ka sa kanila sa pananatili mo dito.”
“You can’t just call off the agreement, Lolo!” tutol ni Deive. “Pagkatapos lang lahat, babalewalain lang ninyo?”
“Ah! Tungkol ba sa negosyong gusto mong itayo? I will back you up. I will give you all the financial help you need. Your days here are already an ordeal. I want to teach you a lesson but I also want you to have a good life. Hindi mo na kailangang pakasalan ang apo ni Tomasino.”
Napasinghap siya nang hawakan ni Deive ang kamay niya. “I am staying here with Callea.”
Tiningala niya ito. “Deive?”
Bakas ang matinding determinasyon sa mukha nito“I still want to marry her.”
Tiningala niya si Deive. Hindi ba pagkakataon na nitong makalaya sa lolo nito nang di natatali sa kanya? Ano bang sinasabi nito?
Itinuktok nang sunud-sunod ni Don Jorje ang tungkod sa sahig. “This is preposterous! How could you marry someone like her? Napasugod nga ako dito dahil nag-aalala sa iyo si Keiran. She’s very different from the women you used to date. Paano mo siya ihaharap sa mga business associates mo? Baka gawin niyang Halloween party ang mga business functions na pupuntahan ninyo.”
“Nang piliin ninyo si Callea para sa akin, akala ko gusto ninyo akong tumino, Lolo,” wika ni Deive sa malumanay ngunit matatag na boses. “She’s the woman that I want to protect and spend each moment of my life with. Gusto ko siyang makitang sumaya. Noon lagi ko na lang iniisip ang sarili ko. Ngayon lang ako nag-isip ng para sa ibang tao. Si Callea lang ang nakagawa no’n para sa akin.”
Naningkit ang mata ni Don Jorje. “Paano kung mawala ang lahat ng privileges na in-offer ko sa iyo kapag pinakasalan mo siya?”
Ganoon nga marahil katindi ang pagtutol sa kanya ni Don Jorje sa kanya? Gigipitin talaga nito si Deive iwan lang siya. Iyon ang dahilan ni Deive para pakasalan siya. Kailangan na niyang tanggapin na mawawala ito sa kanya.
Babawiin na sana niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Deive subalit di nito pinakawalan ang kamay niya. “Marami pang paraan para makahanap ng pera, Lolo. I am a Hontiveros. I can always start from scratch like you did. Mas ayokong mawala sa akin si Callea. There’s more than meets the eye. Ayoko sa kanya noong una. But the more I get to know her, the more I realize how shallow I am. Marami akong natutunan sa kanya. Kahit ang mga kakaiba sa paningin ng iba natutunan kong pahalagahan. I think she’s more precious than money. She’s a rare find jewel.”
Her eyes became misty. Iyon siguro ang pinakamagandang bagay na narinig niya sa sarili. Deive treasured her more than his dreams. Kung akala niya ay kilala na niya si Deive, nagkakamali siya. He was surprising her more. He was like a prince, saving a princess on a tower.
“He is a man of character. I like him,” nakangiting wika ng Lolo Tomas niya. Natupad ang pangarap nitong makatagpo siya ng lalaki na mag-aalaga sa kanya. And surprisingly, someone who accepted her for what she is.
“Well, I don’t. At pakakasalan mo pa rin siya kahit na hindi na mapupunta sa iyo ang Villa Celesta?” tanong ni Torque. “I still have a claim on it. I am still the rightful heir. Kung ayaw ko sa lalaking pakakasalan mo, di ito mapupunta sa iyo.” Okay nasa na ang lahat. Kuya Torque naman niya ang kontrabida.
“Hahanap ako ibang haunted house para sa kanya. Pwede rin niyang gawing haunted ang pirate ship na binubuo namin. Callea will always have a place here with me and nobody can harm her,” matatag na wika ni Deive.
Hindi na siya nakapagsalita sa labis na emosyong nararamdaman niya. Baka kapag ibinuka niya ang bibig ay mawala ang mahika sa sandaling iyon. Deive’s words were enough to make her believe in fairy tales.
Hindi nito binitiwan ang kamay niya kahit na pinaglalayo na sila. Even Villa Celesta didn’t matter to her at the moment. May naghihintay pang mas magandang buhay sa kanya kasama si Deive.
“Is that final, Deive?” tanong ni Don Jorje.
Di sumagot si Deive. Kinabig lang nito ang katawan niya palapit dito.
Tinapik ng Lolo tomasino niya ang balikat ni Don Jorje. “I guess it is love.”
Love? That word was alien to her. Ni minsan ay di sumagi sa isip niya na may lalaking magmamahal sa kanya o mamahalin niya. Iyon na lang siguro ang paliwanag kung bakit di nila mabitiwan ni Deive ang kamay ng isa’t isa kahit na handa silang isugal ang mga pangarap nila.
“Kuya!” angal niya nang paghiwalayin sila ni Kuya Torque.
Inilagay siya nito sa likuran nito. “Pasado siguro siya kay Lolo pero hindi sa akin. Kailangang magkalinawan muna tayo.”
“Kuya, killjoy ka talaga,” sabi naman ni Lee na kampi na sa kanya.
Nag-thumbs up sa kanya si Deive. Mukhang di na nito problema pa ang pinsan niya. Naniniwala naman siya na papasa ito sa Kuya Torque niya. After all, passed the toughest test with flying colors.
Love. It feels good to fall in love. It feels good to love Deive.
Sana ay marinig din niya kay Deive na mahal nga siya nito.