More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 2

ALAS onse na ng gabi umuwi si Warren. Sinadya niya iyon para maiwasan ang mga sutil na pamangkin. Alas diyes ay tulog na ang mga ito kaya sigurado siyang tulog na rin ang mga ito pag-uwi niya. Wala rin namang nangulit sa kanya para umuwi. Inasahan na rin naman niya iyon dahil na rin sa naging pagtatalo nila ng mga pamangkin noong nakaraang gabi.

Umalis si Warren para pumunta sa opisina niya. Wala siyang pasok pero nag-overtime na lang siya kahit hindi naman kailangan para makaalis sa bahay. Madalas rin naman niyang gawin iyon para makaiwas sa mga pamangkin. Noong gabi naman ay nagyaya ang mga kaibigan niya para mag-inom. Sumama siya. Kaya umuwi rin siya ngayon na nakainom. But he knew to himself that he was sober. Maayos na nakapag-drive pa rin siya.

Pero nang makapasok sa kuwarto niya, doon parang naloloko si Warren. Bukas ang CR ng kuwarto niya. Sigurado siya na patay iyon nang umalis siya. Mali ba siya ng napasukan na kuwarto?

Ipinilig ni Warren ang ulo. Sigurado siyang kuwarto niya iyon. Iisa lang ang dahilan kung bakit bukas ang ilaw: may tao roon.

Napaungol si Warren. Ang kuwarto na nga lang niya ang paborito niyang lugar sa bahay. Pati ba naman ito ay guguluhin pa ng mga pamangkin niya?

Wala namang magagawa si Warren kundi ang magtiis. Papaalisin na lang rin niya ang kung sino man na nangahas na pumasok. Nanlalagkit na siya at gusto niyang maligo.

Pero mukhang pati ang paliligo ay ipagkakait pa sa kanya. Pagbukas niya ng banyo ay may naliligo o mas tama yata na sabihing natutulog sa bath tub niya!

Naibuka ni Warren ang bibig. Pero walang lumabas na kahit anong tinig roon. Hindi rin niya maggawa ang plano. Ang tanging naggawa at gusto rin naman niyang gawin ngayon ay titigan si Snow na nasa bath tub.

Sabi ng mga kaibigan, marami na daw siyang nainom kanina. Pero kung ganoon nga, bakit uhaw na uhaw siya ngayon? There was a sensitive feeling that crawls through his entire body just by looking at her. Hindi naman talaga hubad ang babae dahil naglagay ito ng bubble bath. Natatakpan ng mga bula ang katawan nito. But still, it was hard not to stare…

Tumutugma talaga sa babae ang description ni Snow White. Her hair is as black as ebony, skin as white as snow…and that fucking lips is as red as an apple.

Curious si Warren. Kung halikan niya kaya ang labi na iyon, mawawala ba ang uhaw niya? Will her lips taste sweet as a red apple? Or will it be a poisonous one just like the one on Snow White’s story? Hindi mawala sa isip niya ang fairy tale sa babae. Pero masisisi rin ba siya? He was feeling enchanted right now…

Bakit nga ba niya sinunod si Daisy? Snow was too beautiful to push away. Pero teka, pinaalis niya ito. Bakit nandito pa ang babae? At natutulog pa ito sa bath tub niya!

“Fuck,” Nakagat ni Warren ang ibabang labi niya. Sa lahat ba naman ng salita, bakit iyon pa ang lumabas sa labi niya? Lalo tuloy siyang pinagpawisan.

Sumigaw si Warren. Wala na siyang pakialam kung magulo man niya ang babae. Ginugulo rin naman siya nito `di ba? Ginugulo rin nito ang mga pamangkin niya. Problema ito. Hindi na dapat dumagdag ang babaeng ito sa mga dinadala niya.

Pero hindi pa rin naggising ang babaae sa pagsigaw ni Warren. Umungol lang ito. Nag-init ang katawan niya. Nangangati na siya para samahan ang babae sa paliligo nito.

Hindi pa nga siguro lasing si Warren. Hindi niya pinakinggan ang tawag ng kanyang katawan. Sa halip, nanaig pa rin sa isip niya na estranghero ang babae. Hindi siya pumapatol sa mga babaeng hindi niya kilala.

At pati na rin sa matitigas ang ulo. Bakit ba kasi nandito pa rin ang babaeng ito?

Nilapitan ni Warren si Snow. Tinapik niya ang balikat nito. The warmness of her body even though she is bathing sent a sting into his spine. Natural ang init ng katawan nito dahil nakapatay naman ang hot water ng bath tub niya. At sino ang nagsabi na nakakabuti para sa tao ang natural na bagay? Nawawalan siya ng lakas sa nangyari. Nawala na naman sa tamang pag-iisip ang utak niya.

Kailangang gisingin ni Warren si Snow. Pero nalulunod na rin yata siya sa kakaisip ng fairy tale dahil sa babae. Inilapit niya ang mukha kay Snow. What about giving her a kiss? Kagaya ng ginawa ni Prince Charming kay Snow White nang makatulog ito dahil sa kinaing apple?

A true love’s kiss… Nababaliw na yata si Warren. At mas naramdaman pa niya iyon nang magmulat ng mata ang babae bago pa siya makakilos. Nakakahiya ang naisip niyang gagawin! Nakakahiya siya!

Sana nga ay nasa fairy tale sila ngayon. Sana ay may magic. Hihilingin niya na sana ay may kumunoy na humatak sa kanya pailalim.

“Anong ginagawa mo rito?” Nanlaki ang mata ni Snow. Nasa mukha rin nito ang panic. “You are staring at me, didn’t you?”

Wala talagang magic. Hindi siya makaalis, heck kahit makakilos dahil sa kahihiyan. Sa nangyari rin sa kanya, hindi na niya kailangang sagutin ang tanong ni Snow. Alam na ang sagot. Buking na buking na siya. Nakakahiya talaga!

“At ano pa ang ginawa mo? Nakatulog ako. Paano mo ako ginising? Did you---“ Napasinghap si Snow. “D-did you kiss me?”

“I’M JEALOUS of you,”

Napaawang ang labi ni Snow nang kausapin siya ni Dixie. Kakatapos lang nilang patulugin ni Manang Celia ang mga magkakapatid na Sevillo. Ang akala niya ay nakatulog na rin si Dixie. Kahit ito ang pinakamatanda sa mga magkakapatid na naroroon sa bahay ay maaga rin itong matulog. Mahilig daw mag-beauty rest ito.

Dahil akala ay tulog na ang lahat ng mga bata, umalis na si Manang Celia sa kuwarto. Naninibago si Snow sa lugar kaya hindi siya makatulog.

May bagong buhay na ngayon si Snow---ang maging kasambahay sa bahay ng mga Sevillo. Pumayag siya sa alok ni Manang Celia---ang tumulong sa kanya at siyang stay in na kasambahay sa bahay. Okay na rin naman iyon. Kahit lumaki si Snow na parang prinsesa ay marunong siya ng mga gawaing bahay. Maganda rin iyon dahil makukulong lang siya sa bahay---mahirap na makita siya ng stepmother kung sakaling magdududa ito sa ginawa sa kanya ni Hunter.

Na-excite rin si Snow na maraming bata siyang aalagaan. Gusto niya ang mga bata. Sabik kasi siya sa kapatid. Iyon nga lang, masama pa rin dahil hindi naman pala ganoon kabait ang mga batang aalagaan niya. Pero inisip na lang ni Snow na masuwerte pa rin siya at may natuluyan at mapapagtaguan siya. Mabait rin naman sa kanya si Manang Celia. Hindi nito pinagdudahan ang mga sinabi niya tungkol sa sarili na mga kasinungalingan---probinsyana siya na naloko ng employer kaya naghanap ng ibang trabaho sa Maynila.

Sa kuwarto ng mga bata natutulog si Snow. Kailangan niyang bantayan na matulog ang bunso na si Dennis. Magkatabi silang matulog. Isang malaking kuwarto lang rin kasi ang tulugan ng magkapatid. Katabi lang ng kama ng bunso ang kay Dixie kaya madali lang rin siya nitong nakausap.

Binuksan ni Dixie ang lampshade sa beside table. Bumangon ito sa kama. Sinalubong niya ang mga mata nito. Nabasa nga niya ang selos sa mga mata nito.

“Bakit?”

Tinitigan siya nito. “Ang ganda-ganda mo…”

Namula si Snow. “Salamat.”

Umingos ito. “Pinaglihi ka ba sa labanos? Ang puti-puti at ang kinis-kinis mo.”

“Mana lang ako sa Mama ko.”

“Hmmm… Buti ka pa. Sana ay nagmana rin ako sa Mama ko…”

“You are beautiful, Dixie…”

Napakurap si Dixie. “Mukhang magaling kang mag-English. Bigatin siguro ang dati mong amo `no?”

Napangiwi si Snow. Iniisip talaga ng mga bata na pamangkin nga siya ng kasambahay ng mga ito. Dahil roon, ang akala ng mga ito ay isa rin siyang kasambahay dati. Ganoon rin naman ang inisip ni Warren---ang Tito ng mga bata at siyang pinaka-amo niya sa bahay…

“You can speak in English…” matagal-tagal rin bago nakapag-react si Warren nang marinig nitong magsalita ng English. Pero non-sense pa iyon. Tinatanong niya ito kung ano ang ginawa nito sa kanya habang nakatulog siya sa bath tub sa banyo sa kuwarto nito. Sa halip, mas napansin pa nito ang pag-English niya.

“Masama ba iyon?”

“It’s weird. Kagaya mo,” wika ng lalaki sa mahinang tinig.

Napakunot noo si Snow. Siya pa ang weird samantalang iyon nga ang dapat na description sa reaction ng lalaki. Kahapon pa ito.

Gustong makipag-argumento ni Snow. Pero madalas na nawawalan siya ng poise kapag ginagawa niya iyon. Hindi kasi siya sanay. At kapag nawalan siya ng poise, ibig sabihin lang noon ay mawawalan siya ng kontrol. Paano kung sa sobrang asar niya ay bigla na lang siya mapabangon ng bath tub? Wala siyang kahit anong saplot!

Gustong magreklamo ni Snow. Bakit ba kasi wala man lang pasabi ang lalaki na pumasok? Pero may mali rin siya. Nakalimutan siguro niyang isara ang pinto. May karapatan na pumasok si Warren sa lugar dahil nasa kuwarto nito ang banyo. At ang masama pa, sa sobrang pagod rin niya, nakatulog na lang siya sa bath tub. Hindi niya namalayan na may nakapasok na pala sa loob ng banyo.

May tatlong banyo lang sa bahay ng mga Sevillo. Isang main rest room, isa sa kuwarto ng mga bata at isa sa kuwarto ni Warren. Nasira ang tiyan ni Drake kagabi kaya hindi magamit ang banyo sa kuwarto ng mga ito. Maya’t maya itong nasa banyo. Matagal pa ito kung gumamit. Barado naman ang main rest room kaya hindi iyon magamit. Si Manang Celia ang nagbigay sa kanya ng permiso na gamitin ang banyo sa kuwarto ni Warren.

Nakakapagod ang trabaho niya sa bahay ng mga Sevillo. Para ma-refresh man lang bago matulog ay naligo siya. Siya at si Manang Celia lang ang nag-aalaga sa mga bata. May mga isip na naman ang halos lahat sa mga ito pero makukulit ang mga ito---lalo na si Daisy. Sa una pa lang ay pinakita na nito ang disgusto sa kanya nang hindi niya nasunod kaagad ang utos nito. Ito rin ang unang may gustong nagpaalis sa kanya. Sinegundahan lang ito ni Warren.

Pero hindi puwedeng umalis si Snow sa bahay. Natatakot na siyang lumabas. Baka mamaya ay matuklasan ng stepmother niya na buhay siya. Magiging gulo iyon. Mas malalagay sa panganib ang buhay niya.

Hindi pinansin ni Snow ang sinabi ni Warren. Mas inalala niya ang sitwasyon niya sa kasalukuyan. Napakalakas rin ng tibok ng puso niya. Malaking bahagi niya ang natatakot na baka marinig pa iyon ni Warren. Knowing that he was just near her made her pulse beat faster.

“I’m sorry but can you please leave?”

Tumawa si Warren. “Ako pa ang paalisin mo samantalang ikaw itong basta-basta na lang pumasok? Weird ka talaga.”

“But I am naked underneath!”

“I can see and feel so, my little English woman…” Nagtagis ang bagang ni Warren. “Pagbibigyan kita sa pagkakataong ito. Pero gusto kong bukas na bukas rin ay wala ka na sa pamamahay namin. I don’t like you…”

Nasasaktan si Snow. Pero pinili niyang magpakatatag. Hindi siya umalis….

“Or maybe you are trying hard one,” Inungusan na naman siya ni Dixie. “I hate you.”

Hindi na yata mabibilang ni Snow sa daliri ang mga salita na narinig niya na kinaiinisan siya ngayong araw. Kay Daisy pa lang ay kota na siya. Mainit ang ulo nito sa kanya. Pero sadya naman daw palaging mainit ang ulo ng bata kaya `wag niya na lang daw pansinin. Masasanay rin daw siya.

Mahaba ang pasensya ni Snow. Alam niya na makakaya niyang pakisamahan ang magkakapatid. Ayaw niyang sumuko. Wala rin naman siyang choice. Pero okay lang rin naman. Mabait naman ang ibang bata. Gusto niya sina Drake, Darwin, Dianne at Dennis. Maayos rin naman sana si Dixie pero naiilang siya sa klase ng tingin na binibigay nito. Hindi rin ito masyadong nagsasalita sa kanya. Ngayon ay medyo naiintindihan na niya kung bakit.

“I hate you `cause you are beautiful. Nai-insecure ako. Bakit hindi ako naging ganyan kaganda?”

“What?” Natatawa si Snow. “Maganda ka, Dixie. Nasabi ko na naman sa `yo `di ba?”

Malayo ang itsura ni Dixie kay Snow. May kaitiman ito at mahaba ang kulay brown na buhok. Pero nanatili pa rin ito na maganda. Makinis ito, maganda ang tindig at napakalinis rin sa sarili. Mahigit sampung beses yata nitong sinusuklay ang buhok sa loob ng isang araw. Maya’t maya rin kung magpahid ito ng lotion.

Iningusan na naman siya ni Dixie. “Kung maganda ako, bakit hindi ako pinapansin ng crush ko?”

“Crush?”

“`Wag mong sabihin na hindi mo alam iyon?”

“Alam ko. Pero napakabata mo pa para palaging isipin iyon.”

Inirapan siya ni Dixie. “Duh! Marami na sa mga kaklase ko ang may boyfriend sa edad na ito `no!”

“At gusto mo rin na makigaya?”

“Kahit naman gustuhin ko ay hindi ako magiging crush ni Julian…” Nalungkot ang mga mata ni Dixie. “Sabi ni Lea, crush daw ni Julian si Carrie, iyong kaklase naming maputi. Kamukha mo nga siya. Another reason kung bakit naiinis ako sa `yo,”

“Naiinggit ka sa Carrie na iyon, ganoon?”

“Gusto ko rin na pumuti! Naiinis ako kung bakit maitim ako. I hate my skin. Bakit ba ako nagmana kay Daddy? Mas maganda si Mama. Maputi, napakakinis, matangkad…”

Natatawa si Snow sa pag-tantrums ni Dixie. “Sa edad mo na ito ay gusto mo na kaagad magmahal? Dapat ay matutunan mo muna kung paano mahalin ang sarili mo…”

“Ganoon ba iyon?”

Masuyong hinaplos ni Snow ang pisngi ng nagdadalaga. Tumango siya. “At hindi lang rin naman ang panlabas na itsura ang madalas na tinitignan para masasabing mahal na natin ang isang tao…”

Napatitig sa kanya si Dixie. “You look young. Bakit mukhang marami ka ng alam sa pag-ibig? Are you in love?”

Napangiti si Snow. Naalala niya si Hunter. She was sure that she was in love with him. Kahit magulo ang sitwasyon nila, gusto niyang umasa na magkikita pa rin sila.

Kaya nga lang, may pakiramdam si Snow na lalong magiging magulo ang lahat ngayon sa bagong buhay niya. And it was all because of Warren. Ewan ba niya kung bakit pero sa ilang beses na pagkikita nila ay pinapalakas nito ang tibok ng puso niya.

Guwapo si Warren. Matangkad, kayumanggi at tila perpekto ang lahat ng aspeto ng mukha. Bilugan ang mata, matangos ang ilong at may makapal na labi. Makinis rin ang mukha nito.

Pero hindi ito mabait, palaging pinapaalala ni Snow sa sarili niya. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at iniisip rin niya ang lalaki? Hindi dapat pareho ang nararamdaman niya rito at kay Hunter. Mukhang galit rin ito sa kanya.

Mali na ma-attract siya sa lalaki kahit guwapo ito. Dapat ay si Hunter lang ang iniisip niya. Magkikita pa ba ulit sila? Hahanapin ba siya nito?

Nalulungkot lang siguro si Snow kaya nada-divert ang isip niya kay Warren.

Hinalikan ni Snow si Dixie. “Matulog ka na, Dixie. May pasok pa kayo bukas sa paaralan `di ba?”

Tumango si Dixie. Bumalik ito sa pagkakahiga. Pero may pakiramdam siya na nagiging kagaya rin ito ni Daisy. Pasaway rin ito at hindi siya sinunod kaagad. Matagal-tagal rin bago ito tuluyang natulog.

NAG-AALINLANGAN si Warren kung dapat ba na umalis siya ng opisina. Hindi siya busy. Actually, wala talaga siyang ginagawa. Dahil nagustuhan niyang mag-overtime para makaiwas sa mga pamangkin ay natapos na niya lahat ng trabaho. Wala pang bagong trabaho. Pero kahit nagpapahinga, iistorbohin pa rin pala siya ng mga pamangkin kahit weekdays.

Kakatapos lang niyang matanggap tawag ng teacher ni Dixie. Ito at ang panganay niyang pamangkin na si Daniel pa lang ang nasa high school. Iba ang school ng mga ito sa school ng iba pa niyang mga pamangkin. Wala rin siyang problema kay Daniel. Alam niyang nasa mabuting lagay ito dahil sa reputasyon ng paaralan nito. Mabait at madasalin rin si Daniel.

Hindi sinabi ng Teacher ang dahilan kung bakit kailangan niyang pumunta sa school ni Dixie. Pero may naiisip na siyang dahilan. Isa sa mga problema niyang pamangkin si Dixie. Maarte ito. Ilang beses na itong nalalagay sa gulo dahil roon. Paano kung nasangkot ito sa gulo?

Sa huli, wala rin naman naggawa si Warren. Kahit ayaw ay hindi niya pa rin maalis na responsibilidad pa rin niya ang pamangkin. Nakokonsensya rin siya kung pababayaan rin niya ito.

Malayo ang opisina sa school ni Dixie at na-traffic si Warren. Uwian na ni Dixie nang makarating siya sa school. Pero madali lang rin naman niya itong nahanap. Nagulat pa siya nang makita si Snow. Nakayakap ito kay Dixie.

“I’m so proud of you, Dixie.” Parang naiiyak pa ang boses nito. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo nang pamangkin.

Sandaling natulala si Warren. Snow acted like she really cares for his brat niece. Somehow, it touched his heart. Bahagyang nahiya siya sa sarili. Pinagdudahan niya si Snow pero mukhang maayos itong makisama sa mga pamangkin niya.

Hindi man sinunod ni Snow ang gusto niya at ni Daisy na umalis ng bahay, mukhang hindi naman niya iyon pagsisihan. Mukhang gusto ito ni Dixie dahil nagningning ang mga mata nito nang tumingin kay Snow.

At mukhang nagagaya rin si Warren sa pamangkin. When he looked at her, he felt mesmerized, too. Maganda talaga ang babae. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit naiinis siya rito ay parang nanghihina siya kapag nakikita ito. At hindi niya gustong maging mahina.

Niyakap rin ito ni Dixie. “Thank you, Ate. I’m so glad you came, too. Thank you for being proud of me…”

He liked seeing them afar---paraan niya para maiwasan ang mga issue. Natatakot kasi siyang mahalata ng dalawa na naapektuhan siya sa nakita. Pero kailangan rin naman niyang lumapit. He had to feed his curiousity.

Nang makalapit, pinanaig ni Warren na lumabas ang katapangan. Nakasimangot na tinignan niya si Snow. “Anong ginagawa mo rito?”

Si Dixie ang sumagot. Nagulat ito. “Tito! Akala ko ay hindi ka makakapunta...”

“I am here now. Na-late lang ako. Sagutin mo ako kung bakit nandito si Snow. At ano ang kailangang ika-proud?” Napatingin si Warren sa dibdib ni Dixie. “May medal ka? Bakit?”

Kinagat ni Dixie ang ibabang labi. Si Snow na ang nagsalita. Ngumiti ito.

Parang may lumikot sa puso ni Warren.

Be calm. Babae lang `yan. Maganda nga pero hindi mo pa `yan kilala, okay? Kung si Tricia nga na matagal mo ng nakilala, pinagtaksilan ka pa, ano pa ang babaeng `yan? Pagpapaalala ni Warren sa kanyang isip.

“Nagkaroon ng biglaang spoken poetry si Dixie. Inter-school competition iyon at dito sa school ginanap. Tumawag ang teacher niya sa bahay. Ako na lang raw ang pumunta sabi ni Manang Celia dahil medyo masama ang pakiramdam niya.” Paliwanag ni Snow. Mas nagliwanag ang mukha ni Snow. “Nanalo si Dixie! Ang galing-galing niya!”

“Pinatawag ko rin si Teacher sa inyo, Tito. Pero hindi na po ako umasa na pumunta kayo.”

“Well, congrats.” Naasar si Warren sa sarili. Nag-isip siya ng masama sa pamangkin. Iyon naman pala ay maganda ang ginawa nito.

“Thanks.”

“Pabasa nga ako ng piece mo…”

May kinuhang papel si Dixie. Nang basahin niya iyon ay napakunot noo siya. “Love? Bakit ka nagsusulat about love?”

Thirteen years old pa lang si Dixie. Bakit nakakapagsulat na ang pamangkin niya tungkol sa pag-ibig? Napakabata pa nito!

Si Snow ang sumagot. “Yes, it’s about love. But it’s all about the kind of love. Love of family, friends and most especially, the love for self. That stanza about you should love yourself first before you can love others was very nice! Napaiyak kaming lahat ng nanonood sa performance niya kanina…”

Hindi pinansin ni Warren si Snow. Tumingin siya sa pamangkin. “In love ka na ba? Paano ka nakakapagsulat nito?”

Namula si Dixie. Mukhang tama ang akusasyon niya. Pero iba ang sinagot ng pamangkin. Tumingin it okay Snow. “It was because of Ate Snow, Tito. She inspires me…”

“What? At bakit ka naman mai----“ Natigilan si Warren. Tumingin siya kay Snow. “Tinuturuan mo ang pamangkin ko tungkol sa love?!”

Tumawa si Dixie. “Tito, relax. Nagkuwentuhan lang kami ni Ate Snow tungkol sa mga crushes and love. She also told me about the love yourself first before the others. I thought of that and it inspired me.”

“So you have a crush…” Naningkit ang tingin ni Warren kay Snow. Nainis siya sa nalamang usapan ng dalawa. Pero mas nainis siya sa isipin na may crush ito.

Namula si Snow. Nagyuko ito ng ulo.

“Ate Snow can’t be blamed, Tito. Ang ganda-ganda niya. I think she’s in love, too.”

So mali nga talaga na maapektuhan siya sa babae. Masasaktan lang siya.

Kaya lang, late na yata. Nasaktan na siya. Parang may kumurot sa puso ni Warren sa nalaman.

Tumiim ang bagang ni Warren. Pero lumala pa iyon nang may isang lalaki na lumapit sa kanila. Sa tingin niya ay kaklase ito ni Dixie.

“Hi, Dixie…”

“H-hi, Julian…”

Napatingin si Warren sa pamangkin niya. Namula ito. Inipit rin ni Dixie ang buhok nito sa tainga.

“Congrats sa award mo. I’m so proud of you.” Inilahad ng lalaki ang kamay sa harap ni Dixie.

Tinanggap ni Dixie ang kamay. “Thank you so much…”

Ngumiti ang lalaki. “You’re always welcome…”

Tumikhim si Warren. Ewan ba niya pero may masama siyang pakiramdam sa dalawang ito.

Tumingin si Julian kay Dixie. “Hello po, Sir. Kayo po ba ang Tito ni Dixie?”

Tumango si Warren. “Kaklase ka ba niya?”

“Opo. Ikinagagalak ko rin po kayong makilala…” Inilahad rin ng lalaki ang kamay sa kanya.

Alinlangan si Warren kung tatanggapin niya ang kamay ng bata. May masama siyang pakiramdam rito kahit mukha naman itong magalang. Malagkit ang tingin na ibinibigay nito sa pamangkin niya. Pero tinanggap rin niya sa huli ang pakikipagkamay out of respect.

Ipinamulsa ng lalaki ang kamay. Bahagyang nagyuko rin ito ng ulo na parang nahihiya. “Gusto ko po sana na magpaalam sa inyo, Sir. Gusto ko po sanang dumalaw sa bahay niyo sa darating na Sabado…”

“B-bakit?” Nanlaki ang mata ni Dixie.

“I like you, Dixie. Gusto kong ligawan ka…” Sinalubong ni Julian ang mata ni Dixie na nagningning sa narinig.

Naningkit ang mata ni Warren. Sinasabi na nga ba niya! Hinawakan niya ang kamay ni Dixie.

“Uuwi na tayo!”

Napasinghap si Snow. “Warren---“

“What?” Galit na si Warren. “Kung ayaw mong umuwi, bahala ka!”

Napayuko si Snow. Tumingin ito kay Julian. Nag-sorry ito sa lalaki at pati na rin si Dixie. Binilisan niya ang lakad papunta ng kotse. Sumunod ang dalawa sa kanya.

Nang makasakay, umiyak si Dixie. “Gusto ko si Julian, Tito.”

“Puwes, hindi ko siya gusto.” Pinaandar na ni Warren ang sasakyan.

Lalong naiyak si Dixie. Nasa back seat ito ng sasakyan at pati na rin si Snow. Nang tumingin siya sa salamin, nakita niyang niyakap ito ni Snow. Umiiyak na rin ito.

“Warren, hindi naman yata tama ang ginawa mo…”

Natigil sa pagda-drive si Warren nang makita ang sitwasyon ni Snow. Mas lalong sumama ang pakiramdam niya sa nangyayari kay Snow.

Shit, bakit?

Snow looks sad and it break his heart.

Bakit? Paano? Naguguluhan si Warren. Matagal-tagal rin siyang natigilan bago naisip na gawin ang tama.

“I-I’m sorry…”

Humikbi lang si Dixie.

Bumuntong-hininga si Warren. “Bata ka pa, Dixie. Mas maganda kung ipo-focus mo na lang ang sarili mo sa pag-aaral.”

“Hindi naman distraction ang crush. Puwede rin naman iyong inspiration. Isa pa, mabait si Julian. Manliligaw pa lang naman siya. Maganda nga ang gusto niya. Sa bahay at pormal ka pa niyang kinausap.”

Tumingin siya kay Snow. Pinaboran nito ang bata. “May point si Dixie.”

“Fine. `Wag na kayong umiyak.” Warren snorted.

“Papayag ka na, Tito?” Nagliwanag ang mukha ni Dixie. Pinunasan nito ang luha nito.

Tumango si Warren. “Pero sa bahay lang, ha? Hindi ka puwedeng magpaligaw nang wala kang kasamang matanda.”

Napa-yes si Dixie. Nakipag-apir ito kay Snow na nagliwanag rin ang mukha. Nakangiti na ang dalawa. Parang gusto rin tuloy na mapangiti ni Warren kahit sa totoo lang ay hindi niya gusto ang desisyon. Napilitan lang siya. Nakonsensya lang siya. Ayaw niyang makitang nasasaktan si Snow.

Pero teka nga, bakit nga ba talaga siya naapektuhan sa estranghera na ito?

CHAPTER THREE

TINUPAD ni Warren ang pangako kay Dixie. Pinayagan nitong pumunta sa bahay ang manliligaw ng dalagita. Tuwang-tuwa rin naman ang mga bata. Mabait si Julian. Nakipaglaro rin ito sa mga magkakapatid at mukhang nag-e-enjoy rin ito. Sabi nito, sabik rin daw kasi ito sa mga bata. Only child lang kasi ito.

Nanatili rin naman si Warren sa bahay. Binantayan nito si Julian. Mukhang hindi bukal sa loob nito ang pagpayag sa gusto ng pamangkin. Pero wala naman itong masabi kay Julian. Mukhang naiisip rin naman nito na hindi masamang magpaligaw ang dalagitang pamangkin nito, lalo na at maayos si Julian. Sa katunayan, may dala pa itong flowers para kay Dixie at may wine rin itong ibinigay kay Warren.

Noong tanghalian ay sa bahay na rin kumain si Julian. Habang nakain ay nagsalita si Drake.

“Tito, nanalo rin po ako sa science at math quiz bee namin. Ano po ang reward ko?”

“Star City! Star City!” May pagtaas pa ng kamay na wika ni Dianne.

“Oo nga. Ang tagal ko ng hindi nakakarating sa Star City. I want to play.” Segunda ni Daisy.

“May sakit si Manang Celia. Hindi ko kayo kayang alagaan ng mag-isa. Ang lilikot niyo.” Masungit na sagot lang ni Warren.

“Nandiyan naman si Ate Snow.” Wika ni Dixie. “Saka nandito naman kaming dalawa ni Julian. Kayang-kaya na namin alagaan ang mga kapatid ko.”

Tinaasan ng isang kilay ni Warren si Dixie. “Mag-aalaga ka ng kapatid? Seryoso ka?”

“Well, masaya rin naman na makipag-bonding sa kanila…” Ngumiti si Dixie. Her smile looks genuine. Mukhang masaya talaga ito, hindi mukhang napipilitan lang para magka-good points sa manliligaw.

Tumingin si Warren kay Snow. Tumango siya. “Mukhang masaya nga kung lumabas tayo…”

“Oo na `yan!” sutsot ni Drake sa Tito.

Ngumiti si Snow. Nakatingin pa rin siya kay Warren kaya nakita niyang natulala ito sa kanya. Napakunot-noo siya. Teka, tinitignan ba siya ni Warren?

The thought made Snow’s face turned to red. Lumakas ulit ang tibok ng puso niya. Bakit?

Pero napayuko rin naman si Snow nang dumilim ang mukha ni Warren. Tumayo na ito. “Fine. Magbihis na kayo.”

Halos magtatalon sa tuwa ang anim na bata. Masayang nagbihis ang mga ito at pati na rin siya. Wala siyang dalang damit nang maglayas kaya mga damit ni Manang Celia ang gamit niya. Maliit lang ang matanda kaya naman kasya sa kanya ang mga damit nito. Wala pa siyang suweldo kaya hindi pa siya makabili. Pumayag rin naman ito sa panghihiram niya. Nanghiram rin siya ng sun glasses. Nang makarating sila sa Star City ay isinuot niya iyon.

“Why? Hindi naman mataas ang araw.” Tanong ni Dianne. Tinanggal nito ang suot niya.

“Yeah. Hindi rin siya bagay sa `yo,” Puna naman ni Dixie.

Kinuha ni Snow ang sunglasses. Isinuot niya ulit iyon. “Okay lang…”

Kailangan ni Snow ang sunglasses. Sa totoo lang, natatakot siyang lumabas. Paano kung may makakilala sa kanya?

Hindi niya alam kung ano na ang nangyari kay Hunter. Wala siyang communication sa lalaki. Paano nito pinalabas sa stepmother niya na patay na siya? Kailangan pa rin niyang mag-ingat.

“`Wag mo ng isuot. Tama si Dixie. Hindi nga bagay sa `yo…” Si Warren na ngayon ang nag-alis ng sunglasses niya.

Teka, bakit pinupuna ni Warren ang itsura niya? Gusto ba nito na maganda siya? Gusto ba siya nito?

Pero teka rin, bakit na naman lumalakas ang tibok ng puso niya sa naiisip?

Kainis.

“Ahmmm…”

“You have beautiful eyes. Let others appreciate it…”

Nakagat ni Snow ang ibabang labi. Tama ba na sundin niya ang pamilya? Kapag may nakakilala sa kanya, tiyak na nasa panganib ang buhay niya.

Pero mukhang sa kamay rin naman ni Warren ay delikado siya. Bakit ba kasi siya naapektuhan sa lalaki? Oo, guwapo ito. Pero hindi niya ito mahal. May mahal na siyang iba `di ba?

Sa huli, sinunod rin ni Snow ang pamilya. Naalala niya si Dennis. Madalas itong nagpapabuhat. Malikot rin ito. Naisip niyang baka tanggalin lang rin nito palagi ang sun glasses.

Bahala na!

Naging hypher ang mga bata. Halos lahat ng rides yata na puwedeng sakyan ay sinakyan ng mga ito. Sumasakay rin naman si Snow pero doon lang sa ride na kasama si Dennis. Madalas tuloy ay nakatayo lang siya kapag hindi puwede si Dennis. Si Warren ang madalas na nagiging guardian ng iba pang bata.

Mabilis na napagod si Snow. Hindi rin kasi siya sanay na gumala at lumabas. Masakit na ang paa niya ilang oras pa lang sila sa amusement park. Nagpahinga siya pero hypher si Dennis. Hindi ito pumayag.

“Kami na lang po ang bahala kay Dennis.” Pagpresinta ni Julian. Pumayag rin si Dixie. Gustong sumakay ulit ni Dennis sa carousel at ganoon rin ang mga bata. Sama-samang nagpunta ito sa carousel.

Pero nagulat si Snow nang hindi sumama si Warren sa mga ito.

“Malalaki na sila. Mukhang responsible rin si Julian. Hindi rin naman delikadong sakyan ang carousel. They don’t need a big guardian anymore. Natatanaw rin naman sila rito.” sagot nito kung bakit hinayaan na nito ang mga bata.

Yumuko si Warren. Tinignan nito ang paa niya. Napangiwi ito nang makitang pulang-pula iyon. “Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?”

Umiling si Snow. Kinuha niya ang paa niya. Bahagyang hinilot niya iyon. Pero inagaw rin iyon ni Warren. Napasinghap siya. Namula rin siya. “B-bakit mo ginagawa ito?”

Hindi nagsalita si Warren. He continued to massage her feet. Napapikit si Snow. Mainit ang kamay ni Warren. At pakiramdam niya, umaabot rin sa puso niya ang init. She loved the feeling of his hands.

She loved to be touch by him.

Nagmulat lang ng mata si Snow nang matapos sa pagmamasahe si Warren. Wala itong kangiti-ngiti pero nanatili pa rin na guwapo ito sa paningin niya. Well, sa tingin nga ay mas naging guwapo pa ito.

Dahil naging mabait ito sa kanya? Siguro. Sana nga ay ganoon lang ang lahat. Ayaw niyang i-recognize na nagugustuhan na rin niya ang lalaki sa kabila ng sitwasyon.

Ngumiti si Snow. “Salamat…”

Napakurap si Warren. Bahagyang namula ang mukha nito. Nagyuko ito ng ulo. “Y-you’re welcome…”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.