More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 3

HINDI mapakali si Snow. Mag-aala una ng madaling araw na pero hindi pa rin bumabalik si Warren. Matagal ng nakatulog ang mga pamangkin nito sa kakahintay rito. Pero halata niya na malungkot ang mga ito.

Hindi gusto ng mga bata na matulog na wala ang Tito ng mga ito. Ayaw rin niya. Nag-aalala siya. Ang sabi ni Manang Celia, pabayaan na raw lang nila si Warren. Pero parang ayaw ni Snow. Kaya ito siya, kanina pa abang na abang rito sa terrace ng bahay.

Ilang sandali pa ay may narinig si Snow na ugong ng kotse. Nagpasalamat siya nang makitang kotse iyon ni Warren. Binuksan niya ang gate. Pumasok ang kotse pero hindi si Warren ang driver.

Ibinaba ng driver si Warren na nasa passenger seat. Nakapikit ang mga mata nito---mukhang tulog…at lasing? Naamoy niya ang amoy ng alak.

Napangiwi si Snow. Ang driver ang umalalay sa lalaki para makapasok ng bahay. Tutulungan na sana niya ito pero hindi ito pumayag.

“Ako na. Mabigat si Warren. Baka mahirapan ka pa. Ituro mo na lang sa akin ang kuwarto…”

“O-oh, okay.” Pinasunod niya ang lalaki sa kanya. Habang naglalakad ay kinausap siya nito.

“Ikaw ba si Snow?”

Tumango si Snow. “Paano mo ako nakilala? At teka, sino ka nga rin pala?”

Nakagat ni Snow ang ibabang labi. Ngayon lang rin niya na-realize na nagpapasok siya ng estranghero sa bahay. Pero naisip lang rin naman niya na kung masama talaga ang lalaki, bakit naman nagmagandang loob pa ito?

Mukhang nabasa naman ng lalaki ang isip niya. “I’m Peter. Don’t worry about me. Kaibigan ako ni Warren.”

“Ah, okay. Sorry. Bago lang kasi ako rito…”

“Yeah. Nasabi nga ni Warren na may bago silang kasama sa bahay.” Tinitigan ni Peter si Snow mula ulo hanggang paa. “At walang kaduda-duda at naglasing si Warren ngayong araw dahil sa `yo. Your beauty is worth drinking for…”

“Ha?”

Ngumisi ang lalaki. “Wala. Tanungin mo na lang si Warren pagkagising niya kung bakit siya naglasing.”

Nakarating na sila sa kuwarto ni Warren. Inihiga ni Peter si Warren sa kama.

“O siya, mauna na ako, ha? Alagaan mong mabuti ang kaibigan ko. `Wag mo `yang sasaktan…”

Kumunot ang noo ni Snow. “Bakit ko naman siya sasaktan?”

Mapait na ngumiti ang lalaki. “Well, ganyan naman kayong mga babae `di ba? Mahilig kayong manakit. Not physically, maybe. But emotionally.”

“Ang drama mo naman.”

Natawa ang lalaki. Napakamot ito ng ulo. “Oo nga. O siya, alis na talaga ako, ha? Good night.”

Ihahatid pa sana ni Snow si Peter sa labas pero pinigilan siya nito. Alagaan na lang daw niya si Warren dahil lasing na lasing ito. Minabuti naman ni Snow na sundin na lang ang lalaki. Pumunta siya sa banyo at kumuha ng tuwalya. Pinunasan niya ang amoy alak na si Warren.

“Hmmm…” Umungol si Warren habang pinupunasan ni Snow. Lumakas naman ang kabog ng puso niya. Something tickled on her because of Warren’s voice.

Pero mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Snow nang gumalaw rin si Warren. His hands moved through her.

Ikinulong siya ni Warren sa bisig nito. Niyakap siya nito.

Warren moaned again. Gusto rin na mahawa ni Snow. Snow felt an intense feeling because of Warren’s touch. Parang natutukso rin siya na yakapin ang lalaki. It feels so good to be close to him.

Pumikit si Snow. Pinalala niya sa isip na masama na magkaroon ng nakakatuwang feeling sa lalaki na ito. May iba na siyang mahal. Nakakalungkot lang na hindi sila magkasama ni Hunter. Pero may pag-asa pa naman sila `di ba?

Nagtitiwala si Snow na maayos ang lahat. Gagawa ng paraan si Hunter para magkasama ulit sila. Mahal siya nito. Pero kung mahal rin talaga niya si Hunter, bakit nakakaramdam rin ng masasarap na pakiramdam si Snow kapag nasa paligid si Warren?

Minsan na narinig ni Snow ang mga kataga na kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka matutukso na magkagusto sa iba. Ibig sabihin ba noon ay hindi talaga niya mahal si Hunter kaya nagkakaroon siya ng feelings para kay Warren?

Naguguluhan si Snow. Pero inisip rin naman niya na kailangan niyang mag-enjoy kahit papaano. She liked the thought of giving Warren a hug, too.

And so she did…

Pulang-pula si Snow at parang lalabas sa dibdib niya ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok. But the feeling is good.

She really thinks she is starting to like Warren. Napangiti rin siya sa realization. Gusto nga rin siguro niya iyon sa kabila ng komplikadong sitwasyon.

Pero mukhang hindi gusto ng tadhana ang ginagawa ni Snow. Maya-maya ay umungol ulit si Warren.

“Hmmm… Tricia…”

Napamulat si Snow sa narinig kay Warren. Tricia? Sinong Tricia?

Namutla si Snow. Kumalas rin siya sa yakap ni Warren. Pero nagpumilit pa rin ito na yakapin siya.

“I need you. Don’t go. Please, don’t go…”

Lumunok si Snow. Ayaw rin sana niyang umalis. Pero hindi niya yata kaya na may ibang tinatawag si Warren.

Ganoon pa man, naisip ni Snow na fair lang ang lahat. May mahal rin siyang iba `di ba? May ibang lalaki sa buhay niya.

And so is Warren.

Nasasaktan si Snow.

Pero teka, bakit niya nararamdaman iyon? Nagseselos siya. May karapatan ba siya?

DISAPPOINTED at puyat man, maaga pa rin na gumising si Snow para asikasuhin ang pamilya. Late dumating ang kasambahay na tumutulong-tulong sa umaga kaya madalas na siya pa rin ang gumagawa noon. Madalas na tinutulungan rin naman siya ni Manang Celia.

Kahit mayaman, magaling siya sa gawaing bahay. Lumaki siyang protektado pero may alam pa rin sa buhay. Kapag kasi out-of-town noon ang mga magulang niya dahil sa business, madalas siyang naiiwan sa mga katulong. Nakikisama siya sa mga ito kaya natuturuan rin siya ng mga ito. Gusto naman iyon ng Papa niya. Maganda nga raw iyon at may alam talaga siya sa buhay bukod sa edukasyon sa eskuwelahan. Kaya alam ni Snow na maayos na ginagawa niya ang trabaho sa bahay ng mga Sevillo.

Nagluto si Snow ng almusal. Ginising rin niya ang mga bata. Huling nagising at nakaligo si Daisy. Sumunod na lang ang mga ito sa kapatid na sabay-sabay na kumain ng almusal. Nakaugalian na rin iyon sa bahay.

Binati ni Snow si Daisy. “Good morning…”

Sumimangot si Daisy. “Not a good morning if you’re still here…”

Mas lalong nalungkot si Snow. Ilang araw na rin siya sa bahay pero hindi niya pa rin nakukuha ang loob ng pasaway na bata.

Like uncle, like niece… sutsot ng isang bahagi ng utak ni Snow. Ang kaibahan nga lang, mas wala siyang pag-asa kay Warren kaysa kay Daisy. Bata pa si Daisy. Immature pa ito. Pero si Warren ay hindi. May mahal itong iba. Mahirap turuan ang matanda at pati na rin ang puso.

“Daisy, stop being a brat.” Saway ni Dixie rito.

Sandaling natulala si Snow. Inakala niya na masungit si Dixie at ayaw rin sa kanya. Pero mukhang nagbago na ito.

Nakabuti talaga si Julian para sa dalagita. Bahagyang gumaan ang loob ni Snow. Napangiti siya, lalo na nang segundahan pa si Dixie ng ilang bata.

“Mabait si Ate Snow. Gusto namin siya.” Wika ni Drake.

Tumango rin sina Dianne at Darwin.

Nakasimangot si Daisy. Kumain ito pero ilang beses nitong binagsak ang mga kubyertos. Mukha itong nagdadabog.

Nilapitan siya ni Dixie. “Don’t mind her. Ganyan naman talaga `yan.”

Sinunod na lang ni Snow si Dixie. Maya-maya ay dumating si Warren sa hapag kainan. Doon lang ulit nagliwanag ang mukha ni Daisy.

“Tito, good morning!”

Mukhang wasted ang itsura ni Warren pero binati rin nito ang mga bata. Lumapit si Daisy rito. “Tito, can I ask you for a request?”

“Ano `yun?”

Tumingin si Daisy kay Snow. “I want Ate Snow to leave our house. I don’t like her.”

Tumigil yata ang paghinga ni Snow nang tumingin sa kanya si Warren. Matagal-tagal rin iyon. Kinabahan siya sa magiging sagot nito.

“No. Gusto kong manatili siya rito.”

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Snow. Pero kaagad rin na nanikip ang dibdib niya nang binigyan siya nang malagkit na tingin ni Warren.

What was that for? Hindi na dapat niya ilusyunin na may gusto ito sa kanya. Malinaw na sa kanya na may gusto itong iba.

“What? Why?” Galit na sabi ni Daisy.

“Because she takes good care of you and your siblings…” Nanatili pa rin ang nakakaloko na tingin sa kanya ni Warren.

“What? But not me! Ayoko sa kanya.”

“Bakit ba ayaw mo sa kanya?” Singit ni Drake.

“I just don’t like her. Bakit ba?!” Humalukipkip pa si Daisy.

“It’s final, Daisy. Mananatili rito si Ate Snow mo. I like her.”

Natulala ulit si Snow. Ano daw?!

“You like her because…?” Nakakaloko ang tingin na ibinigay ni Dixie sa kanilang dalawa ni Warren. Pinaglipat-lipat nito ang tingin.

Ngumiti si Warren. Lalong gustong matulala ni Snow. He looks so handsome when he smiles. Ngayon lang din yata niya nakitang ngumiti ito. “She takes care of me, too…”

“Ow? Paano ka naman inaalagaan ni Ate Snow, Tito?”

“Secret…” Ngumisi si Warren. Namula si Snow. Teka, alam ba ni Warren ang ginawa niya kagabi? Pero kung alam nito iyon, bakit naman nito tinawag si Tricia? Masama ba talaga ang ugali nito kaya gusto siyang saktan?

Pero gusto ka nga daw niya `di ba? Bakit ka naman niya sasaktan?

“I hate all of you!” Tumayo na si Dixie. Tumakbo ito palabas ng dining room.

Maraming tanong si Snow pero naunahan siya ng pag-alala nang sa palabas ng bahay tumakbo si Daisy. Sinundan niya ang bata. Ilang beses niya itong tinawag nang palabas na ito ng gate pero hindi ito lumilingon.

Lalong kinabahan si Snow nang makalabas na si Daisy ng gate.

Anong gagawin ni Daisy? Delikado sa labas. High way pa man rin ang labas ng bahay. Maraming sasakyan roon. Baka mabangga ito.

At nangyari nga ang kinatatakutan ni Snow. Tumawid si Daisy habang may isang mabilis na kotse ang tinutumbok ito.

Tumatakbong sinundan ni Snow si Daisy. Hinabol pa rin niya ito kahit delikado. Kailangan niyang iligtas ito.

Kahit maging kapalit pa noon ay buhay niya…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.