BOOK 4: RUMPLE AND THE BABY MOMMY
DAHAN-DAHANG itinulak ni Rumple ang wheelchair ng Lolo niya. Habang ginagawa ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng inis. Ayaw niya ng mga mababagal na bagay. He always moved fast. Pero dahil nasa maselang lagay ang taong nag-alaga sa kanya simula pagkabata ay kailangan niyang maging mabagal. Kailangan niya itong ingatan.
Pero sa tingin ni Rumple, hindi lang dahil sa maselang kalagayan ng Lolo niya kaya nagiging mabagal ang lahat. It was also the man’s fault.
Kaninang umaga ay tinawagan siya ng Lolo niya. Pagkatapos raw ng trabaho niya ay pumunta siya sa bahay nito. Gusto raw siya nitong makausap.
Pinapatagal lang ng Lolo niya ang lahat. Kung gugustuhin naman kasi ng Lolo niya na maging madali ang lahat, sana ay sinabi na nito iyon sa tawag. Hindi iyong naistorbo pa siya. Kailangan rin niyang umuwi nang maaga. Hindi pa naman siya sanay. Madalas kasi na trabaho lang ang buhay niya. Masaya rin siya roon.
Pero ito ang Lolo niya. Nakapag-dinner na sila na magkasama ay hindi pa rin nito sinasabi ang totoong pakay kung bakit gusto siyang makausap. Sa halip, habang nagdi-dinner ay panay lang ang pangungumusta nito sa kanya. At naniniwala siya na wala sa mga itinanong nito ang dahilan kung bakit talaga siya kailangang pumunta roon.
Ganoon pa man, pinagbigyan ni Rumple ang matanda. Pagkatapos ng lahat, malaki ang utang na loob niya rito. Simula nang maghiwalay ang mga magulang niya noong anim na taon pa lang siya, ito ang kumupkop sa kanya.
Nang mailagay ni Rumple ang matanda sa terrace kung saan nito gustong pumunta para daw magpahangin ay diniretso na niya ito.
“What do you really want, Lolo?” Tumingin pa si Rumple sa relo niya. Alam naman talaga niya ang oras dahil wala pa yatang isang minuto na tumingin siya roon. Ginawa lang niya talaga iyon para mahalata ng Lolo niya na naiinip na siya.
“May girlfriend ka na ba, apo?”
Kumunot ang noo ni Rumple. “Ano ba namang klaseng tanong `yan?”
“Maayos na tanong,” Ngumisi ang Lolo niya. “Matanda ka na, Rumple.”
“I’m just twenty six, Lolo.” Nirerespeto lang ni Rumple ang matanda kaya hindi niya ito naikutan ng mata. Paanong nasabi nitong matanda ang twenty six years old?
“Pero sa lagay mo, parang malayong magka-girlfriend ka na. Palagi na lang nasa trabaho ang buhay mo. Sabihin mo nga sa akin, may mga kaibigan ka pa ba?”
“I can take care of myself. Hindi ko kailangan ng kaibigan. Mas lalong hindi ko kailangan ng girlfriend.”
Matamang tinitigan siya ng Lolo. Maya-maya ay bumuntong-hininga ito. “Kinausap ako ng Doctor kanina…”
Sandaling natigilan si Rumple. Kinabahan siya bigla. “A-anong sabi?”
“I only have at least a year to live…”
“No…” Nanghina bigla si Rumple.
Hinawakan ng matanda ang kamay niya. “Tanggap ko na ang kapalaran ko, Apo. Isa pa, gusto ko na rin talaga na mamahinga. Ikaw lang ang pinaka-inaalala ko…”
Umiling si Rumple. “O-okay lang naman ako, Lolo. Pero siyempre, masasaktan ako kapag nawala kayo. Kayo na ang itinuring kong para kong magulang. Ayokong mawala kayo…”
Three years ago ay na-diagnose na may lung cancer ang Lolo niya. Nag-undergo ito ng maraming procedure pero sa halip na gumaling ay parang lalo pang sumama iyon. Pinanghina ito ng sakit. Isa iyon sa dahilan kung bakit naka-wheel chair na rin ito.
“Ihanda mo na ang sarili mo. At gusto ko rin naman talaga na ihanda ka. Kaya nga gusto kitang makausap ngayon…”
“Lolo, hindi pa kayo mamamatay---“
“Mamamatay na ako. Nararamdaman ko na rin naman iyon…” Bumuntong hininga ang Lolo niya. “Pero may oras pa ako kaya gusto kong ayusin ang buhay mo…”
“I’m okay. Walang dapat ayusin---“
“Marami. At nangunguna na roon ang kawalan mo ng social life…”
Tinaasan niya ng isang kilay ang matanda. “That’s good for your business. Mas marami akong nagagawa na trabaho dahil doon ko lang nilalaan ang oras ko…”
“At alam mo na ayaw kong isubsob mo ang sarili mo sa trabaho.” Hinakawan ulit siya ng Lolo niya. “Matalino ka. Magaling ka. At sa totoo lang, gusto ko talagang ikaw ang magmana ng kompanya…”
“I am hearing a but on there…”
Panganay na apo si Rumple kaya umaasa siya na sa kanya ipapamana ng Lolo niya ang software company nito sa Pilipinas. After all, wala namang pakialam sa business ang Tita Doris niya. Dalawang magkapatid lang ang Daddy niya at ang Tita Doris niya. Sampung taong gulang siya ng mamatay ang Daddy niya at wala na rin ngayon ang Mommy niya. Malayo rin ang career ng asawa ng Tita Doris niya sa business. Isa kasi itong piloto.
Iisa lang ang nakikitang karibal ni Rumple sa business ng pamilya. It was his only cousin Daimen. Kagaya niya ay business graduate rin ito. Pero hindi kasing galing niya ang pinsan. Hindi rin ma-focus sa business ang pinsan dahil nag-asawa ito ng maaga. May tatlong anak na ito ngayon sa edad na twenty five years old.
“You’re good. Our company will be safe in you. Pero magiging safe nga ba kung wala ka man lang magiging tagapag-mana?”
“Napakaaga pa para isipin ang tagapag-mana na `yan, Lolo. Isa pa, nandiyan naman ang mga anak ni Damen kung sakaling hindi na nga ako mag-asawa.”
“Ayoko ng ganoon. I want a direct heir for the company. Kung sa `yo ko ibibigay ang kompanya, gusto ko na sa anak mo mapupunta. Pero mukhang wala ka namang plano…”
Natahimik si Rumple. Pero sa loob niya ay sobrang naligalig siya. Umaasa siya na sa kanya mapupunta ang kompanya ng Lolo niya. After all, he had worked hard for it.
Naging mas matagumpay kaysa sa dati ang kompanya ng Lolo niya nang siya ang humawak. Dati ay pangalawa lang ito sa industriya. Pero dahil sa kanya kaya nangunguna na sila.
Mahalaga para kay Rumple ang kompanya. Ito ang buhay niya. Ayaw niyang mapunta ito sa iba, lalo na at wala siyang tiwala kay Daimen. Para sa kanya, kulang ang kakayahan nito para sa kompanya.
“Mamamatay na ako kaya gusto kong ayusin ang lahat sa buhay mo, apo. Pinapaayos ko na rin ang Last Will and Testament ko. Pero hindi pa ako makapag-decide kung sa `yo ba o kay Daimen ko ipapamana ang kompanya…”
“What do you really want me to do so I could fully have the company? Ang humanap ng girlfriend?”
“Give me a grand child…”
Natawa si Rumple. “Of course, you are just kidding…”
“Seryoso ako, Rumple. Wala na akong pakialam kung magka-girlfriend ka man o hindi. But I want you to give me a grand child. Ayokong lumaki ka ng nag-iisa. Ang girlfriend o asawa, puwede kang iwan niyan. Pero ang anak ay hindi…”
Tinitigan niya ang matanda. Nang makita nga niya na seryoso ito ay napatiim-bagang siya.
Walang balak na magka-asawa o girlfriend man lang si Rumple. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Paano naman kasi siya maniniwala? Maagang naghiwalay ang mga magulang niya. His father was a player and so was her mother. Nagpakasal lang ang mga ito dahil nabuntis ng ama ang kanyang ina. Hindi rin siya gusto ng ina. Naniniwala kasi itong dahil sa pagbubuntis sa kanya ay nasira ang model-like na katawan nito. Kaya nang maghiwalay ito at ang ama, ni hindi man lang ito nagka-interes na kuhanin siya. Black sheep naman kung ituring ng pamilya nito ang Mommy niya kaya walang pakialam ang mga ito sa kanya.
Ang Lolo niya na ama ng Daddy niya ang kumupkop sa kanya. Maayos na siya roon. Matagal ng wala ang Lola niya kaya ito lang ang nag-aalaga sa kanya. Mabait naman sa kanya ang Lolo niya. Ganoon rin si Tita Doris. Kaya nga lang, nakabukod naman ng bahay ang Tita Doris niya sa kanila kaya hindi rin talaga siya nagka-example ng pag-ibig. Ganoon pa man, sapat na rin para sa kanya na example ang totoong magulang.
Ayaw niyang umibig. After all, masaya naman siya sa buhay niya. Masaya siya kapag nagtatrabaho lang. Distraction lang rin naman ang babae sa buhay.
Pero bakit nga ba niya iniisip ang isang babae? Ang kailangan lang naman niya ay anak `di ba? Ang kailangan niya lang ay maging intimate sa isang babae.
Madali lang iyon. Yeah, wala man siyang girlfriend at tila seryoso sa buhay ay hindi naman siya ganoon katanga pagdating sa sex. He had tried a lot of times already. It was good but he doesn’t want everything to last. He was just good for a night and it’s done. Hindi welcome ang babae sa buhay niya. Ayaw niya ng commitment.
Pero ang isang bata, parang mas mahirap yata iyon. Paano siya magiging ama samantalang wala ngang pakialam sa kanya ang totoo niyang ama? Nang maghiwalay ito at ang ina ay bihira na silang magkita. Bihira rin kasi itong pumunta sa bahay ng Lolo niya. May sarili itong bahay.
Inalaagan man rin ng Lolo ay hindi ito ganoon ka-hands on. Busy ito madalas sa kompanya. Madalas ay napapabayaan lang siya. Isa sa mga dahilan kung bakit itinuon na pag-aaral. Oo, nakabuti iyon. Everybody called him a genius. Pero hindi niya iyon gusto.
He doesn’t like himself. A smart neglected boy.
He received a little care and love for the people around him. Kaya paano niya maibibigay iyon sa iba? Hindi niya alam kung paano…
Ayaw na maggaya ni Rumple sa kanya ang anak niya. Pero mas ayaw ni Rumple na mangyari na hindi mapunta sa kanya ang kompanya. Kailangan niyang gumawa ng paraan.
HINDI mapakali si Katrina habang hinihintay ang amo niyang si Rumple Mondragon. Mahigit dalawang oras na niya itong hinihintay sa labas ng condominium unit nito. Pero kahit siguro maghintay siya ng limang oras ay okay lang. Kailangang-kailangan niya ito.
Kailangan ni Katrina ng pera. Ang tanging naiisip lang niya na puwedeng mahiraman ngayon ay si Sir Rumple.
Halos isang taon na rin na nagtatrabaho si Katrina kay Rumple Mondragon. Taga-linis siya ng condominium unit nito. Twice a week ay pumupunta siya sa unit nito. Naglilinis, naglalaba at namamlantsa siya para rito.
Nang makatapos ng high school si Katrina ay namasukan na siya bilang kasambahay. Lumaki lang rin naman kasi siya sa hirap. Dating kasambahay lang din ang Nanay niya. Namatay rin ito bago siya gr-um-aduate ng high school. Wala rin itong ipon para makapagpatuloy pa siya ng college.
Bata pa lang rin si Katrina nang maghiwalay ang mga magulang niya. Nag-asawa na ng iba ang Tatay niya. Sa Nanay niya siya napunta at lumaki. Hindi na rin kasi ito nag-asawa pa. Ganoon pa man, may komunikasyon pa rin naman sila ng ama. Tuwing pasko, birthday o may masasayang okasyon sa buhay niya ay binibisita pa rin siya nito.
At ito rin talaga ang dahilan kung bakit kailangan niyang manghiram ng pera kay Sir Rumple.
Mahirap lang rin ang Tatay niya. Isa itong mekaniko sa hindi kalakihang auto shop. May tatlong kapatid siya rito. Mas bata ang mga iyon sa kanya at lahat ay nag-aaral pa. Housewife naman ang asawa nito kaya walang makakatulong sa mga ito ngayong may problema sa pera kundi siya lang.
Naaksidente ang Tatay niya ilang araw na ang nakalipas. Nabangga ito. Tinakbuhan ito ng nakabangga rito kaya mas malaking problema. Kailangan rin itong operahan sa utak na siyang pangunahing naapektuhan rito. Malaking pera ang kailangan para magawa iyon. Maselan ang lagay nito.
Bilang panganay at siyang may kakayahan, si Katrina ang nagsakripisyo. Nanghihiram siya ngayon ng pera sa lahat ng kakilala niya. Nakahiram naman siya sa iba pero kulang pa rin. Wala naman kasi siyang mayaman na kakilala. May mga iba pa siyang amo bukod kay Sir Rumple. Pero walang kasing yaman ng lalaki. Maliit lang ang naitulong sa kanya ng iba pa niyang amo.
Si Sir Rumple ang last option niya. Paano kasi, ito man ang pinaka-mayaman ay nakaka-alangan naman na manghiram rito. Ito na yata ang pinaka-supladong lalaki na nakilala niya. Hindi niya nga sigurado kung ang simpleng “hi” niya rito ay masusuklian nito.
Pero umaasa siya na matutulungan nito. Ito na lang ang pag-asa niya.
Kaya nga lang, sa oras na nakita niya mismo ang lalaki, sa halip na ma-relieve ay lalong nagulo siya.
Matagal na rin naman kung maituturing na nagtatrabaho si Katrina kay Sir Rumple. Pero mabibilang lang sa daliri ng isang kamay niya ang pagkikita nila. Masyadong abala si Sir Rumple sa trabaho nito. Lahat ng iuutos nito ay nakalagay lang sa note board na nasa may refrigerator nito.
Ganoon pa man, hindi na iyon dapat bago kay Katrina. Guwapong lalaki talaga si Sir Rumple kaya hindi naman siguro maiiwasan na magulo ang loob niya kapag nakikita ito. Tall, fair and very handsome ang tamang description para rito. Sa tingin niya, physically perfect ito. Chocolate brown ang kulay ng mata, matangos ang ilong at may kanipisan pero mukhang kissable ang labi. May kapayatan ito pero bagay lang naman iyon sa katawan nito. Malinis rin ito sa katawan.
Naalala niyang ilang beses niyang tinitigan ang nag-iisang picture nito na makikita sa unit kapag naglilinis siya. Sa pampisikal ay talaga naman kasing kagusto-gusto ito. Crush niya ito. Perfect guy na nga sana ito. Kaya nga lang ay masungit.
Iyon na nga siguro ang dahilan kung bakit lumakas ang tibok ng puso niya nang makita ito. Crush niya ito…at natatakot siya.
Nakakunot ang noo si Sir Rumple nang makita siya.
“What are you doing here?”
“H-Hi Sir…” Matagal nang nabigyan ng pagkakataon si Katrina para matulala sa lalaki. Pero ngayong nasa harapan niya ito ay lalo lang siyang natulala. Napakaguwapo kasi talaga nito.
Pero hindi landi ang dahilan kung bakit gusto mo siyang makausap, Katrina!
“May naiwan ka ba sa unit? May susi ka naman, ah. Bakit mukhang hinihintay mo pa yata ako?”
“May sasabihin po sana ako sa inyo,”
“Dapat ay tinawagan mo na lang ako.”
“Ah, eh. Masyado po kasing personal kaya naisip kong personal rin kayong kausap---“
“Spill it,” putol nito. Mukhang naasar na ito.
Napangiwi si Katrina. “May sakit po kasi ngayon ang ama ko…”
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “And? Hindi naman ako Doctor para gamutin siya.”
Alam ko naman, Sir! Crush ko kayo. Siyempre, alam ko ang information tungkol sa inyo. Nasa isip-isip ni Katrina.
Totoo naman iyon. Dahil nga may crush, alam niya ang impormasyon rito. Ito ang Vice President ng nangungunang software company sa Pilipinas. Twenty six years oldpa lang ito pero napaka-tagumpay sa buhay. He was a business man. Pero sana nga ay Doctor ito. Doctor na puwede sa puso niya dahil sa asal pa lang nito, papatayin na nito sa takot ang kanyang puso.
Nakagat ni Katrina ang ibabang labi niya. “Hindi naman sa ganoon, Sir. Pero---“
Pumitik sa ere ang lalaki. “Direstushin mo ako.”
Yumuko si Katrina. “Kailangan ko po ng pera.”
Kinuha ni Rumple ang wallet nito. “Magkano?”
“F-five hundred thousand, Sir…”
“Five hundred what?!” Napakalakas ng boses ni Sir Rumple na akala ni Katrina ay lumindol. Gumalaw kasi talaga ang tainga niya.
“Sir, puwede naman po akong mag-explain…”
“Sa tingin ko nga ay kailangan ko noon. Pero pagod na ako ngayong gabi…”
Bumuntong-hininga si Katrina. “Naiintindihan ko naman po, Sir. P-pero kailangang-kailangan ko na po kasi talaga. Kapag pinatagal pa po namin ang operasyon ay mas lalo siyang mahihirapan at tataas ang risk…”
“Napakalaking pera nitong hinihingi…”
“Alam ko po. W-wala na lang po talaga kasi akong mapupuntahan. Pasensya nap o talaga…”
“Kapag pinahiram kita, paano ako makakasigurado na maibabalik mo ang ganoong pera?”
Hindi naihanda ni Katrina ang sarili sa tanong na iyon. Napakalaking pera nga naman. Paano niya maibabalik ang ganoong kalaking pera?
Oo, puwede niyang bayaran iyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Pero baka patay na siya, hindi niya pa naibabalik ang lahat sa lalaki ang nahiram na pera. Napakalaki noon.
“Lahat ng bagay ay kailangan ng kapalit, Katrina…”
Napakunot ang noo ni Katrina. Alam niyang seryosong tao ang kausap niya. Pero pakiramdam niya, may laman ang sinabi nito ngayon.
“At ano ang gusto niyo pong kapalit? Ano ang kailangan mo?”
Tinitigan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Namula yata ang buong pagkatao niya dahil nakaramdam siya ng init mula sa tingin nito. Para bang isa siyang insekto na ine-examine nito. Pero sa isang banda, parang na-insecure siya.
Alam niyang pangit siya ngayon. Dahil sa nangyaring aksidente sa ama ay halos wala siyang tulog. Napaka-itim ng ilalim ng mata niya. Well, hindi naman talaga siya ganoon kaganda. Simple lang siya. May katangkaran siya pero payat. Hindi rin ganoon kapansinin ang mukha niya dahil plain lang. Medyo singkit, medyo matangos ang ilong at hindi naman ganoon kapula at kagandang labi. May pagka-wavy rin ang buhok niya na umaabot ng lagpas balikat kaya wala namang kapuri-puri talaga sa kanya.
“Sir?”
Tumikhim ito at pagkatapos ay sinalubong ang mga mata niya. “Kailangan ko ng anak.”
Napakurap at pagkatapos ay natulala si Katrina. Pangit pala na tignan si Sir Rumple kapag nag-joke ito.