More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 23

NAWALA lahat ng antok ni Peter nang sa wakas ay mag-online si Wendy. Alas dose ng tanghali sa Pilipinas at alas dose naman ng hating gabi sa America. Lunch time ni Wendy sa trabaho. Bumalik na ito sa trabaho nito sa kompanya ng ama simula nang masira ang engagement nito at ni Jeremiah. Wala naman kasing kailangang asikasuhin si Wendy at ayaw rin naman niyang pigilan ito sa pagbuo pa ng career nito. He wanted to support her on everything just as much as she did to him.

Mahirap na malayo sa isa’t isa. Pero sa tulong ng makabagong teknolohiya ay naging madali rin naman iyon. Halos dalawang linggo na siyang nakakabalik sa America pero araw-araw pa rin silang nag-uusap. Madalas ay kapag umaga at gabi lang dahil sa kani-kanilang trabaho at magkaibang oras rin. Tuwing alas sais ng gabi sa kanila at paggising naman ni Wendy para pumasok sa trabaho ay hindi sila nakapag-usap. Pero hindi nangyari iyon kanina. Paano kasi ay nagkaroon siya ng importanteng meeting at hindi nakalabas kaagad roon. Nag-message na lang siya kay Wendy na mamaya silang alas dose mag-usap. Pumayag ito.

Kumaway si Wendy sa camera. Magka-Skype silang dalawa. She was eating her lunch. Dapat ay tulog na siya pero hinintay niya ang babae. Maaga siyang natutulog kapag may pasok pero para lang makausap ang girlfriend, willing siyang mag-adjust. After all, he misses her so much.

“You’re looking more and more beautiful these days…”

Namula si Wendy pero binara rin naman siya. “Sinasabi mo lang naman `yan para sabihin kong mas gumaguwapo ka.”

“Hmmm… let’s say I just want you to always say the truth.”

“You’re saying the truth?”

Umungol si Peter. “Babe, always remember, kahit kailan ay hinding-hindi ako magsisinungaling sa `yo. When I admit that I love you, all the things I say to you is true. That was also what I am feeling for you…”

Ngumiti si Wendy. “Just making sure…”

“Hindi na `yan kailangan. Always remember that I’m all and only yours forever…” Kinindatan pa siya nito.

Binitawan ni Wendy ang kubyertos. Tumawa ito. “Ano ba `yan. Kaunti pa lang ang kinakain ko busog na ako diyan sa ka-sweetan mo…”

“Nakakawala naman ng pagod at antok ang makita ang mukha mo…”

They went to sweet words before the how are you’s. Nagkuwento siya sa nangyari sa araw niya kahapon. Nakinig at medyo nagkuwento rin naman si Wendy ng mga nangyari dito. Ganoon madalas ang mga napapag-usapan nila.

“It’s Friday tomorrow. Wala ka bang plano?”

Umiling si Wendy. “I don’t have so much friends. Alam mo `yan. Isa pa, I’d rather be at home than going out on a Friday. Kung lalabas man ako, gusto ko na mag-travel. But that’s not on the plan now. Alam kong busy ka. Ikaw pa naman ang gusto ko lang na makasama na magtravel…”

“Hmmm…”

“Ikaw ba? Wala ba kayong gala ni Andy?”

“Alam mo namang napakatino ni Andy. Bahay, trabaho at pamilya lang iyon. He’s not into fun on Fridays. But some of my friends here are asking to hangout on Friday night…”

“Whose friends?”

“Friends I met on bars…”

Sandaling natahimik si Wendy. “Sasama ka ba?”

“I’m thinking. Pero siyempre, kailangan ko muna na malaman ang say mo. Gusto mo bang makipag-hangout ako sa kanila?”

“Ipakilala mo sila sa akin.” Tumawa si Wendy.

“Hmmm, that’s why I am also thinking. Alam ko kasi na baka hindi mo magustuhan. They were the people I am in the past. They love to play…”

“Okay. Pero ikaw ang bahala. And I’m just kidding. Sa totoo lang, hindi mo naman kailangang magpaalam palagi sa akin. Buhay mo pa rin `yan. Ikaw ang magdesisyon kung ano ang gusto mo.”

“Yeah. Pero mukhang mali ka. Buhay ko nga ito pero ikaw na ang may hawak na ito. You are my life now…”

“You’re so cheesy.”

“You made me extra-cheesy.”

“Whatever you say. Pero ito na lang ang isipin mo. Mahal kita kaya pagkakatiwalaan kita. All I want for you is to take care…”

Tumango si Peter. Minsan ay nararamdaman niyang may pagka-possessive si Wendy. Pero naiintindihan naman niya iyon. Ganoon naman kasi talaga ang mga babae. Pero kahit na paminsan-minsan ay possessive at nagiging clingy, it was just right. Malawak pa rin kasi talaga ang pang-unawa nito. Sabihin man niya na gusto niyang magdesisyon ito para sa kanya ay ayaw nito. May point rin naman ito. Buhay niyang maituturing si Wendy pero siya pa rin ang gagawa ng kapalaran niya.

Minsan na narinig ni Peter na the most valuable currency you’ll see online is trust itself. Ganoon rin sa relasyon, lalo na sa mga kagaya niyang long distance relationship.

Nagtitiwala naman si Peter sa sarili niya. Hindi niya pagtataksilan si Wendy. Kilala niya ang mga kaibigan niyang iyon na nagyaya. They are fun but they are wild. Kapag nasa isang hindi ka matibay na relasyon, puwede kang masira. Temptations are everywhere, lalo na sa mga lugar na gusto at inamin rin naman ng mga ito na pupuntahan nila: bar.

Pero nakaka-miss rin naman ang dati niyang buhay. Dati, normal na sa kanya ang nightlife. Suki siya ng bars, lalo na kapag weekend. He met new friends and hook ups are normal. But Wendy changes him. Ayaw na niyang makakilala pa ng bago. Para sa kanya, ito na ang pinaka-importanteng taong makikilala niya.

Natapos na ang tawag at dinalaw na ulit ng antok si Peter. Pero sa halip na si Wendy, ang pagmumuni-muni sa dating buhay ang laman ng isip niya bago siya tuluyang nilamon ng antok.

IT WAS a lazy Sunday Morning. Kahit nakalabas na naman dahil nagsimba silang pamilya kaninang madaling araw pero parang wala pa rin na kalakas-lakas si Wendy. Ganoon pa man, pinili niya na huwag magmukmok sa kuwarto. Pakiramdam kasi niya, kapag nasa kuwarto siya ay lalo lang siyang tatamarin at mapapaisip.

Nasa sala lang si Wendy at nanonood ng TV. Wala naman kasi ang mga kapatid niya sa bahay para maka-bonding. May mga sari-sariling lakad ito ngayong araw. Ang mga magulang naman niya ay nagluluto ng lunch.

“What’s wrong?”

Nilingon ni Wendy ang nagsalita. Ang Daddy niya iyon. Hindi niya gustong mapag-isa. Kaya nga siya nasa sala. Pero bakit ngayong may lumapit na sa kanya ay parang mas lalong sumama ang pakiramdam niya?

“I-I’m okay.”

“Mukhang hindi, eh…” Tinabihan siya ng Daddy niya. “Nasanay na akong palagi kang nagse-cell phone simula nang bumalik sa America si Peter. Anong nangyari at malayo yata sa `yo ngayon ang cell phone mo?”

“Daddy, labas tayo?” sa halip ay sagot ni Wendy. Na-realize na niya ngayon ang dahilan kung bakit mas nakaramdam siya ng lungkot ngayong may kumausap sa kanya. Ayaw niyang pag-usapan ang pakiramdam niya ngayon. Mas gusto niyang ma-divert na lang ang isip sa ibang bagay.

“At lalo mo lang pinalala ang curiousity ko. May LQ ba kayo ni Peter?”

Umiling si Wendy. “Nilalagnat siya.”

“Oh, kaya pala malungkot ka. Nag-aalala ka.”

“Sabi niya, there’s nothing to worry about. Ayaw ko rin na mag-alala. Pero siguro nga ay hindi ko lang talaga maiwasan…” Bumuntong-hininga si Wendy. Gaano man niya kalmahin ang sarili ay hindi niya maggawa. Palagi niyang naiisip na si Peter. Gusto niyang alagaan ito.

Tinatrangkaso daw ang boyfriend. Pagising nito ng Sabado ng umaga ay mabigat na ang katawan nito. Sa tingin niya ay dahil sa nabaguhan rin ito sa trabaho. Mabigat ang trabaho nito sa Charm Tech kung ipagkukumpara sa pagpalit nito kay Tink sa Happy Thoughts. Hindi rin nito masyadong gamay ang trabaho. Madalas kasi na inaasa nito at ng mga kaibigan nito kay Rumple ang lahat. Ngayong wala ang lalaki, nahihirapan ang mga ito.

“Hindi mo ba siya gustong kumustahin?”

“He is resting. Napapa-paranoid rin ako kaya nilayo ko ang cell phone ko. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at tawagan siya oras-oras. Mas magiging mahirap at komplikado ang lahat. Sa halip na makapagpahinga siya ay hindi niya magagawa. Iisipin niya pa ang nararamdaman ko. Iistorbohin ko pa siya.”

“Mahal na mahal mo talaga siya…”

“I wish I was there, Daddy. Ayoko ng ganitong feeling…” Napaungol si Wendy.

“For sure, Peter would love that, too. Pero `wag ka nang mag-alala. Peter is already a big man. Saka kung simpleng lagnat lang ang lahat ay gagaling rin naman iyon. Pahinga lang siguro ang kailangan niya. Everything will be all right…”

“Yeah. Kaya labas na lang tayo mamaya, ha?”

Pumayag ang Daddy niya. Doon masasabi ni Wendy na napakaliit na bagay lang nitong pino-problema niya. Protective ang Daddy niya pero para sa ikabubuti naman iyon. Masaya at maayos ang pamilya niya. Maayos rin ang relasyon nila ni Peter. Bagaman dumadaan sila ngayon sa kaunting pagsubok, for sure ay malalampasan rin nila iyon. Bago pa lang rin kasi ang lahat kaya siguro ay nahihirapan pa siyang i-handle.

Wendy is living a good life. Kaya hindi dapat siya malungkot. Nag-aalala siya, oo. Pero lahat ng hirap ngayon ay mawawala rin.

Nag-lunch silang tatlo ng mga magulang pagkatapos ay naghanda na sila sa gala na pangako ng Daddy niya. Ipagsa-shopping na lang daw siya nito. Noon lang niya na-realize na matagal na rin pala siyang hindi nakakapag-shopping kaya na-excite siya. Nag-ayos ulit siya ng sarili. Pero bago umalis, she tried to check her phone again. Nagbaka-sakali lang siya na baka may message si Peter.

Walang galing sa boyfriend. Pero mayroong mula sa tingin niya ay kilala ni Peter.

Namutla si Wendy nang bumulaga sa screen niya ang mga larawan. It was Peter and girls. Yes, girls. hindi lang iisa. Maraming babae. Lahat ng mga iyon ay nakahawak sa hubad pang katawan ni Peter.

Binalot ng buong takot ang sistema ni Wendy. Kailan nangyari ang larawan na iyon? Nakausap na niya si Peter. Ang sabi nito, hindi na naman daw ito tumuloy sa hangout. Bagaman hindi niya masasabing nabantayan talaga niya ito dahil may Saturday Work siya sa Friday hangout ng mga kaibigan nito ay nagtitiwala naman siya sa sinabi nito. After all, ano pa ba ang magagawa niya `di ba?

Pero kung hindi tumuloy…bakit may mga ganitong larawan? At bakit kailangan pang i-send sa kanya?

Natagpuan na lang ni Wendy ang sarili na nanginginig. A part of her was telling that Peter lied. Natatakot siya. Pero sinubukan niyang kalamahin ang sarili. Walang mangyayaring maganda kung pangungunahan siya palagi ng takot.

Pumikit si Wendy. Ang mukha ni Peter ang nakita niya sa kanyang isip. It was his face before leaving the country.

Umalingawngaw sa tainga ni Wendy ang ilang mga salitang narinig niya kay Peter sa airport.

“Kaya `wag ka nang malungkot at matakot, ha? And if you feel like, just think of our happy memories. Think happy thoughts. Dahil ganoon rin ang gagawin ko. You are my love and my happy thoughts. Just with the memory of you, I’m already contented and complete…”

Iminulat ni Wendy ang mga mata. Natatakot siya ngayon `di ba? Nalulungkot rin siya sa possibility na nagsinungaling at baka nga niloloko rin siya ngayon ni Peter. But then, with the reminisce

Think happy thoughts…

Inisip nga ni Wendy ang mga magagandang bagay. Ganoon rin ang mga magagandang alaala. Lahat ng mga iyon ay kasama niya si Peter. His smiling face, his caring attitude, the way he looked at her and says that he loves her….

Pumikit si Wendy. Parang naiiyak naman na siya ngayon. Pero lahat ng iyon ay dahil gumaan ang loob niya. Nawala ang takot. Nag-init ang dibdib niya. All that she could think and feel about was the good things.

Trust… So what kung may mga larawan? Sino ba ang dapat niya talagang pagkatiwalaan? Ang boyfriend niya o ang isang taong ni hindi nga niya kilala?

Ibinaba ni Wendy ang cell phone. Saktong tinawag naman siya ng ama. Tinatanong nito kung ready na ba siya para makaalis na sila.

“Ako na lang pala ang aalis, Daddy.” Wika ni Wendy nang makalabas ng kuwarto.

“Ha? Bakit? At saan ka naman pupunta?”

“Sa America.” Cool na cool lang na wika ni Wendy.

HATI ang nararamdaman ni Peter habang hinihintay si Wendy sa airport. Medyo masama pa rin ang pakiramdam niya kaya siguro ganoon na lang ang nararamdaman niya.

Dapat ay ma-excite lang si Peter. Missed na missed na niya ang girlfriend. Isang araw na silang hindi nag-uusap. Pagkatapos ngayon ay binigla pa siya ng balitang pupunta ito ng America para sa kanya.

Ang kabigla-bigla pa, walang paalam si Wendy. Kung hindi pa sinabi sa kanya ng Daddy nito ay hindi niya pa malalaman na may balak ito. Paano kasi, nag-aalala na siya nang hindi niya ma-contact ang girlfriend. Iyon pala ay nasa eroplano na ito para personal na kumustahin siya.

Yata.

Siguro ay gusto lang siyang kumustahin at alagaan ni Wendy. Ramdam niya na nag-aalala ito ngayong nagkasakit siya. Nanibago kasi yata siya sa mabigat na trabaho. Trinangkaso siya. Mahirap dahil sumaktong wala rin ang mga magulang niya sa America. Hinahanap-hanap niya ang isang taong puwedeng mag-alaga sa kanya.

Now, Wendy came. Pero alam niyang hindi lang dahil sa masamang pakiramdam kung bakit hati ang nararamdaman niya. Feeling kasi niya ay hindi na nararapat ang pagpunta pa nito ng ibang bansa. It was a very silly thing to do. May flu lang siya. Hindi pa naman siya mamamatay. Medyo OA ang ginawang ito ni Wendy.

Pero hindi na rin naman niya nasabihan ang girlfriend. She already had left when he had known everything. Ganoon pa man. nawala rin ang weird na nararamdaman nang sa wakas ay makita niya ito. Nakakunot-noo ito nang makita siya. Pero kahit yata puro kunot na ang makikita niya sa lahat ng bahagi ng mukha at katawan nito, ito pa rin ang pinakamagandang babae sa kanya.

Haay, in love na nga talaga ako…

Ngumiti si Peter. Sinalubong at niyakap niya si Wendy nang mahigpit. Gusto niyang maiyak. It’s just been weeks, but it felt years since he has hold her. Masaya siya ngayong nagkita ulit sila.

“You’re so silly and clingy…”

“And so are you…” Nakalabing wika ni Wendy. Pero maya-maya, inilapat rin naman nito ang labing iyon sa labi niya. She kissed her. May tumulong luha sa mga mata nito. She also clings her hands to his neck like a monkey.

“And look who is talking. You’re more silly and clingy. Naiiyak rin naman ako pero arrival area ito, okay? Hindi ka pa aalis…”

“I know. Pero `di ba puwedeng umiyak dahil naiinis rin ako?” Tatawa-tawang wika ni Wendy. Pinahid niya ang luha nito. “Bakit mo ako sinundo sa airport?”

“You know that I love you. Ayoko lang na maligaw ka.”

Lumabi si Wendy. “Wala kang tiwala sa akin.”

“I have. I just love you so much that’s why I don’t want anything bad happen to you…” Hinalikan niya ulit ito. “Pero seryosong usapan, what you did is a silly thing to do. Gagastos ka ng malaki para lang alagaan ako? You could have trust me. I can take care of myself…”

Sinalubong ni Wendy ang mga mata niya. “P-paano kung sabihin ko sa `yo na nawalan ako ng tiwala?”

Sandaling nakipagtitigan si Peter sa girlfriend. Napakunot-noo siya nang makitang may pagkapahiya sa mata nito. “Hindi ka nagtitiwala na kaya kong alagaan ang sarili ko?”

Umiling si Wendy. “Nag-aalala ako. Pero alam kong kaya mo ang sarili mo. Kaya nga lang, may iba pang nangyari…”

Nagpatuloy sa pagkukuwento si Wendy. Sinabi nito ang na-receive nitong message.

“You think I lied to you? Na nagpunta ako sa bar noong Friday at naggawa ko ang bagay na iyon?” Parang sumama yata ang pakiramdam ni Peter sa ganoong possibility.

“Naniniwala ako sa `yo. It’s just that those girls I don’t trust. Kakausapin ko sila. Bakit nila kailangang gawin ito?”

“What’s the girl’s name?”

Sinabi ni Wendy ang pangalan.

Mabilis naman na naalala ni Peter kung sino ang babae. Napatiim-bagang siya.

“She was the one who invited me to the party. She was one of my conquest. Dapat ay alam ko na. Masama talaga ang ugali niya…” Bumuntong-hininga si Peter. “Pero ano ba itong ginawa mo? Puwede mong sabihin na lang over a call or message ang tungkol dito.”

“Yeah. Pero seryosong usapan ito. At naniniwala akong ang ganitong klaseng usapan ay hindi lang basta pinag-uusapan sa text o tawag. Kailangan kong pagsabihan ng personal ang babaeng iyon. Gusto kong kausapin siya. I want to teach her a lesson…”

“If you trust me, there’s no need for that…”

“Alam ko. Pero kung hahayaan natin ang babaeng ito na gawin iyon sa relasyon natin ay baka abusuhin niya pa.”

“Hmmm… you have a point. Pero sa tingin ko, kaya niya ginawa iyon ay para maghiganti. You know, I’m kind of a yes person to parties. Palagi akong ready. Siguro ay nainis lang siya na hindi ako sumama sa part. I realized it now. Iba ang naging reaksyon niya nang tumanggi ako. Pero walang duda roon. As I said, she’s crazy…”

“Ayaw ko lang ng gulo, Peter. Malayo na nga tayo sa isa’t isa. Bago pa ang relasyon natin pagkatapos ngayon ay may gumugulo na…” Bumuntong-hininga si Wendy. “I don’t want to lose you…”

“You won’t lose me. I’m all and only yours remember?”

“Forever…” Niyakap siya ni Wendy.

Niyakap at hinalikan rin niya nito. “I’m not proud of my past but I am proud of you, Wendy. Pero minsan, ang mga bagay pala na ipagmamalaki mo ay makakasira pa sa `yo. Kaya ka nila na-contact at sinubukan tayong sirain ay dahil sa mga Facebook posts ko. I declared my love for you there so they easily have a way to contact you…”

“Yeah. Pero okay lang. It’s not your fault. It’s them. Saka gusto ko ang pagiging proud mo sa akin. It made me feel more secured and love…”

Inihilig ni Wendy ang ulo sa dibdib niya. Mas dumikit ang katawan nito sa kanya. Pero maya-maya ay lumayo rin ito. Nakakunot-noong tinignan siya nito. Seryoso ang mukha nito nang ilagay ang kamay sa leeg niya.

Nanlaki ang mata ni Wendy. “Shit, may lagnat ka pa!”

“It’s okay. Mawawala rin `yan ngayong nandito na ang pinaka-best na gamot na na-discover ko…” Hinalikan ni Peter si Wendy sa labi. “You and your lips…”

“Dapat hindi mo na ako sinundo. Sinabi sa `yo ni Daddy `no? Ugghh.. or siguro, siya talaga ang dapat na pagsabihan ko.”

“Gagawin ko ang lahat para sa `yo. Kahit siguro naghihingalo na ako, hindi pa rin kita pababayaan. Susunduin pa rin kita sa airport. Takot ko na lang sa Daddy mo `no…”

Inikot ni Wendy ang mga mata nito. “You are really silly.”

“We are silly for each other…”

“You are mad.”

“Nah, I’m just mad for you…” wika ni Peter at hinalikan si Wendy. Humagikgik ito kaya sa tingin niya, hindi naman talaga ito galit. Kinikilig ito.

At na-realize niya na kagaya rin niya ito. Baliw rin ito. Baliw para sa kanya. Baliw sila sa isa’t isa.

Pero kabaliwan man ang nararamdaman nila sa isa’t isa at pati na rin ang ginawa ngayon ni Wendy ay masaya pa rin si Peter. She was here. Iyon ang gusto niya `di ba? Missed na missed na rin niya ito. Napatunayan rin niya ngayon na sa kahit anong pagsubok ay handa si Wendy. Ipaglalaban rin siya ng babae.

But most importantly, Peter realized that he was with a girl that would love to be with him for better or for worst.

Napakasuwerte ni Peter. At pinapangako niya na hindi na pakakawalan pa ang suwerteng nahanap niya.

THE END OF PETER AND HIS HAPPY THOUGHT

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.