More Than A Fairy Tale (Unofficial Series) Chapter 30

Present Time

PAGKATAPOS ng bigayan ng card ng mga estudyante ni Jasmine ay opisyal ng magsisimula ang bakasyon niya. Hanggang umaga lamang ang pagkuha ng card. Simula sa hapon na iyon hanggang sa Hunyo, magiging boring na naman ang buhay niya.

Nalulungkot si Jasmine. Mami-miss niya ang pagiging guro. Mami-miss niya ang mga estudyante niya. Isa-isang niyakap niya pa ang advisory class niya nang kumuha ang mga ito ng card. High school na ang mga ito sa susunod na taon. Karamihan sa mga ito ay lilipat na rin ng school.

“Mami-miss rin namin po kayo, Ma’am,” halos maluha-luha rin ng estudyante niya, lalo na ang mga napalapit na sa kanya. “Pero kapag nagka-oras naman po kami, dadalawin namin kayo.”

“Kahit ngayong bakasyon?”

Ngumisi ang isa sa mga estudyante niya. “Kailangan niyo ba talaga kami makita sa bakasyon, Ma’am? Ang balita ay magiging busy raw kayo…”

“Busy?” natawa si Jasmine. “Saan niyo naman nakuha ang balita na `yan?”

“Narinig po namin na dumating na raw po mula sa ibang bansa iyong boyfriend, este fiancé niyo po!”

Sumigaw ng “ayiee” ang mga estudyante ni Jasmine. Umiling siya. “Maling balita,”

Kumunot ang noo ng lahat ng ito. “Kung ganoon ay sino po iyong lalaking dumalaw sa inyo pagkatapos ng play?”

“An old friend,” sagot na lang ni Jasmine. Hindi niya alam na kumalat rin pala ang balita tungkol sa pagdating ni Ali. Ang masama pa, naging mali ang akala ng lahat tungkol rito.

Sa eskuwela ay alam ng lahat na may fiancé si Jasmine. Pero dahil nasa ibang bansa si Arthur ay hindi ito kilala ng mga kasamahan niya. Hindi rin niya gustong ibahagi ang relasyon nila sa lahat kaya kahit sa Facebook ay hindi siya nagpo-post ng larawan nila o nito man lang. Masyadong pribado na iyon para kay Jasmine.

“Old friend o old flame?” humahagikgik na wika ng isa sa mga estudyante niya.

Nagkibit-balikat si Jasmine. “`Wag na natin siyang pag-usapan. Hindi na siya babalik.”

“Talaga, Ma’am? Eh nakita po namin iyong lalaki sa labas, eh. May dala pa nga po na flowers…”

Nanlaki ang mata ni Jasmine. Hati rin ang nararamdaman niya kung mamumutla o mamumula. Pero mas nanaig ang malanding bahagi niya. Lumabas ang huling naisip niya sa pisngi.

“H-hindi niyo siya kilala. Hindi niyo siya nakita. Paanong---“

“Nakita po namin siya noon, Ma’am. Kaya nakilala po namin.”

Umiling si Jasmine. Ayaw niyang maniwala. Maloloko na ang estudyante niya sa edad ng mga ito. Pero naiilang rin siya sa tinatakbo ng usapan. Pasimpleng pinaalis na niya ang mga estudyante niya.

Alas dose na ng matapos si Jasmine sa pagkuha ng card. May isa kasi siyang estudyante na na-late kumuha ng card nito at hinintay pa niya. Hindi sabay-sabay na dumating ang mga estudyante niya. Dumaan muna siya sa faculty room kahit wala na naman siyang kukuhanin roon. Nasa sa kanya na ang gamit niya. Gusto lang niyang magpaalam sa mga co-teachers niya kung sakaling naroroon pa ang ilan sa mga ito. Siya kasi ang pinakahuling umalis sa classroom kanina kung saan nagbibigayan ng cards.

Pero sa halip na co-teachers, isang tao na iniiwasan ni Jasmine ang kanyang nakita. Namutla siya. Totoo nga ang sinasabi ng mga estudyante niya.

“Hey,” wika ni Ali. Totoo rin na may mga bulaklak.

“A-at talagang nagpunta ka pa muli rito. Plano mo talagang sirain ako!”

Hindi pumayag si Jasmine sa gusto ni Ali sa kabila ng pagbabanta nito. Ikinabahala niya ang magiging consequences noon. Pero mukhang ginagamitan lang talaga siya ng blackmail ng lalaki. Wala itong ginawang masama sa loob ng dalawang linggo na hindi muli sila nagkita. Sa halip, madalas ay nakakuha pa siya ng kung anu-ano rito. Kadalasan ay may delivery ng bulaklak at chocolates sa apartment niya. Hindi siya nagpaapekto roon. Hindi naman kasi iyon si Ali. Pero iba na ngayong personal na muli siya nitong ginugulo. Napakalaki ng epekto ng presensiya ni Ali sa kanya.

Nagkibit-balikat si Ali. “Everybody here thought I am the fiancé. Walang nakakasira roon. In fact, natutuwa nga ang mga estudyante mo sa akin. Nakilala ko sila. Nagpakilala sa akin. Kinikilig pa sila---“

“Hindi ako sila!”

“Minsan na naramdaman mo na iyon, Jasmine. I intend to bring those sweet memories back.”

“Ali, kapag nalaman ito ni Arthur---“

“Ni wala nga na nakakilala sa fiancé mo rito, Jasmine. Paano niya malalaman? And I don’t care. I am willing to fight for you. Hindi pa naman kayo mag-asawa. May pag-asa pa ako.”

“Determinado ka talaga.”

Kinuha ni Ali ang kamay ni Jasmine. “Give me a chance. Another chance. Kapag pagkatapos ng chance na iyon ay hindi pa rin bumalik ang damdamin mo sa akin, titigilan na kita.”

Natulala si Jasmine. Another chance. Mali iyon. May fiancé na siya. Pero kung iyon lang ang paraan para tigilan na siyang guluhin ng lalaki, bakit hindi niya iga-grab iyon? Hawak niya ang puso niya. Mapipigilan niya iyon. Paganahin lang niya ang isip niya palagi. Hindi rin naman ibig sabihin ng binigyan niya ng pagkakataon si Ali ay nagtataksil na siya kay Arthur. Hindi niya intensyon iyon. Hindi rin masasabing panliligaw nito iyon sa kanya. Pagbibigyan lang niya ang lalaki para matapos na ang lahat. Para sa kanya, wala pa rin silang relasyon.

“Fine. Mag-umpisa ka sa Linggo. Alas siyete ng umaga. Magsisimba tayo.”

Sa sinabi ni Jasmine, si Ali naman ang natulala. Isang mabilis na desisyon iyon. Pero kung iyon lamang ang makakapagpatigil kay Ali, gagawin na niya. Just be still, my heart.

ALAS sais y medya ang usapan nina Ali at Jasmine na magkikita. Pero wala pang alas sais ay nasa tapat na ng apartment ni Jasmine si Ali. Excited siya. Tatlong araw na simula nang makita niya muli ito. Tila impyerno ang nakalipas na araw na hindi niya ito nakasama. Ganoon rin ang dalawang linggo bago iyon. Kahit kasi gusto niyang asikasuhin si Jasmine, may mga bagay na naka-schedule bago ito. Isa pa, gusto rin niyang siguraduhin kung tama ba na ipaglaban talaga niya ang ginagawa niya. He felt crazy about it. Alam niya na sinasaktan rin niya si Jasmine.

Kasalanan ang ginagawa ni Ali. Dinadamay rin niya si Jasmine roon. Pero corny na kung corny. Naiisip niyang ang lahat ng nangyayari sa kanya ay parang sa isang kanta lamang. Kasalanan ko ba kung iniibig kita? Hindi ko naman sinasadya.

Napakatagal ng sampung taon. Kahit malaking bahagi noon ay iniisip niya na masama si Jasmine, palagi pa rin niya itong naiisip. Maraming beses na ginusto niyang limutin na lamang ang nakaraan. Pero palagi siyang ginugulo ng nakaraan ng kanyang pamilya. Naging mahirap rin para sa kanya na magtiwala. Mali siya. Hindi siya kailanman naging masaya. Kahit gusto niyang ibaling sa iba ang puso, nanatili pa rin iyon kay Jasmine.

Jasmine is really a thief. She had stolen her heart. From the start until forever.

Binago ng nalaman mula sa ama ang damdamin ni Ali. Kung dati ay natatakot siya, ngayon ay nawala na iyon. Hindi na niya maloloko ang sarili niya. Ngayong alam na niya ang katotohanan, determinado siya na mapabalik ito sa piling niya.

Hindi ginagawa ni Ali ito dahil sa kailangan niyang bumawi rito. Kailangan niya si Jasmine. His life is incomplete without her. Gusto niyang maging masaya siya. Natuto na siya sa pagkakamali noon.

Hindi dapat nagpadala si Ali sa sakit noon. Pinaniwalaan dapat niya si Jasmine. Nagtiwala dapat siya rito…

Sampung minuto bago ang usapan, doon nagdesisyon si Ali na kumatok sa apartment ni Jasmine. Pinagbuksan naman siya nito kaagad.

“Good morning. Are you ready?” maganda ang ngiti na tanong ni Ali kay Jasmine. Natagpuan niyang nakabihis na ito nakaligo na dahil basa-basa pa ang buhok. Pang-alis na rin ang suot nito.

Simple lamang ang ayos ni Jasmine. Naka-blue green itong blouse at skinny jeans. Simpleng doll shoes lang rin ang pang-paa nito. Walang makikitang make-up sa mukha maliban sa pahid ng pink na lipstick.

Simple lang naman talaga si Jasmine kahit dati pa. Kahit ang physical features nito ay ganoon rin. Maitim at mahabang buhok. Kulay tsokolateng mata at hindi naman ganoon katangusan ang ilong. Kayumanggi ang kulay nito kagaya ng karamihang Pilipino at may kaliitan ang katangkaran at pati na rin ang katawan.

Napapatanong tuloy si Ali. Ano ba ang nakita niya sa simpleng kagaya ni Jasmine? Walang effort na mag-ayos si Jasmine. Pero bakit ang daming effort ng puso niya? Napakalakas ng tibok ng puso noon sa pagkita lamang niya rito. He felt warm and wonderful. Para bang wala siyang maramdaman na problema makita lamang niya si Jasmine.

“Aayusin ko lang ang gamit ko. Maupo ka muna,” tumingin ito sa lamesa at napakagat-labi. “I’m sorry, wala rin pala ako na mai-offer sa `yo.”

“Hindi ka kumakain ng breakfast?”

Umiling lang si Jasmine.

Tumingin si Ali sa relo. “Well, maaga pa naman. We can also have our breakfast after mass---“

“Iyon ang plano ko. Pero hindi ka kasama.”

“What? But I thought we have all day---“

Tumaas ang isang kilay ni Jasmine. “You should not presume. Ang sinabi ko lang ay magsisimba ako kasama ka. Pagkatapos noon ay tapos na ang araw ko kasama ka.”

Natahimik si Ali. Nasaktan siya. Hindi siya sanay na mataray si Jasmine. She had always been sweet. Alam niyang ganoon pa rin naman ito. Nag-interview siya ng mga estudyante nito. Si Jasmine raw ang pinakamabait na guro ng mga ito. Bakit hindi nito maggawang maging ganoon rin sa kanya? Pero tama ba na magkaroon siya ng ganoong tanong?

Sinasaktan niya ito ngayon sa pamamagitan ng pamimilit. At ang pinakamasakit, sinaktan rin niya ito noon. Sila ng pamilya niya. Kung ano man itong nararamdaman niya, nararapat lang iyon sa kanya. Naging mahina siya.

Ang tanging magagawa na lang ni Ali ay tanggapin ang pagtrato sa kanya ni Jasmine. Aasa na lang rin siya sa magandang bagay. Sana ay maki-ayon ang tadhana. Sana ay mapabago niya talaga ang isip ni Jasmine. Gusto niyang maniwala na hindi madaling malimutan ang unang pag-ibig. Naranasan na niya iyon kaya naniniwala siya na posible.

“P-pero hindi pa naman ito ang huli nating labas `di ba, Jasmine? We are just starting.”

Hindi ito nagsalita. Pumasok na ito sa kuwarto. Nang makalabas, nagyaya na itong umalis.

“No body guards?” tanong ni Jasmine nang siya ang buksan niya ang pinto ng kotse.

Nagkibit-balikat si Ali. “Malaki na ako.”

Tumaas ang isang kilay ni Jasmine. “Way back then, malaki ka na rin naman.”

“Let’s say mas makapangyarihan na ako ngayon..” Ngumisi si Ali. And it’s also the art of blackmailing.

Dalawang linggo pa lamang simula nang sesantehin ni Ali ang dalawang body guard niya. Nagalit ang kanyang ina. Pero kagaya ng nararamdaman niya kay Jasmine, wala na itong magagawa. Sabi nga nito, siya na lamang ang pamilya nito. Magagawa ba talaga siya nitong saktan dahil hindi siya sumusunod rito?

Malaki na si Ali. Kailangan rin niya na sumuway. Pagkatapos ng lahat, natutunan na niyang hindi lahat ng ginagawa para sa kanya ng ina ay para sa ikabubuti. Siguro nga ay sinasaktan niya ang ina sa ginagawa niyang pagsuway. Pero sana ay maisip rin nito na sinasaktan siya nito. Gusto na niyang maging malaya.

“And also, gusto ko na i-enjoy ang araw na tayong dalawa lamang ang magkasama.” Kinindatan niya si Jasmine. Hindi muli ito nag-react.

Walang traffic kaya maaga pa rin na nakarating sila sa simabahan. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para makausap pa si Jasmine.

“Kumusta ka na?”

Inikot ni Jasmine ang mata. “Sa una pa lang dapat natin na pagkikita, `yan ang una mo dapat na tinanong.”

“Bibigyan mo ba ako ng pagkakataon noon?”

Sandaling natigilan si Jasmine. “Let’s just concentrate on the mass.”

“Hindi pa naman nagsisimula, eh.”

“Still, we have to remain silent.”

“My heart can’t remain silent when I am with you,”

Hindi nagsalita si Jasmine. Napabuntong-hininga si Ali. “I’m sorry about the past.”

“You should also be sorry for what you are doing right now.”

“Should I really? Kung ang tanging nakakagpasaya sa akin ay ang makita at ang makasama kita?”

Si Jasmine ang bumuntong-hininga. “Alam mo ba kung bakit naisip ko na isama ka sa simbahan? Para naman kahit papaano ay maggising ka na mali ang ginagawa mo.”

“I’m desperate. I know. But I love you, Jasmine.” Sinalubong ni Ali ang mata ni Jasmine. “Paano ko magagawa ang tama kung ang bagay na mali ang natatanging makakapagpasaya sa akin?”

Sandaling tinitigan rin naman ni Jasmine ang mata ni Ali. Mas lumala ang kasalanan sa sarili ni Ali. Mas naging determinado siya na gawin ang mali. He loved the feeling of him and Jasmine close to each other. Their eyes are locked together.

Ipaglalaban ni Ali ang nararamdaman. Gagawin niya ang lahat para mapa-sa kanya muli si Jasmine. Kung siya man ang magiging masama sa pagkakataong ito, then be it.

Ali would have Jasmine again. By hook or by crook. He’s sorry, but not really sorry.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.