More Than A Fairy Tale (Unofficial Series) Chapter 4

Present

ISANG linggo nang nagkukulong si Phillip sa isa sa mga pagmamay-ari niyang condo unit simula nang tuluyan ng mawala si Aurora. Sinabihan niya ang sekretarya niya sa opisina na hindi siya mag-e-entertain ng kahit anong business related matter kaya sa buong isang linggo ay wala siyang natatanggap na tawag o text man lang sa kahit kanino. Wala siyang maituturing na kaibigan kaya hindi siya nag-e-expect ng kahit anong tawag sa mga ito para i-console siya sa pagkawala ni Aurora. Matagal na rin namatay ang mga kamag-anak niya. At kahit pa ganoon, hindi na nag-e-expect si Phillip na iko-console siya ng mga ito. Hindi gusto ng kanyang ina si Aurora.

Three years ago ay namatay ang kanyang Lolo sa atake ng puso. Halos magkasunod lang na namatay ito at ang kanyang Mama na namatay naman sa isang vehicular accident sa San Francisco kung saan ito namalagi pagkatapos nang nangyaring aksidente kay Aurora. Ganoon pa man, hindi niya dinamdam ang pagkamatay nito. Alam niya na hindi ganoon kalala ang intensyon nitong palayuin sa kanya si Aurora pero isa ito sa mga naging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang pinakamamahal. Isama pang sa halip na maawa ito sa kanya sa nangyari ay natuwa pa ito. Hinding-hindi niya mapapatawad ito sa naging kasakiman at kasamaan nito.

Dinamdam niya nang husto ang pagkawala ni Aurora. Kung noon ay parang araw-araw siyang pinapatay kapag nalalaman niyang wala pa rin progress ito, ngayon ay parang nakabaon na siya sa lupa sa sakit. All his hopes had been wasted. All his dreams had been crashed. Parang wala na rin silbi ang buhay niya ngayong wala na ito. Pero ganoon, pinanaig pa rin ni Phillip ang mga narinig niya noong um-attend sa isang Christian Mass noong mga panahong tila nawawalan na siya ng pag-asa na mabubuhay si Aurora.

Even when someone we love died, remember we still need to live because he or she may not be physically present, but they will always live in our heart. Kung nawala ang pinakamamahal mo at pinili mong magpakamatay na lang dahil sa sakit, parang pinatay mo na rin siya sa pangalawang pagkakataon. Ang mga salitang iyon ng pari ang nagbibigay lakas kay Phillip na mabuhay ngayon. Aurora is not physically present now but she will always live inside him. She will always live inside his heart.

Pero dadaan talaga siya sa stage na masasaktan lalo na sa isiping hindi na niya makikita pa ang magandang mukha nito o mahahawakan man lang ito. Sobrang sakit ng damdamin niya ngayon kaya kahit alam niyang mali ay hindi niya maggawang pumunta sa funeral ceremonies nito. Sapat na ang nasasaksihan niya na mamatay ito sa harap niya. Hindi niya na yata makakayang tignan pa ito na natutulog nang husto sa kabaong wala ng pag-asa na maggising. Sobrang sakit pero alam niyang kailangan niyang tanggapin. But he also need to do it one step at a time. Ngayon ay paghihilumin muna niya ang mga sugat niya bago siya bumangon muli. Dadalawin na lang niya si Aurora muli kapag hindi na ganoon kasakit ang mga sugat.

Nasa ganoong pag-iisip si Phillip nang tumunog ang cellphone niya. Someone is calling. May bahagi ng isip niya na nami-miss ang tunog ng cellphone niya. He mostly used it on business kaya kahit wala na siyang ibang kamag-anak at kaibigan ay palagi pa rin natawag roon. Pero wala pa siyang protocol sa kanyang sekretarya para may tumawag roon.

Tinignan ni Phillip ang tumatawag. It was from an unknown number. Out of curiousity ay sinagot niya ang tawag. Sa kabila ng kawalan ng tulog dahil sa sakit nadarama ay na-recognize niya ang boses ng tumatawag.

“Cindy, bakit ka napatawag? Paano mo nakuha ang number ko?” naalala niya ang boses nito dahil isang linggo lang naman ang nakararaan simula nang magkita sila.

“I went to your office pero sabi ng sekretarya mo ay `di ka raw napasok isang linggo na ang nakalilipas. Hindi ka raw tumatanggap ng business calls but I told her na personal ito kaya ibinigay niya ang number. I assume you’ve been too busy with Aurora. I’ve heard what happened. Gusto ko sanang i-congratulate ka. I’m happy for the both of you,”

Napahigpit ang hawak ni Phillip sa cellphone. Ginagago ba siya ni Cindy? Iko-congratulate siya nito samantalang tuluyan nan gang namatay si Aurora? Pero naalala niyang kahit kailan ay hindi marunong manloko si Cindy. She always has been a serious person. “What the fuck are you talking about?! Patay na si Aurora!”

“What?!” gulat na gulat ito. “Pero narinig ko sina Mama at Papa kanina na nag-uusap tungkol sa himala na nangyari sa kanya. Ang sabi ay naging mabilis pa nga raw ang recovery nito. Mali ba ng balita si Papa?”

Isang magaling na lawyer ang ama ni Cindy at sa pagkakatanda niya ay kaibigan nito si Tita Neri. Maaring totoo ang pinag-uusapan ng mga ito.

Hope suddenly filled Phillip’s heart. Sa buong isang linggo ay hindi siya nakibalita sa lagay ni Aurora. Paano kung hindi naman pala tunay na namatay ito?

Hindi na sinagot pa ni Phillip ang tanong ni Cindy at pinatay ang tawag. Mabilis pa sa alas kuwatrong nilisan niya ang unit niya. Halos paliparin rin niya ang sasakyan papunta sa ospital kung saan matagal ng naka-admit si Aurora. Tinanong niya agad sa information kung saan ito naka-admit. Tinanong nito ang pangalan niya saka umiling.

“Sir, `di po namin puwedeng sabihin. Mahigpit po na habilin ng mga Tita niya na hindi puwedeng magpapasok ng wala sa listahan ng mga nasa guest list na puwedeng bumisita kay Ma’am,”

That confirms it! Buhay si Aurora! Miracles do happen!

Ganoon pa man ay hindi maiwasang maggalit ni Phillip. What the fuck does this receptionist talking about? “Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang palaging bumibisita kay Aurora noong comatose pa siya! Ako ang boyfriend niya!”

“Pero Sir, utos po ito ng Tita niya. Wala ang pangalan niyo sa listahan ng puwedeng bumisita sa kanya…”

Nagtiim ang bagang ni Phillip sa narinig. Iyon ba ang dahilan kung bakit isang linggo na ang nakararaan ay wala man lang nakapagsabi sa kanya na maayos na ang lagay nito? Sadyang itinago ng mga Tita nito na hinala ni Phillip na pakana ni Tita Neri ang himalang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nawawala ang galit nito sa kanya.

Ganoon pa man ay hindi nagpapigil si Phillip. Kung kailangan niyang buksan ang lahat ng kuwarto sa ospital para makita si Aurora, gagawin niya. Tinakbo niya ang hagdanan papunta sa second floor ng ospital kung nasaan ang mga hospital rooms. Isa-isa niyang binuksan ang mga kuwarto roon na hindi alintana ang mga pagpipigil sa kanya ng mga nurses na nakakita sa ginagawa niya para lang mahanap si Aurora. Nang marating niya ang ikakanan ng pasilyo ay nakita niya ang nag-iisang private room roon. Napakunot noo siya nang makitang may mga lalaking nakaitim na nakatayo sa labas. He recognized one of them. It was Tita Neri’s bodyguard.

Tinakbo ni Phillip ang pasilyo. Nakita agad niya ang pagkaalerto ng mga lalaki. Pinigilan siya ng mga ito sa pagpasok.

“Damn you all! Bakit niyo ba ginagawa ang mga ito sa akin?” gusto na niyang maiyak sa nangyayari. Wala bang pakialam ang mga ito sa nararamdaman niya? Hindi naman niya ginusto ang nangyari kay Aurora. Hindi naman niya ginusto ang ginawa ng Mama, lalo na ni Mang Densho. Bakit kailangang siya ang magdusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa?

“It was Attorney Dizon orders, Phillip,” wika ng bodyguard na mukhang nakilala siya.

“Pero kilala niyo ako. Ako ang boyfriend ni Aurora! Papasukin niyo ako,”

“Pero hindi ikaw ang inaakala niyang boyfriend niya ngayon…”

Kumunot ang noo niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Bago pa masagot ng bodyguard ang tanong niya ay bumukas ang pinto sa kuwarto. May lumabas na nurse at Doctor mula roon. Dahil roon ay nakita niya ang loob ng kuwarto. Gusto niyang maiyak nang makitang nakamulat si Aurora at nakangiti. Hindi na interesado pa si Phillip kung paano nangyaring naggising muli si Aurora. Ang importante sa kanya ay buhay ito at humihinga.

“Narinig mo ang sinabi ng Doctor? You are going home tomorrow,” masayang wika ng isang lalaki na nakilala niyang si Dylan, ang nurse ni Aurora noon.

“Yes. I am so happy. After seven years being a comatose patient and being a normal patient for a week, I’ll be home. Isa talagang malaking himala na gumaling ako. Or maybe fairy tale story do exists and true. Sa tingin ko talaga ay kaya ako gumaling dahil naramdaman ko na hinalikan mo ako, my Prince. You made this sleeping beauty woke up from her enchanted dream…”

Parang may bumikig sa lalamunan ni Phillip nang marinig iyon. Was it really all happened because of the last kiss he has given to her? Can a kiss be really magical? Kung sana ay naniwala lang agad siya sa mga fairy tale na pinagkukuwento sa kanya ni Aurora noon, sana ay matagal na pala itong gising. Nakaramdam siya ng inis sa sarili niya.

Pero lalong nakaramdam ng inis si Phillip nang mukhang ang akala ni Aurora ay si Dylan ang gumawa noon. Para siyang sinaksak ng libu-libong punyal sa dibdib nang tumatak sa isip niya na hindi para sa kanya ang pagpapasalamat nito. Hindi siya ang kinukunsidera na prinsipe nito.

Gusto niyang magwala. Pero bago pa maggawa ni Phillip ang nasa isip ay sumara na ang pinto. Hindi man lang sila napansin ng dalawa. At sa pagasara ng pinto ay ang paghawak rin ng isang kamay sa balikat niya. Nang harapin niya ito ay natikman niya ang pinakamalakas na sampal na nakuha niya sa buong buhay niya.

“SA LOOB ng maraming taon ay nirespeto ko kayo, Tita Neri. Sana ngayon ay respetuhin niyo rin ang nararamdaman ko!”

Kitang-kita ni Attorney Nerilyn Dizon ang galit sa mukha ni Phillip habang kinakausap niya ito sa restaurant `di kalayuan sa ospital kung saan naka-admit ang pamangkin niya. Hindi sila puwedeng manatili sa ospital dahil maaring malaman ni Aurora ang pagbabantang kaguluhan ni Phillip. Isama pa na ginulo ni Phillip ang ospital kanina dahilan para i-ban ito roon.

“Bakit ba kailangang parusahin niyo ako ng ganito? Ginusto ko ba ang lahat ng nangyari kay Aurora? Isa lang ako sa mga biktima. Alam ko na puwede niyo akong sisihin dahil kung hindi siya nalapit sa akin, `di mangyayari ito. Kung pinigilan ko lang ang damdamin ko. Pero hindi ko ginusto ang lahat! Sana maintindihan mo `yun, Tita. Nahihirapan rin ako,”

Neri knew as a lawyer that she needed to be open-minded. She needed to be fair, too. Pero hindi birong sakit ang idinulot sa kanya ng aksidenteng nangyari sa pamangkin niya seven years ago. Para sa kanya ay ito na ang itinuturing niyang anak. Sa kanya rin ito lubusang hinabilan ng kapatid niya bago ito mamatay sa ospital dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito at ng asawa. Nag-iisang anak nito si Aurora at hindi naging madali para rito ang pagbubuhay sa anak. Ilang beses nabigo ito sa pagbubuntis bago mabuo si Aurora kaya naman ingat na ingat nito ang anak. At nang may masamang nangyari kay Aurora ay sinisi niya ang sarili niya dahil sa pagkabigo rito.

Ganoon pa man ay kailangan niya nang pagbubuhusan rin ng galit. Napakasakit para sa kanya na tanggapin ang nangyari. Hindi niya maggawang patawarin ang lahat ng may gawa sa aksidente. Kahit alam niyang inosenteng maituturing si Phillip, hindi niya magggawang patawarin ito dahil ito ang rason kung bakit naggawa iyon ng killer ni Aurora. Ang masaklap pa, nasa kampo at pamilya nito ang partly may gawa sa aksidente ng pamangkin.

“Masyadong magulo ang sitwasyon ngayon, Phillip. Hindi ka muna namin puwedeng ipakilala kay Aurora kaya inilayo ka muna namin sa kanya. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi namin sinabi sa `yo ang tunay na nangyari,”

“Anong ibig niyong sabihin? Bakit magulo ang sitwasyon? May masama bang nangyari kay Aurora?”

“She had an amnesia, Phillip. Three years bago ang aksidente lang ang mga memoryang natatandaan niya. Ibig sabihin lang noon ay hindi ka kasama sa mga natatandaan niya. Iyon ang naging resulta ng pagka-comatose niya,”

“What?!” tila nanghina ito sa nalaman. “Then I would be there for her. Magpapakita ako sa kanya. Sabi nila kapag na-trigger daw ang alaala ng may amnesia, bumabalik raw ang mga alalaala nito. Maaalala ako ni Aurora kapag nakita niya ako! O kung hindi naman, tutulungan ko siyang makaalala. Pipilitin ko siya. Mahal niya ako kaya maalala niya ako!”

Umiling si Neri. “I’m afraid she had a changed of heart, too. Si Dylan ang inaakala niyang boyfriend niya. Siya ang tinuturo nitong dahilan kung bakit naggising siya. She said she have woken up by a prince at si Dylan ang unang nabungaran niya.”

Nagtiim ang bagang nito. “At hinayaan niyo siya. I already knew that. Nakita ko silang nag-uusap kanina nang bumukas ang pinto. Bakit hindi niyo inamin sa kanya ang totoo, Tita? Hindi si Dylan ang humalik sa kanya. Ako ang humalik sa kanya!”

“Dahil mahina pa siya, Phillip. Maguguluhan siya kapag inamin natin ang lahat sa kanya. Ano ba ang gusto mong sabihin namin sa kanya? Na ang lalaking humalik at nagpagising sa kanya ay ang anak ng taong dahilan kung bakit siya natulog ng pitong taon? Sa tingin mo ba makakabuti ang mga iyon sa sitwasyon? Sa tingin mo ba, mas mabilis makaka-recover si Aurora kapag nalaman niya ang mga iyon? Hindi lang ito dahil sa galit ko. It was for Aurora’s welfare, too,”

Lalong nagtiim ang bagang nito sa galit. Nagdilim din ang mukha nito. Minsan lang niyang makita si Phillip na ganoon ang reaksyon. He had always been gentle. Nirerespeto rin nito ang mga gusto niya. Nang dahil roon ay hinayaan niyang makapasok ito sa buhay ng pamangkin niya kahit bata pa ang kanyang pamangkin para magka-boyfriend. Alam niya kasing mapapagkatiwalaan si Phillip. Isama pang nakikita niyang masaya si Aurora na kasama ito. Mahalaga sa kanya ang kasiyahan ng pamangkin.

Until that accident and the reason behind it. Nawala ang tiwala niya rito.

“Kung ganoon, kailan ako puwedeng lumapit sa kanya? Hanggang sa tuluyan nang mahulog ang loob niya sa Dylan na `yun? At ang tarantadong Dylan na `yun, hinayaan na lang na ganoon ang paniwalaan ni Aurora? Nasaan ba ang dedikasyon niya? Puta siya! Pinagkatiwalaan ko rin siya pero tatraydurin niya ako. O baka naman inutusan niyo rin siya para maisakatuparan ang plano niyo? Bakit ba kasi pinaligoy-ligoy niyo pa? Why don’t you say straight to my face that you still haven’t even forgiven me and my family even if I have begged you a million times? Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Bakit kailangang magdusa sa kasalanang hindi ko naman ginusto na ginawa ng iba para sa Mommy ko?”

Hindi nagsalita si Neri. Maraming beses na naawa na siya kay Phillip. Kaggaya nila ay nanatili ito sa tabi ni Aurora kahit walang kasiguraduhan ang mangyayari rito. Napakadakila nito kung ituturing. Ganoon pa man ay matigas ang puso ni Neri. Hindi siya magiging matagumpay na lawyer kung malambot ang kanya. Hindi siya kaggaya ng sa dalawang kapatid niya na matagal ng napatawad ang lalaki. Ilang beses na rin siyang inungutan ng mga ito pero hindi siya ganoon kadaling magpatawad.

Tumayo si Neri. “Aabisuhan na lang kita kung kailan mo puwedeng makita ang pamangkin ko,” tumalikod siya kay Phillip. Akmang lalakad na siya nang may dalawang kamay ang pumigil sa kanyang binti.

Nanigas si Neri. Hindi man siya lumingon ay alam niya kung kanino ang mga kamay na iyon. Nai-imagine rin niya kung ano ang itsura nito ngayon. He was kneeling at her back.

“Tita Neri, please. One more chance. Ako ang bahala sa lahat. Ako ang mag-aalaga kay Aurora. Ako ang bahala na magpaliwanag sa kanya. Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin dahil sa ginawa ng pamilya ko sa kanya. Hindi ako titigil na magpaliwanag sa kanya hanggang sa maintindihan niya. Hindi rin ako titigil na ipaalala sa kanya ang lahat kahit na ba abutin man ako ng habang buhay para roon. Masyado ko siyang mahal para tumigil na lang basta-basta. Sana ay mapatawad niyo na ako para maayos na ang lahat. Ako na ang bahala, Tita. Pagbigyan niyo lang ako, please? I’m sorry. Ako na ang humihingi ng patawad ng lahat ng naggawa nila. I am really sorry…”

Sorry? Sorry.

“KUHANIN mo ang plato na `yan,” matigas na wika ni Neri sa lalaking nasa harapan niya. Kahit nakaggawa na ito ng krimen ay hindi natatakot si Neri rito. Kailanman ay hindi siya natakot sa criminal. Kalaban niya ang mga ito at sa sandaling ilabas niya ang sungay niya sa mga ito, gaano man kabagsik ay tumitiklop rin ito sa takot sa kanya. Ganoon rin Mang Densho, ang driver ng pamilya ni Phillip. Kanina ay mabagsik ito. Pero nang pakitaan niya ng sample ng kabagsikan niya ay halos hindi na ito tumigil na humingi sa kanya ng patawad.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay tumalima ito sa gusto niya. Ilang hampas ang nakuha nito mula sa mga tauhan niya kaya naging mabagal ito sa paglalakad. Ganoon pa man ay kinuha nito ang plato.

“Basagin mo,” utos niya.

Sandaling nalito pero sinunod rin ang kanyang nais.

“Nabasag ba?”

Tumango ito.

“Ngayon, humingi ka ng tawad sa plato,”

Kumunot ang noo nito saka sinunod ang gusto niya. “Sorry,”

“Bumalik ba sa dati ang plato?”

Umiling ito.

“Ngayon, siguro ay naiintindihan mo na kahit sabihan mo pa ako ng libu-libong sorry, hindi mo na mapapabago ang isip ko,” simpleng sabi lang niya at inutusan ang kanyang mga tauhan para ihabla ito. Ang hustisya na ang bahalang magparusa rito.

“Ipahanap rin si Feliciana Austria. Dalhin siya rito. Siya naman ang isusunod ko,” napag-alaman niya na ang nanay pala ni Phillip ang salarin sa lahat. Inutusan nito si Mang Densho na alisan ng break ang kotse na sinadya nitong ipa-drive sa pamangkin niyang si Aurora. They tricked her. Alam kasi ng mga ito na pasaway si Aurora. Alam ng mga itong papatulan ng pamangkin niya ang matagal na nitong hinihiling sa kanila na payagan itong mag-drive.

Tumalima ang mga tauhan niya. Sumigaw si Mang Densho. “Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na hindi naman talaga ginawa niya iyon? Gusto niya lang na mapaalis si Aurora sa buhay ni Phillip. Pero hindi ang patayin siya. Ako ang nagplano ng lahat nang magkaroon ako ng tsansa. `Wag niyong idamay si Feliciana rito,

“Matagal ko ng lihim na sinisinta si Feliciana. Ayaw ko ng nagagalit siya. Ayaw ko ng nasasaktan siya. Nang marinig ko siya na sabihin na gustong mawala sa landas si Aurora ay ako ang gumawa ng paraan para mangyari iyon. Sinadya ko na alisan ng break ang kotse na ginagamit ko at pinaggamit sa kanya na mag-isa. Narinig ko kasi na napapag-usapan nila ni Phillip na matagal na nitong gustong magmaneho. Noong 16th birthday niya ay pinasundo siya sa akin ni Phillip pero sinabi ko sa kanya na utos ni Phillip na hayaan ko siyang mag-drive mag-isa. Dahil gustong-gusto niyang matutong mag-drive at malakas ang loob niya, naniwala siya. `Yun ang totoong dahilan kung bakit naaksidente siya. Hindi dahil sabi iyon ni Feliciana o utos niya. Ginusto ko ang lahat,”

Nanigas ang buong katawan ni Neri sa narinig. Ganoon pa man ay hindi maalis sa isip niya na may desire rin si Feliciana na patayin ang kanyang pamangkin. Hindi pa rin mawawala ang galit niya rito. Isa pa rin ito sa mga dahilan kung bakit naaksidente ang kanyang pamangkin.

“`Wag niyo siyang pakinggan. Dalhin sa akin si Feliciana Austria,” utos pa rin ni Neri.

“Kapag sinubukan mo na saktan si Feliciana, sisiguraduhin kong malalaman ng pulis itong mga ginawa mo sa akin. Alam mo na bawal ito pero ginawa mo pa rin dahil sa galit mo sa akin. Dapat ay sila ang nagpapasya at hindi ikaw. Mangmang man ako na maituturing pero may alam rin ako sa batas at may karapatan rin ako na magkaroon ng hustisya,”

Lalong nagpuyos sa galit si Neri. Alam niyang may point ito. Pero malaki ang galit niya kay Feliciana. Gusto niyang gantihan ito pero alam niyang may mali rin roon. Isama pa ang pagbabanta ng matanda. Kung gugustuhin niya ay puwede naman niyang ipapatay na lang basta si Mang Densho. Pero hindi siya mamatay tao at nasa puting panig siya ng hustisyo. Kahit alam niyang wala namang laban sa kanya si Mang Densho, makokonsensya pa rin siya kapag binaliktad niya ito. She is a lawyer and she promised to always said and fight for the truth.

Pero hindi niya maipapangako na magiging fair siya sa lahat ng bagay. Kung hindi man niya magggagawang parusahan si Feliciana, andiyan naman si Phillip. Puwede niyang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya rito. After all, ito ang pangunhing rason kung bakit napalapit si Aurora sa kamay ng nagtangkang pumatay rito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.