More Than A Fairy Tale (Unofficial Series) Chapter 5

NAKANGITING pinagmasdan ni Aurora ang view mula sa terrace ng kuwarto niya. Mula roon ay kita niya ang malawak na damuhan na ayon sa Tita Tina niya ay parte ng isang riding club. Na-excite siya sa isipin na may riding club sa likod ng bahay nila. Dahil ang huling nasa alaala ni Aurora nang maggising siya ay noong thirteen years old pa lamang siya kaya bago pa sa kanya ang paligid.

She felt refreshed when fresh air entered into her lungs. Isama pa na napakaganda ng tanawin. Noong nasa America siya ay ilang beses siyang nag-enrol sa mga riding club dahil sa pagkaidolo niya sa ama. Sa tuwina ay palagi siyang naki-kick out dahil hindi siya maggaling. Napaisip tuloy siya kung sinubukan niya rin na sumubok muli na mag-aral. Bukod kasi sa idolo niya sa ama, gusto niya rin makahanap ng isang asawa na equestrian kaggaya ng ina. Kaya nga gusto niyang mag-aral para makilala siya ng mga ganoon. Kahit bata pa siya nang mawala ang mga ito, she looked up to them. Ramdam na ramdam kasi niya ang pagmamahalan ng mga ito, bukod pa sa nang lumaki siya ay nakilala rin niya nang husto ang kanyang ama sa pagbabasa ng mga articles na lumabas tungkol rito. He was a great man. Lagi rin nitong ipinapakita sa mundo na mahal na mahal nito ang kanyang ina base na rin sa mga pictures na nakikita sa mga articles. Gusto niyang makakita ng taong kaggaya nito. For him, he is the real prince charming dahil kaggaya nang madalas na mga prinsipe sa fairy tales, maggaling rin ito sa kabayo.

Pero hindi napagtanto ni Aurora na kahit s-in-et na niya ang utak niya, hindi pa rin basta-basta natuturuan ang puso. Hindi isang equestrian ang prinsipe niya. It was Dylan, ang nurse niya. He saved him from death. Ito ang nag-rescue sa kanya sa pamamagitan ng halik nito. Ito ang prinsipe na gumising sa kanya sa matagal na niyang pagkakatulog.

It is amazing to know that her life had been like a fairy tale. Sa pitong taon na pagkakatulog niya, isang halik lang pala ang magpapagising sa kanya. At si Dylan ang gumawa noon dahil ito ang unang nasilayan niya nang maggising siya. He was sleeping beauty’s prince.

Guwapo si Dylan at sa loob ng isang linggo na nakasama niya ito ay nakita niya na mabait ito. Napakaalaga rin nito. Halos hindi siya nito lubayan. Gustong-gusto rin ito ng Tita Neri niya para sa kanya. Sa tatlong Tita niya na nag-alaga sa kanya simula nang mamatay ang mga magulang ay pinakamahigpit sa lahat. Kapag may pagkakamali siyang ginawa ay ito ang palaging nagbibigay sa kanya ng parusa. Palagi rin siya nitong pinapaalalahanan na huwag gumaya sa mga kaibigan niya sa America na pawang mga liberated. Conservative rin itong maituturing. Kaya ang mabilis na pag-apruba nito kay Dylan ay dahilan lang para lalo niyang ma-appreciate na may isang kaggaya nito na dumating sa buhay niya.

Ganoon pa man ay may kakaibang nararamdaman si Aurora kay Dylan. Masaya naman siya na kasama si Dylan pero parang may mali. Nakikita niya na masaya ito na kasama siya kaya lang ay may mga pagkakataon na nakikita niyang tulala ito. Parang may malalim na iniisip. Minsan ay tinanong niya ito kung bakit ito ganoon pero umiling lang ito. Pero alaala lang ang nawala kay Aurora, hindi pakiramdam. Hindi siya manhid para hindi maramdamang mukhang may itinatago ito. Mali ba na isipin niya na ito ang prinsipe na nagrescue sa kanya mula sa pagkakatulog? Mali ba na isipin niya na na-in love ito sa kanya habang inaalagaan siya nito kaya nandoon pa rin ito sa tabi niya at kung alagaan siya ay higit pa sa pag-aalaga ng isang nurse?

Gusto man niyang usisain ito ay hindi naman maggawa ni Aurora. Kahit ano kasing pilit niya ay walang inaamin sa kanya si Dylan. Palagi nitong sinasabi na may nararamdaman ito sa kanya at ang mga ginagawa nito ay hindi lang dahil nurse siya nito. Minsan ay nagtataka na siya dahil wala naman itong sinasabing “I love you” sa kanya. Tanging ang sinasabi lang nito ay may nararamdaman ito sa kanya. Medyo mabigat ang loob niya nang dahil roon kaya ang pagkakita niya sa labas ng kuwarto niya ay nagpa-aliwalas ng pakiramdam niya. Ngayon ay hinayaan na rin siya ng mga Tita na mag-isa pati na rin si Dylan kaya mag-isang pinapanood niya ang tanawin sa labas ng kanyang kuwarto.

Nasa ganoong lagay si Aurora nang may matanaw siyang isang lalaki na nangangabayo palapit sa bahay nila. Kahit medyo malayo pa ito sa paningin niya ay kitang-kita na niya ang kakisigan nito habang nakasakay sa kabayo. Itim na itim ang kulay ng buhok nito na bumagay sa mamula-mulang mukha nito dahil na rin siguro sa natatamaan iyon ng araw. He looks like a prince, her dream guy.

Tila kay lakas rin ng lalaki habang pinapatakbo ang kabayo at kasabay nang paglapit ng kabayo nito patungo sa terrace ng kanyang kuwarto ay ang paglakas rin ng tibok nang puso ni Aurora. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya sa ngayon dahil pakiramdam niya ay iyon ang unang pagkakataon na mangyari iyon sa kanya. Kahit kay Dylan na siyang dapat na prince charming niya ay hindi niya nararamdaman iyon. Bakit sa estranghero na ito ay ganoon ang nararamdaman niya? Pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang nabuhay dahil lang sa presensiya nito.

Nang tuluyan itong makalapit ay lalong nagwala ang puso ni Aurora. Gosh, he was really a prince. Nag-adventure ang mga mata niya sa mukha nito. Noon naging malinaw sa kanya ang ilang facial features nito. He had brown deep-set eyes, high-bridge nose and very nice lips. Napakaguwapo nito. Napansin niyang nakatingin rin pala sa kanya ang lalaki. Mukhang nahuli siya nito sa pagsusuri ng tingin sa mukha nito. Sa isiping iyon ay namula ang pisngi ni Aurora. Pero mas namula iyon nang bigyan siya ng ngiti ng lalaki. Lumabas ang dimples nito. Now, he was more handsome than ever. Binigyan pa siya nito ng kaway.

Aurora wanted to smile and waved back at him. Pero dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa kilig kaya sinubukan niyang pumasok sa kuwarto niya. Kinalma niya ang sarili. Parang lalabas anumang oras ang puso niya.

“Gosh, ano ba itong nararamdaman ko? To think na nandiyan na si Dylan. Siya ang Prinsipe ko at hindi ang lalaking ito…”

Napapikit pa siya at hinawakan ang puso para lalong kumalma. Pero habang nakapikit siya ay ang mukha pa rin ng lalaki ang naglalaro sa isip niya. Parang gusto niyang kumanta ng “Bakit Ngayon Ka Lang” nang mga sandaling iyon. He should have been her prince.

Nang humina na ang tibok nang puso ni Aurora ay dahan-dahan niyang sinilip muli ang lalaki. Nandoon pa rin naman ito. At sa pagkakataong iyon ay may isang napakagandang babae na nakakabayo rin ang nasa tabi nito. Ang ganda-ganda ng ngiti ng babae habang kinakausap ang lalaki.

She must be her girlfriend…

Sa isiping iyon, mula sa masayang damdamin na ibinigay sa kanya ng estranghero ay napalitan iyon ng sakit.

“CINDY, anong ginagawa mo rito?” mula sa magandang pagkakangiti ni Phillip ay napakunot noo siya nang tawagin siya ni Cindy. Hindi niya alam na nakasunod pala ito sa kanya papunta sa pagbabakasakaling pagdalaw niya kay Aurora sa dating lugar kung saan niya tinatagpo ito noon kapag grounded ito. It was their secret hideaway. Suwerte namang sa kabila ng pagkawala ng alaala nito ay mukhang may hindi pa rin ito nalilimutan. Kaya lang ay nakumpirma niyang wala talaga itong naalala dahil imbes na gumanti ito sa kanya ng ngiti at kaway ay nagtago pa ito sa kuwarto.

“Sinusundan ka. Nalaman ko kasi na nagpunta ka rito. May ibibigay sana ako,” may inilabas itong invitation mula sa loob ng jacket na suot nito. “Gusto sana kitang i-invite para sa 28th birthday ko. There would be a huge masquerade ball,”

“Ball?” sa pagkakakatanda niya ay hindi mahilig si Cindy sa mga party.

“Yeah. I know it sounds not me. At siguro nagtataka ka rin kung bakit inimbitahan kita. But it is Lolo’s orders. Gusto niyang imbitahan ko ang lahat ng mga lalaking kilala ko na nasa elite society….”

“Dahil?”

Huminga ito nang malalim. “Gusto niya na akong magpakasal, Phillip. And the party’s real purpose is for me to find a man who I will marry. Pero `wag kang mag-alala. Alam ko naman na taken ka na. I just want you to be there because you are one that I consider as my friend. Puwede mo rin isama si Aurora kung gusto mo. And speaking of her, is she really okay now?”

“Puwede naman akong pumunta pero hindi ko masasabi kung maisasama ko si Aurora…” nang mapakunot noo ito ay napaamin siya rito nang mga nangyari.

Nakikita ni Phillip ang lungkot at awa sa mukha ni Cindy. Kahit siya ay awang-awa na rin sa sarili niya. But on the other side ay iniisip na lang niya na may point si Tita Neri. Hindi pa lubos na magaling si Aurora. Mabibigla ito kapag nalaman ang lahat. They had to take one step at a time. Pero sa ngayon ay hindi matiis ni Phillip ang sarili kaya nagpunta siya sa parteng iyon ng riding club.

Matagal nang tumigil si Phillip sa pangangabayo. Simula nang ma-realize niya na hindi niya kayang mawalay nang matagal kay Aurora ay d-in-ecline na niya ang lahat ng offers sa kanya sa mga horsing sports kahit prestigious pa ang iba sa mga iyon. Nagustuhan naman iyon ng pamilya niya dahil ibig sabihin ay maipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya. Nakatapos siya ng business management at habang tine-train siya ng Lolo niya para pumalit rito ay kumuha siya ng MBA. Sa ngayon ay masasabi niyang matagumpay na siya. Kahit namatay na ang Lolo niya ay napalago niya ang business nito nang maayos. Naging mas maganda pa nga iyon sa pamamahala niya dahilan para makapag-invest rin siya sa iba’t ibang business. Ang YERS ay isa na rin sa mga investment niya ngayon. One year ago ay pumayag na ang kaibigan niyang dati na may-ari na ibenta iyon sa kanya. Hindi man siya hands-on roon ay pinagkakatiwalaan niya ang mga managers. Sa ngayon ay malakas pa rin ang YERS, lalo na kapag bakasyon. Doon kasi madalas na may nag-e-enroll sa kanila. Pero malakas man o hindi ang kita ng YERS, it doesn’t matter about him. Maganda ang memorya niya sa lugar na iyon, isa pa, ito rin ang way niya para makita si Aurora. Kaggaya na lang ng ginagawa niya ngayon.

“But don’t worry about me, Cinds. I’ll be okay. Siguro hindi pa ngayon pero naniniwala ako na darating rin ang araw na iyon,” positive na wika ni Phillip.

Sa positibong isip ni Phillip, kung talagang sila ni Aurora para sa isa’t isa, magiging sila sa kabila nang lahat ng balakid. Gumagawa rin naman siya ng paraan pero gusto rin niyang rumespeto sa nakatatanda kahit na ba nauubos na rin iyon.

“You are really one in a million, Phillip,” wika ni Cindy at pagkatapos ay iniwan na siya. Si Phillip naman ay matiyagang nag-antay pa rin kay Aurora, nagbabaka-sakaling sumilip muli ito.

Kailangan niyang maging pasyensyoso. Kailangan niyang maghintay. Kaya naman niya iyon basta kay Aurora…

Kaya niya ang lahat dahil kahit mahirap intindihin si Tita Neri, alam niyang may kasalanan rin siya. And that is why he was still accepting all the insults he was receiving from eventhough he knew, he could find a way of breaking her from all the shit she have put him through.

“HANGGANG ngayon ba ay hindi ka pa rin titigil sa pakikipagkita sa babaeng `yun?”

Mula sa pagkakangiti dahil sa pagkakasama nila ni Aurora ngayong araw ay napasimangot si Phillip nang marinig ang sinabi ng kanya. Its been more than a year since he was seeing Aurora and bitter was still on his Mom’s voice. Patuloy pa rin itong nagiging kontrabida sa buhay pag-ibig niya. Mabuti sana kung ang mga pinagsasabi nito ay ang mga hinaing niya noon kung bakit nilalayuan niya si Aurora. Pero hindi ang future ang iniisip nito kundi ang nakaraan.

Ang nakaraan na sa totoo lang ay wala naman dapat pakialam sa relasyon nila dahil ngayon ay nasa kasalukuyan sila. Wala rin iyong magiging epekto sa nakaraan kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin maka-move-on move on ang kanyang ina roon.

“At hanggang ngayon po ba ay ipagpuputok pa rin ng butse niyo `yan? Ma, I’m tired. Ayaw ko ng pag-usapan pa ulit ito,” pinagsasabay niya ang pag-aaral, ang pagiging trainer sa YERS at magbigay ng oras para kay Aurora. Marami na siyang ginagawa para intindihin pa ang pag-iinarte ng kanyang ina.

“Dahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nilalayuan ang babaeng `yun! Tandaan mo ito, Phillip. Hanggang nabubuhay ako, hinding-hindi ko magugustuhan si Aurora. Hinding-hindi ko magugustuhan ang nag-iisang alaala ni Daniel. Ang bunga ng pagmamahalan nila ng Aileen na iyon!”

“Ma, matagal na silang patay. Hanggang ngayon ba ay hindi niyo pa rin napapatawad si Daniel Parker sa pagtataksil niya sa inyo? Nagmamahalan lang sila ng ina ni Aurora at---“

Sinampal siya nito. “Inagaw sa akin ng Aileen na `yan si Daniel. Ako ang mahal niya at mahal na mahal ko rin siya! Pero nang makilala niya si Aileen ay bigla na lang nag-iba ang pagtingin niya sa akin. He broke up with me because of that bitch! Siya rin ang dahilan kung bakit itinigil ko na ang pagiging equestrian. Kung bakit ako naggalit sa mundo ng kabayo dahil doon kami nagkakilala. Alam ko na kaggaya ng paglimot ko sa pagiging equestrienne ay limutin ko na rin ang galit. But no! Nasaktan ako nang husto sa mga nangyari at hindi ako papayag na pati ang nag-iisang anak ko ay makuha rin ng lahi ni Aileen. I want that girl out of your life!”

Hindi iilang beses na narinig ni Phillip ang mga salitang iyon. Ang tagal na niyang ipinaintindi sa Mommy niya na hindi na dapat nito problemahin ang tungkol sa kanila ni Aurora dahil sa kabila ng pag-iinarte nito, hindi pa rin niya paalisin sa puso niya si Aurora. Mahal niya ito at kaya niyang ipaglaban ito sa Mommy niya. Kahit mahigit isang taon na niyang ipinaglalaban si Aurora sa ina, hindi pa rin siya sumusuko na balang araw ay mawawala rin ang galit nito. Pero sa tuwina ay hinahayaan na lang muna niya ang lahat. Hindi pa kasi niya lubos na mapakilala si Aurora sa kanyang ina dahil hindi pa naman talaga sila. They were just dating. Wala pang opisyal na namamagitan tungkol sa kanila. Saka na lang niya siguro poproblemahin ang lahat kapag dumating na sila roon.

Hindi siya takot sa kanyang ina sa kabila ng galit nito. May pagkamatigas rin ang ulo niya lalo na kapag gusto niya ang isang bagay. Para sa kanya naman ay nagmahal lang siya. Alam niyang mahirap ipaglaban si Aurora pero naniniwala siyang mali ang dahilan ng kanyang ina. Hindi rin siya magiging isa sa mga cliché na lalaki na porke’t ayaw lang ng magulang sa babae ay aayawan na rin ito. May nararamdaman siya kay Aurora. Mahal niya ito. Eh ano naman kung “you against the world” ang drama nila? Ang mahalaga sa kanya ay ang nararamdaman niya.

Damn all the people who think he was a cradle snatcher. Damn her Mom, too, for her unforgettable hate. She should move on now. Naging masaya rin naman ito sa piling ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Sa maraming pagkakataon ay hindi na lang niya muling pinansin ang kanyang ina. Paakyat na siya sa kuwarto niya nang makita niya ang family driver nila na si Mang Densho na mukhang nakikinig sa usapan nila ng ina. Napansin rin niyang madilim ang mukha nito. Gustong mapataas kilay ni Phillip dahil hindi iyon ang unang beses na nakita niya si Mang Densho na nakikinig. Sa tuwina ay ganoon rin ang reaksyon nito. Gusto niyang magtaka kung bakit pero kaggaya nang ginawa niya sa maraming pagkakataon sa ina, hindi rin niya pinansin ito. Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa kuwarto.

Well, damn everything. Damn Mang Densho, too. For being an eavesdropper.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.