JOSHANE'S P.O.V
Sembreak nanaman at uuwi ako ng Iloilo. Miss na miss ko na kasi ang parents ko. Nag uusap naman kami sa phone pero iba parin kung nakikita ko sila at nayayakap sa personal..
Krinnggg.. Krinngggg..
[ " Hello?! Kamusta po tita Joecel? " ]
[" Hello Joshane, mabuti naman ako.. Ikaw kamusta na?! " ]
[ " Okay din naman po.. Napatawag po kayo tita? " ]
[ " Busy ka ba? Invite sana kitang mag snacks outside... "]
[ " Di naman po, okay sige po tita.. Sa Alqueraz mall ba tayo magkikita? " ]
[" Sunduin na lang kita sa apartment mo then sabay na tayong pumunta ng mall.. " ]
[" Okay po, see you later tita.. "]
[ " Okay, see you! Bye! "]
[ " Bye po! " ]
At inend ko na ang call. Naligo na ako para pag dumating si Tita ready to go na ako.. After 30 mins natapos din ako.. Niligpit ko narin ang mga nakakalat kong gamit at nagulat pa ako nung biglang tumunog ang cp ko.. My nag text sakin at nagulat ako kasi di ko ineexpect na itetext ako ni Harley..
Harley:
Hey! Are you busy?
Me:
Nope.. Why?
Harley:
Can i invite you for a dinner?
Me:
Sorry, my lakad ako ngayon eh.. Di ko alam kung what time ako uuwi..
Harley:
Can i visit you later then?
Me:
It's up to you..
Harley:
Okay see you then.. Thanks! :)
Di na ako nag reply sakanya.. OMG! Gustong magpunta ni Harley dito sa apartment ko.. At tama ba na umuo ako sakanya?! Gosh! Bakit bigla naman yatang nag iba ang pakitungo ko sakanya?! Hay ewan! Nag iisip ako ng my biglang kumatok sa pintuan..
Tok.. tokk.. tokk..
Binuksan ko ang pinto kasi for sure si tita Joecel na ang kumakatok..
"Hi Joshane, sorry medyo natagalan ako.. " - Tita Joecel
" It's okay po tita.. No worries! Pasok po muna kayo at pasensiya na po sa apartment ko.." - Ako
Nakipag beso beso ako ky tita Joecel.. Ayan nanaman ang feeling na parang matagal ko na siyang kilala tuwing didikit ang balat namin sa isa't isa.. Weird!
" Don't worry iha, your apartment is nice. Well maintained ang loob at malinis.. " - Tita Joecel
Ngumiti sya sakin para iparamdam na okay sakanya ang apartment ko.. Siguro kung bibigyan ako ng chance na maging mother ko sya sobrang swerte ko siguro sakanya.. Hindi naman sa hindi ako swerte sa parents ko, syempre maswerte din ako sakanila kahit mahirap lang kami. Kaya sobrng proud ako at sila ang parents ko..
" Joshane, shall we go now? " - Tita Joecel
" Sige po tita.. " - Ako
Nung nasa kotse na kami di ko mapigilang mapaisip.. Bakit sobrang palagay ang loob ko sakanya? Marami din naman akong nameet na ibang tao kagaya ng parents ni Celine pero di ko naman naramdaman ang ganitong feeling sakanila..
Oo nga't welcome ako sa bahay nila at sobrang bait ng parents nya sakin pero di ko na feel na parang kilalang kilala ko na sila. Hindi katulad ky tita Joecel at tito Quentin na para bang kilalang kilala ko na sila kahit na ilang linggo pa lang kaming magkakilala, parang nakita ko na sila dati pa pero di ko alam kng saan at kelan..
" Joshane, are you okay? "- Tita Joecel
" Yes tita, i'm okay.. Why? " - nagpakawala ako ng isang ngiti to assure her that i'm okay..
" Ang lalim ng iniisip mo, my problema kaba iha? " -Tita Joecel
" Wala naman po tita my naalala lang po ako.. "
" Okay.. So kamusta pala pag aaral mo? " -Tita Joecel
" Mejo nahirapan po ako kasi scholar ako sa Branston. Maraming mga projects na dapat gawin at kelangan kong i-maintain ang grades para di mawala ang scholarship ko.." - Ako
" Wow! Bilib ako sa determinasyon mo at pagsusumikap mo. If you need my help dont hesitate to call me.. You can always count on me.. " - Tita Joecel
Ngumiti sya sakin, ngiting humahaplos sa puso ko.. Eh? Weird na talaga ang ganitong feeling.. Pero since wala naman itong masamang dulot sakin ay di ko nalang papansinin masyado.. Enjoy ko nalang ang ganitong feeling..
" We're here.. " -Tita Joecel
Bumalik ako sa realidad.. Nandito kami ngayon sa coffee bean.. Nagpatianod ako ng hilahin ako ni tita Joecel. Sya na lang din ang nag order para sa aming dalawa. Ako naman naghanap ng mauupuan namin..
" Joshane, sembreak nyo diba? Anung plano mo ngayong sembreak? " - Tita Joecel
" Plan ko pong umuwi ng Iloilo namimiss ko na kasi parents ko.. "
" pwede ba akong sumama sa place nyo? I've heard maganda daw ang Iloilo.. Gusto ko rin maexperience ang buhay na meron ang mga tao dun.. " - Tita Joecel
" Sure po tita, pero maliit lang po ang bahay namin at malayo po ang mga hotels sa place namin.. "
" Don't worry iha, okay lang ako kng sa bahay nyo ako titira yan ay kung okay sayo at sa parents mo? "-Tita Joecel
" Okay lang po yan sa parents ko.. " - Ako
" Kelan mo pala plan umuwi? " - Tita Joecel
" Monday po, magbabarko lang po ako.. " - Ako
" Ha? Diba matagal pag magbarko? Magpapahatid na lang tayo sa private plane namin para di masayang ang oras natin.. " - Tita Joecel
" Sige po tita kayong bahala po.. "
" It's settled then.. " - Tita Joecel
Nagpasya na rin akong umuwi kasi naalala ko na pupunta pala ng bahay si Harley.. Hinatid ako ni Tita Joecel at umuwi narin sya..
Nagbibihis ako ng makatanggap ng text mula kay Harley.. Niremind lang niya ako sa kaniyang pag dating..
Harley:
Nakauwi kana ba?
Me:
Oo nandito na ako sa apartment ko.. What time ka ba darating?
Harley:
On the way na ako. May dala akong pizza.
Me:
Okay!
Nakapagtataka talaga ang kinikilos ng Harley na to.. Nanliligaw ba siya sakin? Pero imposible naman kasi naiinis siya sakin at ganun din ako sa kaniya.. Hay ewan! Ang gulo niya..
HARLEY'S P.O.V
Papunta ako ngayon sa apartment ni Joshane. Alam ko nagtataka kayo kung bakit bigla bigla akong naging mabait sa kaniya. Kung pwede nga lang burahin ang hindi magandang encounter namin noon ginawa ko na eh. Pero thankful narin ako na nangyari yun kasi yun ang naging way para makilala ko siya. Pinag isipan ko rin ang gagawin ko at nakapag decide na akong liligawan ko siya.. Siya lang naman ang nakaagaw ng atensyon ko at siya lang ang nag iisang babae na walang takot na awayin ako sa maraming tao. Never siyang nagpakita ng pagkagusto sakin una palang and with that, mas lalo ko pa siyang nagustuhan. Lagi ko siyang inaasar kasi yun lang ang way ko para mapansin niya ako at ang ganda niya pag naiinis siya.. Kahit ako di ako makapaniwala na i'm attracted to her despite the fact that she's not my type at first..
Nandito na ako sa tapat ng apartment nya. Nag doorbell ako at di nagtagal binuksan din ang pinto.. Medyo nahihiya pa siya sa akin pero ako na bahalang mag approach sakanya..
" Hi, did i disturb you? "
Di siya makatingin ng deretso sa akin.. Dahil ba sa gwapo ako? Alam ko naman na gwapo ako pero first time na parang asiwa siya sa presence ko..
" Hindi naman, pasok ka.. " - Siya
" I brought pizza for us to eat later.. "
" A-akin na at ilagay ko sa table.. " -Joshane
Ibinigay ko sakanya ang pizza at bakit bigla siyang nautal? Nakakapanibago ba talaga ang pagiging mabait ko sakanya?! Kung yan lang ang way para mapalapit ako sakanya then i will change my attitude for her..
" Nice place! Simple yet so clean.. " - Ako
" Thanks! Have a seat.. " - Joshane
" Thanks! N-nood tayo dvd? Movie marathon tayo.. " whats wrong with me? Bakit pati ako nauutal? Ganito ba talaga epekto niya sakin?!
" Okay lang sa akin.. " - Joshane
Nanood na kami ng movie.. Godzilla ang pinanood namin kasi di ko pa napanood to. Niyaya ko namang manood ng sine ang mga tropa ko pero nabaduyan sila.. Busy kami sa kapapanood ng movie ng bigla ko nalang tinanong si Joshane..
" Joshane, can i court you? " - Ako
Mukhang nabigla ko yata siya kasi bigla siyang napalingon sa akin.. Sana pumayag siya kasi first time kong nagtanong ng ganito sa isang babae..
" H-ha? Ayoko munang magka bf dahil masisira lang pag aaral ko.. I want to focus on my studies.. " - Joshane
Bigla akong nalungkot sa sagot niya.. Pero di ako susuko, gagawin ko ang lahat para ipakita sakanya na hindi ako magiging hadlang sa kaniyang pag aaral.. Kung pwedeng ako na ang magbabayad ng tuition fees niya gagawin ko para sakanya.. I really like her.. Ugh.. I think i love her already..
" Just allow me to court you.. Pangako ko na di ako magiging hadlang sa pag aaral mo.. In fact, i'm willing to help you with your studies.. I'll pay for your tuition fees and all, just let me court you.. I am willing to wait until you're ready to accept me to be your boyfriend.."
I know, its too early pero ayoko ng palampasin ang pagkakataon na to.. Willing akong magbago para sakanya at gagawin ko lahat mahalin lang niya ako..
" Harley, payag akong ligawan mo pero dont expect too much from me.. Ayokong mangako sayo.. " - Joshane
" Thanks Joshane.. You dont know how happy i am.. " - At yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang umiwas..
" sorry! Btw, my lakad kaba next week? Yayain sana kitang mag date.. " - Ako
" Yup! Uuwi ako ng Iloilo this monday.. Baka pag balik ko na lang tayo magkita ulit.. " - Joshane
Sayang! Uuwi pala siya, pero sabi naman niya pagbalik na lang niya kami magkita.. Okay narin yun.. Nagpatuloy kami sa panonood hanggang nag pasya na akong umuwi.. Gabi narin at baka gusto narin niyang magpahinga.. Nagpaalam na ako sakanya.. Masaya ako kasi pumayag siyang ligawan ko siya..
JOECEL'S P.O.V
Monday! Ito ang araw na pupunta kami ng Iloilo ni Joshane.. Excited ako sa trip na to kasi mameet ko ang nag alaga sakanya.. Kakausapin ko din sila tungkol ky Joshane..
Hindi ako sigurado sa mangyayari pero nakahanda akong magpaliwanag sakanila lalo na sa anak..
Pinasundo ko sa driver si Joshane di ko na kasi siya nasundo dahil marami pa akong inasikaso bago pumunta ng airport..
Nakita ko na ang kotse namin kung saan si Joshane nakasakay.. Bumaba siya ng kotse at makikita mo sa mukha niya na excited siyang umuwi. Kung malaman niya kayang ako ang tunay niyang mommy ganyan din kaya siya kaexcited umuwi?! Itinaboy ko ang ganyang isipin at sinalubong ko siya ng yakap..
" I'm glad you're here.. Are you ready? " - Ako
" Yes tita, i'm ready!! " - Joshane
Pumasok na kami sa loob ng private plane. Any moment lilipad na kami. Mabilis lang naman ang biyahe papuntang Iloilo mga 45mins nasa Iloilo na kami..
Buong biyahe umidlip ako para narin matanggal ang kaba na nararamdaman ko mula ng umalis ako ng bahay.. After 45mins narinig ko narin ang anunsiyo ng piloto na maglalanding na kami..
" welcome to Iloilo, we're about to land in 5mins.. All the crew must be in their proper seats and fasten your seatbelts.. Thank you! "
Naglanding na kami at nung lingunin ko si Joshane mas lalong mababakas sa mukha niya ang excitement na nararamdaman niya.. Excitement na makita ang parents niya at mayakap ang mga ito..
Nakababa na kami ng eroplano at nakita ko narin ang Van na nirentahan ko papunta sa lugar nila.
" Tita, are you sure po na sa bahay namin kayo mag iistay? Kasi kng magbago mag isip niyo pwede muna tayo dumaan ng hotel dito at magpa check in po kayo.. "- Joshane
" iha, i'm okay! Gusto ko rin tumira sa bahay niyo for a change.. At gusto ko rin makasama ka at ang parents mo.. " Alam ko worried lang siya na baka di ako sanay sa klase ng pamumuhay na meron sila pero gusto ko rin maranasan ang mga bagay na naranasan ng anak ko.. Kahit pa na sa totoong buhay niya di niya dapat pagdaanan ang lahat ng kahirapang ito dahil isa siyang Alvarez. Ang nag iisang tagapag mana ng lahat ng ari arian ng Alvarez corp at lahat ng mga Alqueraz malls all over the world..
Pero malupit ang tadhana sa kanya, ipinagkait sakanya ang kaginhawaang dapat noon pa niya tinatamasa.. Kaya nga sa pagpunta ko dito sa Iloilo kakausapin ko ang mga magulang niya na kumopkup sakanya simula pa nung baby siya.. Ibabalik ko sa anak ko ang lahat ng dapat ay para sakanya..
" Tita, nandito na po tayo.. " - Joshane
" Maganda nga talaga dito, sariwa ang hangin at maraming mga puno.. " - Ako
" Opo maganda po talaga dito.. Kung mayaman lang po ako gusto ko magkaroon ng poultry farm dito. May negosyo na ako marami pa ang matutulungan kong mga tao para magkaroon ng trabaho.. " - Joshane
Business minded din pala ang anak ko. Nag mana talaga siya sa daddy niya. Pero magandang ideya ang naisip niya..
" May lupa ba na binebenta dito? Bibilhin ko at gagawin nating poultry farm. Ang parents mo ang mamamahala sa farm.. Anu payag kaba? "
Namilog ang kanyang mga mata nung sinabi ko yun.. Gusto ko talagang tulungan ang mga taong nag palaki sa anak ko at ito ang way ko para pasalamatan narin sila..
" Talaga po? Meron po at matagal na po nilang binebenta yun kaso walang my bumibili kasi masyadong malapad at mahal ang benta.. "- Joshane
" Okay, walang problema yan.. Bago tayo bumalik ng Manila kakausapin natin ang nagbebenta ng lupa.. "
Nasa labas na kami ng bahay nila Joshane.. Sinalubong kami ng mga magulang niya ng nakangiti..
" Mama papa, ito po pala si Tita Joecel Alvarez, tita Joecel sila po ang magulang ko si Papa Eddie at mama Alma po.. "
" Ikinagagalak ko po kayong makilala Alma at Eddie.. " ngumiti ako sakanila at nakipag kamay..
" Kami rin po nagagalak na makilala ka maam Joecel.. Hali ka ho pasok tayo sa bahay at pag pasensiyahan niyo na po ang bahay namin.. " - Alma
" Naku, Joecel na lang ho at wag na maam.. Nakakaasiwa naman kung tatawagin mo ako sa ganun.. " - Ako
" Ganun ba? Sige ikaw bahala Joecel.. Wag kang mahihiya dito sa amin dahil bisita ka namin dito.. " - Alma
Mabait naman pala sila Alma at Eddie, mabuti naman at sakanila lumaki ang anak ko..
" Halikayo at kakain na tayo ng tanghalian. Sigurado ako na di pa kayo kumakain.. " - Alma
" Wow! Ang sasarap talaga ng mga niluto mo mama at ang dami pa ha?! " - Joshane
" Siyempre anak, darating ka kasi kaya nagluto ako ng marami.. "- Alma
" Joecel, umiinom kaba ng buko juice? Kukuhanan kita jan sa labas kung gusto mo.. " - Eddie
" Naku, gusto ko po yun Eddie.. Salamat ha?! "- ako
Kumain kami ng kumain at naparami yata ang kain ko.. Pumunta ako ng kusina para tumulong sa pag huhugas ng plato. Kahit papanu naman my alam ako sa gawaing bahay.. Ng akmang huhugasan ko na ang plato..
" Naku tita Joecel ako na po jan.. Nakakahiya naman po sa inyo at bisita ka po namin dito.. Kaya doon na lang po kayo muna sa sala baka mabasa pa kayo dito.. " - Joshane
" Iha, diba sabi ko sayo gusto ko maexperience ang klase ng buhay niyo?! " - Ako
" Okay sige po, pero not today tita.. Besides, mamamasyal pa po tayo after nito.. " - Joshane
" Okay, di na ako mamimilit.. " nakakatuwa talaga ang anak ko.. Ang sweet niya at ang swerte ko dahil kahit papanu pinaparamdam niya sakin na nanjan lang siya kahit wala pa siyang alam na mommy niya ako..
Namasyal kami buong araw at nakapagtataka kasi di man lang ako napagod.. Mas nag eenjoy ako sa pamamasyal namin kahit sabihin pang nasa nayon lang kami. Siguro dahil narin sa presensya ng anak ko kaya ganun..
Next day, pumunta kami sa nagbebenta ng lupa. Balak ko ng bilhin ang lupa kahit gaanu pa kalaki ang halaga nito basta para sa anak ko..
Nagkausap na kami ng nagbebenta ng lupa at nagkasundo kami na bibilhin ko ang lupa.. Babayaran ko siya through her bank account.. Nakita ko ang galak sa mukha ni Joshane nung pumayag ang may ari ng lupa..
" Tita, salamat po at binili niyo ang lupa.. Sayang din kasi kng ibang tao pa ang makabili.. Baka di gawing farm eh.. " - Joshane
" Oo nga eh.. Pag balik ng Manila ipapaumpisahan ko na ang pag papagawa ng mga bahay para sa mga manokan at piggery.. Parents mo ang mamamahala nito.. " - Ako
" Thank you po tita.. Super happy po ako.. " - Joshane
Kinahapunan kinausap ko ang parents ni Joshane tungkol sa poultry farm na ipapatayo ko at kakausapin ko narin siya tungkol ky Joshane..
" Alma, gagawin kong poultry farm ang lupang binili ko jan sa malapit sa lang.. Gusto kong ipamahala yun sa inyong mag asawa at pwede kayong kumuha ng mga trabahador na magtatrabaho sa farm.. " - Ako
" Malaki ang maitutulong ng poultry farm na ipapatayo mo dito Joecel. Pero nagtataka lang ako, alam ko hindi naman iyan ang isinadya mo dito.. Anu ba talaga ang totoong pakay mo sa lugar namin?! "- Alma
Sasabihin ko na sakanya ang lahat.. Sana makiayon lang ang tadhana sa akin..
" Tama po kayo, iba ang sinadya ko dito at hindi po ANU kundi SINO?! " - Ako
" Kung ganun sino ang sinadya mo dito? Sabihin mo baka matulungan ka namin.. " - Alma
" Alma, ikaw ba ang totoong ina ni Joshane?" - Ako
Sa tanong ko bigla nalang siyang nagulat pero unti unti din nawala ang pagkagulat niya at napalitan ng ngiti..
" Ang totoo niyan hindi kami ang tunay na mga magulang ni Joshane. Nakita lang namin siya sa labas ng bahay namin isang umaga. Nung una, ayaw sana namin siyang kunin dahil natatakot kami na baka ipakulong kami ng kung sino mang may ari ng bata.. Pero dahil nahabag ako at dahil wala din kaming anak ni Eddie kinupkop ko siya.. Naghintay kami na my maghanap sa bata dahil payag naman kaming ibalik sa tunay na mga magulang si Joshane.. Naghintay kami ng matagal pero walang mga magulang ang naghanap sakanya kaya kami na lang ang tumayong mga magulang niya.. My sulat din na kasama si Joshane at ang sabi sa sulat na hwag daw namin palitan ang pangalan ng bata kahit gamitin niya ang apelyido namin ay okay lang. Sinabi din dun kung kelan siya pinanganak at kung ilang buwan na siya.. Simula nun inari na naming tunay na anak siya kahit na alam namin isang araw darating ang tunay niyang mga magulang para kunin siya.. Handa naman naming ibalik siya kasi matagal na panahon narin siyang nawalay sa tunay niyang mga magulang.." - Mahabang pahayag ni Alma..
" Nanjan pa ba ang mga baby clothes niya? Gusto ko makita.. " Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero pumasok din siya sa kwarto at kinuha ang mga baby clothes ni Joshane.. Pagkakita ko ng mga damit niya di ko na napigilang tumulo ang luha ko..
Matgal na panahon ang lumipas at sa wakas nakita ko narin siya.. Ang nawawala kong anak.. Kinuha ko yun at niyakap ng mahigpit na para bang ang kayakap ko ang baby kong si Joshane..
" Matagal na panahon namin siyang hinanap simula nung mawala siya.. Kung kelan susuko na ako saka naman kami pinagtagpo ng tadhana.. " Kinwento ko sakanya ang totoong ngyari kng bakit nawala si Joshane..
Kahit siya naluluha narin. Nararamdaman niya ang sakit na pinagdaanan ko nung mawala ang anak ko..
" Alam ko darating ang araw na to kaya nakahanda na kami na anu mang oras kukunin na siya sa amin.. "- Alma
Kahit willing silang ibalik si Joshane sa akin halata naman ang lungkot sa mga mata ni Alma. Alam ko sobrang napamahal na sa kanila ang anak ko kaya gagawin ko ang lahat para masuklian ang 18 years na pag alaga at pagmamahal sa anak ko..
" Sobrang saya ko na ngayon alam ko ng siya talaga ang nawawala kong anak.. Tatanawin kong napaka laking utang na loob ang ginawa niyong pag aruga at pagmamahal sa anak ko.. Habang buhay ko itong ipagpapasalamat sa inyo.. tumulo nanaman ang luha ko pero alam ko tears of joy ito.. Niyakap ako ni Alma ng mahigpit at niyakap ko rin siya. Nasa ganung posisyon kami ng biglang kumalabog ang pinto at iniluwa nito ang luhaang si Joshane.. Makikita mo sa mata niya ang pagtatampo at lungkot..
" Bakit niyo nilihim sa akin ang lahat mama?! Buong buhay ko akala ko kayo talaga ang tunay kong magulang.. Bakit hindi niyo sinabi sakin na napulot niyo lang ako sa labas ng bahay?! Ang sakit lang malaman na ang kinilala kong magulang nagawang mag sinungaling sa akin.. At ikaw tita Joecel, alam mo ito dati pa?! Kaya ba gustong gusto mong sumama dito?! " - Joshane
Gusto ko siyang yakapin pero alam ko na pag ginawa ko yun baka mas lalo lang siyang magalit sa akin..
" Joshane, hindi ka namin pinalaki ng ganyan.. Kung nag sinungaling man kami ng papa mo sa iyo yun ay dahil gusto ka lang namin protektahan.. Ni minsan hindi ka namin tinuring na hindi kadugo dahil ayaw namin na magkaroon ka ng alinlangan sa amin.. Magalit kana sa amin ng papa mo pero wag na wag kang magagalit sa totoo mong mga magulang.. Biktima din sila ng panahon.. Matagal na panahon kang nawalay sakanila. Mas masakit yun para sa isang ina.. Sana maintindihan mo yun anak..- Alma
Umiiyak na si Alma at ganun din si Joshane.. Bakas sa mukha niya ang lungkot at awa sa kinagisnan niyang magulang..
" Mama, hindi po ako galit sa inyo at ky Tita Joecel.. Galit po ako sa mga nangyari pero tanggap ko po.. Maswerte ako at meron akong dalawang mga magulang na nagmamahal sa akin.. Hindi ko po pinagsisisihan na nilayo ako ng yaya ko dati sa mga magulang ko dahil napunta naman ako sa inyo. Pero mas nalulungkot ako para sa tunay kong mga magulang dahil nawalay ako sakanila ng 18 years.. Alam ko na hindi na maibabalik ang 18years na lumipas pero pwede ko namang mapunan yun sa mga susunod pang mga araw.. " - Joshane
Niyakap ko si Joshane at sa unang pagkakataon na niyakap ko siya bilang anak ko hindi bilang kakilala ko lang.. Pagkatapos ng tagpong iyon tinawagan ko na si Quentin at kahit siya napaiyak nung binalita ko sa kanya ang lahat.. Bukas pupunta siya dito sa Iloilo para personal na makilala ang kumupkop sa anak namin at makapagpasalamat narin sakanila..
Nag kwentohan kami sa sala pagkatapos namin mag dinner.. Medyo hindi pa sanay si Joshane na tawagin akong mommy pero di naman ako nagmamadali dahil alam ko darating din ang time na matatawag niya din akong mommy..
" M-mommy.. " - Joshane
Di ko inaasahan na tatawagin niya akong mommy.. Masarap pala talagang pakinggan ang pag tawag niyang yun sakin.. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan ko siya..
" I'm sorry kung nasigawan kita kanina.. Alam ko naman na biktima tayong lahat ng tadhana kaso di ko lang maiwasang mainis.. Alam ko naman na mas nasasaktan kayo kumpara sa akin.. Kaya sorry po.. Simula ngayon babawi po ako sa inyo.. Pero isang bagay lang po ang hihilingin ko, pwede po ba na ang poultry farm na ipapatayo niyo ipapangalan po natin sa parents ko?! " -Joshane
" Anak, hindi mo alam kung gaanu ako kasaya ngayon.. Babawi tayong lahat sa mga panahong nawala sa atin. At yung poultry farm? Di mo na kelangang sabihin yan sa akin dahil nung araw na binili ko ang lupang yun nag desisyon din akong ipapangalan na sa mga magulang mo ang lupang yun.. Lahat ng magiging kita ng poultry farm ay mapupunta sa kanila bilang pag tanaw ko ng malaking utang na loob sa pag alag at pag mamahal nila sayo. Kung tutuusin kulang pa yan pero handa kaming tumulong sa kanila sa abot ng aming makakaya.. " Dahil sa binitawan kong salita napalagay na ang loob ni Joshane.. Nakita ko ang pag aliwalas ng mukha niya..
" Thank you mommy.. Tara na po matutulog na po tayo.. Susunduin pa po natin si daddy sa airport diba?! " - Joshane
Napangiti ako sa sinabi niya. Alam ko ito na ang simula ng aming buong pamilya..
Kinaumagahan, Maaga pa lang ay nakahanda na kami ni Joshane para sunduin ang daddy niya.. Alam ko excited siya pero di rin mawala sa kanya ang kabahan.. Ito kasi ang unang araw na makikita niya ang daddy niya kahit pa nameet na niya ito dati pa..
" Let's go anak? "
" Mommy, kinakabahan po ako.. " - matapat niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito para mawala ang kaba niya..
" Relax iha, tulad mo excited narin ang daddy mo na makita at mayakap ka.. "
Buong byahe kaming tahimik. Pinagmamasdan ko lang siya at batid kong sa puso ko na kumpleto na ako ulit..
Naghihintay na kami sa labas ng airport at pagkamaya maya lumabas narin si Quentin.. Di mo ma explain ang mukha niya.. Nung makita niya kami lumapit siya sa amin at bigla na lang niyang niyakap ang anak namin..
" Finally, we have you back now.. We missed you so much iha.. " - Quentin
Tears fell down on his face.. This is the first time na makita kong umiiyak si Quentin simula nung mawalay si Joshane sa amin.. Lumapit ako sa kanilang dalawa at niyakap ko sila.. Alam ko ito na ang simula na mabuo ulit ang pamilya namin.. Its never too late for us to start a new journey.. This time, kasama na namin ang anak namin... Si Joshane..
JOSHANE'S P.O.V
Malapit ng matapos ang sembreak namin at di pa ako nakapag enroll.. Tatlong araw narin kaming nakabalik ng Manila. Dumiretso na ako dito sa apartment ko dahil marami pa akong dapat asikasohin..
Marami ang nangyari sa ilang araw na bakasyon ko sa Iloilo.. Di ko ineexpect na ang sembreak na to ang naging dahilan sa malaking pagbabago ng buhay ko ngayon.. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na isa akong Alvarez. Na ako ang nag iisang tagapagmana ng Alqueraz malls at lahat na ari arian ng Alvarez..
Naku, kelangan ko na pa lang pumunta ng school. Kelangan ko ng magpa enrol kasi kung bukas pa baka mapunta ako sa last section.. Di ko na muna tinawagan si Celine dahil for sure tadtarin na naman ako nun ng maraming tanong..
Sa school.. Mabuti nalang wala pa masyadong estudyante kaya di mahaba ang pila..
" Joshane Querah Legaspi? " - Maam
" Maam, ako po yun.. " - Ako
" Scholar ka diba?! Kelangan mo pa ulit mag take ng exam bago ka mag enrol.. " - Maam
" Maam, babayaran ko na po ng buong buo ang tuition fee ko po.. Di na po ako magiging scholar.. " Nagulat ko pa yata ang babaeng ito.. Eh sa ayaw ko na maging scholar eh.. Si daddy narin kasi ang magbabayad ng lahat ng gastusin ko from school pati na sa allowance ko sa bahay..
My pina fill up lang sa akin na form at after kong mag fill up nagbayad na ako.. After 15 mins.. Tadaaa!! Enrolled na ako!
Pagkagaling sa school umuwi na ako ng apartment ko. Di na muna ako gagala since pagod parin ako sa dami ng ginagawa ko sa apartment.. Nag iimpake na kasi ako ng mga gamit ko kasi lilipat na ako ng condo.. Binilhan kasi ako ni daddy ng condo pero malapit parin naman sa school ko. Nakwento ko kasi sa kanila na muntik na akong ma rape dati kaya nila ako binilhan ng condo na sobrang strict ng security system nila.. For my own safety narin daw.. Anu pa ba ang mahihiling ko sa buhay?! Ah alam ko na, lovelife na lang ang kulang pero saka ko na yan iisipin pag ready na ako..