JOSHANE'S P.O.V
Back to school nanaman at first day ngayon ng klase.. Excited ako na parang kinakabahan kasi makikita ko nanaman mga haters at bashers ko..
Haters kasi hate nila ako kahit wala naman akong ginagawang masama sakanila.. Masyado lang kasi silang insecure sa akin.. Ganda ko kasi kaya ganun sila.. haha..
Nag taxi nalang ako papuntang school since ayokong malate kahit pa na first day pa lang at wala pang masyadong klase.. Ayaw ko lang magkaroon ng bad impression sa mga profs ko sa first day..
Papasok na ako ng gate ng my biglang humarurot na kotse papasok ng gate.. Parang deja vu lang kasi ngyari narin ito dati.. Kilala ko kung sino ang may ari ng kotse na yun. Bumaba siya ng kotse at lumapit siya sa akin..
" Hi Joshane, how are you? Sorry kanina ha?! " - Harley
End of the world na ba? Ang dating suplado at cold hearted na Harley ngayon ay nag sosorry na?! Hindi narin siya nag susungit since nung last na kita namin.. And he even asked my permission to court me.. Wow!! Kinonsider ko ang panliligaw niya pero ayoko na mag expect siya sa akin..
" Okay lang Harley, di mo naman ako nahagip eh.. So kamusta ang sembreak mo? " - Ako
" Ayun mejo boring kasi wala ka.. " -Harley
Bigla akong napalingon sa sinabi niya.. As in?! Maniniwala ba akong my gusto na siya sa akin?! Panu kung kinukuha niya lang loob ko para mahulog ako sakanya at pag inlove na ako sakanya saka niya sasabihin sa akin na i'm just part of the bet? Hindi naman siguro..
Papunta kami ng bulletin board para icheck ang schedule namin.. Halos lahat ng estudyante nakatingin sa amin.. Specially sa akin..
Tinging nakamamatay ang mga tingin nila sa akin.. Yung iba naka ismid at yung iba naka nganga.. My mga nagbubulong bulungan din na sadyang pinaparinig pa talaga sa akin.. Ugh..
" Bakit magkasama silang dalawa? Did i missed something? "
" Kapal ng mukha, kala mo kung sinong maganda hampas lupa lang naman.. Ilusyunada.. "
" Ang landi talaga ng babaeng yan, siguro ginayuma niya si Harley kaya magkasama sila ngayon?! "
" Gold digger bitch!! "
" Ilusyunadang hampas lupa.. "
Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong bulungan nila.. Wala naman akong pakialam kasi lahat ng accusations nila hindi naman totoo.. Dineadma ko na lang sila as if wala akong narinig.. Nakalimutan ko na kasama ko pala si Harley at narinig niya rin ang mga bulungan nila..
" Hoy kayo, wag nga kayong mang husga ng tao.. Kung wala kayong magawa just shut your stinky mouth!! All your accusations to her is not true!! " - Harley
Lahat ng estudyante natahimik dahil sa sinabi niya.. First time niya akong pinagtanggol sa maraming tao..
My isang babaeng di nakatiis kaya lumapit na siya sa amin at nakatingin ng masama sa akin..
" Harley, bakit mo pinagtatanggol ang hampas lupang yan? Ginayuma ka lang niyan kaya magkasama kayo ngayon.. She's just a low life gold digger bitch!! " - Girl
Sa sinabi ng babae biglang nag igting ang kanyang bagang at naikuyom niya ang kanyang mga palad.. Nakita ng babae ang naging reaksyon ni Harley kaya bigla siyang kinabahan at namutla..
" And who do you think you are? Don't you ever dare call her again such dirty names if you dont want your life here in Branston to be a living hell.. All of you, if you mess with this girl you are messing with me.. " - Harley
Tinalikuran na namin ang nag kukumpulang estudyante sa hallway.. Wow! What a scene?! Bakit parang my kung anu akong nararamdaman sa tiyan ko. Parang my mga paro paru na nagliliparan sa loob nung hinawakan niya ang kamay ko.. Take note naka intertwine pa yun.. Kahit naiilang ako hinayaan ko na lang..
" Joshane, are you okay? Sorry kanina sa mga narinig mo ha?! " kumabog ang dibdib ko nung tinitigan niya ako sa mata. Gusto kong makipagtitigan din sakanya kaso nagbawi din ako ng tingin.. Di ko kaya na tingnan siya ng matagal sa mata.. Oh gosh!! What' s wrong with me?!
" Sanay naman ako na marami akong haters kahit na wala naman akong ginawang masama sakanila.. " Totoo naman kasi na maraming galit sa akin sa hindi ko alam na dahilan.. I think its because i came from a poor family before and they think that i dont belong here.. Kahit na mayaman naman talaga ako hindi ko parin pinaalam na anak ako ng may ari ng Alqueraz mall.. Sinekreto ko lang yun at hindi parin ako nagpalit ng apelyido.. Mas gusto ko kasi na kakaibiganin nila ako bilang ako hindi dahil mayaman ang family ko..
Nagpaalam na si Harley na papasok na daw siya ng room niya.. Pero bago yan hinatid niya muna ako sa klase ko at lahat nakatingin sa amin.. Pumasok ako at umalis na siya at dumiretso na ako sa upuan ko.. Bago pa lumapit si Lovelee sa akin dumating din ang prof namin kaya di na siya nakalapit sa akin..
Buong klase akong lutang ang isip.. Di ko nga maintindihan kung anu ang nilecture ni sir kasi wala talagang pumapasok sa isip ko.. Di parin kasi maalis sa isip ko ang ginawa ni Harley kanina.. Buti na lang break time na..
Pumunta ako ng canteen at halos lahat ng estudyante nakatingin nanaman sa akin.. Hobby na yata nila ang patayin ako sa mga isip nila.. Bumili na ako ng food ko, lasagna at 1 can pineapple juice..
Naghanap ako ng pwede ko mapwestohan at my nahanap din naman ako. Dun banda sa gilid na walang masyadong my nakaupo.. Kakain na sana ako ng biglang hinampas ni Tricia ang lamesa kaya gumawa iyon ng ingay..
" Look who's here?! First time yata na kakain ang isang hampas lupa sa canteen.. The last time i check you can't afford to buy foods here.. Am i right girls?! " - Tricia
Di ko siya pinansin sa mga pasaring niya.. Kumain lang ako ng kumain pero di talaga ako tinantanan ng bruhang Tricia..
" Hey bitch, pag kinakausap kita tumingin ka sa akin.. Wag kang bastos! My manners ka naman diba?! " - Tricia
Tumayo na ako dahil masyado ng gumagawa ng eksena si Tricia at nahihiya na ako.. Plus nauubos na ang pasensiya ko sa kakatimpi ko.. Oo nga't good girl ako pero tao lang din ako na pwedeng magkamali at pwedeng masukol ang pasensiya.. Lalakad na sana ako ng hinablot ni Tricia ang braso ko.. Sasampalin niya sana ako pero bigla kong hinawakan ang kamay niya ng mahigpit..
" Alam mo Tricia, punong puno na ako sayo.. What did i do to you? Para magalit ka sa akin ng sobra sobra?! You're such a spoiled brat and too immature.. Move on din sa insecurities mo!! " At tinalikuran ko na silang lahat.. Halos lahat ng estudyante sa canteen naka tunganga lang sa amin at pati si Tricia and her friends nagulat sa ginawa ko..
Tama si Celine, minsan kelangan ko din ipagtanggol ang sarili ko sa mga ng aapi sa akin.. Kung sukdulan na talaga ang pang aapi nila sa akin.. Mabuti akong tao at mabait pero dumadating din sa punto na nauubos din ang pasensiya at kabaitan ko..
Pumunta ako garden sa likod dun kasi ang tambayan namin ni Celine pag wala pa kaming klase.. Di ko pa kasi nakita si Celine since kanina kaya baka nandun siya..
Pag dating ko sa garden wala naman siya dun.. Baka di siya pumasok?! Anyway, makapag basa na nga muna pantanggal boredom lang.. After 20mins nag bell na para sa next subject namin..
Di naman nag lecture ang prof namin kaya maaga niya kaming dinismiss at dumiretso na akong umuwi sa bahay..
CELINE'S P.O.V
Back to school na pero tinatamad parin akong pumasok.. Pero dahil wala akong choice kaya pumasok narin ako..
Di pa kami nagkikita ni Joshane kasi parang wala naman ako sa mood makipag kausap sakanya.. Don't get me wrong ha?! I'm not mad at her or something, ganito lang talaga ako pag wala sa mood makipag usap.. My pagka bipolar din kasi ako..
Papunta ako ng canteen at nakita ko ang kumpulan ng mga tao.. Anung meron?! Dahil na curious ako mejo lumapit ako ng kunti at nakita ko ang grupo ng impaktang si Tricia at hinaharass nanaman si Joshane.. Lalapitan ko na sana nung sasampalin ni Tricia si Joshane kaso sinalo ni Joshane ang kamay ni Tricia. My sinabi si Joshane sakanya na nagpanganga sa lahat ng estudyante sa canteen pati na ako..
Wow! Kaya naman pala niyang ipagtanggol ang sarili niya sa mga nang aapi sakanya.. I think napuno na siya ky Tricia.. Good girls are good girl but when a good girl gone bad thats a different story..
Wala naman masyadong klase kasi first day of school pa lang at wala pa ang ibang mga prof namin. Umuwi ako pero di parin ako nagpapakita ky Joshane. Kunsabagay marami pang mga araw na pwede kaming makita.. But for now, pass muna..
Pag dating sa bahay nandun na si daddy.. Aba himala yata at mas nauna pang umuwi si daddy kesa sa akin?!
" I'm home! Hi, dad.. Maaga po yata kayo ngayon? " - Ako
Nilapitan ko si dad at humalik ako sa pisngi niya. Mukhang pagod na pagod siya base sa pananamlay niya..
" Iha, i'm glad your home.. How's school? " - Daddy
" Wala pang masyadong lecture kasi first day palang.. Bihis po muna ako dad.. " - Ako
Tinanguan lang niya ako at pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis.. After kong mag bihis nag check ako ng facebook ko as usual marami ang nag aadd friend sa akin pero since di ko sila kilala di ko inaaccept..
Nakakatamad ang araw na ito pero at least ngayon patapos na ito .. My mga pasalubong ako para ky Joshane na ibibigay ko bukas syempre si mommy ang bumili nito para sakanya.
Minsan di ko alam kung panu naaccept ni Joshane ang kagaya ko.. Well, to be honest, i'm not a good girl.. Mukha lang akong mabait pero deep down inside gusto ng kumawala ng totoong ako.. Sobrang nag iingat lang ako na wag gumawa ng mga eksenang makakasira ng imahe ko kasi di lang naman sarili ko ang nirerepresent ko kundi pati na ang family ko.. Stock holder din kasi ang family ko sa Branston kaya ingat na ingat akong wag gumawa ng ikakasira nila daddy at mommy..
Ang hirap maging anino ng pamilya pero wala akong magagawa kasi nag iisa lang akong anak.. Lahat ng magandang ugaling pinapakita ko sa iba ay hindi totoo.. Kung sa harap ng ibang tao mukha akong mabait pero kabaliktaran yan ng tunay kong pagkatao..
At si Joshane? Kinakaibigan ko lang siya para maging mukhang makatotohanan ang pagiging mabait ko.. Ang totoo kinakasuklaman ko siya dahil sobrang bait niya..
Plastikan lang ang pakikitungo ko sakanya kapag kaharap at kasama ko siya.. Kunwari concerned ako sakanya pero sa kina loob looban ko gusto kong masuka sa pinapakita ko sakanya.. Lahat ng pag mamagandang loob at kabutihang pinapakita ko sakanya ay pakitang tao lamang.. I hate her so much lalo pa't nakukuha niya ang atensyon ng GFORCE lalo na si Harley..
HARLEY'S P.O.V
Magkasabay kaming pumasok ng school ni Joshane kanina.. Akala ko magagalit nanaman siya sakin dahil sa pagharuror ng kotse ko nung papasok ito sa loob ng gate..
Halos lahat ng estudyante nakatingin sa aming dalawa. Sanay na ako sa atensyong ibinibigay ng mga estudyante lalo na ng mga babae.
Narinig ko lahat ng bulong bulungan nila.. Ganito ba sila kagalit ky Joshane? Paanu natatagalan ni Joshane ang pang lalait sakanya?! Kung hindi pa ako nagsalita kanina malamang di sila titigil sa mga masamang salitang binibitawan nila..
Siguro naman wala ng mang gugulo sakanya dahil sinabi ko na sakanila na ako ang makakabangga nila pag ginulo nila ulit si Joshane..
I love her and i'm willing to do everything for her.. I will protect her. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae at ayoko na my ibang magkakagusto sakanya.. Selfish ako pag dating ky Joshane.. Kaya oras na sasagutin niya ako mamarkahan ko siya katulad ng pag marka ko sa lahat ng mga bagay na meron ako..
Ganito pala talaga pag nag mahal ka gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. Kahit siguro buhay ko pa ang kapalit handa akong sumugal para sa taong yun. Handa akong pumusta ng malaki basta siya ang mapapanalunan ko..
Ahhh.. Ang babaduy ng iniisip ko pero wala eh, natamaan ng pana ni kupido ang puso kong bato.. Alam ko pag nalaman ng GFORCE na inlove ako, tampulan nanaman ako ng tukso pero ayos lang kasi once in a lifetime lang mangyari sa akin ito.. Basta mahal ko siya period!!