Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 17

TRICIA'S P.O.V

Ginising ako ng alarm ko! Pagkatingin ko ng oras 6:15am pa lang.. Inaantok parin ako pero i have no choice kundi bumangon na..

Ginawa ko na ang morning rituals ko and after 30mins i'm ready!! Bumaba na ako para mag breakfast..

Naabutan ko ang katulong namin na nilalagay ang food sa table..

" Manang, nasaan ang parents ko? " walang kagana gana kong tanong sa maid.

" Ang parents niyo po maam? " - Maid

Lintek na katulong to ke aga aga bubwisitin nanaman ako..

" Ay hindi, yung mga butiki sa wall.. Letche! Kung tinatanong kita wag mo akong sasagutin ng another na tanong.. Bobo! " Gosh! Panira ng araw! Ang hirap talaga makipag usap sa mga tanga.. Ewan ko ba kung bakit mga tanga ang nakukuhang maid ni mommy?!

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya umalis na lang ako ng mansyon namin bago pa tuluyang masira ang araw ko..

Since ayaw ko ng my kasamang driver kaya nag aral akong mag drive at simula nung matuto akong mag drive hindi na ako nagpapahatid sundo sa driver..

I'm in the middle of the traffic jam and i'm already late! God! I really hate traffic.. I hate Philippines! It's very hot  plus the traffic here is getting worse!! Damn!! I saw the traffic light turn into green.. Pinaharurot ko na ang kotse ko since i'm already late! Binusinahan ako ng ibang kotse pero wala akong pakialam at sa inis ko dahil sobrang ingay ng busina nila sinigawan ko sila..

" Kiss my ass jerk!! " then i raised my middle finger..

Yeah.. yeah! Alam ko masyado na akong badass but this is who i am.. Ayoko ng plastikan at tama lang naman ang ginagawa kong pagpapaka totoo..

Dito na ako sa school.. Nakapark na ang kotse ko at on the way na ako sa first subject ko.. May dalawang epal na nakaharang sa hallway. Yup, low class bitches.. Sila yung feeling maganda na wala naman talagang ikinaganda..

Akala niyo ba ako lang ang nang bubully dito? Hell no, my dalawa pang feelingera at nakaharang sila ngayon sa dadaanan ko..

" Tricia, why in a hurry? Wala ka namang brain! haha! " Elle

Siya ang leader ng "the epal girls".. Ang alam ko lima sila pero dalawa lang sila ngayon.. Pakialam ko naman sa iba pa niyang kasama?!

I took a deep breathe! Pinakalma  ko ang sarili ko dahil wala akong panahon sa mga walang kwentang tao..

" Are you sure about that? " bored kong sagot sakanya..

" Di ko alam kung bakit naging campus queen ka samantalang ang layo layo mo kumpara sa akin?! Pasalamat ka hindi ako sumali noon sa search for Miss Campus kasi kung nagkataon ako sana ang title holder! " -Elle

Gosh! This low class bitch is getting into my nerves! Sabi ko nga diba di ko sya ka level kaya lang gusto ko lang siyang supalpalin para mapahiya naman ng kunti..

" Done? You're right, malayong malayo ka sa akin dahil sa mukha palang walang wala kana! I was born beautiful and you? You were just born!! tinaasan ko siya ng kilay sabay flip ng hair and walk away.. Akala niya siguro matatalo niya ako ha?! In her dreams!!

Pagpasok ko sa room halos lahat napako ang tingin sa akin.. Late ako at wala akong pakialam.. Tinaasan ko lang sila ng maganda kong kilay!!

Fastforward!

Natapos na rin ang klase ko, papunta ako ng parking lot together with my two bitches friends Crystal and Ruby. Kung mamalasin ka nga naman makakasalubong ko pa ang isa pang epal sa buhay ko..

" OMG! Papunta si JL dito satin.. Kayaaa! " - Tili ni Crystal.. Nabasag yata ang eardrums ko sa tili niya.. Ugh! Siniko ko siya para matigil siya..

" Hi JL.. " - Ruby

Panay pacute ky JL.. At ang kupal na JL naman kinindatan pa si Ruby kaya parang hihimatayin tuloy sa kilig ang bruha! Eww..

" What brought you here? " - Ako

" Hey Tricia, pauwi na ba kayo? Baka gusto niyong sumama sa amin? " - Inirapan ko lang siya..

"  Naku hin-.. " tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Ruby.. Yuck my laway pa.. Gross!

" Uuwi na kami kaya pwede ba wag kang humarang sa daraanan ko?! " Hahakbang na sana ako para umalis pero pinigilan niya ako sa aking braso.. Bakit ba ang hilig niyang humawak sa braso ko? Kainis!!

" Bitiwan mo ang kamay ko! " pagbabanta ko sakanya..

" Ang sungit mo naman Trish, i'm just inviting you out.. Anu ba masama dun? " - JL

Biglang pinalungkot niya ang kanyang mukha.. Akala naman niya madadala niya ako sa paawa effect niya?! No way!!

" Hindi ako interesado! " At tinalikuran ko na sila.. Bakit ba? Eh sa ayaw ko eh!!

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ko na ito.. Pansin niyo buwis buhay ako lagi?! Hays! Nakaka stressed ang araw na to.. God!

JUSTINE'S P.O.V

( Si Justine at JL ay iisa ha? )

Nakita ko si Tricia together with her two friends.. As usual tinarayan nanaman ako! Di ko magets ugali ng mga babae.. Parang PMS lagi eh..

Pero di parin ako titigil sa panunuyo sakanya.. Wala yata sa bokabularyo ko ang salitang SUKO..

Papunta ako ng Club Republiq nandun na silang apat naghihintay sa akin.. Biglang nag ring ang phone ko. Binasa ko ang naka registered sa screen..

Kelvin is calling..

Sinagot ko ang tawag ni Kelvin.. For sure nag aalburoto na ito dahil wala pa ako..

[ Tangina naman pare asan kana ba? Kanina pa kami nandito.. ]

Sabi na eh, langya talaga tong kupal nato wala man lang hello minura agad ako.. Shit!

[ i'm on my way now.. Putek, di ka man lang nag hello minura mo na ako agad! ]

[ Gago! Bilisan mo asar na si Harley sayo.. Kupad mo boy!! ]

At inend call na niya di man lang nag nagpaalam.. Ganyan talaga yan bastusan lang kung bastusan..

Dito na ako sa loob ng bar at halos marami ng tao na nagsasayawan sa gitna ng dance floor.. Hinanap ko na ang apat at nakita ko din naman sila agad.. Nasa isang VIP room sila at nag iinuman na and as usual my mga nakapalibot na tatlong babae ky Kelvin.. Anu pa nga ba ang ineexpect mo sa isang playboy?

Pag walang kasamang babae si Kelvin baka end of the world na..

" JL, dumating kapa?! Tangeness! " - Kelvin

" Walangya Kelvin, isang beses lang ako nahuli kung makareklamo ka akala mo lagi akong huli! -Ako

Nag smirked lang si Kelvin at si Tristan walang reaksyon.. Si Harley naman umiinom pero panay text sa cp niya.. Sino kaya katext ng mokong na to?! Si Peter my katabi din na magandang girl pero parang deadma lang sya sa babae.. Well, what do you expect from him? Siya ang silent type sa aming mga  GFORCE kaya matik na yan..

" Harley, kanina kapa jan panay hawak sa phone mo.. Sino ba katext mo? " aagawin ko sana ang phone niya kaso nilayo niya agad ito.. Aba, kelan pa to hindi nagpapahawak ng phone niya? Dati naman wala siyang pakealam kung hiramin namin ang phone niya pero ngayon ayaw ng ipahawak..

" Dude, walang pakialamanan ng cp kung ayaw mong bugbugin kita! " - Harley

" Asa ka naman na papayag akong masira ang gwapo kong mukha! "

" Ulol! " - Harley

Uminom na nga lang ako kasi wala namang pwedeng magawa maliban sa pag inom.. Ayoko ng makipag flirt sa ibang babae kasi nangako na akong magbabago na ako..

Umuwi kami ng 12midnight na at ang sakit ng ulo ko. Di naman ako uminom ng marami pero langya parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit..

Kinabukasan late na akong nagising at parang ayoko pang bumangon dahil nahihilo pa ako dahil sa hangover.. Daig ko pa ang hinampas ng kahoy sa ulo na sobrang hilong hilo ako.. God! Bakit pa kasi na imbento ang alak? Buti na lang di ako nagkalat kagabi!

Nasa ganung pag mumuni muni ako ng biglang tumunog ang phone ko..

Di na ako nag abalang tingnan kung sino ang tumatawag basta sinagot ko na lang agad..

[ hello? Sino to? " ]

[ Gago, ako to ang poging si Kelvin! ]

[ Grabe! Ang lakas ng hangin abot hanggang dito.. Tsk! " ]

[ Ingget ka lang sa kapogian ko! Hahaha.. ] - Kelvin

[ Tumawag ka lang ba para mag yabang? Hayop ka istorbo ka lang! ]

[ Ulol! Chineck ko lang kung buhay kapa? Baka kasi di ka nakauwi ng bahay niyo eh! ] - Kelvin

Concern pa ang hinayupak ha?! Pero langya, concern ba to  eh minumura na ako ng gagong to?!

[ Ngayong nalaman mo ng buhay pa ang gwapong si ako ibababa ko na to.. And one more thing, kahit kelan di mo malalampasan ang kagwapohan ko. Legendary handsome to no?!  hahaha.. ]

[ Handsome your face! Gago! ]-Kelvin

Pagkatapos niyang sabihin yun binaba na niya ang phone.. Hayop na yun ah? Sa gwapo kong to minumura na lang?! Makabangon na nga at baka mabawasan pa ang kagwapohan ko kung di pa ako babangon! Anung kunek? Hahaha

THIRD PERSON'S P.O.V

Back to school nanaman at balik nanaman sa dating gawi ang mga estudyante.. Si JL patuloy parin sa panunuyo ky Tricia pero iba naman ang pinapakitang ugali ni Tricia ky JL..

Sa kabilang dako naging mag jowa na si Joshane at Harley. Nagulat ang lahat dahil unang una mag kaaway ang dalawa kaya ganun nalang ang naging reaksyon nila. Tanggap naman nila at nirerespeto nila ang desisyon ni Harley and besides gusto naman nila si Joshane dahil mabuting tao ito..

Pero lingid sa kaalaman ni Joshane my isang tao na sobrang galit na galit sakanya dahil nagimg boyfriend na niya si Harley..

" Humanda ka sa akin Joshane, lahat inagaw mo na sa akin pati si Harley.. Magpakasaya ka ngayon dahil sa susunod na mga araw iiyak ka nanaman.. Gagawin ko ang lahat para mag hiwalay lang kayo ni Harley.. Pagbabayaran mo ang lahat ng ito.. Hindi ko hahayaang maging masaya ka samantalang ako nasasaktan dahil inagaw mo si Harley na dapat ay para sa akin.." - Babae

Nakatago sa isang room ang babaeng galit na galit ky Joshane.. Pinapanood niya lang sa malayo sila Joshane at Harley na magka hawak kamay habang naglalakad na my ngiti sa mga labi nila..

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.