JOSHANE'S P.O.V
Monday ngayon at excited akong pumasok sa school.. Syempre makikita ko nanaman si Harley at si Celine. And speaking of Celine one week ng nag simula ang klase pero di parin kami nagkikita.. Anu na kaya ang nangyari sakanya? Ilang beses ko na siyang tinext di naman nagrereply at kung tinatawagan ko naman siya di niya rin sinasagot ang tawag ko.. Hays! Sana makita ko siya mamaya baka kelangan niya ako..
Masyado narin kasi akong busy at hati na ang atensyon ko dahil ky Harley.. Pero kahit ganun pa man di naman ako nagsisisi na sinagot ko siya..
Naligo na ako at ginawa ko na ang dapat kong gawin tuwing umaga. Then after that nagpatawag na ako ng taxi para makapasok na ako sa school. Next week pa kasi ako mag driving lesson at dahil yan sa kagustuhan ng daddy ko. Di kasi ako masusundo ni Harley dahil dumating ang parents niya galing Europe at kelangan niyang sunduin ang mga ito sa airport..
Syempre di naman habang buhay na lang na mag taxi ako medyo hassle din yun lalo na pag my mga gusto akong puntahan na kelangan kong makaalis agad..
Sumakay na ako ng taxi and after 20mins nakarating na ako sa school.. Papasok palang ako ng gate at halos lahat ng mata nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong naconcious kaya yumuko na lang ako habang naglalakad.
Alam ko kung bakit nakatingin silang lahat sa akin at yan ay dahil sa nalaman nilang girlfriend na ako ng kanilang pinapantasyahang lalake..
Walang iba kundi si Harley!
Kung dati hate lang nila ako ngayon sobrang kinasusuklaman nila ako na halos isumpa na nila ako. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin malamang kanina pa ko nakahandusay sa floor..
Anu ba kasi magagawa ko kung sa akin nagka gusto si Harley? Kasalanan ko ba kung ako ang niligawan niya at ako ang naka agaw ng atenayon niya? Besides, being his girlfriend is not an easy task! Marami akong threat notes na natatanggap sa locker ko. My time na kapag hindi ko kasama si Harley pinaparinggan nila ako ng masasamang salita.
Naiintindihan ko naman sila kaso diba masyado naman yatang mababaw ang reason nila para awayin ako which is in the first place hindi ko naman inagaw sakanila si Harley?! Siya ang kusamg lumapit sa akin at wala akong ginawang move para magkagusto siya sa akin maliban na lang sa pagtataray ko..
Nasa hallway ako ngayon papunta sa first subject ko.. Nakita ko si Celine na my kasamang dalawang babae at sa tingin palang sa dalawa ay mukhang mga matataray na.
" Celine, how are you? I've been calling you pero hindi ka naman sumasagot sa tawag ko at tinetext naman kita pero wala ka rin reply.. Is something wrong with you? " puno ng pag alala kong tanong sakanya..
" Joshane, i'm fine! Busy lang ako kaya di ko masagot text at tawag mo.. Sige, we need to go now. My gagawin pa kaming assignments ng mga FRIENDS ko.. " - Celine
I know somethings wrong with her.. At pinaka diin diinan niya talaga ang salitang Friends.. What does she mean? I'm no longer her friend?!
" Celine, galit ka ba sa akin? Tell me, wala kasi akong maalalang my ginawa ako sayo na ikinagalit mo.. " kinakabahan ako pero ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?!
" Joshane, i said i'm busy! Anu ba ang hindi mo naintindihan dun? Nakakintindi ka naman ng english diba?! We'll talk some other time! " - Celine
Bago pa nila ako talikuran nakita ko na nag smirk ang dalawang kasama niya at tinaasan pa ako ng kilay! Tinalikuran na ako ni Celine..
Bakit nafefeel ko na parang iniiwasan ako ni Celine? Anu bang ginawa ko sakanya?? Kelangan ko siya makausap habang di pa malala ang tampo niya sa akin kung meron man..
Pumasok na ako sa room namin at dumiretso na ako sa upuan ko. Wala pa naman ang prof namin kaya super ingay ng mga kaklase ko. Yung iba nag chichismisan ng kung anu anu my iba naman na nakikipag flirt sa ibang classmates namin na mga boys.. What a flirt?!
" Kawawa ka naman Joshane, balita ko iniiwasan ka raw ng so called bestfriend mo?! " - Lovelee
" Alam mo Lovelee, di na ako nagtataka kung bakit marami kang alam?! Chismosa ka kasi at hindi makukumpleto ang araw mo hanggat di ka makahanap ng chismis! Get a life girl!! " ayun nganga si Lovelee.. Akala niya siguro katulad parin ng dati na hahayaan ko nalang siyang ipahiya ako sa maraming tao without even fighting back..
" Bravo! Sumasagot kana ngayon ha?! Yan ba ang resulta ng pagiging mag jowa niyo ni Harley? Hahaha.. Wag kang pakasigurado kasi baka isang araw magigising ka nalang na kinamumuhian kana ng taong pinakamamahal mo! " - Lovelee
Tinalikuran na niya ako at umupo na siya sa kanyang upuan..
Napatanga ako sa sinabi ni Lovelee.. Panu nga kaya kung mangyari yung bagay na yun?! Di naman siguro besides mahal ako ni Harley at bago pa lang kami kaya wala naman kaming dapat pag awayan..
Natapos na ang first subject ko pero di man lang pumasok sa isip ko ang mga tinuro ng prof ko. Bakit ko ba kasi iniisip yung sinabi ni Lovelee eh isa din siya sa mga bitter na nawalan ng pag asa ky Harley..
Nasa canteen ako nung dumating ang GFORCE.. Silang apat lang kasi nga di pumasok si Harley dahil sinundo niya sa airport ang kanyang parents.. Nakikipag close narin naman sila sa akin..
" Hey beautiful, mind if we join your table?! " - Kelvin.. Kinindatan pa ako ng mokong nato.. Binatukan nga siya ni Peter..
" Peter naman, bakit ka nambabatok? Problema mo? " - Kelvin
" Para magising ka na ang kinikindatan mo ay girlfriend ni Harley.. Baka kung nandito yun di lang batok ang aabutin mo dun baka mabogbog kapa nun.. Hahaha.. " - Peter.. Aba, ngayon ko lang nakita ang pagka kengkoy ni Peter.. Ang cute niya ha?? Hehe.. Compliment lang yan pero di ko sinabi sakanya..
" Sige upo lang kayo.. Di ko naman pag aari ang table na to no?! " ngumiti ako sakanila.. Dali dali naman silang umupo sa mga upuan.. Si Peter ang umupo sa tabi ko at kaharap namin sila JL at Tristan at sa left side ko si Kelvin naman umupo..
Halos lahat ng estudyante sa canteen sa table namin nakatingin.. Makikita mo sa mga mata nila ang inggit at inis dahil kasama ko nanaman ang GFORCE.. Bleeehh.. Mamatay kayo sa inggit! Bwahaha.. Syempre joke lang! hahaha
" Erhmm.. Guys, halos lahat ng mga estudyante sa table natin nakatingin.. " - Ako
nakakatakot kasi ang mg tingin nila. Baka mamaya bigla nalang my humablot ng buhok ko at kalmutin ako dito.. Mahirap na no?!
" Joshane, masanay kana kasi ang popogi ng mga kasama mo eh.. Hahaha.. " - JL
Ang yabang talaga ng isang to.. Pero marami parin nahuhumaling sakanya ha?!
" Ang hangin mo JL! Ikaw lang naman ang pinakapangit sa ating lima ah?! hahaha.. " - Kelvin
" Kayong dalawa talaga puro kayo yabang wala namang binatbat.. Ako ang pinaka pogi sa ating lima kaya tumahimik kayo! " - Tristan
Binatukan siya ng tatlo.. Hahaha.. Ang kukulit nila pero ang sarap kasama.. Mag eenjoy ka sakanilang lima..
" Joshane, pagpasensyahan mo na ang tatlong kutong lupa na yan ha?? Ako na ang nahihiya para sakanilang tatlo .. Ayoko mag mayabang kasi di naman ako mayabang! Honest lang talaga ako kasi sa aming lima ako daw ang pogi sabi ng mga babae pero di ako naniniwala dun hanggang sa nung sinabi mong handsome ako saka palang ako naniwala! " - Peter
Sobrang lapad ng ngiti niya at kaming apat? Nganga sa sinabi ni Peter! Nagblush ako ng bonggang bongga..
" Oo na lang Peter, ikaw na talaga! hahaha.. " - Kelvin
Nagtatawanan kaming lima nung dumating sila Celine at ang dalawa pa niyang kasama kanina.. Pumunta siya sa table namin at ang dalawa niyang kasama ang eepal..
" Hey Joshane, would you mind if i use your chair? Tapos ka narin namang kumain diba? " - Girl 1
Kapal ha?! Pinapatayo na ako sa upuan ko samantalang marami namang vacant seat na pwede nilang gamitin..
" Miss, marami namang vacant seat na pwede mong upuan bakit ang upuan pa ni Joshane ang kukunin mo? Di ka naman disabled diba?! " - Peter
Anu ka ngayon?! Na shock ang babae sa sinabi ni Peter. Sino ba naman kasi ang hindi mashoshock?! Pag sabihan ka ba naman ng ganun sa harap ng ibang tao hindi ka mahihiya?!
" Joshane, di ba nga gusto mo akong makausap? Ipagamit mo na lang ky Cherry ang upuan mo total dun naman tayo sa likod ng garden mag uusap.. So guys, if you'll excuse us, hihiramin ko muna si Joshane.. Btw, this is Cherry and Lia.. Kayo na muna bahala sakanila ha?! " - Celine
Wala naman akong nagawa kundi tumayo narin.. Agad namang umupo sa upuan ko si Cherry at kumuha narin ng upuan si Lia para tumabi ky JL kaso biglang tumayo ang apat..
" Joshane, pupunta narin kami sa GFORCE building my mga assignments pa kaming gagawin.. Sige ha? Nice meeting you both.. " - Peter
Aalis na sana silang apat nung biglang magsalita si Cherry..
" Wait, can we join you there?! " - Cherry.. Nagpapuppy eyes pa sya! Gusto kong matawa sakanya pero pinigilan ko..
" Sorry, but we don't let outsiders go inside our building.. Strictly for GFORCE AND FRIENDS only.. " - Kelvin
" Bye Joshane, see you around! " - Silang apat!
Di ko alam kung matatawa ako or maaawa ky Cherry at Lia.. Kahit naman kasi ako di pa nakakapasok sa GFORCE building na kung tutuusin girlfriend ako ni Harley..
Tiningnan lang ako ng masama nila Cherry at Lia.. Hinila na ako ni Celine papuntang garden.. Habang naglalakad kami papuntang garden wala kaming imikan.. Nakakapanibago at sobrang awkward ng sitwasyon namin.. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita..
" So, kamusta kana?! Balita ko kayo na ni Harley?! Di mo man lang sinabi sa akin.. Kung di ko pa narinig sa mga classmates ko di ko pa malalaman.. Am i still your bestfriend? Bakit di mo sinabi sa akin?! " - Celine
Halatang nagtatampo siya sa akin pero kasalanan ko ba yun?!
" Celine, tinetext kita at tinatawagan pero di ka sumasagot.. Nung mismong araw na naging kami ni Harley ikaw ang gusto kong unang makaalam pero di mo naman ako kinakausap.. Ilang beses kitang inaabangan sa canteen pati na dito sa garden pero di kita nakita.. Galit kaba sa akin?! "- Ako ang dapat magtampo sakanya kasi parang iniiwasan niya ako.. Pero ang nangyari siya pa ang my ganang magtampo sa akin.. Mahal ko siya dahil bestfriend ko siya at parang kapatid na ang turing ko sakanya kaya ako nasasaktan ngayon dahil iniiwasan niya ako..
" Naging busy lang talaga ako.. Sorry! Will you forgive me? " - Celine
Anu pa bang magagawa ko? Di ko naman talaga sya matiis eh at niyakap ko siya pagkatapos..
" Forgiven! Matitiis ba kita? Parang kapatid na ang turing ko sayo eh.. " - Ngumiti ako sakanya habang nakatingin ako sa mga mata niya pero bigla din siyang nag iwas ng tingin.. Bakit kaya?!
CELINE'S P.O.V
" Forgiven! Matitiis ba kita? Parang kapatid na ang turing ko sayo eh.. " - Joshane
Ngumiti siya sa akin at tumingin siya sa mga mata ko pero bigla din akong nag iwas ng tingin.. Di ko siya matingnan ng mata sa mata dahil di ko masabi sakanya ang totoo..
Sige lang, paniwalain mo ang sarili mo na parang kapatid din ang turing ko sayo dahil ang katotohanan ni minsan hindi kita tinuring na kapatid..
" Joshane, alam mo naman na ganun din ako sayo diba? "
Hinawakan niya ang kamay ko, parang gusto ko ng iwaksi ang kamay niya pero hinayaan ko na lang..
Pumasok na ako sa room namin pero wala pa naman ang prof namin kaya nag usap pa kami nila Cherry at Lia..
" Hay naku bessy ha?! Nakakainis na yang Joshane na yan.. Akala mo kung sino porke't kasama niya ang Gforce?! Duh?! " - Cherry
" Cherry's right! Kapal ng mukha ng Joshane na yan.. Akala mo kagandahan eh hampas lupa lang naman!! Kung wala lang ang Gforce kanina sarap sampalin ng pangit na yun.. " - Lia
" Girls, relax lang! Tinalo niyo pa ako ha?! Kung galit kayo anu pa ako diba?! Hinahayaan ko lang siya ngayon kasi naghahanap lang ako ng tamang tyempo kung panu makagantin sa babaeng yan!! " naiinis narin ako ky Joshane!! Humanda siya sa akin gagawin ko ang lahat makuha ko lang si Harley.. Aagawin ko sakanya ang dapat na para sa akin..
" Mag isip ka na ng plano para makaganti na tayo sa babaeng yun.. Leche siya! Inagaw na niya ang lahat sa atin.. " - Lia
sobrang nanggi gigil na siya ky Joshane.. Kinuyom niya ang mga palad niya.. Alam ko kung anu ang nararamdaman nila dahil yan din ang nararamdaman ko ngayon..
HARLEY'S P.O.V
Ngayon ang dating nila mommy and daddy kaya di ako pumasok ngayon.. Nasabi ko narin to ky Joshane kaya alam na niyang absent ako ngayon.
Napaaga yata ang dating ko dito sa airport 8:45am pa ang dating nila pero 8am palang nandito na ako sa airport. Di naman ako mukhang excited no?! Buti nga nagpaalarm ako kasi kung hindi malamang 8am na hindi pa ako gising.. My 45mins pa akong maghihintay sa pagdating nila mommy.
Kanina pa ako nagtetext ky Joshane pero di siya nagrereply sa mga text ko. Siguro busy sa pakikinig sa prof niya. Namimiss ko na siya tuloy, anu ba ginawa ni Joshane at ganito na lang kalakas ang tama ko sakanya?! Hmmm..
Nag ikot ikot muna ako habang naghihintay sa pagdating ng parents ko. Bumili muna ako ng breakfast kasi hindi pa ako nag bebreakfast bago umalis ng bahay..
After 55mins na paghihintay dumating narin finally ang parents ko.. Finally, mapapakilala ko na si Joshane sakanila..
" Iho, how are you? I really missed you! " - Mommy
Niyakap ako ni mom at niyakap ko rin siya.. Sobrang na miss ko na sila pakiramdam ko tuwing aalis sila kahit one month lang sila umaalis feeling ko 1year na kami na hindi magkikita..
" Hey young man, how are you? " - daddy
" I'm good dad! How's your trip? " - Kinuha ko na ang mga bagahe nila at isinakay ko na sa kotse..
" Well, all is good! Sisimulan na ang construction ng Hotel natin doon next month.. Btw, how's your studies? " - daddy
Anung nakain ni daddy at bigla niyang tinanong ang about sa studies ko?!
" Okay naman po dad, maintain ko naman po ang mga grades ko!! Uwi na po tayo? " niyaya ko na silang umuwi kasi alam ko naman na pagod sila sa byahe.. Pero si mommy nonstop ang kwento..
" Harley sweety, i remember you mentioned about this girl that you like.. So how is it? " - mommy
" Well, kami na po! Gusto ko po siyang ipakilala sa inyo ni dad one of these days, if okay lang po sa inyo! " Ngumiti si mommy, i know she's happy for me! Matagal ko narin kasi nasabi sakanya ang about ky Joshane at wala naman akong narinig na negative comment mula sakanila.. I know my parents so well.. Sila yung tipong pag ayaw nila sa isang tao they will tell it to you directly.. Di sila yung taong maraming paligoy ligoy pa..
" Okay, i want to meet her after naming maayos lahat ng mga dapat ayusin dito sa company natin. Is that okay son?! " - Mommy
" Okay mom.. But please, don't be so hard to her.. You might scare her! " - Naalala ko kasi nung isang beses na pumunta ako sa office ng parents ko. My mom was very angry because of the lost money in our company.. My anomalya kasing nangyari noon at sangkot ang head ng finance department.. Sa Sobrang galit ng mommy ko nasampal niya ng todo todo ang head ng FD.. Hindi pa siya nakuntento sa sampal pinakaladkad pa niya sa mga guard ang babae.. Awang awa naman ako nung time na yun kaso my kasalanan din siya kaya wala din ako magawa..
Anyways, yun nga ang reason kung bakit nasabi ko sa mom ko na wag siyang maging hard ky Joshane kasi baka tarayan niya si Joshane eh.. Napaka unpredictable pa naman ni mommy..
" Hahaha.. Son, i wont scare her! Trust me! Kung malinis ang intensyon niya sayo she has nothing to be scared of.. " - mommy
Yeah, she' s right!! Nakauwi na kami sa bahay at dumiretso na sa kwarto ang parents ko.. Di na nga sila kumain dahil pagod pa sila sa byahe at my jetlag pa sila..
Tinext ko si Joshane, bored na bored na kasi ako eh..
ME:
Hi Baby girl, how's your day? I miss you! :(
Di rin nagtagal nag reply din naman siya kaagad..
JOSHANE:
Baby girl? Sino yun?
ME:
Ikaw yun.. Endearment ko sayo! :)
JOSHANE:
Ang corny mo Mr. Branston.. :P
ME:
Ayaw mo? Edi wag!! :(
JOSHANE:
Wala kana bang sasabihin? Btw, okay lang ako dito.. Busy lang kaya di ako naka reply kanina.. :)
ME:
Gusto ka raw ma meet ng parents ko.. :)
JOSHANE:
Hala! I'm not yet ready to meet your parents..
ME:
Don't worry, hindi pa naman ngayon eh.. Basta one of these days..
JOSHANE:
Okay! Gtg now, dumating na ang prof namin..
ME:
Baby girl puntahan kita jan later?
JOSHANE:
No need! Spend your time with your parents.. I'm sure miss na miss ka nila.. We still have lots of time to meet up! Bye for now..
ME:
Bye baby girl! :(
After ng text ko di na siya nag reply.. Super boring ang mag hapon ko. Ayaw naman kasing makipagkita ni Joshane sa akin kaya wala din magawa kundi ang pumirme sa bahay!
Kelvin is calling..
Sinagot ko ang tawag.. Anu nanaman kaya ang kelangan ng tukmol na to?!
[ Bakit? Anung kelangan mo? ]
[ wow ha?! Bastusan lang pre?! ] -Kelvin
[ Ulol! Gawain mo yan minsan kaya masanay kana! Bat napatawag ka?! ]
[ Yayain kitang pumunta sa club republiq.. Sama ka dude? ]- Kelvin
[ Bakit ako ang niyayaya mo? Alam mo namang nagpapakatino na ako no?! Si JL nalang yayain mo! ]
[ Ayaw nga niyang sumama eh! Nagpapakatino din daw! Nyemas naman, ganyan ba epekto ng love sa inyo? Lumalovelife lang kayo nagiging boring na ang buhay niyo! Ang kkj niyo!! ]- Kelvin
[ Sabi mo lang yan dude, balang araw ikaw magiging kj din dahil sa babae.. Hahahah.. ]
[ Ulol! Wag niyo akong itulad sa inyo.. Magpapaksawa muna ako sa pagiging single.. Sakit lang sa ulo ang my lovelife! Oh siya baba ko na to.. Boring kayong kausap!! ]- Kelvin
At inend call na nga niya.. Ang walanghiya pinatayan na lang ako ni hindi pa ako nakapag paalam sakanya.. Bastusan talaga pag si Kelvin ang kausap!? Walangjo!!