Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 27

HARLEY'S POV

Nakakapag tampo naman na nakalimutan niya ang date ngayon. Ito pa naman ang araw na pinakahihintay ko tapos siya nakalimutan niya. Siya lang yata ang girlfriend na nakalimutan ang anniversary date .

" Sigurado ka hindi mo naaalala? "

" Hindi nga eh! Ang kulit mo naman! Pagod ako ngayon kaya pwede ba wag muna tayong mag away. Kainis!! " - Joshane

Siya pa talaga ang may ganang mainis? Hinila ko nalang siya papunta sa kotse. Pinagbuksan ko siya at pumasok naman siya sa loob. Buong biyahe kaming tahimik na dalawa pero panakanaka ko siyang sinusulyapan.

Nung nag iba na ang route ko bigla siyang lumingon sa akin. Tiningnan ko lang siya na parang bored ako.

" Saan tayo pupunta? " - Joshane

" I told you kanina na hindi pa tayo uuwi diba?! Don't tell me nakalimutan mo nanaman? Napaka forgetful mo naman. "

Nanahimik na lang siya. Ayoko naman talagang masira ang espesyal na araw na ito. First anniversary namin ito kaya dapat magiging memorable ito. Kahit kanina pa ako nagtatampo sakanya dahil parang wala siyang ideya kung anung araw ngayon.

" We're here! Naaalala mo na ba? "

" Yung totoo, pinaglihi kaba ng nanay mo sa kakulitan? Ang kulit mo eh! Sabi ng wala akong naaalala kung anung meron sa pesteng araw na ito!! " -Sigaw niya sa akin.

Nagulat ako sa pag sigaw niya pero mas nasaktan ako dahil pesteng araw pa pala sakanya ang araw na espesyal naman para sa akin. Na dapat espesyal sa aming dalawa.

" Hoy saan ka pupunta Harley? Wag mo akong iwan dito! " - Joshane

Binalikan ko naman siya at hinatak papunta sa lugar kung saan icecelebrate sana namin ang anniversary namin. Dito din sa lugar na ito niya ako sinagot kaya dito ko gustong icelebrate ang anniversary namin. Pero sira na eh! She ruined the moment!

" Naalala mo ba na dito mo ako sinagot 1 year ago. Mismo sa lugar na to ako naging masaya dahil sinagot mo ako. Di ko naman sukat akalain na sa lugar din nato ako masasaktan. Mahirap bang alalahanin ang araw ng ating anniversary?! Plano ko pa na gawing memorable ang araw na ito pero nasira na eh!! Happy Anniversary Babe! " Mapait kong sabi! Ako na ang bitter kalalake kong tao pero ang bitter ko! Letche!

Tahimik lang siyang umiiyak kaya nilapitan ko siya at niyakap!

" Sshhhh.. Tahan na babe! I'm sorry for making you cry! "

" Babe, i'm sorry! I ruined our anniversary! Nakalimutan ko talaga ngayon na anniversary natin today samantalang kanina lang ng umaga naisip ko na to. " - Joshane

" It's okay babe, di pa naman tapos ang araw na ito. We can still celebrate! " Ngumiti na ako sakanya habang pinupunasan ko ang luha niya. I really love her and i dont wanna see her cry.

" Tara, let's eat na. Alam kong pinag handaan mo ito kaya di dapat sinasayang ang effort mo." - Joshane

Inakay ko na siya sa table at pinag hila ko siya ng upuan. Pero bago ako umupo inabot ko muna sakanya ang isang bouquet ng flowers.

" Thank you babe! You never fail to amazed me! " - Joshane

" Basta para sayo babe! By the way, i have another gift for you. I left it in my car. I'll give it to you later. "

" Paanu yan? Wala akong gift para sayo. I forgot to buy! " Nag pout lang siya sa akin. Di naman ako materialistic na tao eh.

" Babe, your presence is more than enough present for me. Besides, your love is the most precious gift you gave to me. " Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. Kung kanina nagtatampo ako ngayon masayang masaya na ako. Akala ko matatapos ang araw na ito na mag kaaway kami but thank God hindi yun nangyari.

Umupo kami sa damuhan at tumingin sa langit. Maraming stars ngayon at sobrang ganda ng langit. Nakahilig yung ulo niya sa balikat ko habang nakayakap ang right hand niya sa waist ko at yung left hand ko sa waist niya.

" Ayun falling star. Make a wish! " - Joshane

At pinikit niya ang kanyang mga mata at nag wish..

Ang wish ko sana igrant kung anu man ang wish ni Joshane.. Pero hindi ko yan sinabi sakanya.

" Anung wish mo? " - Joshane

" Secret! Kapag sinabi daw kasi ang wish baka di daw matutupad. Kaya secret na lang wala kang clue! " Pinisil niya ang pisngi ko dahil di ko sinabi sakanya ang wish ko. Ang sarap ng feeling na siya ang kasama ko. Sana ganito na lang kami lagi.

JOSHANE'S POV

" Ayun falling star. Make a wish! "

Pinikit ko ang mga mata ko at sabay nag wish..

Ang wish ko sana kami ang magkatuluyan ni Harley..

Pero ayoko naman iasa sa isang wish ang love story naming dalawa. Mas naniniwala parin kasi ako ky destiny.

" Anung wish mo? " -Tanong ko ky Harley.

" Secret! Kapag sinabi daw kasi ang wish baka di daw matutupad. Kaya secret nalang wala kang clue! " - Harley

Pinisil ko ang pisngi niya nakakainis naman kasi ayaw pang sabihin sa akin. Pero sige hayaan ko nalang baka mamaya di pa matupad ang wish niya. Panu kung tungkol pala yun sa akin diba?!

Niyaya ko ng umuwi si Harley dahil 7:30pm na at may pasok pa kami bukas. Ilang days nalang kasi at christmas party na namin. Nag byahe kami ng tahimik at medyo inantok ako kaya napatulog ako ng wala sa oras. Nagising lang ako ng maramdaman kong my tumatapik na sa pisngi ko.

" Babe, gising na! We're here! " - Harley

Dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Nakita ko si Harley na nakangiti sa akin ng ubod lapad.

May kinuha siya sa mini compartment ng kotse niya at binigay sa akin ang isang box. Pag bukas ko tumambad sa akin ang couple ring na infinity ang design. Simple lang siya pero maganda. Isinuot niya sa akin ang ring na may naka engrave ng pangalan namin Harley <3 Joshane .

" Happy Anniversary! Sana naging memorable ang araw na ito para sa atin kasi masaya ako kahit nagtampo ako sayo earlier. Sana napasaya kita tonight! " - Harley

" Happy Anniversary babe! Happy ako dahil sa lahat ng efforts mo today. Kahit nakalimutan ko ang date ngayon pero pinaalala mo parin sa akin. I'm so happy that God gave you to me to complete my life! " I hugged him and kissed him on his lips. Kahit sa ganitong paraan lang mapadama ko sakanya na happy and contented ako.

" I love you! "

" I love you to the moon and back. " - Harley

Sino ang hindi kikiligin sakanya? Wala na akong masabi sa boyfriend ko. Anu pa ba ang hahanapin ko sakanya? Responsible boyfriend, caring, understanding, thoughtful at higit sa lahat mahal ako. Oh diba package deal na?!

Kinabukasan maaga akong pumasok kasi trip ko lang. Marami paring mga estudyante ang nagtataka sa pagkakaroon ko ng kotse. Di pa kasi nila alam ang tunay na buhay ko. Sa christmas holiday pa iannounce ang pagbabalik ko althogh 1 year na ang nakalipas mula nung makita ako ng parents ko.

Marami parin kasi ang walang alam sa tunay kong pagkatao. Ang nakakaalam lang yung Gforce at si Elisa. Di ko pa nasabi kay Tricia since lately lang din kami naging magka close.

" Hi, this is for you! " - Guy

May inabot siyang bulaklak sa akin. Di ko naman yun tinanggap kasi unang una di ko siya kilala. Baka pinagtitripan lang ako nito.

" Do i know you? " Nginitian lang ako ni guy. Weird niya ha?!

" Sorry for being rude! My name is Ethan. Nakikita na kita even before kaso nahihiya lang akong lapitan ka. " - Ethan

" Hi, I'm Joshane. Para sa akin ba yung flowers? " Nagtataka lang kasi ako bakit niya ako bibigyan ng bulaklak?!

" Yup! This is for you. My way of offering my friendship. So, friends? " - Ethan

Since di ko ugali ang pagtataray tinanggap ko naman ang friendship niya. Likas na kasi sa akin ang pagiging friendly kaso masyado lang maaarte ang mga tao dito sa Branston kaya wala akong masyadong friends dito dati.

" Sure, friends! " Tinanggap ko ang kamay niya na nakalahad pero nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ang back part ng kamay ko. Yung gentleman gesture basta yun na yun.

" Nice meeting you Joshane! I have to go, i'm sure gusto mo narin pumasok sa room mo. See you around! " - Ethan

" Nice meeting you Ethan. See you when i see you. "

Umalis na siya at ako naman papunta na sa room ko. Pero sa kasamaang palad makakasalubong ko si Lovelee.

" Hey slut! Bago mo nanamang lalake? " - Lovelee

Sabi nila kung gusto mo daw makitang mainis ang kaaway mo just smile at them, it will kill them. So i smiled at her. Yung tipong ngiting tagumpay.

" So tama ako na slut ka nga. Di ka pa kuntento ky Harley at nakikipag landian kapa sa ibang lalake. " - Lovelee

" Pag may kumausap ba na lalake sa akin malandi na agad? Di ba pwedeng friendly lang talaga ako at very approachable?! Palibhasa walang nagtatangkang mag approach sayo dahil di ka naman approachable. " Tiningnan ko siya from head to toe. " Mula ulo--mukhang paa! " At tinalikuran ko na siya. Pero hinablot niya ang braso ko at hinarap ako ulit ng bruha.

" AKO? MUKHANG PAA? ARE YOU BLIND? ANG GANDA GANDA KO PARA SABIHAN MO NG MUKHANG PAA. ISA KANG SLUT!! " - Sigaw niya sa akin. Oops, hysterical agad?!

" Oh common Lovelee, you don't have to yell. Yelling won't make you pretty instead it makes you look stupid and people will look down on you. Tsk. Tsk. I pity you! " And with that i left her. Oh anu siya ngayon?! Now alam na niya kung paano ako maglaro ng laro niya.

Nag mumuni muni ako nung dumating si Elisa at Tricia. Magkasabay pa talaga silang dumating ha?!

" Problema mo? " - Tricia

" Ikaw!! " Napataas naman ang kilay ng bruha.

" Ako? Ahh.. Kasi maganda ako at problema mo kung paanu ako malampasan sa kagandahan ko? I was born beautiful kaya tanggapin mo na na kahit kelan di mo ko malalamangan. Hahaha! " - Tricia

" Oh please! Turnado go away! Natatangay ako ng sobrang lakas ng hangin mo Trish. Tsk. Tsk. Tsk. " - Elisa

" Shut up Elisa! Inggit ka nanaman?! Bawasan ang inggit sa katawan di yan healthy! " - Tricia

" Whatever bitch! " - Elisa

Pansin niyo ba na BITCH ang tawag namin minsan sa isa't isa? Kasi may meaning yang BITCH na yan sa amin. BITCH stands for Beautiful Individual That Creates Haters. So gets niyo na ha? Kaya pag tinawag kayong BITCH sabihin niyo na lang ang meaning niya para mapahiya ang nagsabi niyan sayo.

Nag lecture na ang prof namin and as usual BORING nanaman.. Perks of being a student! Boring life! Joke! Discuss dito discuss doon hanggang sa tumunog na ang pinaka hihintay namin.. Ang bell! Hudyat na break time na namin. Nag paalam na ang prof namin at nag silabasan narin kami. Gutom na eh ganun talaga!

Nauna ng lumabas sila Tricia at Elisa susunod na lang ako sakanila kasi pupunta pa ako ng library. Nasa corridor na ako ng tinawag ako ni Celine.

" Hey bez, kamusta kana? Long time no talk! Nagtatampo na ako sayo. " - Celine

" Ikaw nga diyan ang laging umiiwas sa akin eh. " Himala at di niya kasama sila Cherry at Lia.

Bigla siyang natahimik. Okay, awkward!

" A-ah busy lang kasi ako this past few days. By the way bez, i'm inviting you to my party on Saturday. I will expect you to be there. Okay?! " - Celine

" Sure! Can i bring my other friends with me? "

" Sorry but you can't. I'm only inviting you. Please come! " - Celine

" Okay bez, see you then on saturday. " Nakipag beso beso na siya sa akin at umalis na rin siya.

Papasok na sana ako ng library ng may humila sa akin. Sino nanaman kaya ito?

" Hi, nagulat ba kita? " - Ethan

" Oh Ethan, what brought you here? " Para naman itong kabute na pasulpot sulpot lang.

" Nakita lang kasi kita kaya sinundan kita. Ang ganda mo talaga lalo na pag naka smile. " - Ethan

Nag blush naman ako sa compliment niya. Gosh! Nakakahiya!

" A-ah.. E- eh Salamat! Bolero ka talaga! " Napa smile ako sakanya.

" Joshane, can i invite you for a snack? " - Ethan

" Ha? " - Yun lang nasabi ko sakanya. Pag sumama ako anu nalang sasabihin ni Harley?!

" I like you Joshane! " - Ethan

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.