JOSHANE'S POV
Ang bilis lumipas ng panahon at sa sobrang bilis halos hindi ko na namalayan na 1 year na pala kaming mag boyfriend/girlfriend ni Harley. Mahirap paniwalaan pero umabot po kami ng 1 year dahil narin siguro sa love namin sa isa't isa. Pero di ko pa masasabi na kami na nga hanggang sa huli kasi wala pang napapatunayan ang aming relasyon. Hindi pa ito nalagay sa matinding pagsubok kaya hindi ko pa talaga masasabi na kami na talaga.
December na at halos lahat busy na dahil malapit na ang christmas party at ibig sabihin bakasyon nanaman. Kaya lahat under pressure mapa estudyante or profesor man.
Break time namin and as usual nandito nanaman kami sa cafeteria.
Si Tristan at Elisa nagkaayos na silang dalawa. Medyo pakipot din kasi itong si Elisa kaya pinahirapan niya muna si Tristan bago nakipag bati sakanya.
Puspusan naman ang panliligaw ni JL ky Tricia at hindi naman against si Tricia sa panliligaw ni JL. Napansin naman siguro ni Tricia na nagbabago na si JL para sakanya. Minsan may time parin na nagtataray si Tricia pero sanay na kami sa pagiging bipolar niya.
Si Paige naman at Peter mukhang nagkakamabutihan na. Pero kapag tinatanong namin si Paige kung nanliligaw ba sakanya si Peter lagi niyang sinasabi na happy na daw siya kung anung meron sila ngayon. Ang tanong nga, anu bang meron sakanila ngayon? Love or friendship?
Si Kelvin naman, ayun matindi parin sa mga babae. Halos araw araw iba iba ang MGA kasama niyang babae. Walang araw na hindi mo siya makikita na walang kasamang babae. A certified playboy at chicks magnet nga naman daw siya. Kaya kibit balikat na lang kami lagi sakanya.
" Hoy, bakit tulala ka diyan te? Sinapian kaba ng espirito? " - Elisa
" Wala, naisip ko lang na malapit na pala tayong grumaduate ng college. After graduation kanya kanyang career na tayo. "
Nakakalungkot isipin pero lahat naman yata kami pareho lang ng iniisip.
" Sinabi mo pa! Ngayon pa nga lang nalulungkot na ako eh. Haaay. " - Elisa
" Oh, anung drama niyong dalawa? Para kayong sinakluban ng langit. " - Tricia
" Di kaba nalulungkot na ilang buwan na lang magkakahiwa hiwalay na tayo ng landas? Bihira na lang tayo magkikita niyan once na may kanya kanya na tayong mga career. " - Elisa
" Mabuti nga yun para di ko na makita mga pag mumukha niyo! " Napa smirk si Tricia.
Kahit kelan talaga ang babaeng ito panira ng moment. Buti nga sanay na kami sakanya.
" Tss. If i know mamimiss mo rin kami no?! " - Elisa
" Asa ka!! Nga pala, shopping tayo mamaya sa Alqueraz mall. My treat! " - Tricia
Kinapa naman ni Elisa ang noo ni Tricia na tinapik naman ni Tricia ang palad niya. Kaloka!!
" Wala ka namang sakit pero bakit bigla kang nagyaya na mag mall? Anung nakain mo? " - Elisa
" Ayaw mo? Edi wag! Madali naman akong kausap eh. Ikaw Joshane sasama ka or sasama? " - Tricia
" As if my choice ako?! Basta libre mo, go ako. "
" Sasama narin ako, aarte pa ba ako sa libre?! " - Elisa
" Mukha ka kasing freebies eh. Hahaha.. " - Tricia
" Shut up!! Nag sesave lang ako kaya ganun. Ikaw naman ang galante sa atin eh. " - Elisa
" Uy Paige, dapat kasama ka din mamaya. Aarte kapa? " - Tricia
" Hindi ako tumatanggi sa grasya noh?! Magpapaalam lang ako kay mommy. " - Paige
" Ang tanda mo na nagpapaalam kapa sa parents mo? Wala ba silang tiwala sayo? Tss. " -Tricia
" Mabait na anak ako eh. Pakialam mo ba?! " -Paige
Nagtawanan kaming apat dahil sa usapan namin. Si Paige kasi dati tahimik lang pero ngayon sumasabay na sa amin na mag ingay. Nasa ganung posisyon kami nung dumaan ang grupo ng The Epal girls. Yan kasi ang tawag ni Tricia sa grupo ni Elle kaya nakigaya narin kami.
" Ha.Ha.Ha! What so funny? Para kayong mga baliw! " - Elle
" Funny kasi ng mukha mo. Mukha ka kasing clown sa paningin namin. " - Tricia
" Poor girl, hanggang pambara ka nalang. You can't beat me! " - Elle
" Do you really want me to beat you? Fine with me, i'll beat you to death. " - Tricia
" Pathetic! Pambara or pambarado? " -Elle
"Pambara queen man ako pero maganda naman ako unlike you epal na nga mukha pang clown na pangit! " - Tricia
" Anung sabi mo? " - Elle
" Ay bingi pa pala! Haha " - Tricia
Napikon na si Elle kay Tricia kaya sasampalin na niya sana si Tricia ng mag salita si JL.
" Touch her and you're dead! " - JL
Nagulat naman si Elle sa sinabi ni JL kaya bigla nalang siyang nag walk out.
" Why did you do that? Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. " - Tricia
" Alam ko na kaya mo pero ayoko lang makita na lalapat yung kamay ng babaeng yun sa balat mo. Not in front of me. " - JL
Natameme naman si Tricia sa sinabi ni JL. Pero nag ba blush na ang bruha. Deep inside kinikilig na yan kulang na nga lang magtili yan eh. Pero knowing her? Hindi niya yan ipapakita lalo na pag nandiyan si JL. Indenial din ang babaeng yan eh. Kaya complicated ng buhay niya kasi ang daming arte sa katawan.
Nag half day lang kami kasi pupunta kami ng mall para mag shopping. Natuto narin akong mag cutting classes dahil sa kanila. B.I sila sa akin pero sila din ang dahilan kung bakit masaya ang buhay ko ngayon.
" We're here! " - Tricia
"Akala ko di na ako makakarating ng buhay. Juicecolored, buwis buhay ka kung mag drive. " - Elisa
" Edi wag kang sumakay sa kotse ko mag taxi ka pauwi mamaya. Letche! " - Tricia
" Letche ka rin, kung gusto mong mamatay mauna kana wag mo kaming idamay. " - Elisa
" Hep! Nagpunta ba tayo dito para mag bangayan? Tara na nga kainis kayo! " -Paige
Normal na lang sa amin ang ganitong eksena. Kung titingnan mo parang nag aaway silang dalawa pero ang totoo niyan normal conversation nila yan. Pareho kasi silang mataray at mataas ang pride. Kala mo naman ikayaman nila ang pride nila.
Ring.. Ring.. Ring..
[ Babe, napatawag ka? ]- Ako
[ Where are you? Hinahanap kita sa room mo wala ka. ]- Harley
Oh my, nakalimutan ko palang sabihin sakanya na my lakad kami nila Elisa.
[ Nandito kami sa mall kasama ko sila Elisa, Tricia at Paige. ]- Ako
[ Diba may klase pa kayo? ]- Harley
[ Nag cutting classes kami. Hehe! ]- Ako
[ What? Since when did you start cutting classes? ]- Harley
[ Hay naku babe, ang kj mo. Graduating na tayo at never ko pang nagawa ang mag cutting ngayon palang na 4th year na tayo.. ] - Nag pout ako na akala mo naman nakikita niya.
[ Stop pouting! Nakakahiya sa tao. Haha. ] - Harley
Manghuhula na ba siya ngayon? Kainis talaga to kung hindi ko lang ito boyfriend binabaan ko na to..
[ Whatever! Ibaba ko na to. Bahala ka! ] - Pananakot ko sakanya.
[Babe naman, di kana mabiro. By the way, susunduin kita mamaya diyan sa mall kaya wag kana sumabay sa pag uwi kina Elisa. Okay? ] - Harley
[ Kdot! Bye na babe naghuhurumentado na mga kasama ko. Tagal ko daw! ]
[ Okay! See you later babe! I love you! ]- Harley
[Okay! I love you! ]
At inend ko na ang call. Pagkalapit ko sa mga kasama ko parang mangangain na sila ng tao. Inay ko po nakakatakot!
" Grabeng daldalan yan ang tagal ha?! Di kapa ba nauumay sa boyfriend mo? " - Tricia
" Paki mo? Sagutin mo na kasi si JL para di kana mainggit sa akin.. " Nag belat ako sakanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay! Sweet!
" Whatever bitch! " - Tricia
Naglakad na kami papunta sa mga stall ng damit. Di ako mahilig mag shopping pero pag sila ang kasama ko nasasanay na ako. Specially Tricia, she get all the dresses that she likes. She's a total shoppaholic girl! Stress reliever niya ang pag shoshopping. Nagtataka kayo siguro kung bakit wala sila Ruby and Crystal? Well, nasa abroad ang dalawa kasama ang mga parents nila. Rich kids eh! Ganun talaga!
" Joshane, try this dress. " - Tricia
" Oh please, i don't wear this kind of dress. Sobrang revealing! "
" Pumunta ka dun sa department store kung saan yung may sale sila ng mga long sleeves at skirt na pang manang. What the fvck Joshane?! Hindi ka nerd at lalong di ka jologs so stop being so conservative! My god! " - Tricia
" Tricia's right! Don't yah think it's about time to change your wardrobe? We accepted you for being yourself but girl di naman pwede na forever kang baduy. Ang ganda ganda mo at ang sexy pa. Showing some skin won't kill you.. Hustisya naman girl!! " - Elisa
" Fine!! Pinag kaisahan niyo na ako kaya papayag na ako. "
Natatawa na lang si Paige sa amin. Wala naman sigurong mawawala kung maging daring ako kunti. For a change naman. Maraming kinuhang damit na ipapasukat si Tricia sa akin. Kinuha ko naman ito at dinala sa fitting room.
After 1 hour na pagsusukat nakapili din ako. So bale 4 dresses ang napili ko at nag agree naman ang dalawa sa napili ko. Nakapili narin ng damit silang tatlo. Binayaran na ni Tricia ang lahat ng napili namin at umalis na dun.
" I'm hungry, kain muna tayo sa Jollibee! " - ako
Napatingin naman sila sa akin na nakataas ang kilay. May nasabi ba akong hindi maganda?
" Seriously? Di kami kumakain dun! Pang mahirap lang ang fast food na yun. We're not hampas lupa kaya please lang don't drag us there. " - Tricia
Ang aarte ng mga kasama ko! Saan na ang hustisya?
" Suggestion lang yun, so saan tayo kakain? " - Ako
" Aristocrat tayo since ako naman ang magbabayad kaya walang mag rereklamo! " - Tricia
" Okay! " - Sabay sabay naming sabi.
Nakapasok narin naman ako sa aristocrat cuisine remember yung first date namin ni Harley? Kinilig nanaman ako sa tuwing naaalala ko ang first date namin. Waaaah..
Nag order lang ako ng light meals kasi masyado pang maaga for dinner. Ganun din naman silang tatlo kaya after naming kumain we decided to go home. Sinabi ko narin sakanila na susunduin ako ni Harley kaya di na ako sasabay sakanila.
" Okay Joshane, we'll go ahead. Are you sure you're okay here alone? " - Tricia
" Yeah, i'll be fine! "
Nag beso beso na kami then umalis na sila after. After 15mins dumating din si Harley. Sobrang lapad ng ngiti niya na parang mapupunit ang mga labi niya. Bakit ang gwapo mo babe?
" Saan na ang mga kasama mo? " - Harley
" They left na 15mins ago. Uwi na tayo? "
" Not yet! Nakalimutan mo na yata kung anung araw ngayon. " - Harley
Medyo nagtatampo siya pero di ko talaga maalala kung anung meron ngayon. Bahala siya, ang arte niya kalalakeng tao!