Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 30

THIRD PERSON'S POV

Naiinis na si Harley sa taong nag papadala sakanya ng mga text messages at nitong huli nga lang pinadalhan siya ng mga pictures ni Joshane na may kasamang ibang lalake.

Nasaktan siya sa mga nakita niyang pictures pero hindi naman sapat na dahilan yun para magalit siya sa girlfriend niya. Mas gusto niyang malaman yung katotohanan mula kay Joshane. Pero wala siyang balak na komprontahin ito dahil hindi naman siya sigurado kung si Joshane nga yung nasa picture. Baka mamaya kasi inedit lang ang picture or ibang tao pala yung nasa picture mag aaway pa sila sa walang kwentang bagay.

Hindi naman siya naniniwalang magagawang mag loko ni Joshane sakanya kasi kilala na niya ang dalaga sa maiksing panahon na pagiging mag boyfriend at girlfriend nila.

Samantala, lingid sa kaalaman ni Harley may dalawang pares ng mga mata ang nakasubaybay sakanya sa malayo. Binabantayan niya ang bawat kilos ni Harley na para bang inaalam kung anu ang mga ginagawa niya araw araw.

" Malapit na kitang kunin kay Joshane, malapit na malapit na. At sisiguradohin ko na pag kinuha kita sakanya hinding hindi na kita papakawalan pa. Magkamatayan man! " - Babae

JOSHANE'S POV

Monday na monday pero feeling ko weekend parin. Gosh! Nakakatamad pumasok pero wala akong choice kundi pumasok. Besides, para sa future ko rin ito.

Dito na muna ako umuuwi sa mansyon namin dahil mas gusto kong makasama ang parents ko. Most of the time kasi nasa condo ako at every weekend ko lang sila nakakasama.

Sa school, nagkita-kita nanaman kaming tatlo sila Elisa and Tricia. Himala yata at naunahan akong pumasok ni Tricia?! Siya kasi lagi ang late sa klase namin at laging naka grand entrance ang loka. Gusto kasi niyan na lahat ng atensyon nasa kanya, well di ko naman siya masisisi nasanay na kasi siya na siya lagi ang center of attraction. She loves attention by the way!

Naupo na ako sa chair ko and since wala pa ang prof namin ayun todo sa pag iingay ang mga pangit kong kaklase. Yeah, you read it right! Pangit! Nagiging mean narin ako pero hindi pa naman to the point na sinasabi ko na sakanila or pinapakita ko sakanila. Pag napupuno lang talaga ako saka lumalabas ang pagkamataray ko. Don't blame me blame Tricia and Elisa. Sila kasi ang BI sa akin na nagturo para maging ganito paminsan minsan. Plus being mean once in a while won't hurt me so why not do it?!

" Joshane, nasa earth ka pa ba? Ang layo nang nilipad ng utak mo. " - Elisa

" May sinasabi ka ba? Sorry, nadala lang ako ng malaya kong isip! " -Tumawa lang si Tricia na akala mo may nakakatawa. Baliw lang?

" Itatanong ko lang sayo kung totoo ba yung sinabi ni Harley na may party ka daw sa December 24? " - Elisa

" Oo totoo yun. Hindi ko kasi nadala ang mga invitations para sa inyo. Bukas ko nalang ibibigay sa inyo. "

" Am i invited too? " - Tricia

" Ofcourse! Hindi masaya ang party kung wala ang Queen bee! " Nag smirk siya sa akin.

" Tell me Joshane, bakit naging scholar ka for the past 3 years kung mayaman ka naman pala? Anu yun trip mo lang maging scholar? " - Tricia

" It's a long story at tinatamad akong mag kwento sayo kaya isipin mo nalang yung kasalukuyan wag na yung past ko! " - Hinampas niya ako sa braso sign na ayaw niya nang sagot ko. Sa tinatamad akong mag kwento anu magagawa ko?!

Dumating narin sa wakas ang prof namin at tulad ng  dati sobrang boring niyang mag turo. Hindi ko na nga naintindihan ang tinuturo niya kasi naglalayag na ang isipan ko at napunta na kung saan saan. Hanggang sa marinig ko na ang pinakahihintay kong tunog... Ang bell!

Krrrrrriiiinnnngggg...

" Joshane, lets go na sa cafeteria gutom na ako. " - Elisa

" You're so PG talaga Elisa! Parang hindi ka rich kid eh. " - Tricia

" PG? Anu yun? " Elisa

Tricia just rolled her eyes! Bangayan alert!

" PG hindi mo alam? Seriously? Saan ka ba nanggaling at PG hindi mo alam? " - Tricia

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Geez! Utak please! " - Elisa

" Hep! Tigilan niyo na nga yan, pumunta na kayo ng cafeteria at baka mag wala pa ang mga alaga niyo sa tiyan. " Inawat ko na sila sa bangayan nila. Naririndi narin kasi ako sa ingay nila pero kahit ganun pa man hindi naman nagbabago ang pakitungo ko sakanila.

" Just tell me what PG is?! " Demand ni Elisa.

" Patay gutom yun Elisa, anu okay na?! "' Ako na mismo ang sumagot sa tanong ni Elisa. Like hello?! Pag aawayan pa talaga ang " patay gutom or PG " na term!  Ipadala ko kaya sila sa mental para manahimik na buhay ko?!

" You're so mean Tricia! I'm not a patay gutom, i'm just starving! Tseh! " - Umalis na si Elisa na sinundan naman ni Tricia. Napailing na lang ako sa eksena nilang dalawa.

Mabilis lumipas ang oras at ngayon nga ay uwian na. Hinihintay ko si Harley pero hindi ko naman siya nakita. Hinanap ko siya kanina sa Gforce building pero wala siya dun. Nung break time naman hindi naman siya nagpakita sa cafeteria nakakainis pa kasi ni isang text or misscall mula sakanya wala talaga. Gusto kong isipin na iniiwasan niya ako pero wala naman akong maalala na may nagawa akong mali sakanya para iwasan niya. Baka busy lang siya at ayaw niyang magpaistorbo.

" Bez, sino ang hinihintay mo? " - Celine

Kasama niya ang dalawang ingrata at pinupukol ako ng matatalim na tingin. Like as if mamamatay ako sa mga matalim nilang tingin. Ang alam ko wala akong ginagawang masama sakanila baka ngayon palang pag hindi ako makapag pigil at baka madukot ko ang mga eyeballs nila.

" H-ha? Anu yun bez? " Nawala tuloy sa isip ko ang sinasabi ni Celine dahil sa mga ingratang kasama niya.

" Sabi ko kung sino ang hinihintay mo?! " - Celine

" Ah, hinihintay ko si Harley pero mukhang nakaalis na yata siya. Wala na yung kotse niya sa parking space niya eh. "

" I saw him left earlier, nag mamadali nga eh. Nag away ba kayo? " - Celine

" Hindi naman, bakit mo natanong? " Na curious ako tuloy sa sinabi ni Celine. Anu kaya ang nangyari?

" Wala naman! Wala ba siyang sinabi sayo kanina ? Something na pag aawayan niyo? " - Celine

Ewan ko pero biglang tumahip ang dibdib ko at nacurious ako sa tanong niya. Parang may laman kasi ang tanong niya. May alam ba siya na hindi ko alam?!

" Bakit bez, may dapat ba akong malaman ? " Tanong ko sakanya!

Nakatingin lang siya sa akin na animo'y  sinusukat ang mga tingin ko. Awkward! Nagpaalam naman sila Lia at Cherry kay Celine siguro na bored narin sila sa paghihintay kay Celine.

" Wala!  Pauwi kana ba? " - Celine

Bigla niyang iniba ang topic namin pero hindi yun nakalampas sa akin. Aware ako na sinadya niyang ibahin ang topic para di na ako mag tanong pa sakanya. Ang weird ng mga tao ngayon hindi ko alam kung anu mga iniisip nila.

" Oo bez eh. Pauwi kana rin ba? " Tanong ko sakanya.

" Oo, gusto mo hatid na kita? " - Celine

Kahit kelan ang bait talaga ni Celine sa akin, ni hindi ko naramdaman na iba ang turing niya sa akin.

" Huwag na Bez. By the way,  iniinvite kita sa party ko sa December 24 ng gabi, punta ka ha?! Bukas ko na ibibigay sayo ang invitation nakalimutan ko kasi sa bahay. " Tumango naman siya para tumugon sa sinabi ko kahit nagtataka siya.

" So paano? Mauna na ako since ayaw mo naman magpahatid sa akin. See you tomorrow bez! " -Celine

Nag beso beso muna kami bago siya pumasok sa kotse niya. Nag wave pa ako sakanya bago niya pinaharurot ang kotse. Umuwi narin ako pagkaalis ni Celine

Nalungkot naman ako na hindi man lang nagparamdam si Harley sa akin buong araw. Ito na nga ba ang ayaw ko sa lahat yung nagiging dependent na ako sa presence niya. Ayaw ko man mangyari yung ganito pero masisisi niyo ba ako kung sinanay niya ako na lagi siyang nandiyan para sa akin?

Kinabukasan, inagahan ko na ang pagpasok sa school. Kelangan kong makausap si Harley dahil hanggang ngayon wala parin akong balita sakanya. Paranoid na kung paranoid pero worried lang talaga ako sakanya. Tinext ko siya kagabi pero hindi siya nagreply then tinawagan ko siya pero ring lang nang ring ang phone niya at hindi nag abalang sagutin ito.

Pinark ko na ang kotse ko sa parking space na inaakupa ko. Wala pa si Harley dahil bakante pa ang parking space niya. Dumiretso na ako sa GForce building at sakto naman na nandun na si Peter. May alam kaya si Peter sa ikinikilos ni Harley? Malamang kasi mag bestfriend sila at sakanilang lima sila ni Peter at Harley ang super close sa isa't isa.

" Oh Joshane, ang aga mo yata? May kailangan ka ba? " Tanong ni Peter. Medyo nahihiya akong magtanong pero malalaman ko ba ang sagot sa katanungan ko kung hindi ako magtatanong?

" Si Harley kasi simula kahapon di nagparamdam sa akin. Never naman niya ginawa yung hindi magparamdam. Usually kasi pag hindi siya makikipag kita sa akin magtetext siya or tatawag pero since kahapon pa siyang hindi nagtetext sa akin at pag tinatawagan ko siya hindi naman siya sumasagot sa mga calls ko. Is there something wrong with him? Baka may alam ka na hindi ko alam. " Napaisip naman si Peter sa sinabi ko.

" Actually, kahapon ko pa nga siya napansin na parang malalim ang iniisip. Akala ko nga may problema kayong dalawa kaya tinanong ko siya kung may problema siya pero sabi niya wala naman daw. Hayaan mo pag nagkausap kami mamaya itatanong ko kung anung nangyari at hindi siya nagpaparamdam sayo. There must be something that bothers him. " - Peter

" Thanks Pete ha? By the way, ibibigay ko lang iyong mga invitation cards para sa inyong lima, pakibigay nalang sakanila ha? Dapat nandoon kayong lahat. " Nagpaalam na ako sakanya pagkatapos kong iabot ang mga invitation.

Pag dating ko sa room ko wala pa sila Elisa at Tricia kaya naka pangalumbaba lang ako sa upuan ko. Dumating naman ang kontrabida sa buhay ko si Lovelee.

" Wow! Ang aga mo ngayon slut?! May bago ka nanaman bang prospect? " - Lovelee

" Shut up! I'm not in the mood to argue with you! You're not even worth my precious time. Go back to where you came from! " Tumayo ako at tinalikuran ko na siya pero as usual laging may pahabol ang bruha. Kung may grand entrance syempre may grand exit!

" Huwag kang bastos kung kinakausap kita. I'm not yet done talking to you! " - Lovelee

" Naisip mo ba or natanong mo man lang ang sarili mo kung gusto ba kitang kausapin? Anu ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? At para sa kaalaman mo, ang bastos yun yung mga taong naghuhubad sa public. Nakita mo ba akong naghuhubad sa harapan mo? So please, if you'll excuse my beautiful face i need to go now. There's a lot of important things that i need to deal with rather than talking to you! Ciao! " Nabigla ko yata si Lovelee sa sagot ko sakanya. Minsan talaga sarap ng hampasin ng flashlight ang babaeng yun para maliwanagan na at tigilan na ako. Kakasira lang ng mood eh!

Pumunta ako ng cafeteria since matagal pa naman ang start ng class ko. Tamang tama at nandun si Celine pero syempre kasama nanaman niya ang dalawang impakta. Pagkakita ni Celine sa akin agad naman siyang ngumiti at nakipag beso beso.

" Hi girls, kamusta kayo? " Bati ko sa dalawang impakta pang asar lang. Pero imbes na ngumiti sila sa akin inismiran lang nila ako as what i expected.

" Bez, kamusta? Nag usap na ba kayo ni Harley? " - Celine

Bigla naman akong napatingin sakanya. Minsan naiisip ko na may something sakanya pero hindi ko alam kung anu yun. May time kasi na parang napaka eager niyang malaman kung anu ang mga nangyayari  between sa amin ni Harley.

" Hindi pa eh. Baka mamaya! Nga pala, ibibigay ko lang ito sayo. Punta ka ha?"  Sabay abot ko sakanya ng invitation.

" Pearl Pacific hotel? Diba hotel ito nila Harley? Doon gaganapin ang party mo? " - Halos hindi makapaniwala si Celine sa nabasa niya sa invitation card na binigay ko sakanya. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang isang kagaya ko ay magkakaroon ng party doon pa sa isang five star hotel.

" Yes! Doon nga bez! Malalaman mo rin yan sa araw ng party kaya punta ka! Wear your best gown! Sige aalis na ako bez. " Tumango lang si Celine at hanggang ngayon shocked parin siya sa nabasa niya.

Bumalik na ako sa room namin at pagkapasok ko nandun na sila Elisa at Tricia. Nilapag ko sa harapan nila ang invitation at dali dali din naman nilang kinuha ito at binasa.

" Really? Pearl Pacific hotel? Sosyal ng party mo ha?! I will definitely come! " - Tricia

" Ako rin, kahit wala akong invitation mag gegate crash ako. " - Elisa

" Mukha ka  naman kasing gate crasher! " - Tricia

" Whatever! " - Elisa

Nagtatalo nanaman ang dalawa sa walang kwentang bagay! Jusme!

" Joshane, may naghahanap sayo sa labas! " - Clarisse

" Sino? " Tanong ko sa classmate ko.

" Hindi sinabi ang pangalan eh. Puntahan mo nalang daw siya sa garden sa likod. " - Clarisse

" Okay! Thanks ha? " Tumango lang siya bilang tugon.

Pumunta naman ako sa garden. I wonder who would that be? Imposibleng si Harley yun dahil hindi na niya ako papuntahin sa garden para lang makakita ako. Pag dating ko sa garden nakita ko ang isang lalakeng nakatalikod sa akin. Naramdaman naman niya siguro ang presensya ko kaya humarap siya sa akin.

" Hi Joshane, how are you? " Bakit niya ako hinahanap? Anung kailangan niya sa akin?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.