Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 31

HARLEY'S POV

Christmas party na namin at super busy kami dahil diyan. Halos hindi na kami masyadong nagkikita ni Joshane dahil pareho kaming busy sa mga kanya kanya naming mga responsibilities.

Nag uusap naman kami from time to time para kumustahin ang isa't isa. Ilang araw narin palang hindi nagpapadala ng mga text messages ang stalker ko. Wala narin naman akong natatanggap na mga pictures after that incident sa locker ko.

Masaya ang lahat na mga estudyante kasama na syempre kami kasi after christmas party holiday vacation na. Kinuha ko na ang regalo ko para kay Joshane dahil pupunta ako ngayon sakanya. Nung nasa gym na ako banda nakasalubong ko si Celine ang bestfriend ni Joshane. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sakanya, para kasi sa akin ang lahat ng kaibigan ni Joshane kaibigan ko narin.

" Hey, where are you going? " Celine

" Pupuntahan ko lang ang bestfriend mo at may ibibigay ako sakanya. " Nung sinabi ko yun biglang nawala ang ngiti sa labi niya.

" Oh! Okay, baka nasa room nila siya kasama sila Elisa and Tricia. By the way, this is for you. Hope you like it. Sige, una na ako. " - Celine

Dali dali na siyang naglakad palayo at parang akala mo may humahabol sakanya. Binuksan ko ang gift na binigay niya sa akin, isang rolex watch? Bakit nag abala siyang magbigay nito sa akin? Weird! Ibabalik ko nalang ito sakanya mamaya hindi ko ito matatanggap. I can afford to buy this kind of watch besides hindi niya obligasyon na bigyan ako ng mahal na regalo.

Umalis na ako pumunta na sa room nila ni Joshane. Pag dating ko doon nakaupo lang sila sa kanilang mga upuan samantalang ang mga classmates nila naghaharutan. Pagkakita nila sa akin bigla silang nagsitili na parang pinipilipit ang mga leeg nila. Napatingin naman sila Joshane sa akin at napataas ang kilay niya sa mga babaeng nagtitili sa pag dating ko.

" Gosh! Kayo ang girlfriend? Kung makatili kayo dinaig niyo pa ang sirena ng ambulance sa sobrang ingay niyo! " - Tricia

Umirap lang ang mga classmates nila sa sinabi ni Tricia. Napangiti naman ako sa sinabi niya, alam ko na mataray siya kaya nga hirap na hirap si JL na suyuin siya.

" Babe, bakit ka nandito? Akala ko ba busy ka? " - Joshane

Sumimangot ako sa sinabi niya. Ayaw niya ba akong makita? Miss na miss ko na siya pero siya parang hindi niya ako namimiss.

" Miss na kasi kita kaya pinuntahan kita dito at para narin iabot itong gift ko sayo. " Bigla niyang kinuha ang gift na bigay ko at hinalikan niya ako sa pisngi. Nagulat ako sa bigla niyang pag halik sa akin. Hindi niya kasi ginagawa yan sa public kasi ayaw niya ng PDA. Napasmile naman ako sa kanya at dahil dun hinug ko siya.

" Lumabas nga kayo! Pati kami dito nilalanggam na sa sobrang tamis niyo! " - Tricia

" Inggit ka? Sagutin mo narin si JL para di kana mainggit sa amin." - Sabay belat ni Joshane kay Tricia.

" Oh please! Don't tell me what to do! Di pa siya pumasa sa mga tests ko kaya hindi ko pa siya sasagutin. " - Tricia

" Pa? So meaning may chance si JL sayo? Haha.. " - Elisa

" Shut up! Mind your own lovelife Elisa! " - Tricia

Nag umpisa nanaman na mag bangayan ang dalawa. Nagpaalam na ako kay Joshane at pumunta na ako sa room namin. Pag dating ko sa room nag iingay din ang mga classmates namin at nilalandi ng mga girls ang apat na barkada ko.

Si JL poker face lang, si Peter naman deadma sa mga babaeng nakapalibot sakanya. Si Tristan as usual naglalaro ng gameboy niya at si Kelvin? Ang pinakamalandi sa aming lima. Tuwang tuwa ang mokong sa pakikipag harutan sa mga babae naming classmates. Anu pa ba ang aasahan mo kay Kelvin? Yan na ang buhay at kaligayahan niya ang mga babae!

Umupo na ako sa upuan ko at yung emcee ng block namin nag start na sa program namin. Halos nag enjoy naman ang lahat sa christmas party namin. Oras na ng bigayan ng gift kaya nung binigay ko na ang gift ko sa classmate kong nerd halos mangisay siya sa sobrang kilig at parang aatakihin sa puso! Grabe! Ganito ba talaga ang impact ko sa mga babae? Bakit si Joshane hindi naman ganyan ang reaksiyon niya pag nakikita ako? Kinikilig siya pero sakto lang ang kilig niya or baka naman hindi lang niya pinapahalata?!

Natapos ang christmas party namin na lahat ay nag enjoy at masaya. Lumabas na ako ng room namin at hinanap si Celine. Nakita ko siya sa cafeteria kasama ang dalawa niyang kaibigan kaya lumapit na ako sakanila.

" Celine, thank you sa gift but i can't accept it. Hindi mo naman kailangang bigyan ako ng gift lalo na kung mahal ang halaga nito. " Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kasama.

" Ayaw mo ba? " Tanong ni Celine

" Hindi naman sa ayaw kaya lang ayoko lang na magbigay ka sa akin ng mga regalo. Sorry! "

" Okay lang! Anu ka ba?! " - Celine

Pilit niyang pinasigla ang tinig niya ngunit halata naman ang disappointment sa mukha niya.

" Sige Celine, i have to go now! Merry Christmas! "

" Merry christmas din! "-Celine

Umalis na ako at dumiretso na sa kotse ko. Hindi ko na isasabay si Joshane dahil susunduin siya ng parents niya ngayon.

JOSHANE'S POV

Binuksan ko ang regalong bigay ni Harley sa akin kanina. Lagi nalang niya akong sinosorpresa tulad ngayon binigyan niya ako ng bracelet na may pangalan ko. Napangiti ako dahil sobrang sweet ni Harley sa akin. Siya ang ideal boyfriend ng lahat ng mga babae. Sweet, honest, thoughtful, one woman man,  generous at higit sa lahat sobra kung mag mahal. Anu pa ba ang hahanapin ko sakanya? Nasa kanya na lahat ng hanap ng mga babae sa isang boyfriend.

Harley is calling..

Agad ko naman sinagot ang tawag niya dahil kanina pa ako actually naghihintay ng tawag niya.

[ Hi babe, ang ganda ng gift mo sa akin. Thank you ha? ]

[ Don't mention it. Simple nga lang yan eh.  Buti naman at nagustuhan mo ang bracelet. I'm not sure kasi kung mahilig ka sa jewelries kasi naman hindi mo sinusuot ang necklace na binigay ko sayo last time. ] - Harley

[ I love it babe. Kaya lang hindi lang talaga ako mahilig mag suot ng mga ganun kung ordinary day lang. Alam mo naman na simpleng tao lang ako diba?! ]

[ Yeah, i know! So, excited kana ba sa party mo? ]- Harley

[ Well, not really. Hindi naman kasi ako sanay makipag socialize lalo na pag puro rich people ang nasa paligid. ]

[ I know, dapat sanayin mo na ang sarili mo sa bagong life style mo. You' re not an ordinary person anymore. ] - Harley

[ Yeah right! Babe, i'll hang up na. Pagod lang ako sa maghapon na event natin sa school. ]

[ Okay babe, good night! I love you! ]- Harley

[ Good night! I love you too. ]

Inend ko na ang tawag at inilapag ko sa study table ang phone ko. Dahil narin sa sobrang pagod ko nakatulog ako agad.

Kinabukasan wala na kaming pasok dahil holiday vacation na namin. Bumaba ako para kumain ng breakfast, naabutan ko si mommy na kumakain na.

" Good morning ma! " Humalik ako sa pisngi ni mommy.

" Good morning iha! Halika na breakfast kana. " - Mommy

" Mom, where's daddy? " Tanong ko sakanya.

" He left early, may meeting pa kasi siya sa mga stock holders ng company natin. So, are you ready for your party? " - Tanong ni mommy. Nung isang araw pa niya ako tinatanong about sa party ko kung may ipapadagdag pa daw ako sa food or sa mga decorations. Feeling naman ni mommy ikakasal ako kasi naman pati mga decorations and foods ako pa talaga ang tinatanong niya.

"  Yeah! Pero kinakabahan lang ako na parang excited narin naman. " Hindi ko alam pero i have this weird feeling na may something na mangyayari.

" Natural lang na kabahan ka kasi first ever party mo ito na puro mga business tycoon ang makakasalamuha mo not to mention ofcourse your friends from your school. " Gusto kasi nila mommy and daddy na ipakilala ako ng formal sa mga business partners nila. In case daw na kapag ako na ang humawak ng business namin at least kilala ko na sila. God! Matagal ko pa ihahandle ang business namin at hindi pa ako ready para maging boss ng sarili naming business.

" Mom, after ng party pwede ba akong umuwi ng Iloilo to spend time with my second parents? " Namimiss ko narin kasi sila, huli kong bisita sakanila nung summer vacation pa.

" Tinawagan ko sila kahapon at pinapapunta ko sila dito. They will attend your party and they'll spend their christmas and new year here. " Sa sobrang tuwa ko niyakap ko si mommy.

" Thanks mom! Sobrang saya ko sa sinabi mo. At least we will celebrate christmas and new year together as one big happy family. "

Pagkatapos naming mag usap ni mommy nung breakfast nagpaalam siya na may pupuntahan siya. Naiwan ako sa bahay mag isa since wala naman kaming plan nila Tricia at Elisa na gumala kaya nagmukmok nalang ako dun buong araw.

The next day, sinundo namin sila Mama Alma at papa Eddie. Niyakap nila ako pagkakita nila sa akin.

" Mama, papa, kamusta na po kayo? "  Natutuwa akong makita sila. Mukhang okay naman silang dalawa at halatang happy sa kanilang buhay.

" Okay naman kami ng Papa mo. Ikaw kamusta na?  Ipapakilala kana daw ng mga magulang mo sa mga kasosyo nila sa negosyo at sa lahat. Masaya ako para sayo anak! " -Mama

" Okay na okay po ako ma. Opo ipapakilala na po nila ako sa lahat. Kamusta ang poultry farm niyo? " Binalingan ko si Papa. Nakikinig lang kasi siya sa amin ni Mama.

" Ayun, masagana naman ang kita ng farm. Maraming mga itlog na binebenta sa palengke. Kami na nga ang nag susupply ng itlog sa tatlong bayan natin sa Iloilo. " - Papa

" Wow! Ang galing naman! Alam kong mapapalago niyo po ang poultry farm. Pag okay ang kita niyo po try niyong mag dagdag ng mga hayop katulad po ng mga baka, baboy at mga kambing para pandagdag kita narin po. "

" Yan nga ang gagawin namin sa susunod na buwan iha. " - Mama

Nakarating na kami sa bahay ng di ko namamalayan. Pag baba namin ng kotse namangha sila mama at papa sa bahay namin. Sinalubong naman kami nila mommy at daddy.

" Kamusta na mare at pare? " -Mommy

Yan na kasi ang tawag nila mommy at daddy  sakanila ni mama at papa. Mas okay nga kasi mas naging close pa sila lalo at masaya ako para sa apat kong mga magulang.

"Okay naman kami mare, salamat sa pag imbita sa amin dito sa bahay niyo. " - Mama

" Naku, alam natin pareho na gusto natin makasama ang nag iisang anak natin. Kaya walang anuman! " - Mommy

Si daddy naman inakay na si papa papunta sa loob ng bahay at nag uusap sila ng tungkol sa negosyo nila. Si mommy and mama naman umupo sa kaharap na couch kung nasaan nakaupo sila papa at daddy. Nag pahanda ako ng meryenda para sa aming lima. Masayang nag kukwentohan ang mga magulang ko at ako naman nakatingin lang sakanila na may ngiti sa labi.

Sana lagi nalang ganito, yung masaya nalang ako lagi dahil masaya ang mga taong nasa paligid ko. Kaso sabi nila bawat kasayahan daw ay may kaakibat na kalungkutan at kapighatian. Kaya minsan natatakot din akong maging masaya ng sobra dahil baka sobrang lungkot at pighati din ang igaganti nito sa akin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.