Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 34

JOSHANE'S POV

Back to school nanaman and i'm not sure if i'm ready to face him again. Our last face off wasn't that good anyway. Pero kailangan kong harapin siya, hindi naman pwedeng hindi ko siya makita since we go to the same school plus his family own the school.

Nakarating na ako sa school at halos lahat ng estudyante excited nang makita ang mga friends nila para mag kwento tungkol sa holiday escapades nila. Pinark ko na ang kotse ko at dumiretso na ako sa room namin. Same faces, same bitches and ofcourse same bullies. Wala parin ipinagbago kahit sabihin pa nating new year na! Pumasok sa room namin si Lovelee and as usual nagyabang nanaman ng lugar na pinuntahan niya. Pagka maya maya binalingan na niya ako.

" Hey Joshane, whats up? " - Lovelee

Anung nakain nito at feeling close sa akin? Duh?!

" Oh? Fine! Bakit? " Bored kong tanong sa kanya. Lumapit naman siya sa upuan ko na parang dati na kaming friends samantalang galit na galit siya sa akin before.

" Hey, is that how you greet your classmate? " Nakaismid niyang tanong sa akin. See? Plastik talaga ng babae na to. No wonder, i'm not convinced sa pakikipag usap niya sa akin.

" Paki ko naman sayo? Shall i greet you in a nice way? I remember we're not good friends and not even close to be one. " Taas kilay kong sabi sakanya. Nabigla naman siya sa sinabi ko. Yeah! From now on, i'll be the bitch that you'll wish you'd never meet.

" So, the so called good girl has gone bad, eh? Sige, palalagpasin ko ito since first day ngayon. But watch out Joshane, next time di na kita palalagpasin. " - Lovelee

" As if i'm scared! " Tiningnan ko siya sa mata at hindi ko binawi ang tingin ko sakanya hanggang sa nag bawi siya nang tingin.

Simula ngayon, hinding hindi na ako magpapaapi sa kahit kanino, lalaban na ako.

" Hey, ang lalim nang iniisip mo ah? Siya parin ba ang iniisip mo? " - Tricia

Bruhang to, iyan talaga ang itatanong sa akin? Kararating na nga lang wala pang kwenta ang tanong. Hampasin ko kaya ito ng heels ko para matauhan?!

" Bakit ko naman iisipin ang mga taong matagal na akong kinalimutan? He's not even worth my time anymore. " - True! Kinalimutan na niya ako at yun din ang ginagawa ko. Kahit masakit man sa akin pero kelangan kong gawin ayokong maging tanga at kawawa.

Break time! Pumunta kami ng cafeteria nila Elisa at Tricia. Nasa spot narin namin si Paige naghihintay sa pagdating namin.

" Hi Paige, how are you? Blooming ka ah? Inlove ka no? Ayiiiiee.. " Tukso ko kay Paige. Nag blush naman siya pero at least happy siya kahit hindi siya committed.

" Okay lang ako, ikaw kamusta kana? Kamusta na iyan? " - Sabay turo niya ng dibdib ko i mean kung saan located ang heart ko.

" Heto maganda parin! Haha! Yung puso ko? N-nagpapahilom pa ng sugat, it takes time but i'll get there soon. " Parang may bikig ang lalamunan ko nung sinabi ko ang huling sentence. Nasasaktan parin ako but i can bear the pain.

Nag order ng food sila Elisa and Tricia kaya naiwan kaming dalawa ni Paige sa table namin. Dumating ang Gforce and as usual nag-wala nanaman ang mga babae sa cafeteria. Deadma naman ako kasi kasama nila si Harley, umupo pa siya paharap sa akin. Nananadya ba siya? Well, sorry di ako magpapaapekto sa presence mo.

Lumapit naman ang grupo ni Celine-- ang ex bestfriend ko na ngayon ay enemy ko na. Tama lang na nakabalik na sila Tricia at Elisa na dala ang food namin.

" So, Joshane i heared that you and Harley broke up already? What happened? " - Nang uuyam na tanong ni Lia na may lahing chismosa. Deadma lang ako sakanya as if hindi ko narinig ang sinabi niya.

" Are you deaf, Joshane? Bakit hindi ka sumasagot? Ouch ba? " - Cherry

Tumayo ako at hinarap ko silang tatlo! Ngumisi ako sa kanila na parang nang iinis sa kanila.

" I hear you, loud and clear! Sinabihan kasi ako ni mommy na kung hindi daw maganda ang sasabihin ko, better to keep quiet. So i just did. " Nakita ko naman na umismid si Celine sa sinabi ko. Ganyan nga, mainis kayo sa akin dahil kung noon ako ang iniinis niyo ngayon ako naman ang mang iinis sa inyo.

" You've changed in just a matter of three weeks?! Finally, lumalabas narin ang sungay mo! Bravo! " - Celine

" Lumalabas lang naman ang sungay ko kapag demonyo din ang kaharap ko. Kung nakikita mo ang sungay ko ngayon, that only means na demonyo ka! " Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa then nag walk out na ako. Nagpupuyos naman sa galit si Celine sa sinabi ko sa kanya. Hinabol naman ako nila Elisa, Tricia and Paige at dun kami tumambay sa garden sa likod.

" Ikaw ba talaga yun Joshane? Grabe! Tinalo mo pa ako sa pagiging mataray, as in wala akong masabi kanina." -Tricia

" Have you seen Celine's face? So epic! Grabe ang galit niya sa sinabi mo sakanya. Pffttt. Hahaha! " - Tawa nang tawa lang si Paige.

" You should do that often! Suggestion ko lang yan para di ka apihin lagi. " - Elisa

" Yeah, right!! " I just rolled my eyes..

HARLEY'S POV

Nag bago na ang lahat sa akin. Kung dati hindi ko ugali ang mambabae ngayon parang si Kelvin na ako na kabilaan ang babae. Natural lang siguro na maging ganito ako. I was fooled and betrayed by the girl i love the most.

Inaamin ko na nagkamali ako na hindi ko siya pinakinggan nung nagtangka siyang magpaliwanag. Naging unfair ako sa kanya dahil pinairal ko ang galit imbes na unawain ko siya. Pero mas lalo lang akong nagalit nung gabi ng new year. Balak ko narin naman sanang kausapin siya kaso sa ginawa niya nung new year mas lalo lang akong nainis sa kanya. Hindi ko alam kung may chance pa na magkabalikan kami dahil sa ngayon galit ako sa kanya.

" Dude, club republiq daw tayo mamaya sabi ni Peter! May ipapakilala ako sayo mamaya! " - Kelvin

Kahit kelan talaga ang mokong na ito mukhang babae. Sana lang di ako ma disappoint sa ipapakilala niya just like last time.

" Okay! Sige kita kits nalang sa bar later. May lakad pa ako eh. " Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Kelvin.

" Hoy, may pasok pa tayo. Cutting ka nanaman? " - Kailan pa ito naging concerned sa studies ko?

" Oo! Besides, i own this school. Pwede kong gawin kung anung gusto ko."

" Ako aminado akong babaero ako pero committed parin naman ako sa studies ko. Baka mamaya niyan maiwan ka sa Branston samantalang kami graduate na! " - Sermon ni Kelvin. Dahil sa inis ko binatukan ko nga, kung mangaral daig pa ang parents ko.

" Kelan kapa naging substitute ni mommy? Kung makapanermon ka akala mo ang tino mo ah?! Mind your life dude! " Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong pagsabihan siya. Sumakay ako ng kotse ko at dahil hindi pa dismisal naka sarado pa ang gate. Bumusina ako ng ilang beses sa guard para buksan ako at sa halip nilapitan lang niya ako.

" Sir, gusto ko po munang makita ang schedule mo bago ko buksan ang gate. " - Guard

Kung hindi lang ako naiinis ngayon mapapangiti ako dahil sa strict ang mga guard na naka bantay sa school namin kaso naiinis ako kaya di ko maappreciate ang pagiging strict nila.

" Bakit pa? Buksan mo na ang gate at nagmamadali ako. " Sabi ko sa guard.

" Ginagawa ko lang ang trabaho ko kaya pag paumanhin mo po pero pag hindi mo ipapakita sa akin ang schedule mo hindi ko bubuksan ang gate. " Sabi ng guard. Asar naman!

" Hindi mo ba ako kilala? Anak ako ng may-ari ng paaralan na pinag tatrabahuhan mo. Kung hindi mo ako palalabasin ngayon, bukas na bukas din sisante kana! Maliwanag?" Napakamot nalang sa batok ang guard at binuksan na niya ang gate kahit hindi pa niya nakita ang schedule ko. Buti naman at mahal niya ang trabaho niya. Umuwi ako ng bahay dahil wala ako sa mood na umattend sa klase ko. Pagdating ko sa bahay nakita ko si lolo nakaupo sa sofa at parang may binabasa na magazine. Nilapitan ko siya para tingnan kung anu ang binabasa niya. Takte! Ang tanda na pero nagbabasa pa ng Fhm magazine.

"Lo, bakit kayo nagbabasa niyan? " Sabay hablot ko ng magazine sa kanya. Pilit namang inaagaw ni lolo ang magazine sa akin.

" Scheffer, ibalik mo nga iyan sa akin. At sino naman nagsabi na hindi ako pwede magbasa nito? " - Lolo

" Lo, para sa mga bagets lang po ang FHM magazine. Huwag na po kayo mangarap dahil hindi na po kayo bagets. " Bigla naman nag pout si lolo at pinalungkot ang ichura niya. Pag ganyan na ang ichura niya tumitigil na ako. Kahit nakakainis si lolo kung minsan mahal ko parin siya. Siya lang yata ang natatanging lolo na ginagamitan ng dahas ang apo. Pero kahit ganun, hindi naman nawawala ang respeto ko sakanya dahil buong buhay ko halos siya na ng nagpalaki sa akin habang busy ang parents ko sa pag asikaso ng negosyo namin.

" Heto na oh, sige lo papasok muna ako sa kwarto ko. " Tatalikod na sana ako nung mag salita siya.

" Hep! Bakit ang aga ng uwi mo? May pasok kapa dapat ng ganitong oras. Don't tell me nag cutting ka? " -Lolo

Akala ko nakalusot na ako pero hindi pa pala. Si lolo talaga ang higpit sa akin, apo naman niya ako.

" Lo, masama ang pakiramdam ko kaya umuwi nalang ako. Sige na papasok na ako ng room ko. " Bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko may pahabol na bilin si lolo.

" Scheffer, dahil nag cutting ka ngayon wala kang dinner at kakaltasan ko ang allowance mo next week. Sige pumasok kana sa room mo. " - Lolo

What? Kakaltasan ang allowance ko? Hindi maaari, ngayon lang naman ako nag cutting classes eh.

" Lo, ngayon lang ako nag cutting classes kakaltasan mo na agad ang allowance ko? Unfair naman po yun. " Pagmamaktol ko sa kanya.

" Mamili ka babawasan ko ang allowance mo ng one week or kukunin ko ang kotse mo kasama na mga gadgets mo at grounded ka for two weeks? Pili kalang Scheffer. " Lolo

Dahil wala akong laban kay lolo natahimik nalang ako. Mabait si lolo sa mabait pero pag oras na naging seryoso na siya hindi ka pwedeng mag biro sakanya.

" Sabi ko nga po bawasan mo ang allowance ko for one week. "

" Good! Oh siya sige na apo, magpahinga kana dun. Hehehe!" - Lolo

May pagka bipolar din si lolo, sakanya ko yata nakuha ang ugaling ganyan. Ilang oras akong nagkulong sa kwarto ko at maya maya lang nag ring ang phone ko.

Kelvin is calling..

[ Oh, bakit? ]

[ Anung bakit? Nandito na kami sa bar, don't tell me nakalimutan mo ang sinabi ko sayo kanina? ] - Kelvin

[ Sige, papunta na ako diyan. Yung sinabi mong ipapakilala mo sa akin nandiyan na ba? ]

[ Nandito na kasama ko, bilisan mo diyan at baka mainip na ito sa paghihintay sayo. ] -Kelvin

Binabaan na niya ako agad! Walanghiya ka talaga Kelvin, mabatukan ka nga mamaya pag makita kita. Bastusan lang eh!

Naligo ako at nagbihis na para makaalis na ako ng bahay. Pagbaba ko nasa sofa parin si lolo kaya dumiretso na ako sa garahe. Hindi ko na siya inistorbo sa panonood niya ng tv. Sumakay na ako sa kotse ko at pinasibad na ito. In just 30 minutes nakarating na ako ng club republiq. Pag pasok ko sa loob marami rami narin ang mga tao at halos lahat nag eenjoy na. Hinanap ko ang Gforce at nakita ko din naman sila agad. Nandun sila sa sulok na part ng bar at may mga kasamang babae si Kelvin.

" Yow! Glad you're here now. Dude, meet Myles Ascof, she's half Filipina and half British. Myles, this is Harley Branston. " -Pagpapakilala ni Kelvin sa amin. Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya ito. Infairness, maganda siya at sexy parang model siya ng fhm.

" Want some drinks? " Tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

" Vodka or martini? " Tanong ko.

" Martini please. Salamat! " Nagulat ako nung mag tagalog siya. Akala ko kasi hindi siya nag tatagalog. Inorder ko na ang drinks namin at umupo naman kami sa pandalawahan na table.

" So, do you speak tagalog? " - Naninigurado lang ako baka kasi mag tagalog ako tapos hindi niya pala naintindihan ang sinasabi ko.

" Oo naman, i grew up in London but we speak tagalog pag kausap namin ang mommy ko kaya natuto ako mag tagalog. Ikaw? " - Myles

" Half Filipino and half American din ako pero dito na ako ipinanganak sa Pilipinas kaya pure tagalog ako. " Dumating na ang order naming drinks at ininom na namin iyon. Nag order pa ako ulit ng tatlong vodka at tatlong martini. After a while, niyaya kong sumayaw si Myles at sumama naman siya sa akin. Sumayaw kami na magkadikit ang katawan namin. Nakatingin siya sa mga mata ko at nakatingin din ako sakanya. Bigla niya nalang akong hinalikan at dahil medyo may tama narin ako tumugon ako sa halik niya. This is what i want, distraction para makalimutan ko si Joshane. I wanna get laid tonight with this girl. Nag memake out na kami sa dance floor at wala kaming pakialam sa mga nandoon.

" Let's go to my place! Kung gusto mo lang naman. " She smiled seductively and i feel so hot. Hinila ko siya sa labas papunta sa kotse ko. Hindi na ako nagpaalam sa Gforce basta lumabas nalang kami ni Myles.

Nasa loob kami ng kotse ko naghahalikan parin kaming dalawa. She's getting wild now and i can see lust in her eyes. I stopped her and started the engine and i drove as fast as i can.

Hinahaplos na niya ang braso ko at ramdam ko na gusto na niya akong maka sex. Well, the feeling is mutual baby! Pagkababa namin sa kotse binuksan niya agad ang gate ng bahay nila. Pagkapasok palang namin sa pinto hinalikan na niya ako agad at ganun din ang ginawa ko. Binuhat ko siya habang nag hahalikan kami at dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya. Isinara ko agad ang pinto at inihiga ko siya sa kama niya nang dahan dahan na parang takot na baka matigil ang halikan namin.

Hinubad ko ang damit niya at pagkatapos hinubaran din niya ako. We were kissing passionately. Hanggang sa bumaba na ang halik ko sa breasts niya. Sobrang init nang pakiramdam ko na hindi ko na napigilan ang sarili ko at may nangyari sa amin. Ganito pala ang feeling kapag walang love na involved at pagnanasa lang ang nangingibabaw. Parang pagkatapos ng ginawa niyo nawawalan kana ng gana.

Nagpahinga lang ako sandali at nagpaalam narin ako kay Myles. Ayaw pa niya sana akong pauwiin pero nagpumilit ako na umuwi plus may pasok pa ako bukas at baka malate pa ako. Pag dating ko sa bahay dumiretso ako sa banyo at naligo ako agad. Nagsisisi ako na ginawa ko yun at sa babaeng kanina ko lang nakilala ko pa ginawa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.