Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 35

JOSHANE'S POV

Tatlong buwan na ang nakalipas pero masakit parin hanggang ngayon ang paghiwalay namin ni Harley. Who would have thought that our relationship will come to an end? We never had a huge fight, we argue but settled it afterwards. Masasabi mong almost perfect ang relationship namin since both our families agreed on it.

Alam ko mahal niya ako pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pakikipag hiwalay ang naging solusyon niya sa nangyari?! Mababaw lang ba ang feelings niya para sa akin? Hay! Why i keep on asking about these things when i knew already the answer? It's obvious that his love for me was not enough to understand the whole situation!

" Hey, anong plan mo after graduation? -Tanong ni Tricia. Two weeks from now graduation na namin. Ang bilis ng panahon pero ang bagal mawala ng sakit na nararamdaman ko.

" I'm going to Australia. Baka sakali maka move on ako while nandoon ako. Ikaw, anong plano mo? " Rumihistro ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngumiti siya nang mapait at deretsong nakatingin sa akin.

" Pupunta din ng Australia para samahan ka! Pero mauuna kalang doon kasi may gagawin pa ako dito before i leave. " Napalingon naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

" Are you serious? You don't have to go there with me. I'll be fine alone. I'm not going to kill myself, i'm not insane yet to do such thing! I love my life more than anyone else. " Pahayag ko sa kanya. I don't need her pity. Binatukan niya ako bigla na ikinagulat ko naman.

" Drama! I'm not going to Australia just for you, i will go there because my family wants to live there for good. Actually, matagal na itong plan ng parents ko but because of my request to finish my study here kaya pa kami nandito. " I see, akala ko naman para sa akin kaya siya pupunta dun. Natawa na lang ako na ipinagtaka naman niya.

" What's funny? Nababaliw kana no? Do i need to call now mental hospital for your reservation? " Binatukan ko naman siya.

"Gaga! Kapag biglang natawa baliw na agad? Hindi ba pwedeng may naisip lang na nakakatawa? " Inirapan ko siya at pasabunot niyang hinawakan ang buhok ko pero hindi naman ganun kahigpit ang pagkahawak niya.

" Now i know why i kind of like you. Baliw ka kasi and you don't take things too serious! Maiba ako, kamusta kana pala? " Tinatanong niya ba ako or yung puso ko?

" Ako ba o yung puso ko? " Nakatingin lang siya sa akin at hindi sinasagot ang tanong ko pero alam ko na ang puso ko ang tinutukoy niya. I can sensed that she's a bit uneasy with the topic. Guess she doesn't want me to remember the pain. But how will i forget the pain? When everytime i see Harley, it will reminds me of my broken heart. I smiled at her and hold her hand.

" Truth is, i'm still hurting!" At unti unting nag bagsakan ang mga luha ko.

" Hindi ko alam kung kelan ako makakamove on. Ang sakit sakit na kasi, kahit anung pilit kong gawin hindi parin mawala sa puso ko yung pagmamahal ko kay Harley. Kahit sinasabi ng isip ko na bitawan na siya pero kasalungat naman ang sinasabi ng puso ko. " Nakatingin lang si Tricia sa akin at pati siya nahihirapan din para sa akin. Hinahaplos niya ang likod ko na kahit sa ganung paraan man lang mabawasan ang bigat ng dinadala ko. Pero alam ko na hindi mababawasan ang sakit.

" I think that's what people do when they love someone so much. There will always be that one person where no matter how much he hurts you and makes you cry, you will never be able to let him go. " Napamata ako sa sinabi ni Tricia, she's right, i can't let go of Harley. Even if i want to, still my heart will always disagree.

" Trish, you know what my definition about love?

Tanong ko sa kanya, pero tahimik lang siya at nakatingin lang sa akin.

" Love for me is like firing a gun. Scary at first but you'll get used to it. However, you don't know if what you did is for happiness or for regret. And being loved is like accepting the bullet. You can avoid it, but still you're the target . And once you're shot, the scar will be for a lifetime." Ngumiti ako ng mapait sa kanya, bitter ako eh.

" Halika na nga sa cafeteria, baka pumangit kapa kung patuloy ka sa pag iyak. Remember, wala akong friend na pangit dahil ayoko sa pangit! " - Hinila na niya ako pero imbes na tahakin namin ang daan papuntang cafeteria ay ibang daan ang tinahak namin.

" Akala ko ba sa cafeteria tayo pupunta? Hindi naman ito ang way papunta dun ah?! " Tiningnan niya ako ng masama.

" You look horrible! Pupunta muna tayo ng cr para ayusin mo ang sarili mo. Mag retouch ka at magpaganda para hindi ka naman nakakahiyang kasama! " Banat niya sa akin. Loko to ah? Ang ganda ko kaya para sabihan niya ng ganyan?!

Pag dating namin sa cr agad na isinarado niya ang pinto para walang makapasok while ginagamit namin ang cr. Pag tingin ko sa mirror nagulat ako sa ichura ko. Tricia's right, mukha nga akong nakakahiya. Kalat ang eyeliner ko at natanggal na ang blush on ko. In short, mukha akong zombie sa ichura kong ito.

" Oh ngayon alam mo na? Mag retouch kana at nagugutom na ako. " Reklamo niya sa akin. Buti na lang wala pa dito si Elisa, naku pag nandito pa ang isang iyon malamang maingay nanaman dahil sa bangayan nila.

" Ikaw, ayaw mong mag retouch? " Sabi ko kay Tricia habang nag lalagay ako ng blush on.

" Maganda na ako, hindi ko na kailangan ng retouch! " Confident niyang sabi. Kunsabagay, maganda naman talaga siya kahit saang anggulo tingnan.

" Tara na, gutom na din ako. " At biglang tumunog ang tiyan ko hudyat na gutom na nga. Tumawa naman kaming dalawa dahil sa tiyan ko. Pag dating namin sa cafeteria nandun din si Celine with her group. We ignored her and we ordered our food. Habang hinihintay namin ang inorder namin nagparinig naman si Lia sa amin, ang dakilang chismosa na mukhang paa. I'm not joking here! When i say mukha siyang paa, totoo yun. Hindi kasi siya kagandahan pero kung umasta akala mo kung sinong maganda.

" Alam niyo guys, may isang girl dito na kunwari role model siya pero may tinatago palang kalandian sa katawan. Baka nga ilang lalake na ang nakatikim sa kanya eh! " Tinignan ako ni Lia from head to feet sabay irap niya sa akin. Nakita naman ni Tricia ang ginawang pag irap ni Lia sa akin. Lalapitan niya sana ito kaso pinigilan ko siya. Kung may dapat na lumapit kay Lia, ako yun at hindi si Tricia. Kinuha ko ang order kong food na naka tray at nilipat ko ang food ko sa tray ni Tricia at lumapit ako sa table nila Celine habang hawak hawak ko ang tray. Pabagsak kong nilagay ang tray sa table nila na ikinabigla naman nila Cherry at Celine.

" Anu ba ang problema mo? " Paasik na tanong ni Lia sa akin. Hah?! Siya pa ang may ganang sumigaw sa aming dalawa! Kapal ha?!

" Iyan nga din ang itatanong ko sa'yo. Anung problema mo sa akin? Bakit mo ako pinaparinggan? " Pinandilatan ko si Lia na ikinabigla naman niya. Tiningnan niya sila Celine at Cherry na parang humihingi ng saklolo. Lumingon naman si Cherry at siya ang nagsalita para kay Lia.

" Minention ba ang pangalan mo kanina? As far as i know, walang binanggit na pangalan si Lia kaya bakit ka nagrereact? " Sinalubong ko ang tingin ni Cherry. Kung akala niya na katulad pa ako ng dati puwes nagkakamali siya, coz this time i will fight back!

" Kung hindi ko pa kayo kilala baka maniniwala pa ako na hindi ako ang pinag uusapan niyo. Pero kilalang kilala ko na kayo even your dark secrets. And make sure na pag gumawa kayo ng kwento yung kapanipaniwala naman, hindi puro haka-haka lang. " Bigla namang may nilabas na sobre si Celine at pabagsak niyang nilagay sa table.

" Okay Joshane, since ikaw naman talaga ang nag react sa sinabi ni Lia, edi ikaw na nga ang pinag uusapan namin. Ayan ang ebidensya na malandi kang babae! " - Celine

Sa galit ko sinampal ko si Celine, ang kapal ng mukha para tawagin akong malandi samantalang silang tatlo ang malalandi. May hidden desire siya kay Harley kaya mas lalo niya pa akong siniraan kay Harley. Halos lahat ng mga nandun sa cafeteria nakatingin na sa amin dahil sa eksena nagaganap doon.

" Ang kapal ng mukha mong sampalin ako. Kunin mo ang sobre na yan at mapapatunayan ko na totoo ang ibinibintang ko sayo. Malandi kang babae kaya iniwan ka ni Harley at ngayon akin na siya." -Nanlilisik ang mga mata ni Celine na parang gusto niya akong sampalin din pero hindi niya ginagawa. Hinablot ko ang sobre at umalis na kami doon sa cafeteria. Napadpad kami sa garden sa likod at doon kami kumain ni Tricia.

" What's inside of the envelope?" -Tricia

Nakalimutan ko na sana ang sobreng hawak-hawak ko kung hindi pa nagtanong si Tricia. Na curious din ako kung anu ang laman ng sobre at bakit nasabi nila na ebidensya daw ito na malandi ako?! Binuksan ko ang sobre at napatakip ako ng bunganga sa nakita ko. Pictures ko ito na kasama si Ethan nung house party ni Celine. Ibat ibang anggulo ang pagkuha ng pictures at puro stolen shots ito. Meron pang pictures na nakahiga ako sa kama na tulog at may katabi akong lalake na nakatalikod sa camera at ang nagpagimbal sa akin yung posisyon namin ng lalake. Naka yakap siya sa akin at wala siyang suot na damit at kung titingnan mo ang picture parang may ginawa kami sa picture na ito. Pero alam ko sa sarili ko na wala kaming ginawa diyan dahil hindi ko ito maalala na nangyari ito that night.

Kinuha ni Tricia ang pictures pero balewala lang sa kanya ang nakikita niya. Napaisip siya ng malalim at kapagkuway napatingin siya sa akin.

" Kelan ito nangyari? Parang pinaghandaan ang pagkakuha ng pictures eh." -Tricia

" House party ni Celine yan, one week before may party. " Walang gana kong sabi sa kanya.

" Hindi kaya, sinet up ka lang ni Celine? Ininvite ka sa party niya at doon isinagawa ang plano niya?! Tingnan mo itong picture na nasa kama kayo at tulog ka. Bakit ang mukha mo lang ang nakikita at hindi kasama ang mukha ng lalake? Parang iniingatan nilang wag makita ang mukha ng lalake. Sa side ng lalake nila kinuha ang picture at aware ang lalake sa mga nangyayari kasi nakasubsob din ang mukha niya sa unan. Ni hindi rin nagusot ang buhok ng lalake, kung talagang may ginawa kayong ka echosan dito dapat magulo ang buhok niya pero dito parang kakahiga lang niya nung kinunan ang picture na yan. " Explain ni Tricia, tama siya eh. Sinet up lang ako dito at alam ko na kung sino ang may kagagawan nito.

***

Graduation day!

Ito ang huling araw na makakasama ko ang mga kaklase ko. Ramdam ko ang lungkot at excitement naming lahat. Excitement, dahil gagraduate narin kami sa wakas at lungkot dahil maghihiwa-hiwalay na kaming lahat. This is not the end but the beginning of the new chapter of our life. Halos lahat nakangiti kahit naman ako nakangiti din pero hindi ko parin maiwasang malungkot. Lumapit sa akin si Lovelee, alumpihit pa siyang lumapit pero kinalaunan lumapit narin siya.

" C-congratulations! I-i just want to apologize for all the bad things i did to you. I'm not here to ask for your friendship coz i know you won't accept me to be your friend. All i'm asking is your forgiveness, will you forgive me? " Nakikita ko naman ang sincerity sa mata niya, i smiled at her and she extended her hand to shake my hand but instead i hugged her so tight.

" You're forgiven! Isa ka sa mga naging motivation ko sa buhay. Thank you kasi kung hindi mo ako binully siguro hindi ako matututong lumaban. Dahil sayo, i can stand on my own now without depending to other people. Thank you and congratulations! " Nagyakapan kaming dalawa ulit at nagpaalam narin siya pagkatapos. Napangiti ako kasi kahit papanu naging okay na kami ni Lovelee. Hindi man kami magkaibigan na matalik pero happy na ako na humingi siya ng tawad sa akin. One of the great feeling in the world is when you forgive the person who ask for your forgiveness.

" Hey Joshane, bakit ngumingiti ka diyan ng mag-isa? " -Nakangiti parin ako habang nakatingin sa kanya.

" Happy lang ako! Finally, gagraduate na tayo. Congrats to us! Hindi man ako grumaduate na may honor at least grumaduate tayo na taas noo. Maka graduate ka lang sa college is a great honor na! " Speech ko kay Tricia, niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko sakanya. Maya-maya lang i heared a loud cheer from the crowd. Pagkalingon ko nakita ko ang Gforce kasama sila Elisa and Paige. Ngumiti ako sa kanila at niyakap sila isa-isa. Nung matapat na ako kay Harley, nagkatitigan kaming dalawa. Ibubuka na niya sana ang bibig niya para magsalita pero hindi niya itinuloy.

" Congrats! Can we talk privately? " Taning ko sakanya.

" What for? Wala na tayong dapat pag usapan. " He said coldly.

" Please, kahit sandali lang. "

Hindi siya nagsalita pero naglakad siya patungo sa Gforce building at nakasunod naman ako sa likuran niya. Habang naglalakad kami di ko maiwasan ang mag reminisce.

Biglang nag flash back lahat ng mga memories ko dito sa school na to. Happy and sad memories. Dito ko naranasan ang mabully, ipahiya sa lahat ng tao, nagkaroon ng kaibigan na totoo, na-inlove, nasaktan at na back stabbed ng taong tinuring kong parang kapatid. Sa school na ito hindi lang naman academics ang itinuturo dito kundi dito ko rin natutunan ang tumayo sa sarili kong mga paa at ipagtanggol ang sarili without depending to other people.

Nakarating na kami sa Gforce building at pinaikot ko ang tingin ko sa kabuuan ng building na ito. Maraming mga alaala ang nakapaloob dito. Tuksuhan, asaran, sigawan at nonstop na kulitan ng mga taong bumuo ng Gforce at kasama na kami dun. Napangiti ako sa alaala na yun, baka ito narin ang huling beses na pag tuntong ko sa Gforce building kaya sinuyod ko ang loob nito. Pagkatapos kong i-tour ang loob nito hinarap ko na si Harley. Kailangan ko na siyang kausapin dahil ito na ang huling araw na makikita ko siya. Bukas na ang alis ko papuntang Australia at alam na ito nila Tricia, Paige at Elisa pero hindi pa alam ng Gforce dahil ayokong ipaalam.

" Pasensiya kana kung inistorbo pa kita, don't worry it won't take long. Gusto ko lang mag explain sayo about sa nangyari nung party ko. Alam ko ayaw mo ng pag usapan yun pero hear me out first." Hindi siya umimik pero nakatingin lang siya sa akin. Parang matutunaw na ako sa mga tingin niya pero kelangan kong lakasan ang loob ko. It's now or never.

" Yung nakita mo na hinalikan ako nung guy na yun? Hindi ko yun kagustuhan, he forced me to kiss him. Na shocked lang ako sa ginawa niya kaya di ako agad naka react that time. I never cheated on you and that was the last thing that i would do to you. I know you were hurt but i was also hurt. " Tumalikod na ako at naglakad palabas. Umaasa ako na sana hahabulin niya ako at pigilan pero hindi nangyari yun. Pumapatak ang luha ko habang nag lalakad ako palayo sa lugar na yun. Wala na, wala na talagang pag asa na magkabalikan pa kami. Siguro nga hanggang doon na lang talaga kami. At panahon nalang ang makakapagsabi kung magkikita pa kami balang araw.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at inayos ko ang sarili ko pag balik ko kina Tricia. Nagpaalam na ako sa kanila dahil kailangan ko pang mang impake ng gamit ko. Niyakap ko silang lahat ng mahigpit at ngayon palang nalulungkot na ako. Mamimiss ko silang lahat, ang mga asaran, tuksuhan at kulitan naming lahat.

Kinabukasan.. Maaga akong nagising kahit na 2am na ako nakatulog. Hindi pa nga ako nakatulog nang maayos dahil ayaw akong dalawin ng antok. Nasa ibaba na ang mga gamit ko at mamayang 10am pupunta na kami ng airport dahil 12:30pm ang flight namin papuntang Australia. Wala akong ganang kumain pero pinilit ko na lang ang sarili ko na kumain para kahit papanu may laman ang tiyan ko, 8hours pa naman ang biyahe namin at wala ng stop over.

Pagkatapos kong kumain pumunta muna ako ng garden namin at doon nagpahangin. Pumasok narin ako ng bahay at nag prepare na para sa pag alis namin. Sana sa pag alis ko maiiwan dito sa Pilipinas lahat ng mga masasamang alaala at babaunin ko ang magandang alaala, mga alaalang hindi mapapalitan ng kahit na anung materyal na bagay.

Pumunta na kami sa airport at nandun na sila Tricia, Elisa, Paige at ang Gforce maliban kay Harley. Nalungkot naman ako dahil wala siya. What will i expect? Hindi ko nga ipinaalam sa Gforce na aalis na ako today pero buti at nandito sila.

" Ang daya mo naman, aalis kana nga hindi kapa nagpapaalam sa amin. " - Jl

" Mamimiss kita Joshane, ingat ka dun ha? Wag kang mag papaapi dun. " - Tristan

." Mag hanap ka ng maraming lalake dun, maganda ka kaya wag mong sayangin ang kagandahan mo sa isang taong sinayang ang pagmamahal mo." - Of all people, kay Kelvin ko pa maririnig ang mga katagang yan. Siya na playboy at walang interes sa love. Napangiti nalang ako sakanya pero binatukan naman siya ni Peter.

" Ikaw Kelvin, kung anu-anong mga katarantaduhan ang sinasabi mo kay Joshane. Wag mong pansinin ang sinabi niya sayo. Ingat ka dun ha? Always remember, you have a bunch of friends here in Philippines, in case you need us don't hesitate to call. I'm gonna miss you! " He kissed me on my forehead, his way of saying good bye! Naluluha na ako sa mga speech nila. Kainis naman, traydor talaga ang luha ko.

" Ingat ka dun Shane, wag mo kaming kakalimutan dito. Dadalaw ka dito sa amin ha? " - Elisa

" I can't promise Elisa but i'll try. " Sabi ko sakanya.

" Take care, we'll see you again soon! " -Paige

" Love yourself and all will follow.. Take care of yourself and i'll see you there soon. " Niyakap ako ni Tricia at napaiyak ako sa sinabi niya. Niyakap ko silang lahat at nagpaalam na ako para pumasok na for check in. Nag waved ako sa kanila hanggang sa makapasok na ako at hindi ko na sila makita. Ito na ang start ng panibagong kabanata ng buhay naming lahat.

" Sometimes the memories are worth the pain. Sometimes you just have to held your head up high, blink away the tears and say goodbye..

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.