Rem Ezekiel Point Of View
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng mag vibrate. Unknown number?
Sino naman kaya ito?
I answer.
"Hello? Who's this?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Rem? Hijo! Sus maryusip mabuti sinagot mo ang tawag ko, nasaan ka ba Hijo?!" Natataranta niyang sabi.
"Manang, napatawag po kayo?" Magalang kung tanong dito.
"Pwede ka bang bumili ng gamot? Naubusan na ng stock rito eh hindi pa ako nakakapag-palili, wala rin ang driver rito dahil hinatid ang mag kapatid sa tita nila."
"Gamot? Anong gamot? Teka? Sinong iinom?"
I ask.
"Gamot para sa lagnat Hijo! Paracetamol si Sam kasi eh inaapoy ng lagnat. Ngayon ko lang napansin ng dinalhan ko ng almusal sa kwarto,"
Shit! Kaya ba siya namumula kanina at arang hinang-hina? Damn you Rem!
"Bakit? Ano pong nangyari? Bakit siya nilagnat? S-sige, babalik ako'"
"Kagabi kasi umuwi aya ng basang-basa at umiiyak. Hindi siya nasundi ng driver kasi nasa maintenance ang sasakyan. Ewan ko ba kong anong nangyari,dapat alam mo iyon dahil kayo ang magkasama sa paaralan."
"Shit! S-sige Manang bibili na ako, babalik ako d'yan."
"S-salamat Hijo."
''Bantayan niyo po siya habang wala pa ako," I said and I end up the call.
Dali-dali kong binalik ang sasakyan ko at bumili ako ng gamot sa pharmacy.
Papunta na rin ako sa bahay nila. Pinagtabuyan niya ako kanina imbes na sabihin nyang alagaan ko siya.
Bakit hindi niya sinabi sa akin na may sakit siya? At putangina sino naman ang may lakas ng loob na gawin iyon sa asawa ko?
Si Bianca? Fuck.
Tama si Rev hindi pala-away si Gab, gago ka Rem, hindi mo kina-usap ng maayos si Gab.
I must blame myself! Damn it! I drive so fast towards her house! Nang makarating ako dali-dali kong kinatok ang main door maya-maya binuksan na ni Manang.
"Hijo? Buti naman at nandito ka na."
"Si Gab po?"
"Nasa kwarto niya, natutulog pinakain ko na siya. Nga pala wala ka bang gagawin ngayon? Nasaan na ang gamot?"
Kung sa gagawin, meron. Madami, pero uunahin ko Gab.
"W-wala po."
"Kung ganu'n samahan mo muna siya rito. Bibili lang ako grocery. Kung ayos lang sayo, naka day off kasi ang mga kasambahay."
"Oo naman po ako ng bahala sa kaniya,"
"Ipainom mo na lang sa kaniya ang gamot pa nagising na siya."
"Opo."
"Oh siya aalis na ko, babalik rin ako kaagad para magawan siya ng pagkain."
"Ingat po."
Sagot ko at dinala ko na ang tray na may lamang tubig sa kwarto niya.
Nilapag ko sa bed side table ang tray na dala ko pati na rin ang medicine.
Umupo ako sa edges ng kama niya at hinawakan ko ang kamay niya. Ang init niya, shit. Tiningnan ko ang mukha niya pulang-pula talaga. Ganito pala siya kapag nilalagnat namumula na parang may allergy.
I promise to her family that I'll protect her but I am fucking idiot. Damn it! Wala akong nagawa para protektahan siya. This is all my fault. Imbes na kamustahin ko siya, sinigawan ko pa siya kanina, hindi ko inalam ang nararamdaman niya.
'Iyan ba ang pinunta mo rito?'
'Kung 'yon lang ang pinunta mo rito, sa ibang araw na lang natin pag usapan'
Her words flash on my mind. She look so weak earlier but I don't mind it, damn! I'll stay with her even she will push me away when she wake up. This is all my fault, I need to take good care of her.
10 minutes...
20 minutes..
Nakatingin lang ako sa mukha niya ng dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. No'ng una nagulat siya pero napalitan rin kaagad ng malungkot na reaction. Ismile on her pero tiningnan niya lang ako ng tingin na malamig pa sa yelo, nagbaba siya ng tingin sa kamay naming dalawa at binawi niya ang kamay niya na hawak ko pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?"
May bahid ng inis na tanong noya sa akin ngunit mahina lang.
"Kamusta? Anong nararamdam mo? May masakit ba sayo? Bakit—"
"Now, acting like a concern Husband. Kanina lang nag aapoy ka sa galit sa akin, just please, leave me alone. Umalis ka na. Hindi ikaw ang kailangan ko."
Shit! Napalunok ako ng marinig ko ang sinabi niya na para bang binaril ako ng hindi ko namamalayan, ang sakit.
Bakit? Si Lieven ba ang gusto niyang mag bantay sa kaniya? Doon niya ba gustong magpa-alaga kaya hindi nya ko kilangan? Humingga ako ng malalim sa iisipin na hindi ito ang panahon para pairalin ko ang selos ko.
"A-anong gusto mong kainin?"
Nasasaktan ako dahil alam kong nasaktan ko siya.
"Are you hungry? Ay teka!"
Tumayo ako at kinuha ko ang gamot sa tray umupo ulit ako sa tabi niya.
"Inomin ka na muna ng gamot para bumaba 'yang lagnat mo." Inabot ko sa kaniya ang paracetamol at water pero tiningnan niya lang.
Tinulugan ko siyang nakasandal sa headboard.
"Kaya ko. Umaliska na, kaya ko ang sarili ko." Pagka-sabi niya no'n inalis niya ang kumot niya at tumayo no'ng una matutumba siya pero nakatukod siya sa kama. Fuck.
"S-shit. Saan ka ba pupunta? Teka ayos ka lang ba? Tulungan na kita," Lumapit ako para alalayan siya.
"Bitawan mo ako!—MANANG! MANANG!" Tinawag niya si Manang habang nag lalakad.
"Wala si Manang may bibilhin daw siyang lulutuin para sayo,"
Hinawakan ko siya sa braso para alalayan.
"ARAY!" Tinabig niya ang kamay ko.
Hinawakan ko lang naman siya pero bakit parang nasaktan siya? Kaagad kong binawi ang kamay ko at lumapit ako sa kaniya para tiningnan ko ang braso niya nong una iniiwas niya sa akin pero hinila ko siya palapit sa akin.
Fuck. Bakit meron siyang pasa?
"Anong nanyari dito?" Tiningnan ko siya sa mata pero itinulak niya ako papalayo sa kaniya at inayos ang pag sleeve ng shirt niya na parang tinatakpan ito.
"Wala kang pakialam."
"Sinong may gawa niyan?"
"Bakit ka interesado? Bakit dadagdagan mo ba 'tng pasa ko? Sige! Dito sa kabila, para pares. Para may room akong mag asawang pasa," Nilapit niya ang isa niyang braso sa akin. As if kaya ko siyang saktan.
"Gab. I will never do that, Even if you say so."
Totoo naman. Hindi ko siya kayang saktan o pag buhatan ng kamay! Kahit sabihin pa niya. Hangang sigaw lang naman ang kaya kong gawin sa kaniya pero nasasaktan na ako ng sobra.
"Umalis ka na sabi e... Umalis ka na kanina di 'ba? Bakit bumalik ka pa? Ano may nakalimutan ka pang sabihin? Sabihin mo na please para hindi ka na pabalik-balik,"
"Hindi ko sasabihin hangat hindi ka umiinom ng gamot, wag ng matigas ang ulo. Kahit galit ka sa akin pagbigyan mo na ako, uminom ka ng gamot."
"Gagawin ko iyon para sa sarili ko, hindi para sayo."
"No. Drink it first before I leave."
Samantha Gabrielle Point Of View
"No. Drink it first before I leave."
Kanina wala man lang siyang emotions ng titingnan niya ko tapos ngayon concerned na concern? Paano niya nalaman na may sakit ako? Ni-hindi ko siya sinabihan.
Kinuha ko ang binigay niyang gamot at ininom ito para makaalis na rin siya.
May part sa akin na gusto ko siyang nandito pero may room rin ayaw ko siyang makita. Galit ako sa kaniya na parang nagtatampo o selos ba ang tawag dito?
Mas kinakampihan niya si Bianca kaysa sa akin at galit siya sa akin nang dahil sa babaeng 'yon. Ewan ko ba kung bakit galit na galit siya wala naman akong ginawang masama! Ang naalala ko sila Bianca ang nanakit sa akin pero bakit parang ako 'yong naging masama?
"Oh! Tapos na. Umalis ka na." Sabi ng ibalik ko sa kaniya ang glass of water.
Kanina pa ganiyan ang itsura niya para siyang nasasaktan? Bakit naman?
"No. I won't leave. Aalis ako kapag magaling ka na."
MANANG!! Nasaan ka na? Bumalik ako sa kama dahil nahihilo ako at nilalamig ako.
Inayos nya ang pagkakakumot ko.
"Kapag nagugutom ka sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mo."
"Umalis ka na. Kaya ko ang sarili ko."
"Let me take care of you." Mabilis niyang sabi ngunit bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Ganito pala siya? Iyong alaga niya na nang iinis pa lalo. Wow! Nakaka touch ang alaga ng isang REM EZEKIEL CLOUD MENDOZA.
Nagkatinginan kami.
"Ezekiel. Alam mo bang ang saya ko ng marinig ko 'yong boses mo sa labas ng pinto ko kanina. Kahit papano nabawasan ang nararamdaman ko kasi nandiyan ka. Pero mas lalong nakakagaan ng loob 'yong mag salita ka. Galit na galit sinisigawan ako. Sobra talagang nakagaan ng loob." Nginitian ko siya. I know it's a weak smiled at alam kong sarcasm ako.
"Noong una akala ko pumunta ka dahil gusto mo akong makita 'yon pala para kay Bianca. But I understand! Alam ko naman na sa aming dalawa mas kakampihan mo talaga siya. Na sa aming dalawa mas matimbang siya kaysa sa akin sayo. Pero ayos lang naman sa akin, naiintindihan ko, nararamdaman ko, pero may part sa akin na galit na galit sayo. Alam mo kong bakit? Dahil hindi mo muna ako tinatanong kong anong nangyari? Hindi mo hinayaang magpaliwanag ako. Iyong pakinggan rin ang side ko. Tapos na isip ko na asawang-asawa ang dating mo sa kaniya. Alam mo yong masakit? Iyong feeling na asawa mo ako pero mas asawa 'yong datingan mo sa ex mo," I sarcastically said.
Hindi ko na mapigilan ang luha ko tumagilid ako patalikod sa kaniya para hindi niya na ako makita na umiyak pero naramdaman ko na naupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ko sa shoulder ko pero hindi ko siya pinansin.
"Shh... Stop cryin'. I'm sorry." He whispered.
"N-no! Ako pa nga ang mag s-dorry sa inyo di 'ba? Kakasabi mo pa lang kanina nakalimutan mo?" Tiningnan ko siya nakatingin lang siya sa akin.
"No! No. H-hindi nadala lang ako ng galit ko. Hindi ako galit sayo sa—" I cut him off
"—Ngayon naman binabawi mo na ta—" Pinutol niya rin ang iba ko pang sasabihin.
"Shh... Let me explain. Listen. Gab hindi naman talaga ako galit sayo. Galit ako sa ginawa mo. I shouted cause I don't know why you do that! Ang totoo pupunta ako dito cause I miss you. Ilang araw na tayong hindi nag kakasama. Pero nakasalubong ko si Bianca sa elevator tapos ayon. Sorry... I'm sorry. Hindi ko na ulit papairalin ang galit ko, I admit, it's my fault. Ang gago ko sa part na pinaramdam ko sayo ang ganito, inaamin ko nagkamali ako. Please forgive me?" I can see that he was sincere, he beg on me.
"M-mag papahingga na ako." Pag-iiba ko ng usapan at tinalikuran ko siya niyakap ko na si Clouddy bear at ginawang baby.
Parang ang daling kalimutan ang ang sinabi niya para kaagad ko rin siyang mapatawad? Pinagbantaan niya ako dahil sa babaeng 'yon to the point na siya pa ang magtatangol sa babaeng 'yon.
I wipe my tears before I close my eyes. Nakakadagdag pa ng sakit ng ulo itong pag iyak ko. Humingga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.
Bakit hindi pa siya umaalis? I bitterly smile when I feel he left my bed.
Wag kang umalis please! Sigaw ng isip ko.
Naramdaman kong inayos ang kumot ko at nararamdaman ko na nahiga siya sa tabi ko, nahigit ko ang hiningga ko ng maramdaman kong niyakap niya ko mula sa likod.
Akala ko inayos niya kumot ko iyon pala nagkumot rin siya.
Ipinatong niya sa kamay ko ang kamay niya sa pagkakayakap ko kay Clouddy
Nararamdaman ko ang kaniyang hiningga sa aking batok.
"Rest and sleep well, my wife. I hope you feel better... I won't leave you, again. I'm sorry," He whispered.