Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 10

Marco's Pov:

Im Agent Marco Perez, kung si Agent Nathalia Gomez ay nasa Rain Corporation , ako naman ay nagtatrabaho sa Web Corporation, magkatunggali ang dalawang korporasyon na kinabibilangan namen at dahil sagabal si Nathalia sa mga plano ng korporasyon namen ay inatasan nila ako para patayin sya, Yes, Nathalia is my target, nalaman ko kasing target nya ang pinsan ko kaya nagpanggap akong pinoprotektahan ko si Nathaniel laban sa kanya, pero sa di maipaliwanag na dahilan , hindi ko magawang  patayin si Nathalia... naaakit ako sa kagandahan nya.. hindi ko malabanan ang tukso sa tuwing malapit sya saken.. lalo na ng makita ko syang sumayaw sa Bar, at nagpanggap na bayaran para sa misyon nya, wala syang inuurungan, masyado syang matapang.

ngayon ay pinagmamasdan ko sya mula sa malayo .. pinapanuod ko sya kung paano nya gawin ang trabaho nya ng buong husay , kumuha sya ng tubig sa studio at nilagay sa maliit na bote , anung meron sa tubig ng studio at bakit sya kumuha ng sample nun?

nasa parking lot na sya ngayon at sumakay sa kotse nya , sigurado akong pupunta sya ngayon sa Rain Corporation kaya sinundan ko ang kotse nya .

Nathalia's Pov:

Kanina pa'y nararamdaman ko nang may nakamasid saken, at nararamdaman ko lang ang pakiramdam na iyon sa tuwing makikita ko si Marco, alam kong sinusundan nya ang kotse ko, hindi nya pwedeng malaman ang hide-out ng Rain Corporation kaya lumiko ako sa ibang direksyon at pinark ko sa gilid ang kotse ko at bumaba, pagbaba ko ng kotse ko ay nakababa na rin sya

"ano ba talagang kaylangan mo?"

"wala lang ahm.. sya nga pala.. alam ko na kung nasaan ang mga target mo, sila mismong mga staff sa studio, napag aralan ko na yan bago mo pa mapag aralan "

"bat ka ba nakekeelam? bakit mo ko tinutulungan ? hindi bat magkalaban ang korporasyon na kinabibilangan naten? wag mong sabihing ginagawa mo to para makuha ang simpatya ko Marco"

"my intentions are pure Nathalia.. gusto ko lang tumulong"

"hindi ko kaylangan ng tulong mo , kaya kong gawin to mag isa, nasa teritoryo ka na ng Rain Corporation, meron kang dalawang minuto para lisanin ang lugar na ito dahil pag hindi mo nagawa, hindi ka na makakalabas ng buhay" 

napa atras sya at dali daling sumakay sa kotse nya, Yes he hit the boundary line, sigurado akong patay sya pag hindi nya pa nagawang makalabas, pero ano nga bang pakeelam ko sa kanya? pag oras na nya , oras na nya at wala na kong magagawa dun .

--Rain Corporation

"Nathalia ! nakita ko yun ah , sino yun?"

sabi ni Agent Sam saken habang papasok ako ng pintuan

"wala, isang sagabal lang naman"

"sagabal ? talaga? dapat pinatay mo na"

"No, Sam he's valuable, kaylangan ko pa sya kaya hindi ko pa sya pinapatay"

"Agent Nathalia Gomez, please come to General, He wants to talk to you"

sabi ni Agent Petulla

"Okay"

pagpasok ko ay mukhang galit si General

"im so dissapointed Nathalia, bakit ka nagdala ng kalaban dito?!"

"General, i can explain, remember my target, Nathaniel Perez? , its his cousin , Agent Marco Perez, binabantayan nya ko dahil sa pinsan nya, kaya kaylangan kong mag ingat, papatayin nya ko pag pinatay ko si Nathaniel"

"so there's another Agent who are involved?"

"Yes, Sir"

"hmm.. kung ganon isentro mo ang trabaho mo sa kanya, bago kay Nathaniel Perez, alam kong may ibang motibo yan sayo kaya sinusundan ka nya"

"sige po sir, by the way can i use the lab? meron akong dalang ebidensya galing sa studio at kaylangan kong malaman kung anong meron sa tubig na yun"

"sure, go ahead"

pumasok na ko sa Laboratory at sinuri ang tubig at nagulat ako sa results, ang tubig ay may halong kemikal, paparalisahin nito ang katawan, pagkatapos mamamanhid at manginginig hanggang sa bumula ang bibig , tinignan ko ulit ang mga pictures sa crime scene , hmm.. kung yan ang ginagamit nila para pumatay, yan din ang gagamitin ko para patayin sila .

--Recording Studio

binilisan ko ang pagpunta sa Studio pero huli na ko , wala na kong makitang co-singer ko , nasan sila? narinig ko ang ingay sa taas , sa kabilang studio , kaya nagdahan dahan ako sa pag akyat at kinuha ang baril ko, natunugan nila ko, alam na nilang may spy agent na nakapasok sa Studio at ginawa nilang hostage ang mga singers para sumuko ako sa kanila

"oh, tamang tama ang dating mo Agent Nathalia Gomez"

"asan sila?! san nyo dinala ang mga co singers ko?!!"

"bakit hindi mo hanapin? sa mga oras na to nakagapos sila sa ibat ibang parte ng studio at sya nga pala meron ka nalang sampung minuto para hanapin sila dahil sasabog ang lugar na ito , nagtanim kame ng mga bomba sa area kung saan sila nakagapos, so goodluck with that Agent Nathalia, isa itong paghamon"

tumakbo na ko at sinubukang maghanap kung saan pero wala akong mahanap hanggang sa nakita ko nanaman si Agent Marco Perez

"Nathalia! thank God, youre okay!"

niyakap nya ko pero nagpumiglas ako

"Marco, paraanin mo ko may hinahanap ako!! "

"Nathalia, okay na wala na sila dito , ligtas na sila , kaylangan na nating umalis dito!"

"ano? teka , ano? hindi pa ko aalis dito kaylangan ko silang patayin!"

pagkasabi ko nun ay may biglang nagpa ulan ng bala at tumakbo kame pareho

pinaputukan ko rin sila at dahil sharp shooter ako nabaril ko sila sa ulo isa isa

"Nathalia! tama na! patay na sila lahat!"

tinulak ko sya

"umalis ka nga dito!! naiinis ako sayo! nakaka asar ka! alis !"

pinupukpok ko na sya ng baril sa balikat pero ayaw nya pa rin umalis

"Nathalia! tama na! aray! masakit yan!"

kakahampas ko sa kanya ng baril ay hindi ko namalayang umiiyak na pala ako

"bakit ka ba kase nakekeelam ha?!! pwede ba Marco! layuan mo nalang ako at hayaan mo kong gawin mag isa ang trabaho ko!!"

"hindi ako pwedeng lumayo sayo Nathalia.."

"anong sinasabi mo?.."

dahan dahan nyang kinuha ang baril nya at tinutok malapit sa dib dib ko kung saan nasa parteng yun ang puso ko

"hindi ako pwedeng lumayo sayo dahil ikaw ang target ko Nathalia.."

"ano?.."

"naisip ng Web Corporation na masyado ka nang nagiging sagabal sa mga plano nila kaya inatasan nila ko para patayin ka.. pero dahil mahina ako Nathalia.. hindi ko magawa, hindi ko kaya dahil mahal kita.."

"oh sige .. bigyan mo muna ko ng ilang araw para patayin si Nathaniel... at pagkatapos.. patayin mo na ko.."

niyakap nya ko ng mahigpit

"Hindi Nathalia.. handa akong talikuran ang pagiging spy agent ko wag ka lang mamatay.."

"hindi ko alam.. im sorry Marco.. wala kong alam.."

"alam mo naman siguro ang patakaran sa bawat korporasyon na kinabibilangan naten diba?.. na kapag hindi mo nagawa ang misyon mo ay papatayin ka nila.. kaya magtatago nalang ako, magpapakalayu layo nalang ako.."

"Marco .. hindi kaya ng kunsensya, patayin mo nalang ako!"

"Hindi ko kaya Nathalia.. kaya lalayo nalang ako.."

tumalikod sya saken at pinunasan ang sariling luha

"Marco.."

napaluhod ako sa sahig at nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko , pagtingin ko ay si Sam pala iyon

"halika na.. tapos na ang trabaho mo dito.. "

itinayo ako ni Sam at pinagmasdan si Marco habang naglalakad palayo saken .

Marco's Pov:

Lalayuan ko na sya kahit masakit saken pero hindi ibig sabihin nun hindi ko na sya babantayan, i always wanted to protect her... kaya babantayan ko pa rin ang bawat kilos nya kahit saan sya magpunta... wala naman akong pakeelam kung mapatay nya ang pinsan ko eh.. sa ganung paraan mas madali kong makukuha si Nathalia , hindi ako makasarili, im just in love and i dont like sharing.

papunta na ko ngayon sa bahay ni Nathaniel para ibigay yung pinagawa nyang background check ni Nathalia , totoong files ang binigay ko at nag iwan din ako ng note nang sa gayon ay maproteksyunan nya ang sarili nya laban kay Nathalia , ang hinihintay ko nalang ay kung anong susunod na mangyayare.. may tiwala ako sa kanilang dalawa kaya alam kong hindi nila magagawang patayin ang isat isa

Oo. pinaglalaruan ko silang dalawa pero wala akong pakeelam.. kahit magpatayan pa sila sa harap ko , kung ang mga magulang ko nga ay nakita kong namatay sa harap ko eh sila pa kaya?.. Yes, i live in darkness for so many years.. but when Nathalia came, she bring back the light on me but i know that her heart belongs to Nathaniel only.. that's why im leaving her today and just hide as much as i can.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.