Nathaniel's Pov:
Nasa Agency ako ngayon para pumirma ng bagong kontrata para sa movie na sisimulan na naming i shoot sa isang buwan..
kakagaling ko lang galing sa aksidente pero trabaho nanaman.. hay.. ganun talaga.. buhay showbiz.. napakahirap pero kaylangan
sinuot ko ang shades ko pero may isang babaeng naka itim na dress na naglalakad sa lobby.. papunta sya sa recording studio..
hmm.. sino kaya sya?.. bagong singer nanaman?.. hindi ba sya natatakot?... maraming namamatay na singer ngayon at pinagpe pyestahan ng media ang balitang iyon dahil patuloy pa ring nag iimbistiga ang mga detective sa pagpatay na nagaganap pero hindi nila ito matukoy sa hindi maipaliwanag na dahilan , hinubad ko ulit ang shades ko at sinubukan ko syang sundan.. litaw na litaw ang kaputian nya sa itim nyang dress mahaba at kulot din ang malambot nyang buhok.. she look like Nathalia..
"ah-- hijo! Nathaniel! hindi dyan ang pirmahan ng kontrata! dito! dali halika na! hinihintay na tayo ng mga tao doon at press people!!"
sabi ni Mrs. Lauchengco habang hinihila ang braso ko papunta sa kabilang conference room..
i wanted to meet her... makakapaghintay naman siguro..
Nathalia's Pov:
Nandito ako ngayon sa agency na pinagtatrabahuhan ni Nathaniel.. pero this time.. hindi sa kanya nakasentro ang atensyon ko.. meron akong isang kasong iimbistigahan... sinong mag aakala na sa likod ng Agency na ito ay may mga patayang nagaganap.. at ang main target.. mga inosenteng singers at pop stars.. well model and actor si Nathaniel kaya masuwerte sya at hindi mainit ang mga mata ng mga killer sa kanya... kaya hindi ko na sya kaylangang bantayan..
mga hired killer na pumapatay ng walang pahintulot ng Gobyerno o ng kahit anong Korporasyon.. sila ang target ko..
at dahil hirap ang mga pulis na hulihin ang mga ito , ipinaubaya na nila saken ang trabaho , idadaan nila sa dahas dahil dahas din ang ginagamit ng mga killers na 'to marami-raming pulis na rin ang napatay nila .
naglalakad ako sa lobby nang makita ko si Nathaniel kaya binilisan ko ang lakad , naka shades sya pero tinanggal nya? bakit? namukhaan nya nanaman ba ko?.. papunta na ko ng recording studio, nang mapansin kong sinusundan nya ko.. hm.. ano bang problema netong mokong na to? bakit ako sinusundan neto?!
this time magpapanggap akong isang mayamang recording artist kaya hindi problema ang pagpasok ko dito .
"oh hi, Ms. France Javier ! are you ready?.. pwede na tayong mag start ng recording ngayon.."
sabi saken ng nag a assist ng recording studio , and as usual iniba ko nanaman ang pangalan ko... nakakahalata na kase yung iba .. mahirap na baka mabuko pa..
binigay nila saken yung lyrics ng kantang kakantahin ko .. Hmm... Tadhana by Up Dharma Down? alam ko kung pano sya kantahin... Pero parang nakalimutan ko na yata eh highschool pa ko neto nung nauso tong kanta nato pero maganda sya, pinakinggan ko muna bago ko kantahin, gagawa kami ng song cover ..
~ Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo~ may minsan lang na nagdugtong damang dama na ang ugong nito~ di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sayo? Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta~
Nathaniel's Pov:
Habang nag pe presscon. kami ay umalingaw ngaw ang isang kanta na nanggagaling sa recording studio pero mahina lang... its really hard to concentrate.. that girl is really something ang ganda ng boses nya.. hindi ko alam kung sinong pakikinggan ko.. yung nagsasalita dito sa presscon. o yung babaeng kumakanta sa recording studio. she's really driving me crazy... gusto akong dalhin ng boses sa kinaroroonan nya..
~ bat di pa patulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilagat kanluran ikaw ng hantungan at bilang kanlungan mo~ ako ang sasagip sayo~
"Ahm.. excuse me can i -- Ahm.. just a second okay? .."
hindi ko na sila hinintay na palabasin ako dahil tumayo na ko kaagad at dumere derecho sa pinto,napirmahan ko naman na yung kontrata eh okay na yun
pagpunta ko sa recording studio ay sumilip ako doon at pumasok.. nilapitan ko yung DJ
"Ahm.."
"oh sir Nathan Perez right? "
"ah yes! "
"what brings you here? what can i do for you? ..."
"Ahm.. can i know the name of your new singer? .. I'm just kinda.. interested.. "
"ah she is Ms. France Javier.. "
"i thought it was Nathalia.. "
bulong ko sa sarili ko
"what sir? "
"ah nothing nevermind.. can you introduce me to her later? .."
"sure.. "
hmm... France Javier .. nice name.. beautiful as her voice
~ bat di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya nalang ba to sa hangin? Wag mo ikatakot ang bulong ng damdamin
pagkatapos kumanta ni France any lumabas na sya sa loob ng recording room at humarap samen
"Ahm.. Ms. France .. i want you to meet Mr. Nathaniel Perez.. he's an award winning actor and a model.. "
nagulat ako dahil pag angat nya ng mukha nya ay si Nathalia ang nakita ko..
"nice to meet you Mr. Nathaniel Perez.. "
kumunot ang noo ko pero nabasa ko naman sa mga mata nya na sumang ayon nalang ako
"Ah.. its- its a pleasure to meet you to Ms. France .."
makikipagkamay sana sya saken pero inunahan ko na sya, kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ng marahan na syang kinagulat nya.. haha xD ayan na naaasar nanaman sya saken yari ako neto mamaya.. xD
"Ahm.. can i invite you to a dinner? .. its almost 8 .."
"sure.. "
"okay that's all for today Ms. France .. you can go and have dinner with Mr. Nathan.. hmm.. cute couple.. goodluck to your date! "
"hey this is not a date.. Martin"
sabi ni Nathalia sa kanya na halatang naiinis na nga habang ako ay tatawa tawa lang sa gilid
pagkalabas namin ng Agency ay inapakan nya ko sa paa
"aray! Nathalia naman.. ang Sakit.. inaano ba kita dyan?!"
"ang lakas ng trip mo eh! may pakiss kiss ka pa! "
"bakit ba France? haha! ang bilis mo naman magpalit ng pangalan , ganyan na ba talaga kalaki ang galit mo saken Nathalia? .. na pati sarili mo gusto mong kalimutan? ... alam mo.. kahit saan ka magpunta hahanap at hahanap pa rin ako ng paraaan para makasama ka"
"pwede ba! wala kang alam! kaya tumahimik ka dyan at hayaan mo nalang ako! "
paalis na sya ng bigla ko syang binuhat
"argh! ano ba! Nathaniel! bitiwan mo ko! ibaba mo nga ko! ano ba! "
"ayoko nga sabi ko mag di dinner tayo diba? .. kaya sasama ka saken mag da date tayo"
sinakay ko sya sa kotse ko
"ayoko nga sabing sumama! uuwi na ko! ano ba! "
pinipilit nyang buksan yung pinto ng kotse but nalang may posas ako dito sa kotse ko
"amin na yang kamay mo! "
hinawakan ko yung dalawang kamay nya at pinosas ko yun
"ano ba! sobra ka na ah! pakawalan mo na ko ditto gusto ko nang umuwi! "
"hinde.. sabi mo kanina sure eh.. diba pumayag ka? kaya wala nang ayawan "
"bwiset ka talaga! hmmpp! pag ako nakawala dito humanda ka saken! "
"ang ingay mo! "
kinuha ko yung packing tape ko at nilagay ko sa bibig nya
"ayan.. hindi ako makakapagconcentrate sa daan pag maingay ka eh baka mabangga nanaman ako"
Nathalia's Pov:
"ayan.. hindi ako makakapagconcentrate sa daan pag maingay ka eh baka mabangga nanaman ako bago pa naman tong kotse ko"
argh! kainis talaga tong Nathaniel na to! pinosas na nga yung kamay ko binusalan pa yung bibig ko! hindi tuloy ako makapagsalita! adik ba sya?! eh ako nga nagtanggal ng break ng sasakyan nya eh! tss! mukha tuloy akong ni rape na nakidnap! gulo gulo pa buhok ko bwiset talaga to!
habang nagda drive sya ay tinignan nya ko saglit
"ang ganda mo talaga kahit gulo gulo na yang buhok mo"
ngumiti sya saken at tumingin na ulit sa kalsada
pinark nya yung kotse nya sa silo kaya walang masyadong nakakakita samen
tinanggal nya na yung packing tape sa bibig ko at patients yung posas sa kamay ko
"ang Sakit ng kamay ko! ikaw kasi eh! bwiset ka! "
"sorry na babes.. ikaw naman kasi nagmamatigas ka eh.. Tara na.. "
pumasok na kami ng restaurant at kapansin pansin ang magandang ambiance dito kaya nakakawala ng stress
Napa kain tuloy ako sa sobrang sarap ng mga pagkain nila dito kahit ayokong kumain..
"Nathalia.. "
"oh? .."
"naiinis ka pa ba saken? "
"wag mo kong istorbohin kumakain ako! "
yun lang at nagpatuloy na rin sya sa pagkain , ayoko na leasing makipag argue sa kanya at isa pa gutom talaga ko ..
pagkatapos naming kumain ay dumerecho na ulit kami sa bago nyang kotse hmm.. nakita ko yung tatak, ford
"san ka ba umuuwi? .. ihahatid na kita.. "
"wag na.. mahirap na baka makita pa tayo ng mga paparazzi, baka pagpyestahan ka nanaman ng media and besides.. damay ako pag nangyare yun.. "
"look Nathalia, why your so cold to me? .. forget about the past.. magsimula tayo ulit.."
biglang tumulo ang luha ko kaya napayuko ako para hindi nya makita
"i can't .."
"bakit? .. ha? .. bakit? .. anong problema? sabihin mo saken.. "
"I'm sorry Nathaniel.. i have to go.. "
tinanggal ko na ang seatbelt ko at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse pero pinigilan nya ko at biglang may nakita kaming mga kumikislap na ilaw sa paligid.. cameras, paparazzi's, press people nasa aming lahat ang atensyon ng mga tao at pilit kaming kinukunan ng picture kaya tinatakpan ko ang mukha ko habang si Nathaniel naman ay pilit silang pinapaalis .
"sabi ko na nga kasi sayo eh! tignan mo! ayan na! "
naiinis kong sabi Kay Nathaniel, pina andar nya ang kotse para maka alis na kami sa lugar na iyon.
"sa nangyare kanina sa tingin ko hindi mo na kayang umuwi mag isa kaya ihahatid na kita"
naghanap ako ng papel at ballpen sa paligid at sinulat ang address ng bahay ko pagkasulat ay inabot ko na sa kanya yung papel
"okay.. "
tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating na kami sa bahay
"ahm.. dito na ba? .."
"oo salamat"
"ahm ..teka hindi mo ba ko papapasukin man lang?"
"hindi. bakit? sino ka ba sa akala mo? hindi ka welcome dito "
"sabi ko nga eh aalis na ko"
"buti naman! tss! "
pagpasok ko sa bahay ay naabutan kong natutulog na sa sofa ang kapatid ko.. hay.. ayoko nang nakikita syang ganyan... hindi ko na sya naaalagaan dahil sa trabaho ko napakawalang kwenta ko talagang kapatid..
tatawagan ko si Daddy
*hello?.. Gomez's Hotel & Restaurant may i help you? ..*
*ah.. can i talk to Mr. Gomez, this is Nathalia , his daughter*
*oh Ms. Nathalia.. wait a sec. i just gonna call Mr. Gomez may business meeting kase sya eh.. wait lang po ah..*
*okay.. *
nagtataka ba kayo kung bakit malayo kami ni Ace sa Daddy namen?.. well he wants us to be independent... that's all pero sa tingin ko hindi yun ang tunay na dahilan eh.. its like.. he abandoned us.. since Mom passed away..
*Yes hello? Nathalia? kamusta na ang unica hija ko? ..*
*okay lang po Dad.. eto laging pagod sa trabaho.. ahm..may hihingin sana kong pabor.. *
*pabor? sige ano ba yun? *
*ahm .. pakikuha nalang po dito sa bahay ko si Ace.. siguro po mas makabubuti kung dyan nalang sya sa inyo.. hindi ko po kase sya maalagaan dito sa bahay dahil sa trabaho ko eh.. *
*ah ganun ba.. sige.. iimpake mo na yung gamit nya ipapasundo ko sya dyan bukas na bukas din *
*sige po salamat po Dad*
pagka off ko ng phone ay nakita ko si Ace na nakatingin lang saken kaya huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay nya
"sorry Ace.. "
"ayaw mo na ba kong makasama ate? .. bakit pinapatira mo ko Kay Daddy? .."
"hindi naman sa ganon Ace.. alam mo .. kung gaano kadelikado yung trabaho ko.. anomang oras pwede akong patayin ng mga taong gustong gumanti saken.. ayoko lang na pati ikaw mapahamak nang dahil saken.. "
"sige.. naiintindihan ko na ate.. pasensya na.. iimpake ko na yung mga gamit ko.."
"I'm really really sorry Ace.. eto ganito nalang.. "
binigay ko sa kanya yung wristwatch ko na high tech
"pag kaylangan mo ko o kaya pag na mi miss mo ko pwede tayong mag usual dito.. mamaya bibigay ko sayo yung manual kung pano gamitin yan"
napangiti sya
"wow cool! hindi na ate! alam ko to gamitin noh! pinakeelaman ko kaya to nung tulog ka! haha! "
"bwiset ka talaga! sige sayo na yan! "
"thankyou ate ah! the best ka talaga! ang ganda oh! astigin! "
"Oo na! basta ingatan mo yan ah! "
"Oo naman ate bigay mo to eh! "
tss.. ang babaw talaga ng kaligayahan netong kapatid ko -_-
Nathaniel's Pov :
Umuwi ako sa bahay ko na gulong gulo ang isip.. masyado na kong naguguluhan kay Nathalia.. napahiga ako sa kama ko at naihilamos ang kamay ko sa mukha ko..
san ko ba sya unang nakita?.. hindi ko na masyadong matandaan.. sa gathering hindi ba?.. tapos.. sa Bar.. tapos ngayon sa studio.. at kung dun sya nakatira ngayon sa magarang bahay na yun.. bakit nya naisipang magtrabaho bilang bayaran sa Bar?.. at ngayon.. gusto nyang mag singer?... ano bang nangyayare?.. pero diba simula nang magtagpo ulit ang mga landas namin ay palagi na kong napapahamak at parang may nagtatangka sa buhay ko?.. posible kayang may kinalaman sya sa mga nangyayare saken nung mga nakaraang araw?.. pero imposible yun..
tinawagan ko ang pinsan kong si Marco,
*hello?*
*hello, Marco?*
*baket?*
*asan ka?*
*nandito sa Corporation, may binabackground check, baket?*
*ahm.. pwede ba kong humingi ng pabor*
*sige ano yun ?*
*may gusto rin sana kong ipa-background check sayo*
*sige anong pangalan?*
*Nathalia Gomez*
*sige idadaan ko sayo pag natapos ko na medyo matagal na proseso iyon kaya baka abutin ng isang buwan*
*sige okay lang , mahihintay ko naman eh*
*okay bye*
*sige bye salamat*
isang buwan? background check lang isang buwan? ganun katagal?..
--KINABUKASAN
"ahm.. Yes.. paki-deliver nalang tong mga bulaklak dito sa adress na to.. kay Ms. Nathalia Gomez .. salamat.."
sabi ko dun sa delivery boy at umalis na iyon.. siguro naman mababawasan ang galit nya saken kung makakatanggap sya ng bulaklak galing saken.. tutal naman gawain ko naman talaga yun dati pa nung mga bata kami eh.. madalas akong pumupunta sa kanila na may dala dalang bulakklak kahit pinitas ko lang sa garden namen..
pagbalik ko sa bahay ay nakita ko si Mrs. Lauchengco na nakatayo sa pintuan at nakapamewang , lumapit ako sa kanya at hinampas nya nanaman ako ng dyaryo sa ulo
"ano nanaman to ha? Nathaniel?! sino nanaman tong babaeng to na pinasakay mo pa sa kotse mo?!"
"wala yan! pwede ba! wag naman nilang pakeelaman ang personal na buhay ko!"
"hay nako! sige na ako na bahala dito! magbihis ka na! at mag i istart na raw ang shooting!"
hindi ko nalang sya pinansin kase iritang irita na ko .
Nathalia's POV:
"ano? .. nagawa mo na ba yung pinapagawa ko Agent Mae? .."
"ah Oo Agent Nathalia, eto na yung mga nakuha kong information tungkol sa studio nyo "
"sige salamat "
pagkatapos nun ay umalis na si Agent Mae.