Nathaniel's Pov:
Pagkagising ko ay nasa ospital na ko..
"Oh, gising ka na pala"
Nakita ko si Mrs. Lauchengco na nagbabalat ng mansanas
"Ahm.. Mrs. Lauchengco.. Buti naman po at ligtas kayo.."
"At ako pa talaga ang inalala mo? Dyos ko bata ka, hinanap ka pa namen nung nagkakagulo na sa Casino pero hindi namen makita, kung san san ka nagsusuot, ano ba nangyare ha? At bakit napuruhan ka nanaman?"
"Ahm.. Daplis lang po ito , gagaling din agad.."
"Sya nga pala, kaya mo na bang mag-shooting by wednesday?.. Naghahabol kase tayo ng oras ngayon dahil ita take na ang mga last scenes ngayong linggong ito "
"Ah opo sige po kaya ko naman po eh.. Ahm.. Si Marco po nakita nyo?.."
"Sinong Marco ? Ay yung pinsan mo?.. Wala na kaka alis nya lang kanina ipinagbilin ka nya saken at sabi nya ay kaylangan nya nang umalis at pumuntang Europe dahil may trabaho pa syang aasikasuhin doon"
"Anak nang -- umalis nanaman sya tsk.."
"May sulat pala sya para sayo, sabi nya ibigay ko daw sayo pag nagkamalay ka na"
Binigay saken ni Mrs. Lauchengco ang sulat at binuklat ko ito:
Nathaniel,
Pagpasensyahan mo na ang kuya Marco mo kung iniwan kita sa ganyang kalagayan, Pero kaylangan kong gawin to , may mga taong gustong pumatay saken at pati kayo ay madadamay kung hindi pa ko lalayo.. Wag kang mag alala sinisigurado ko namang magkikita pa tayong muli , ikaw na sana ang bahala kay Nathalia, alam nating dalawa ang binabalak nya sayo kaya dapat maghanda ka na, pero kung mahal nyo ang isat isa.. Kausapin mo sya ng maayos dahil alam ko rin na hindi mo sya magagawang patayin para lang sa sarili mong kaligtasan, nang sa ganon ay hindi masayang ang mga pinaghirapan ko... At hindi mauwi sa malagim na kamatayan ang relasyon nyo.. Hanggang dito nalang, Paalam.
-Marco
Tinupi ko na ulit ang sulat , medyo masama ang loob ko pero naiinthindihan ko naman sya , gusto ko nang makalabas dito kaylangan kong makita kung ayos lang ba talaga si Nathalia.
Nathalia's Pov:
Nagising ako na nasa resthouse na ko at natanaw ko si Marco na ineempake ang mga gamit nya, bihis na bihis sya kaya bumangon ako agad
"Marco! Aalis ka?!"
"Oh, bakit bumangon ka?! Humiga ka ulit dun, hindi ka pa magaling!"
"Okay na ko!, teka san ka pupunta?"
Lumungkot ang mukha nya
"Natunton na ulit ako ng mga tumutugis saken kaya sa tingin ko hindi na ko ligtas dito at ayoko na ring mapahamak ka kaya aalis na ko.."
"Iiwan mo na ko?.."
Hinawakan nya ang pisngi ko at hinawakan ko ang kamay nya
"Magkikita tayo ulit... Pangako yan.."
"Akala ko ba gusto mo yung.."
Lumapit ako sa kanya
"Yung ganito kalapit.."
Ngumiti sya saken
"Kung pwede nga lang gusto ko ganito ka nalang kalapit saken eh.. Pero hindi pwede.. hay... Payakap nga sa magandang prinsesa"
"Ang corny mo talaga, prinsesa ka dyan"
Niyakap nya ko ng mahigpit kaya niyakap ko rin sya
"Tutal nagawa ko naman yung misyon ko ng maayos baka pwede ko nang makuha yung reward ko"
"Ha? Anung reward?!"
Nagulat ako dahil bigla nya kong hinalikan, i love his kisses too kaya pinagbigyan ko na sya kahit medyo naiilang ako at hindi kumportable
"Nathalia.. Thankyou for everything.."
"Thankyou too Agent Marco Perez.."
Ngumiti ako sa kanya ng matamis
"Una na ko... Mag iingat ka dyan ha.. Goodbye.."
"I'll wait till i see you again.."
"Okay, bye.. "
Tumalikod na sya at sumakay ng chopper paalis..
Mapagpanggap ka talaga Marco kahit kelan... Pano mo nagagawang ngumiti sa kabila ng labis na kalungkutan?.. Ganyan ka ba talaga ka immune sa sakit?..
Okay. Move on. Makabalik na nga sa loob, hay... Hala! Shemay!!! Ano na nga palang nangyare sa mission ko?!! Lokong yun ah! Hindi man lang sinabi saken kung tagumpay yung naging mission namen o hindi ! >.< pano kung hindi pa nahuli si Antonio Lejares?!! Naku!! Lagot ako kay General! >.<
Binuksan ko ang laptop ko at nagulat ako sa nakita ko sa screen.
Conggratulations , Agent Nathalia, your mission is accomplished .
Na- accomplished ko ang mission nang hindi ko man lang alam kung pano ??? Pesteng yan! Ano ba kasi nangyare? Kaasar wala akong maalala! >.<
Teka nga, parang ang init, gusto kong mag swimming sa dagat
---
Nag two piece lang ako at lumusong sa dagat, pilit kong inaalala kung anong nangyare kagabi at kung paano nahuli si Antonio Lejares ..
Una pinuntahan ko sya sa .... san nga ba yun?.. Ah.. Sa private room nya, tapos.... tapos uminom kame ng wine , nilagyan ko ng pangpatulog yung wine nya at pagkatapos ay tinutukan nya ko ng baril... tapos.. Ano nga ba yung sunod na nangyare?... Teka.. Si Nathaniel?!! Nandun sya nung mga oras na yun! Tama! Nakipag agawan sya ng baril kay Mr. Lejares , tinulungan nya kong tumakas , tapos.. Nagkita kame ni Marco sa may lobby ng Casino..
Habang inaalala ko ang mga nangyare ay may narinig akong boses sa isipan ko :
Hindi ko alam kung bakit ako ang tinutugis mo samantalang ang korporasyong kinabibilangan mo ang syang nagtataksil sayo
bigla akong napa ahon sa tubig, si Antonio Lejares, meron syang alam tungkol sa Rain Corporation.. Kaylangan ko syang makausap , pero bago yun kaylangan ko munang malaman kung maayos ang lagay ni Nathaniel..
Agad agad akong nagbihis at pumunta sa Set kung saan nag sho-shooting sila Nathaniel , nakita ko sya mula sa malayo, may benda ang kaliwa nyang braso, nabaril sya?? Dapat nagpapahinga pa sya ngayon.. Mahina pa sya at hindi nya pa kaya..
Teka.. Bakit ang bilis ng recovery nya? Eh kagabi lang naman nangyare ang lahat.. Napatingin ako sa cellphone ko , March 14, 2014, wednesday, 10:56 a.m we? di nga?.. 14 na kagad ngayon? Ibig sabihin isang linggo na kong tulog??? Fact sheet! >.<
Kaylangan kong makausap si Agent Sam , maka alis na nga dito, tutal okay lang naman pala si Nathaniel eh ..
Bumalik na ko sa resthouse
On the phone:
*Hello? Oh Nathalia? Gising ka na pala conggrats, mission accomplished ka, bakit ka nga pala napatawag?*
*pwede mo bang i explain saken lahat ng nangyare ? Wala akong maalala eh*
*ha? Wala kang maalala? Haha grabe naman*
*Sam, im fvcking serious okay?!*
*saka mo na alamin ang mga nangyare, sabi ni General , pwede ka daw munang mag stay dyan ng 1 week kaya wag ka munang bumalik dito , tutal its a vacation spot,so just enjoy it ! Sige bye!*
-call ended
"Sam! Wait -- ugh! Bwiset !"
Hay.. Bahala na nga ie- enjoy ko na nga lang tong biglaang bakasyon na to -_-
Nathaniel's Pov:
"Okay ! Double time!! Guys! Double time!! Nathaniel, dito ka na mag sho-shoot na tayo"
"Opo, direk"
"Okay ganito ha, hahawakan mo yung pisngi ni Alexandria and then titigan mo sya with such dreamy eyes, and then sabihin mo na yung lines mo okay? Nakuha mo ba?"
"Opo direk !"
"Okay! And-- lights camera, action!!"
"Oh, Maxine.. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.. Ang makasama ka sa napakatahimik at napakagandang lugar na ito na pawang tayong dalawa lang ang narito.."
Naco-cornyhan ako sa script pero wala akong magagawa.. trabaho to eh.. Hay.. -_-
Habang nag sho-shoot kame ng scene ay si Nathalia lang ang iniisip ko , iniimagine ko lang na sana sya nalang ang kasama ko... Sa tingin ko nakakatulong naman ang pagda day dreaming ko dahil nagagawa kong makatotohanan ang bawat eksena .
"And-- Cut! GoodJob! , 6 more scenes at matatapos na tayo.. Kaya na siguro yun ng mga isang linggo"
pagkatapos ng shooting ay pagod na pagod ako na bumalik sa resthouse, nagpahinga ako sandali at pagkatapos ay nag shower.. Habang nag sho shower ako ay naisip ko nanaman si Nathalia... Nasan na kaya sya?.. Kaylangan ko syang makita..
Paglabas ko ng resthouse ay tinanaw ko muna ang resthouse ni Nathalia na medyo malapit sa resthouse ko, mukha namang nandyan pa sya dahil nakabukas pa ang ilaw , pumunta ako dun at nakita ko syang nagsusuklay at nakaupo sa tukador
Kumatok ako
"Sino yan?.."
Tanong nya mula sa loob
"Hey, Thalia.. Its me Nathan.."
"What do you want?"
"I just want to check if you're okay.."
"Im fine. You can go now.."
Ayaw nya talaga kong papasukin sa loob.. Hay.. -_-
"Okay.. Babalik nalang ako bukas"
Tumalikod na ko at naglakad pero lumingon ako ulit sa bintana para tignan sya at medyo nagulat ako nang makita kong nakatingin rin sya saken, bigla syang nag iwas ng tingin at nagsuklay ulit sa harap ng salamin, napa ngiti ako dahil sa konting atensyon na nakuha ko sa kanya..
Marco's Pov:
Nasa eroplano na ko papuntang Europe pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong i scroll ang cellphone ko at paulit ulit na tignan ang mga pictures namen ni Nathalia, hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang mga malalambot nyang labi sa labi ko, nakaka asar sya, i know i should be moving on but i just cant get her out of my heart and my mind, papunta ko ngayon sa Shadow Corporation kung saan nagta trabaho ang tatay ni Nathaniel at ang tito kong si Agent Danilo Perez , matagal na nya kong inaalok na sumapi sa korporasyon nila pero ako lang tong may ayaw dahil may gusto kong patunayan, pero sa tingin ko nagkamali pala talaga ako sa pagpili ng korporasyong sinalihan ko .
Pagpunta ko dun ay naapakan ko ang patibong na inilagay nila kaya naibitin ako ng lubid , patiwarik, at nakita kong palapit sakin si tito .
"Hmm.. Marco, its nice to see you here, alam ko na ang nangyare sayo, well.. Based on what i see mukhang tinutugis ka ngayon ng Web Corporation dahil sa pagsalungat mo sa utos nilang patayin si Agent Nathalia Gomez , hmm, bakit nga ba hindi mo ginawa ang misyon mo?.. What's so special about this woman?.."
Pinakita nya saken ang picture ni Nathalia
"Tito, ahm.. Pwede po bang pakawalan nyo muna ako sandali"
"Haha pasensya na, hindi naman talaga para sayo ang patibong na yan , sadyang nakakalat lang dyan kaya ikaw ang nadali"
Pinutol ni tito ang tali gamit ang laser beam at nahulog ako sa sahig
"Mukhang nauna pang tumapak ang ulo mo sa sahig ng Shadow Corporation kesa sa sarili mong mga paa"
"Tito naman eh.."
"Sumunod ka saken at mag usap tayo"
Sumunod ako kay tito at pumunta kami sa headquarters nya
"Mabalik tayo sa tanong ko , bakit hindi mo ginawa ang misyon mong patayin si Agent Nathalia Gomez?.."
"Tito, she's the most beautiful woman that i've met.. but unfortunately, naunahan nanaman ako ng magaling nyong anak"
"At paano naman napasok dito si Nathaniel?.. "
"Si Agent Nathalia Gomez at si Nathaniel ay dating magkasintahan.. "
"Parang hindi ko yata alam yan.. Hindi ko na research ng maigi ang background ng babaeng yun"
"Sya ang kababata ni Nathaniel ... Nai-kwento sya saken ni Nathaniel nung nasa middle school palang kame"
"Nathalia Gomez.. Hmm.. Naaalala ko na.. Oo nga.. Sya nga yung laging kalaro ni Nathaniel dati nung bata pa sya.. Hindi ko akalaing lalaki sya na isang napakatapang, napakatalino at napakagandang dalaga"
"Ngayon tito, masisisi mo ba ko kung bakit hindi ko nagawa ang misyon ko?.."
"Okay, naiintindihan na kita, ako nang bahalang umareglo sa problema mo sa Web Corporation, pero sa isang kundisyon"
"Anong kundisyon?.."
"Dito ka na magta trabaho sa korporasyon ko"
"Sige po tito, pumapayag na po ako"
Hindi ko na sinabing target ni Nathalia si Nathaniel dahil sigurado akong papatayin nila si Nathalia.. Sana lang hindi ako mabuko..
Nathalia's Pov:
Hindi ako makatulog. Naiisip ko si Marco.. He's so good to me.. Sya ang nagpupuno ng lahat ng pagkukulang ni Nathaniel saken .. Pero naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko si Nathaniel pa rin ang tinitibok puso ko.. Gusto ko rin naman si Marco pero.. Si Nathaniel ang mahal ko.. Kaya ko lang naman hinahayaan si Marco na halikan ako dahil gusto ko syang mapasaya kahit sandali lang eh.. Pero tuwing ginagawa nya yun ay nagwawala ang puso ko at hinihiling na sana ay si Nathaniel nalang ang humahalik saken.. Hay... Ang hirap naman ng ganito.. Bakit ba kase parehas nila kong mahal?..
Bumangon ako at kumuha ng tubig , lumabas ako ng resthouse para mag relax kahit sandali lang, medyo malamig kaya kinuha ko ang balabal ko habang palabas ako ng resthouse ay may napansin naman akong lalaking nakaupo sa batuhan parang malalim ang iniisip nya at nakatingin lang sya sa maliit na fireplace sa gilid nya kaya tumabi ako sa kanya , i wasnt surprise because i know that its Nathaniel..
"Anong ginagawa mo dito?.. Bat gising ka pa?"
"Can't sleep, what did you expect"
Napatingin sya saken at bumaba ang tingin nya sa leeg ko,dahil nakita nya ang suot suot kong kwintas
"San galing yang kwintas mo?"
"Its a.. Gift.. Why?.."
"From whom?.."
"From a suitor.."
"Nagpapaligaw ka?.. "
Napailing nalang sya sa sinabi ko, kung alam nya lang na ang pinsan nya ang tinutukoy ko ganyan parin kaya ang magiging reaksyon nya?..
"Umalis na sya.. "
"San pumunta?.."
"Sa malayo..."
"Mahal mo na ba yung lalaking yun na sinasabi mo?.."
"Sana nga pwede ko nalang syang mahalin eh.. Pero.. Naghihintay parin ako sa isang bagay na sa tingin ko ay napakaimposible nang mangyare.."
"Anong ibig mong sabihin?.."
"Wala.. Dyan ka na nga.. Matutulog na ko"
Iniwan ko na sya doon at bumalik na ko sa resthouse , yun na ang huling pag uusap namin dahil nung mga nakaraang araw ay busy sya sa shooting ng movie nila at ako naman ay naglibot libot at nilibang ang sarili ko , meron palang mga magagandang restaurants sa may bayan na pwedeng kainan at meron ding mga pasyalan.. Nag shopping din ako ng konti dahil may mga souvenir na pwedeng bilhin doon.. Habang bumibili ako ay may biglang humarang saken na lalaking naka shades, may hawak syang boquet ng roses , pagtingin ko ay si Nathaniel pala iyon at nakangiti nyang inabot saken ang boquet ..
"For you.."
Wala akong masabi at nakatingin lang ako sa kanya at dahan dahan ko namang kinuha ang boquet ng red roses ... Anung nakain neti bakit nakangiti saken at binigyan pa ko ng bulaklak?.. At saka bakit sya nandito?..
"Nathaniel?!!! Mag sho-shoot na tayo in 5 minutes! Bilisan mo na dyan at pumunta ka na dito!"
Napalingon kaming dalawa sa nagsalita, yun yata yung matandang manager nya na lagi nalang syang sinisigawan at pinupukpok ng dyaryo sa ulo haha ..
"pumunta lang talaga ko dito para iabot sayo yan.. Sige babye!!"
Tumakbo na sya papunta sa set nila, tss.. Baliw talaga yun ! Buti nalang walang masyadong paparazzi dito kundi baka kuyugin kame ng mga yun tss >.<
Napangiti nalang ako habang pinapanuod ko syang magtrabaho, bagay na bagay talaga sa kanya ang maging artista.