Nathaniel's Pov:
Nasa Manila na ulit ako after that long vacation, ewan ko lang kung nakabalik na rin si Nathalia dahil simula nung binigyan ko sya ng bulaklak dun sa may Bazaar ay hindi na kami nagkausap or nagkita pa ulit.
Sa ngayon ay Premiere Night na ng movie namen ni Alexandria na pinamagatang, "Who Owns My Heart"
"Nathaniel? Ano? Ready ka na ba para sa Premiere Night?"
"Opo Mrs. Lauchengco, inaayos ko nalang po itong necktie ko"
"Oh sige, bilisan mo ha at kanina pa nasa kotse si Alexandria"
Pagka ayos ko ng necktie ko ay lumabas na agad ako ng dressing room at dumerecho sa kotse kung saan nakaupo na nga doon si Alexandria
"tss.. Ang tagal mo para kang babae magbihis"
Pagrereklamo nya
"Eh, nakatulog kase ako kaya medyo nahuli akong magbihis"
"Oh well"
Pagpunta namen sa pagdarausan ng Premiere Night ay napakaraming tao na ang nag aabang para makita kami , lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao nang lumabas kami ng kotse at naglakad sa red carpet, kumaway kaway at ngumiti kami sa mga fans .
Nathalia's Pov:
-Rain Corporation
"Oh Nathalia? Nakabalik ka na pala, mukhang galing ka sa byahe bakit hindi ka muna magpahinga sa bahay mo?"
"Sam , please, kaylangan ko nang malaman kung anong nangyare sa mission ko"
"Mission accomplished ka naman na eh bakit kaylangan mo pang alamin?"
"I just want to know what happened, masama ba yun?.."
"Okay, okay , chill... Sasabihin ko na sayo.."
Umupo kaming dalawa sa upuan at sinimulan ko nang makinig sa bawat sasabihin nya
"naabutan ka naming naghihingalo sa may lobby ng Casino nun... Ang sabi nila ay nakainom ka daw ng lason pero bago ka nawalan ng malay ay ibinilin mo saken na sagipin ko si Nathaniel Perez .. Pero sa totoo lang sya ang nakahuli sa magnanakaw na yun na si Lejares , kundi dahil sa kanya, malamang nakatakas na si Lejares , kaya pinaki usapan ko si General na baka kung pwede ay iurong nya na ang misyon na ibinigay nya sayo para patayin si Nathaniel pero hindi ako pinakinggan ni General, hindi parin sya kumbinsido kahit na malaki ang naitulong ni Nathaniel"
Nalason pala ko... Bwiset talaga >.< bat naman kasi ganon si General?.. Sa totoo lang ayoko na talagang ituloy yung misyon na yun , pero mahalaga rin saken ang propesyon ko, ito ang buhay ko at hindi ko to kayang isuko katulad ng ginawa ni Marco para saken..
Pagkatapos kong kausapin si Agent Sam ay kinausap din ako ni Agent Anne at pinapunta ako sa Lab dahil may gusto daw syang ipakita saken
"Here you go Nathalia, eto yung lasong nainom mo nung nasa mission ka, pinaparalize nito ang katawan ng tao hanggang sa ito ay maubusan ng hininga at tuluyang mamatay, eto rin yung lason na nakita noon na nakapatay sa mommy mo... Maswerte ka dahil naaagapan ka kaagad dahil kung hindi , malamang ay patay ka na.. "
"Naaalala ko yan... Naninikip nga ang dibdib ko at para kong nasusunog nang naghihingalo ako sa lason na yan.. Medyo hindi rin ako makagalaw ng mga oras na yun.."
"Teka, Nathalia.. Manliligaw mo ba yung bumuhat sayo nung nalason ka?.."
"Bumuhat saken? Sino?.."
"Hmm.. Marc-Marco yata yung pangalan nun.. "
"Ah.. O-oo.. "
"Bakit hindi mo pa sya sinasagot? Sayang naman.. Bukod sa gwapo nakita talaga namin kung gaano sya nag aalala sayo nung nalason ka.. Mukhang mahal na mahal ka nun ah.."
"Ah .. Ganun lang talaga sya at saka hindi naman kami nagmamadali eh.."
Hay nako Marco.. Pati ba naman dito sa Agency namen usap usapan ka ?..
"Ay , Nathalia?.. Sabi ni General pumunta ka daw sa headquarters nya kase may bago ka nanaman daw na mission, grabe , qoutang qouta ka ah lagi ka nalang may mission, samantalang kame puro mga maliliit na kaso lang ang nahahawakan namen"
"Okay lang yan, basta galingan mo lang palagi sa trabaho"
Pagkatapos kong makipag usap kay Agent Anne ay pumunta na ko sa headquarters ni General
"General ?.. "
"Hm, Agent Nathalia, gusto mo na bang malaman ang bago mong mission?.. Exciting to"
"Well then lets hear it"
"Merong isang modelling agency na kaylangan tayong bantayan , ibig sabihin mag a apply ka bilang model... At kaylangan mong malaman kung sino doon ang sinasabi nilang killer, dahil dumarami na ang mga model na pinapatay ng taong ito, halos lahat ng model na napapabalitang nawawala ay natatagpuan na lang ang bangkay malapit sa modelling agency na pinagtatrabahuhan nila, ilang beses nang inimbestigahan ng mga pulis at detective ang kasong ito pero wala man lang kahit sinong makapagturo kung sino ang salarin kaya maswerte tayo at binigyan nila tayo ng awtoridad para tignan at suriin pang mabuti ang kaso"
"Sige po General, ako nang bahala"
"eto ang fake resume mo"
Inabot sakin ni General ang mga requirements na kaylangan ko para makapag apply sa modelling agency na yun , tinignan ko ang nilagay nilang pangalan
Nathalia Gomez
Hindi nila pinalitan ang pangalan ko para sa mission na to?.. Bakit kaya?..
"Ahm sir , hindi nyo po ba papalitan yung pangalan ko dito ? As a disguisse lang ba"
"Bakit pa? Wala namang nakakakilala sayo eh at wala namang nakakaalam na yan talaga ang tunay mong pangalan at saka hindi ka ba nagsasawa? Pa iba iba nalang lagi ang pangalan mo sa bawat mission na hinahawakan mo"
"Hmm.. Sabagay.. Sige po sir , uuwi na po ako para makapag apply na ko dito sa modelling agency na to "
Nagpaalam na ko para umuwi.. Medyo napapagod ako kaya umiglip muna ako .
Nathaniel's Pov:
Naging successful naman ang premiere night namen kagabi kaya umuwi muna ako saglit sa bahay namen para bumisita sa pamilya ko . pero as usual.. Ang kapatid ko lang na si Chill ang nandoon 14 yrs old lang sya pero ubod ng kulit
"Hi kuya! Na-miss kita alam mo ba yun?!"
Niyakap nya ko ng pagkahigpit higpit
"Aray ko Chill ! Bitaw nga! "
"Kuya naman eh" *pouts*
"Asan si Mommy?"
"Wala. Nasa Convention sila ni Daddy sabi may aasikasuhin daw.. Ay kuya alam mo ba dalaga na ko hihi kase may nanliligaw na saken "
"Hoy anong ligaw ligaw? Hindi bat sinabi ko na sayo na bawal kang magpaligaw?"
"Eh kuya naman eh para ka namang si Daddy eh buti pa si Mommy laging kampi saken alam mo ba sabi ni mommy , pwede na daw ako mag boyfriend basta wag lang daw masyadong seryosohin kase im too young"
"What the fvck . tinuturuan ka lang maging playgirl ni mommy eh"
"Ano ka hindi noh! Ay actually , papunta na sya dito ngayon ipapakilala kita sa kanya!"
"Ano bang pangalan nyang manliligaw mo?"
"Ace Kevin Anthony Gomez po kuya"
"Ang haba naman ng panga-- ANO KAMO???!!! GOMEZ ?!!!"
Naalala ko bigla na sya pala yung kapatid ni Nathalia! Nanlaki yung mata ko sa gulat
"Oh kuya? Bakit ganyan ang reaksyon mo?"
"Ah eh wala . wala may naalala lang ako"
May bigla namang nag doorbell sa labas
"Ay andyan na sya ! Wait lang kuya ha!"
Agad agad namang binuksan ni Chill ang gate at nakita kong sya nga yung kapatid ni Nathalia , binigyan nya ng bouquet ng redroses at box ng chocolates si Chill at hinalikan sa noo, bwiset tong mga to ah iniingget ako >.<
Pagkapasok nila sa Sala ay nagulat din saken si Ace
"Kuya Nathaniel?!"
"Oh Ace? Magkakilala kayo ni Kuya?"
Tumango sya kay Chill
"Oo Chill, sya yung ex ng ate ko"
Aray ah! Ang sakit sa tenga, ipakilala daw ba ko na ex ng ate nya sa kapatid ko at sa harap ko?! Bastos na bata >.<
"Ah nagkakamali ka Ace, kase kami na ulit ng ate mo, girlfriend ko na ulit sya"
"Talaga kuya? Ahm.. May balita ka ba kay Ate?"
"Ah pasensya na wala eh , sabi nya may mahalagang trabaho daw syang aasikasuhin ganun ba talaga yun dati pa? Masyadong seryoso sa trabaho nya"
"Oo ganun talaga si Ate"
"Wow ang galing naman!! Hihi Lovers yung ate mo at kuya mo tapos lovers din tayo!"
"Lovers ka dyan hindi mo pa nga ko sinasagot eh"
"Ace naman eh !"
"Ahm sige alis na ko , dumaan lang ako dito para mangamusta, sige na chill babye na, Ace ah yung kapatid ko paki ingatan"
"Opo kuya basta ba, iingatan mo rin si ate para saken eh"
"Oo ba sige una na ko"
"Babye kuya! Ingat!"
Dumerecho ako sa recording studio , sabi kasi ni Mrs. Lauchengco ay nandoon daw sila pero wala naman sila doon tss sayang gas ng kotse ko -_- paalis na ko nang biglang may staff doon na kumausap saken
"Ahm.. Sir.. May nagpapabigay po sa inyo, nakuha po ito sa crime scene ng naganap na shoot out dito nung nakaraang buwan.. Baka daw po kilala nyo ang may ari nyan"
"Ah sige salamat.."
Binuksan ko ang matigas na bagay na yun at pinilas ang papel na nakabalot dito para makita ko kung ano ang nasa loob nun.. Nakakita ako ng CD ... Hmm.. Ano kaya to? Maisalang nga..
Bumalik na ko sa kotse ko at ipinlay ang CD..
~Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo~ may minsan lang na nagdugtong damang dama na ang ugong nito~
Eto yung kopya ng recording ni Nathalia nung nag cover sya ng kanta
~ di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sayo? Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta~
Ipinikit ko ang mga mata ko at nakinig pa sa kanta
~ bat di pa patulan ang pagsuyong nagkulang? tayong umaasang hilagat kanluran ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo~ ako ang sasagip sayo~
~Saan nga ba patungo? Nakayapak at nahihiwagaan ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo~
~bat di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya nalang ba to sa hangin? Wag mo ikatakot ang bulong ng damdamin mo~ naririto ako't nakikinig sayo~
Oooh... Oooh... ~
--------------------------------------
Nathalia's Pov:
Pagpasok ko sa Bloom Magazine ay pinagtitinginan ako ng mga tao.. Bakit? Anong meron?.. Habang naglalakad ako ay narinig ko ang mga bulung bulungan ng mga tao
"Ay sino kaya sya?.. Ang ganda nya noh.."
"Oo nga.. Artista ba sya?.."
"Hindi yata eh, hindi ko naman sya nakikita sa T.V"
"Eh baka bagong talent palang"
"Baka bagong model siguro"
Grabe namang mga bulung bulungan yun talagang sinasadya yata nilang iparinig saken eh >.<
Pagpasok ko sa loob ng office ay may nag welcome kaagad saken
"Hi, so your the new applicant? Im Mr. Lorenz Javier , ako ang manager ng mga models dito"
"Nice to meet you sir im Ms. Nathalia Gomez at eto po yung mga resumes ko"
Binigay ko na dun sa manager yung mga resumes ko
"Hm... Ms. Nathalia Gomez.. You have a good educational background huh.. So bakit mo naman naisipan mag model?"
"A friend of mine just say so that im fit to be a model.. So thats why.."
"Okay.. Your hired! This is the contract so all you have to do is to sign that at magi- istart na tayo ng photo shoot!"
"Talaga ho sir?! Thankyou po!"
Pagkatapos kong mag signed ng contract ay ipinakilala na ko ng manager sa mga photographers at sa mga production designers at sa ilang models na rin na naroon
Nasa loob na kami ng studio at nagsisimula na ang photoshoot ng ibang models iginiya naman ako ng mga production designers sa isang dressing room at minake-upan na nila ko, nagtanong ako sa designers na nag aayos saken
"Ahm, miss ano po bang mga klase ng damit ang ie endorse ko?"
"Naku Mam hindi ho ba kayo nasabihan? Ang Bloom Magazine po ay isang Men's Magazine, kaya ang mga models po namin dito ay puro two piece or sexy outfits lang po ang sinusuot.."
"Ha? Ay ganun ba.. Pasensya na new model kase ako dito kaya hindi ko alam.."
Sh*t ! Men's Magazine pala to tsk tsk.. Patay ako neto >.<
"Pero dont worry mam, mukhang hindi pa naman po kayo magsusuot ng mga two piece or bikini ngayon dahil bago palang kayo"
"Ganun ba.. "
"Classic womans po kasi ang theme ng Bloom Magazine ngayon kaya magsusuot lang po kayo ng mga sexy gowns.. Balita ko nga po kayo ang gagawin ni Sir Lorenz na Bloom Magazine's woman of the year ngayon "
"Ah sige.. Thanks for the infos"
Wow ha. Woman of the year kaagad? Bilis naman tss -_- kung wala lang akong dapat imbistigahan dito eh hinding hindi ako magta trabaho dito >.<
Pinagsuot nila ko ng isang Classic Red Chub Gown.. Ang ganda simple lang sya pero Classy.. Okay naman pala dito eh.. Tapos medyo ini-style nila yung kulot kong buhok pagkatapos nun ay pinapunta na nila ko sa flatform
"Oh eto Nathalia ha.. Hold this Sweet red lollipop, and pose like a classy naughty chick okay?"
Sabi nung silahis naming manager -_-
"Ahm parang ganito po ba sir?.."
Nag pose ako na parang nang aakit habang kagat kagat ang bahagi ng candy lollipop na binigay nya saken
"Yan! Oh photographer , start na ang photo shoot !"
Pinicturan na ko ng photographer
"Nathalia, smile ka! Mas maganda ka pag naka smile wag masyadong fierce , isipin mo na nasa classic party ka at ine enjoy ang bawat moment"
Sabi nung photographer.. kaya ayun... Inenjoy ko lang ang photoshoot at masaya naman pala pero alam kong hindi naman ito ang pakay ko dito , hindi ko parin nakakalimutan ang mission ko. Habang nag po photoshoot kami ay merong isang babaeng nakatayo sa gilid at tinitignan kame , her face is familiar.. Hmm.. Oo nga! Sya nga yung leading lady ni Nathaniel.. Pero anong ginagawa nya dito?.. Nag mo model din ba sya for Bloom Magazine?.. Nang mapatingin ako sa kanya ay nagulat nalang ako dahil inirapan nya ko, tss anong problema nun? -_-
"Nice shots.. Nathalia, tignan mo oh"
Sabi nung photographer saken at ipinatingin sa camera nya ang mga pictures ko, ngumiti lang ako sa kanya , nakita rin ng manager ko ang mga pictures.
"Photogenic ka naman pala Nathalia, naku bagay na bagay ka ngang maging Bloom Magazine's Woman of the Year! "
Sabi ni Manager Lorenz
"Thankyou sir "
Nag fake smile nalang ako sa kanya
"Okay, thats all for today.. Sya nga pala .. Nasa bank account mo na yung salary mo ha Nathalia"
"Ay sige po sir, salamat po"
May salary kagad?.. Hmm.. Ayos ha.. Pero ndi ko naman kaylangan ng salary dito, Mas mataas parin ang salary ko sa Rain Corporation.
"Ahm.. Sir.. Hihingi po sana ko ng permission sa inyo baka pwedeng malibot ko po tong agency.. Para mas maging familiar po ako sa lugar.. Yung studio palang po kasi ang nakikita ko eh.."
"Ay nako,bukas nalang Nathalia kase gabi na eh .."
"Ah ganun po ba.. Sige po.."
Tss -_- ang sabihin mo ayaw mo lang dahil baka may makita ako ditong kahina hinala -_-
Pagkalabas ko ng Agency ay tinignan ko ang relo ko 8:30 pm na pala.. Magsasara na rin ang agency kaya pumunta muna ako sa kotse ko , pwede naman na sigurong magbihis dito sa loob ng kotse, wala namang nakakakita eh , gusto ko kasing libutan ang buong lugar pero ayaw nila kong payagan kaya kaylangan kong pumuslit sa loob, sinuot ko ang spy agent suit ko at palihim na pumasok muntik pakong mahuli nung security guard pero buti nalang at madilim na kaya hindi nya ko nakita , kaylangan kong magtago , sumilip ako sa office ng manager ko at tinitignan nya ang mga pictures ko.. Hmm.. Mukhang kumagat sila sa pain ko.. Ako na siguro ang sunod nilang papatayin..
"Nathalia Gomez, napakaganda mo.. Pero sayang naman dahil mapapasama ka lang sa mga malalamig na bangkay ng mga models na tinatangkang libutin ang lugar na ito "
Rinig ko ang mga salitang lumabas mula sa bibig nya pero hindi ko alam kung sya ang killer ..
Umalis na ko at muling nilibot ang Agency... Tumingin ako sa 4th floor at rooftop , pinicturan ko ang bawat lugar pero wala akong napansing kahina hinala, ganun din sa 2nd floor at 3rd floor kung saan doon pina publish ang bawat magazines ,nandun din ang office ng manager ko, sa 1st floor naman ang studio at ang ground floor ang nagsisilbing parking lot , pero habang nililibot ko ang parking lot ay may nakita pakong isang hagdan pababa... Ano to basement?..
Bumaba ako sa hagdan at nagulat ako nang makakita ako ng isang bangkay, laslas ang leeg nito kaya napatakip ako ng kamay sa bibig ko at napa upo sa huling baitang ng hagdan, naaalala ko ang babaeng 'to , sya yung model na nag po photoshoot kanina habang inaayusan ako sa dressing room , napakabilis ng killer .. pinicturan ko ang bangkay na nakita ko kahit nanginginig parin ako sa gulat , nang maitago ko na ang spy cam ko ay umakyat na ulit ako pataas.. Pero ang kinagulat ko ay may biglang sumakal sa leeg ko gamit ang isang lubid, sinipa sipa ko sya hanggang sa mabitawan nya ko at tumakbo ako palabas ng parking lot, hinahabol nya ko ng kutsilyo kaya kaylangan kong tumakbo ng mabilis , nagulat nalang ako nang may dart na tumama sa braso ko dahilan para mapatigil ako at ma stuck ako sa pader tinatanggal kong pilit ang dart sa lether suit ko pero hindi ko matanggal, papalapit na ang killer , ibinato nya ang kutsilyo nya saken sa akalang matatamaan nya ko pero nagkamali sya, tumama ito sa dart at natanggal ang dart sa lether suit ko at tumakbo na ko ulit palabas ng parking lot at sumakay sa kotse ko binilisan ko ang pagmamaneho para hindi nya na ko masundan.. Mabuti nalang at hindi nya ko nakilala dahil naka full gear spy agent suit ako, natatakpan ang mukha ko pero sya rin ay naka mask kaya hindi ko makilala kung sino sya agad agad akong dumerecho sa Station 4 para i report ang krimen ,tinanggal ko ang head gear ko, dahilan para bumagsak sa mukha ko ang mahaba at iulot kong buhok pero wala kong pakeelam at dere derecho akong pumasok ng prisinto , kahit na hingal na hingal ako at hawak hawak ko ang leeg ko , umupo ako sa upuan at sumubsob sa desk nila, ipinakita ko ang I.D ko
"Agent Nathalia Gomez of Rain Corporation, may- may nakita akong bangkay dun banda sa Modelling Agency ng Bloom Magazine.. Sa may Parking Lot , may basement pa don ,sa tingin ko mukhang may nangyayaring inside job sa modeloing agency na yun.. Kaylangan nyong imbestigahan ang krimen, tutulong ako para mapadali ang paghuli sa killer "
"Agent Nathalia Gomez , ako si SPO1 Miguel Guevarra , sige iimbistigahan namin ang krimeng ito at makakaasa ka sa aming pagtulong upang mahuli ang killer"
"Salamat po"
"Mam ayos lang ho ba kayo? Mukhang hingal na hingal kayo at hawak hawak nyo ang leeg nyo"
"Yun ay dahil muntik na rin akong mapatay ng killer, sinakal nya ko kanina gamit ang lubid at hinabol ako ng kutsilyo, mabuti na lamang at naka-alis ako kaagad sa lugar na iyon"
"Mam gusto nyo ho bang magpatingingin sa Clinic? Baka ho may sugat kayo o anuman"
Sabi ng pulis na kausap ko
"Hindi na salamat nalang , mauuna na ko "
Pagpasok ko ulit ng kotse ko ay 10:27 pm na.. Grabe.. Gabi na pala.. tsk.. Kaylangan ko pang pumunta ng Rain Corporation..
-Rain Corporation
Ito lang ang tanging opisina na hindi nagsasara kahit kelan.. Hay.. -_-
"Oh Nathalia, mukhang pagod na pagod ka ah.. Bat ndi ka pa umuwi at dumerecho ka pa dito?"
Tanong saken ni Sam
"May mga isu submit akong pictures kay General, hindi pwedeng ipagpabukas eh"
"Ah ganun ba oh sige"
Pumunta na ko sa headquarters ni General at ipinatong sa lamesa nya ang camera ko , inexamine nya yun at nakita ang mga pictures , ipinakita nya ang mga pictures sa projector
"Ayan po yung buong lugar ng Modelling Agency na yun sir"
"Hmm.. So eto ang rooftop ?"
"Opo sir"
"Eto ang 4th floor.. Mukhang malinis naman at walang makitang kahina hinala, ganun din sa 3rd at 2nd floor.. Sa 1st floor ang studio.. At ground floor ay parking lot , oh? May basement pa?"
"Opo dyan na po ako may nakitang kahina hinala dahil may nakita akong isang bangkay"
Iniscroll pa ni General ang mga pictures at nakita nya ang sinasabi kong bangkay
"Na ireport ko na yan sa mga pulis , pero bago iyon ay sinorpresa ako ng killer dahil nagpakita sya saken at sinakal ako gamit ang lubid , muntik nya na kong mapatay, malakas ang killer dahil sa katawan nyang kayang pumatay , kahit ilang katao pa ang kumalaban sa kanya kaya wala akong nagawa kundi tumakas, at sya nga pala sir, ang manager sa modelling agency na yan na si Mr. Lorenz Javier, malamang ay kasabwat sya ng killer dahil narinig ko ang mga sinabi nya kanina , kumagat sya sa pain ko at sa tingin ko pinagpaplanuhan na nila kung paano ako papatahimikin"
"Sige, magpapadala ako ng ilang spy agents na tutulong sayo sa mission mo, para kung sakaling umatake ulit ang killer ay hindi ka nya madadali, good job Nathalia, sige you may now go"
"Thankyou sir"
Hay salamat naman at makakapagpahinga na rin ako sa wakas ... Pagod na pagod na ko..
----------------------------------------
Nathaniel's Pov:
6:30 a.m
"Nathaniel! Nathaniel! Hijo! Tumayo ka na dyan at may shooting pa tayo ng nago mong commercial"
"5 minutes..."
"Anong 5 minutes ka dyan! Ang kupad kupad mo! Hala! Tayo dyan!"
Hinampas nanaman ako ni Mrs. Lauchengco ng dyaryo kaya napabangon ako
"Hay.... Ang aga aga pa eh!"
"Aba kaylangan talagang maaga tayo sa studio ngayon!"
"Hay... Antok pa ko.."
Para akong zombie na naglakad papuntang banyo ,pagkahubad ko ng damit ay nag shower na ko para mawala yung antok ko , pero nanginig ako dahil sa sobrang lamig ng tubig , nyeta naman oh ! >.<
nang makapagbihis ako ay pumunta na ko sa Van at nagbasa ng mga bagong magazine.. Habang naghahalungkat ako ng magazine ay may nahagip ang mata ko, nagulat ako dahil si Nathalia ang nasa cover ng magazine.. Ano to?.. "Bloom Magazine: Woman Of The Year" sh*t ang ganda nya talaga... Ibig sabihin nag photoshoot sya kahapon kaya pagod na pagod sya kagabi? ..
Nagulat naman ako nang hampasin ako ulit ni Mrs. Lauchengco ng dyaryo sa ulo
"Babae nanaman! Ang aga aga , hindi ka pa nag aalmusal babae nanaman tinitignan mo! Men's Magazine pa yang hawak mo! Jusko bata ka!"
"Wag na nga lang ho kayong mangeelam! Kaylangan pa talaga hahampasin nyo ko ng dyaryo sa ulo eh"
Napansin ko nga rin Men's Magazine pala tong magazine na to pero bakit dito nya naisipang mag model?? tsk tsk.. Binuklat ko pa ang loob ng magazine pero buti nalang ay hindi sya pinag po pose ng bikini or kahit anong malalaswang damit dito, humanda lang talaga sila saken pag nakakita ako ng kagaguhan nila dito , bagay na bagay sa kanya ang kulay pulang gown na ginamit nya para sa photoshoot ... Pero ang ipinagtataka ko ay.. Kung anong pumasok sa utak nya at bakit sya nag apply bilang model dito sa magazine na to.. May bago nanaman ba syang mission?.. Bakit hindi nya man lang iniba ang pangalan nya dito?.. Hay nakakagulo ng utak .