Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 19

Marco's Pov:

Nandito na ko ngayon sa Museum para maglibot libot, una kong tinignan ang lugar kung saan nawawala ang Alexandrite gemstone at ang nakita ko lang dun ay tanging replika nito, pero parang may kakaiba sa replika nito kaylangan kong malaman kung ano kaya kaylangan kong makapasok dito mamayang gabi... Kung replika nga lang tong nakikita ko ngayon sa harapan ko , nasaan ang tunay na dyamante?... Lumabas ako ng Museum at tinignan ang mga karating gusali nito.. May Hotel sa bandang kanan at meron namang RestoBar sa kaliwa.. Pero napansin ko ang isang maliit na eskinita doon kaya pumunta ako doon, at nakakita ako ng isang abandonadong bangko .. Naka lock ito pero basag basag naman ang mga bintana, pagsilip ko sa mga bintana ay wala naman akong kahina hinalang nakita maliban sa isang kadena na nasa sahig .

Muli akong bumalik doon at tinignan naman ang loob ng RestoBar.. mukhang maayos naman.. At pang huli tinignan ko naman ang Hotel... Medyo malaki ito kaya nahirapan ako kung paano kabisaduhin ang bawat pasilyo , san kaya nagtatago ang magnanakaw na yun?.. at paano sya nakatakas?.. Nakaka asar ! >.< dapat pala tinuluyan nalang namen ni Nathalia yung Antonio Lejares na yun eh .

Nathalia's Pov:

Nang makarating na ko ng Russia ay agad agad akong nag check-in sa Hotel na malapit sa Museum

At syempre, naka shades ako

Nang makapasok na ko sa Hotel room ko ay agad agad kong sinet ang mga binoculars ko at pati narin ang mga harness na gagamitin ko mamaya papasok ng Museum , tinesting ko ang binocular at nakita ko ang replika ng dyamanteng nawawala mula sa bintana ng Museum.

Pero kaylangan ko munang malaman kung paano nakatakas si Antonio Lejares kaya nakipag ugnayan ako sa mga Russian Police , at sinabi nilang pinagplanuhan daw ang pagtakas dahil meron daw mga kasamahaan si Antonio na tumulong sa kanya .

Pagbalik ko sa Hotel ay may nakita akong sobre sa lamesa , pulang sobre , binuklat ko iyon at binasa:

"Ibibigay ko ang gusto mo kung tutulungan mo kong makatakas."

-A.L

Galing kay Antonio Lejares... Lumingon lingon ako sa paligid at dumungaw din ako sa bintana pero wala naman akong nakitang pwedeng maglagay ng mensaheng iyon dito nang binuklat ko pa ang sobre ay may maliit na papel na nahulog at nakalagay dito ang location kung nasaan sya , mamayang gabi yun muna ang uunahin ko.

------------------------------------------

Kinagabihan, habang naghahanda ako ng mga gadgets na gagamitin ko ay tinawagan ako ni General.

*hello, sir?*

*oh Agent Nathalia ano nang nangyayare dyan?*

*may natanggap po akong sulat kaninang tanghali, sinabi na po saken ni Antonio Lejares kung nasaan sya*

*talaga?! Anong laman ng sulat*

*sinabi nyang ibibigay nya daw ang Alexandrite Gemstone kung tutulungan ko syang makatakas , ano pong gagawin ko?*

*sige , makipagkasundo ka sa kanya , pero pag nakuha mo na ang Alexandrite ay patayin mo sya*

Nanginig ang buong kalamnan ko sa sinabi ni General , hindi ko alam kung bakit

*si-sige po General, masusunod*

*good. Agent Nathalia, mag ingat ka dyan*

Binaba ko na ang telepono , alam kong isa itong pagtataksil pero kaylangan kong sumuway sa ipinag uutos nila , nang matapos ako sa pagsasaayos ng gamit na kaylangan ko ay pumunta na ko sa lugat na sinabi ni Lejares, pero sinigurado ko munang ligtas akong makakapasok sa loob hawak hawak ko ang baril ko , pero isang surpresa ang ikinagulat ko , nakagapos sya at may mga grupo ng kawatan syang kasama.

"Freeze!!!"

Tinutukan ko sila ng baril pero hindi sila nasindak at tumawa lang sila

"Hey bitch! Is this what you after?!"

Sabi nung isang lalaki na hawak hawak ang Alexandrite gemstone.

"Lejares, anong nangyayare dito?! "

"Jusko naman Nathalia, hindi mo ba nakikita?! Malamang ginagawa nila kong pain!"

"We will give this back to you if you can beat us "

"Yeah!"

"Underestimating me, would not be good for some bastards like you"

Pinaputukan ko sila ng baril, at hinugot pa ang isa ko pang baril , pero may mga baril din sila at outnumbered ako kaya nagtago ako sa lugar na pwede kong taguan , at isa isa silang pinagbabaril , nang maubusan ako ng bala ay nakipagbugbugan na ko sa kanila, at pinagbabali ang mga buto nila , hinamon pa nila ko eh bumagsak naman sila lahat -_-

Tinapak tapakan ko ang mga katawan nila para makalapit kay Antonio Lejares na ngayon ay nakagapos parin sa upuan at nang makita ko ang Alexandrite Gemstone ay kinuha ko ito at inilagay ko na sa safebox na dala dala ko inilapit ko ang lamesa sa kanya at dun ko pinatong ang safebox at dalawang baril ko at inayos para lagyan ulit ng bala

"Ngayon , Antonio Lejares , isang tanong isang sagot, paano ka nakatakas sa kulungan?"

"Gusto lang akong paglaruan ng mga ugok na yan, dahil alam nilang magnanakaw ako, pinatakas nila ko sa kulungan at iginapos dito ,ninakaw nila ang gemstone at sinabing ako ang kumuha nito para mapagtakpan ang ginawa nila , sila rin ang nagpadala"

"Okay. Next questio--"

"Di mo man lang ba ko kakalagan dito?!!"

"Tumahimik ka! At sagutin mo kung anong itatanong ko! Pano mo nasabing tinatraydor ako ng Rain Corporation?!"

"Hahahahaha! Hahahahaha! Hahaha!"

Nainis na ko kaya ipinasok ko sa bibig nya ang baril ko

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo!! Ano?!! Sasagutin mo ba ang tinatanong ko o ang baril ko ang makikipag usap sayo?!!"

Inalis ko sa bibig nya ang baril ko ay at itinapat sa ulo nya

"Isang kalabit ko lang sa gatilyo ng baril ko ay basag yang bungo mo!!"

Nanginig sya sa takot at nerbyos dahil tinutukan ko sya ng baril

"Hindi ako ang pumatay kay Margaret!, hindi ako ang pumatay sa nanay mo!"

"Kung ganon sino?!!"

Nanggigigil na ko sa galit

"Inutos lang nila saken yun! Inutusan nila ko, tinakot nila ko na pag hindi ko ginawa ang sinasabi nila ay papatayin nila ang pamilya ko!"

Halatang natatakot at natataranta na sya

"Sinong nag utos sayo para patayin ang mama ko?!!"

"Dati akong Spy Agent ng Rain Corporation! Kagaya mo ako noon Nathalia, nasaken ang reputasyon at ang kasikatan! Pero nang dahil sa demonyong yon ay nasira ang lahat, sinet up nila ko pinalabas nila ako bilang pinakakinatatakutang magnanakaw , upang mapagtakpan ang kanyang sarili! Co- Spy Agent ko si Margaret at dahil pumalpak sya sa misyon nya ay inutos saken ni General na patahimikin sya sapagkat maaari nyang ilabas ang baho ng Rain Corporation kahit anong oras nya naisin, wala akong kasalanan Nathalia, naduwag lang ako noon kaya hindi ko naipagtanggol ang nanay mo , ginawa nya kong halimaw, pinasama nya ang imahe ko sa mga tao kaya ngayon ay tuluyan nya na kong ginawang kriminal!"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at nanginginig parin ako sa galit

"Kaya Nathalia, binabalaan kita! Hanggat may oras pa, hanggat may pagkakataon pa , umalis ka na ng Rain Corporation , tumakas ka na at iligtas mo ang sarili mo!"

Ibinaba ko na ang baril ko at sinubukan ko syang kalagan pero yari sa matibay na bakal ang ginamit na pang gapos sa kanya kaya hindi ko mabuksan, sinubukan kong tignan kung mayroong susi pero wala

"Nasa loob ng replika ng Alexandrite ang susi"

"Ano?!! Nasa loob?!! Kaylangan kong pumunta don!"

Kinuha ko ang maliit na safebox at ang mga baril ko , patakbo akong lumabas ng abandonadong bangko kung saan sya naroroon at dahan dahang pumasok ng Museum, hindi ako pwedeng basta basta nalang pumasok doon kaya kinuha ko ang face powder ko at hinipan sa ere para malaman kung merong high-intensity lasers ang paligid at positive, meron nga kaya kaylangan kong lusutan ang mga ito nang hindi ako natatamaan dahil posible akong masugatan o kaya naman ay makagawa ito ng ingay para makuha ang atensyon ng mga security guard ng Museum, kaya sinimulan ko nang lusutan ang lasers nang dahan dahan

Marco's Pov:

Sa tingin ko mas maganda kung sa rooftop ako dadaan pababa ng museum kaya ikinabit ko na ang harness ko at dahan dahang bumaba pero nagbudbod muna ako ng pulbos sa lugar para malaman kung may lasers ang paligid at positive, merong lasers na nakapaligid sa replika ng Alexandrite gemstone , kukuhanin ko na sana ito dahil hindi ako pwedeng tumagal ng nakabitin dahil baka umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko , pero nakita kong may nuclear bomb sa ilalim ng replika ng dyamante na maaaring sumabog pag nagalaw ito, pero may nakita rin akong susi kaya wala akong choice kundi bumaba pero habang sinusuri ko itong mabuti ay biglang may tumabing na itim na tela sa mga mata ko, at sinubukan kong manlaman pero hindi ko magawa , saka lang ako nakapagsalita nang maramdaman kong babaaliin nya na ang buto ko sa likod

"Aray! Ouch! Nathalia! Stop! Fvck!"

binitiwan nya ko at tinanggal nya ang itim na tela sa mata ko

"Marco?.. Im sorry.. Im really really sorry!"

"Ang sakit!"

"An-anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nandito?!"

"Pinapahanap rin ba nila sayo ang magnanakaw at ang Alexandrite Gemstone?!"

"Oo bakit?! Anong alam mo tungkol dito?!"

"Parehas tayo ng mission Nathalia, hawak ako ng Shadow Corporation"

"Wait. Another spy agency?"

"Oo yun yung spy agency na pinamumunuan ng dad ni Nathaniel"

"May alam si Nathaniel tungkol don?"

"Sa ngayon wala pa"

"Teka lang sandali! Wala na kong oras!"

Akmang kukunin na ni Nathalia ang replika ng gemstone nang pigilan ko sya

"Nathalia wag! Merong isang Nuclear Bomb na pwedeng sumabog pag ginalaw mo yan!"

"Ano?! Nuclear Bomb?! Pero wala na kong oras! Kaylangan kong tulungang makatakas si Lejares!"

"Ano ka ba Nathalia?! Bakit mo papatakasin yung magnanakaw na yun?!"

"Inosente sya Marco, wala syang kasalanan , may ibang kumuha ng Alexandrite gemstone "

"Kung ganon sino ang kumuha ?!"

"Mamaya ko na sasabihin! Sa ngayon tulungan mo muna kong makuha yung susi sa loob ng replika, sasabog ang Nuclear Bomb pag natanggal ang replika sa lalagyanan nito kaya susubukan kong tanggalin ng dahan dahan, makakaya mo bang tanggalin lahat ng high-intensity lasers para makalabas tayo agad?"

"Oo sige susubukan ko"

Sinubukan kong kalikutin ang monitor na pinanggagalingan ng lasers, at natanggal ko ang lasers sa paligid ng replika kaya madaling nakuha ni Nathalia ang replika.

"Oh no! Damn! Hey, Marco, faster! Sasabog ang buong lugar na ito in 15 minutes!"

"15 minutes?! Are you kidding me?!"

Nagulat ako sa sinabin nya dahil 15 minutes nalang ay sasabog na ang lugar

"Faster!"

Sinunod ko na sya at tinanggal ang lasers sa paligid at ang tanging lasers nalang na natitira ay nasa lobby ng museum

"Marco! Hurry up! 10 minutes!"

Medyo natataranta na ko pero biglang hinawakan ni Nathalia ang kamay ko kaya medyo kumalma ako at sinubukang tanggalin ang hilera ng lasers 5 minutes nalang ang natitira kaylangan na naming makalabas

5...

4...

3...

Natanggal ko na ang huling lasers at tumakbo na kami sa pintuqn

2...

1...

Tuluyan nang sumabog ang lugar kaya tumalsik kami palabas ng Museum

"Ayos ka lang Nathalia?!"

"Oo.. Medyo hindi lang ako makagalaw"

Inalalayan ko syang tumayo at may sugat sya sa braso kaya pinunit ko ang parte ng tela ng t-shirt ko at itinali sa nagdudugo nyang braso

"Asan si Antonio Lejares?!"

"Nandun sa abandonadong bangko!"

Medyo nahihirapan syang magsalita at maglakad , nang makarating kami doon ay nakita kong nakagapos si Lejares

"Pakawalan mo sya Marco, please!"

Isinandal ko sya sa pader at ibinigay nya saken ang replika ng dyamante, binasag ko yun at tumalsik ang susi na syang ginamit ko para pakawalan ang taong sinasabi nyang walang kasalanan

"Salamat !"

"Kay Nathalia ka mag pasalamat!"

Nilapitan nya si Nathalia na ngayo'y nanghihina

"Salamat Nathalia at pinakinggan mo ko!"

"Magkikita tayo ulit! Sige na! Tumakas ka na!"

Dali daling tumakbo si Lejares palabas ng bangko, at napansin ko naman ang grupo ng mga lalaki

"Sino tong mga ungas na to ha Nathalia?!"

"Sila yung kumuha ng Alexandrite gemstone, halika rito Marco"

Pinalapit nya ko sa kanya kaya lumapit ako at lumuhod para makita ko ang mukha nya , binigay nya saken ang isang safebox

"Nandyan ang tunay na Alexandrite Gemstone... Ikaw na ang bahala dyan"

"Teka, bakit mo binibigay saken?! Mami mission failed ka!"

"Wala na kong pakeelam.."

Bigla syang nawalan ng malay kaya dinala ko sya sa ospital.

Nathalia's Pov:

Pagkagising ko ay hindi ko makilala ang lugar... Nasan ba ko?.. Nang mapalingon ako sa bandang gilid ay nakita ko si Marco, medyo blured pa ang pangingin ko pero alam kong sya yun

"Gising ka na pala Nathalia, naririnig mo ba ko?.. Nawalan ka ng malay kaya dinala na kita dito para matignan na rin yung sugat mo"

"Marco.. Thankyou.."

"No. Thankyou.. Kase dahil sayo mission accomplished ako at mapo promote na ko pero bakit mo ginawa yun?"

"Tinraydor ako ng Rain Corporation.. Si General ang pumatay sa mama ko"

"Ano?!!"

"Pero hindi muna ako magpapahalatang may alam na ko , kaylangan kong gumanti dahil pinagmukha nila kong tanga buong buhay ko, ginawa nila kong puppet na uutus utusan lang nila!"

"Nathalia, may alam na si Nathaniel tungkol saten, kaylangan mo nang gawin yung misyon mo!"

"Ano?!"

"Alam nya na ang lahat, alam nya nang spy agent ka at balak mo syang patayin! Makinig ka saken , kahit anong mangyare wag na wag mong hahayaang patayin ka nya dahil plano nyang unahan ka!"

"Pero pano nya nalaman?!"

"Hindi ko alam, nasa Europe sya ngayon at malamang alam nya nang Spy Agent din ang tatay nya, kaya kung may balak ka pang bumalik ng Rain Corporation, gawin mo muna ang pinakahuling misyong magagawa mo para sa kanila"

Hindi na lang ako nakapagsalita

"Im sorry kung hindi kita masasamahan dun ngayon dahil marami akong kaylangang asukasuhin.. Salamat ulit Nathalia.. Aalis na ko"

Hinalikan nya ko sa noo at lumabas ng pinto .

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.