Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 18

Nathalia's Pov:

Handa na kong tapusin ang trabaho ko, kaylangan ko nang malaman kung sino ang killer , kaya nang 11:56 na ng gabi ay pinasok ko na ang Bloom Magazine Modelling Agency , sarado na ito kaya wala nang kahit sinong tao, depende nalang kung nandito parin ang killer at naglilinis ng kalat nya, pumasok ako sa pintuan sa likod gamit ang hairclip dahil naka kandado ito at kaylangan kong sungkitin ang lock , nang makapasok ako ay nagmistulang haunted modelling agency ang nasa loob dahil halos lahat ng models na kasama ko kanina ay pinatay, lahat sila ay may saksak ng kutsilyo sa bawat katawan, tatlong co-models ko ang nakita kong patay dito sa front door tumingin ako sa studio pero walang tao dun , kinontak ko si General

*hello? General, positive,sa tingin ko balak nilang ilabas sa publiko na murder ang nangyaring krimen dito, malamang ay natunugan nila ang pag e espiya ko, dahil tatlo na ang nakita kong patay dito sa may front door ng Agency, magpadala kayo ng ilang pulis at spy agents narin dahil hindi ko kayang mag isa ang operation dito*

*oh sige, binibilisan na nila ang pagresponde dyan sa kinaroroonan mo*

*sige po salamat General*

habang sinusuri ko pa ang lugar ay may nakita akong bakas ng dugo sa sahig, nasa 2nd floor na ko at sinusudan ang bakas ng dugo, mukhang papunta ito sa 3rd floor.. Hanggang 4rth floor.. Hindi. tama na. Ayoko nang sundan. Mukhang isa itong patibong kaya hinugot ko ang baril ko at saka lumakad ulit bumalik ako sa 2nd floor at nagulat ako nang makita ko ang isa ko pang co-model na nakahandusay sa may hagdanan , nandito lang ang killer

"Wag mo na kong lituhin! Magpakita ka saken!!"

Tinutok ko sa lugar ang baril ko at tahimik na nagmamasid nang may marinig akong babaeng umiiyak at hunihingi ng saklolo

"Tulong! tulungan nyo ko!"

Boses ni Alexandria yun! , nasan sya kaylangan ko syang mahanap!

Bumalik ako sa studio at nakita kong nakagapos sya doon sa gitna ng flatform.. Sya lang mag isa doon at nakaupo kaya minabuti ko nang tanggalin ang spy agent head gear ko para makita nya ko

"Na-Nathalia?.."

"Asan ang killer?!"

"Tumakbo sya roon sa may bandang kaliwa! Halos lahat ng co-models natin ay pinatay nya , nakamaskara sya kaya hindi ko sya makilala , pero sa tingin ko isa sya sa mga photographers!"

Tinanggal ko ang pagkakagapos ng mga kamay nya at tinulungan ko syang makalabas , nang makalabas kami ay inalalayan kami ng mga pulis at isinakay nila si Akexandria sa ambulansya dahil sugatan din ito at may sugat sa ulo, nakita ko naman sila Agent Anne at Agent Sam,

"Guys, tulungan nyo ko libutin natin ang lugar"

"Sige Nathalia, ako na sa rooftop at sa 4th floor, Agent Sam ikaw na sa 3rd floor at 2nd floor, at ikaw naman Agent Nathalia sa 1st floor at Ground floor"

tumango lang ako sa kanila at pinasok ulit ang lugar

Nang makapasok kami sa lobby ay naghiwa hiwalay na kami at dahil wala naman akong makita sa 1st floor ay dumirecho na ko sa ground floor

Nakita ko ang killer mula sa malayo at mukhang may isinisilid syang bangkay sa may malaking maleta , tsk.. Ugh.. Disgusting -_-

Inayos ko ang lente ng baril ko at sinesentro ko na sa kanya ngayon.. And.. 1 2 3.. Shoot !!

Tinamaan sya ng bala ng baril ko na sakto sa ulo nang hindi nya man lang namamalayan

Paglapit ko sa kanya ay tinignan ko ang I.D nito , Miguel Mijares ang pangalan nya, tinanggal ko ang mask nya sa ulo , pamilyar nga ang mukha nya, naaalala ko na! Sya yung photographer ni Alexandria na tinatawag nyang Kuya Miggy .. Sya ang killer pero nasaan ang mastermind?..

Nang makalabas ako ng Agency ay hinayaan ko na ang mga pulis na pumasok at libutin ang buong building na yun.. Nagsidatingan naman ang mga ambulansya para isakay ang mga nakuhang bangkay sa nangyaring krimen , nang makita ko si Agent Sam at Agent Anne ay kasama nila ang manager ko , lumapit ako kay General na pumunta rin doon para tignan ang trabaho namen

"General, napatay ko na po ang killer at sa tingin ko mukhang nahuli narin nila Agent Sam at Anne ang mastermind"

"Nathalia?.."

Malamig ang pagbigkas ng manager ko sa pangalan ko

"Sa presinto ka na magpaliwanag, sige na dalhin nyo na yan"

"Conggratulations Agents, nagawa nyo ang misyon nyo, tara na at marami pa tayong trabaho sa Rain Corporation "

"Sige ho Sir mauna na ho kayo dun, dala dala ko ho kasi ang kotse ko"

"Oh sige Nathalia mag iingat ka"

Papunta nako sa kotse ko nang may marinig akong boses sa isip ko :

Hindi ko alam kung bakit ako ang tinutugis mo samantalang ang korporasyong kinabibilangan mo ang syang nagtataksil sayo

Pangalawang beses na kong ginugulo ng mga salitang yun...

"Ahm! Nathalia?!!"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita, si Alexandria

"Nathalia, salamat nga pala sa pagligtas mo saken kanina kahit na hindi kita pinakitaan ng maganda sorry din sa lahat.. Sana mapatawad mo ko at maging magkaibigan tayo "

Ngumiti ako sa kanya at inakbayan sya

"Sige, pumapayag na kong maging kaibigan mo kung hindi mo sasabihin sa lahat ng mga press people ang nalalaman mo tungkol sa akin.. Isa itong sikreto at walang kahit sinomang pwedeng makaalam.. Naiintindihan mo?"

"Oo! Salamat ulit!"

"Sige, mauuna na ko"

Sumakay na ko sa kotse ko at sumunod sa Rain Corporation

Sa ngayon palaisipan parin saken kung paano nakuha ni Marco ang loob ng Rain Corporation , samantalang alam nilang dating Spy Agent ng Web Corporation si Marco.. Napakaraming gumugulo sa isip ko, sinubukan kong i dial ang cellphone # ni Marco pero sa tingin ko ay hindi nya na yun ginagamit kaya nawalan na ko ng contact sa kanya , habang naglalakad ako ay sinalubong ako ni Agent Sam na may hawak na champagne

"Let's Celebrate!"

Ngumiti lang ako sa kanya

"No, sorry mataas ang alcohol content ko sa katawan ngayon.. Hindi parin ako nakaka recover ..."

"Ah ganun ba, gusto mo ng juice?.."

"Hindi na"

"Okay..."

Akmang aalis na sana si Sam, pero pumasok sa isipan ko ang isang tanong

"Ahm.. Agent Sam, maaari ko bang malaman kung saang lugar ipinatapon si Mr. Lejares?"

"At bakit gusto mong malaman, Nathalia?"

Sumingit naman bigla si General

"Ahm, sir ah ano kasi eh.. Gusto kong malaman kung bakit nya pinatay ang mom ko.. Hanggang ngayon sa tingin ko ay hindi parin ako nakakaganti sa kanya, dahil buhay ang kinuha nya saken kaya dapat buhay din ang maging kapalit"

"Sa ngayon ay nasa Russia sya"

"Russia???.. Bakit napakalayo?.."

"Dahil ang mga kulungan doon ay mahirap talagang takasan , nasa kanila ang mga pinakamalalakas na security systems at doon din kinukulong ang mga maiimpluwensyang kawatan para siguraduhing hindi sila makakatakas"

Bigla namang sumingit si Agent Anne sa usapan namen

"General , isang report ang aming natanggap tungkol sa Russia , na ang isang museum daw doon ay ninakawan ng isang kawatan , at ninakaw nito ang tunay na Alexandrite Gemstone, at hanggang ngayon ay hindi parin nila matukoy kung sino ang salarin"

"Ano?!"

"Hmm.. General, akala ko ba magaling ang mga security systems doon?.. Bakit nananakawan pa?.."

"Ah eh siguro ay nagkataon lang iyon, okay Nathalia, you should packed your things now, youre going to Russia"

"That's what i want"

Isang mission lang ang binigay nila saken doon , at yun ay ang mahuli ang magnanakaw ng Gemstone pero, dalawa ang misyong gagawin ko, kaylangan kong makausap si Antonio Lejares , nasakanya ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko.. Nathaniel... I guess i have to leave you again, im sorry... i dont want to do this but.. I need to take the risk..

Nathaniel's Pov:

Hindi ko maiwasang maalala ulit ang mga nangyare sa Isla Jus Ratio..

Hanggang ngayon naguguluhan parin ako kung paanong nandun si Nathalia and at the same time ay nandun din si Marco..

Nandito ako ngayon sa bahay ko at pinagmamasdan ang babaeng sa tingin ko ay nag iimpake nanaman ng mga gamit nya, lang 'ya naman talaga oh! Agad agad akong pumunta sa bahay nya

"San ka pupunta?!"

"Look, Nathan im not gonna run away with you! Okay?!, Its just my Dad.. He gave me a vacation trip to Russia"

Bago pa ko makapagsalita ulit ay inunahan nya na ko

"Babalik ako agad.. Just give me 2 weeks.."

"2 weeks... Okay.. Kaya lang ang kinaiinis ko dun eh hindi ka man lang nagpapaalam saken, bigla bigla, pagdungaw ko sa bintana ng kwarto ko nag iimpake ka na!"

"Im sorry.. Okay?!"

"Nathalia.. Ano ba talaga ko sayo?.. talaga bang wala na kong pag asa sayo?.. Pinapatay mo yung pagmamahal ko eh.."

"Ikaw ang naunang pumatay ng pagmamahal ko para sayo , kaya quits na tayo!"

"Wag naman ganyan Nathalia.. Alam mo bang hinanap kita noon?.. Galit na galit ako sayo dahil umalis ka ng walang paalam... Bakit ba yun nalang palagi ang ginagawa mo saken?.. "

"You should love someone else"

"No. Hindi ako susuko hanggat hindi kita nakukuha ulit.. I want you to be my everything Nathalia..."

"Okay, live with your fantasies jerk"

"Nathalia.. Mahal kita.."

"Hindi na kita mahal Nathaniel... Ayoko na.. Pagod na ko.. Please lang just stay away from me.."

"Hindi kita iiwan alam kong mahal mo ko... Nagsisinungaling ka!"

"Okay, paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan!, sa tingin mo makikipagbalikan pa ko sayo?! Pagkatapos ng ginawa mo saken?!, abusado ka naman, sinabi mo na nga sa mga tao na girlfriend mo ko, gusto mo mahalin pa kita? That's a double torture Nathan! You're torturing me!"

Napabuntong hininga nalang ako at sinipa ang pinto saka lumabas, i hate her. I really hate her.. Hindi nya ba nakikita na nagsisisi na ko sa mga nagawa ko sa kanya noon?... Kung ganyan rin lang sya saken mas mabuting patayin nya na lang ako .

Biglang nag ring ang cellphone ko, tumatawag si Marco

*oh hello insan, bakit?*

*ah wala lang , nangangamusta lang*

*ah ayos lang naman ako dito, gusto sana kitang makausap ng personal*

*ha bakit?*

*tungkol kay Nathalia*

*ha ? Bakit anong nangyare?*

*wala naman, gusto ko sana magpatulong sayo, diba sabi mo balak nya kong patayin?.. Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit hindi nya pa ginagawa, she's heading to Russia now, mukhang may bagong misyon nanaman sya"

"Russia?*

*Yes*

*okay, ah... Nandito pa ko ngayon sa Europe, nagta trabaho ako dito sa company nyo, and im sure matutuwa si tito pag nagbakasyon ka dito*

*ah sige tungkol dyan, aayusin ko muna yung mga kaylangan kong ayusin dito kase medyo hectic ang schedule ko ngayon sa Set eh*

*sige, sasabihin ko rin kay tito na magbabakasyon ka dito*

*sige insan, salamat*

-Call Ended

Inayos ko ang papeles ko at kinuha ko rin ang passport ko at saka nag impake , i really need that damn vacation .

Marco's Pov:

Pagkatapos kong tawagan si Nathaniel ay kinausap naman ako ni tito

"Agent Marco, hindi bat may trabaho ka pa? Bakit nandito ka?"

"Tito?"

"General ang itawag mo saken dito"

"Sorry, ahm General, nagawa ko na po ang pinag uutos nyo "

"Nang ganon kabilis? Kahapon ko lang binigay sayo ang assignment mo pero nagawa mo na kaagad tapusin?"

"Ah opo, kasalukuyan nang nakakulong ang target dahil ipinag utos nyo saking wag syang patayin hindi ba?.."

"Magaling, meron ka nanamang isa pang mission , you're going to Russia, may isang museum doon na nanakawan ng tunay na Alexandrite Gemstone At kaylangan mong hanapin iyon, Kaylangan mo ring patayin ang magnanakaw na kumuha nito , dahil isa syang magaling na magnanakaw , at napaghihinalaan ding nagbebenta ng illegal na armas at mga droga"

Russia?... Ang sabi ni Nathaniel papunta rin ng Russia si Nathalia, posible kayang parehas kami ng mission ?... Mahirap to may isa pang spy agency na involved..

"Ahm General, kausap ko si Nathaniel kani kanina lang at sinabi nyang gusto nya daw magbakasyon dito "

"Ah ganun ba, sige.. Ayos lang naman"

Kaylangan kong maunahan si Nathalia

Nathalia's Pov:

Nakasakay na ko ng eroplano ngayon nang marinig ko ang showbiz news sa T.V, habang nagbabasa ko ng dyaryo

*at Superstar ,Hunk Actor na si Nathaniel Perez, inaming may namamagitan sa kanila ng model ng Bloom Magazine na si Nathalia Gomez, at inaming girlfriend nya na ito, pero sa likod ng mga tsismis na ito ay nananatiling tikom ang bibig ng magandang modelo at bali balita ring nanggulo sa Bloom Magazine Modelling Agency ang aktor dahil sa mga litratong nakita matapos mag pose ng sexy at nude photos si Ms. Nathalia para sa nasabing Men's Magazine*

Sa sobrang hiya ko ay naitakip ko ang dyaryong binabasa ko sa mukha ko , buti nalang at puro foreigner ang kasabay ko dito pero, may isang batang babae na napatingin saken at sinusuri nyang mabuti kung ako nga talaga yung nasa T.V dahil pinapakita ng VTR ang mga nakuha nilang pictures na magkasama kami ni Nathaniel, nang makumpirma nyang ako nga yung nasa T.V ay sinenyasan ko sya na wag syang maingay at nginitian nya lang ako , at binasa ang binibigkas ng bibig kong thankyou

P*t*ng ina naman kase ni Nathaniel eh! >.<

Naiinis ako! Sarap saksakan ng baril sa bibig at barilin ng paulit ulit ! Pero tanggap ko naman na hanggang salita lang ako eh, kasi kahit ganun yung gago na yun mahal ko yun >.< at isa pa... Naibigay ko na sa kanya yung... argh! Naiinis ako pag naaalala ko yung gabing yun! >.< medyo nasasaktan parin kase ako dahil hindi ko akalaing magagawa nya saken yun ...

Nathaniel's Pov:

"Mrs. Lauchengco, kung pwede po gusto ko po muna sanang magbakasyon sa Europe for two weeks, importante lang po.. May sakit po kasi ang Dad ko.."

"Ah ganun ba Nathaniel?.. Oh sige, ako nang bahala dito, pero paano naman si Nathalia? Iiwan mo sya dito?.. Baka sya ang tanungin ng mga press kung bakit mo sya iniwan at bakit ka nagbakasyon sa Europe"

"Dont worry po , hindi nyo po sya makikita habang wala ako dahil kaka flight nya lang rin po papunta naman ng Russia"

"Talaga hijo?! Kung ganun eh oh sige ako nang bahala dito, at alagaan mo na ang tatay mo sa Europe"

"Salamat po, Mrs. Lauchengco, mauuna na po ako mala late na ko sa flight ko eh, salamat po talaga"

Yes! Gumana yung palusot ko!

Nang makasakay ako sa eroplano ay tinignan ko ulit ang baril na binili ko matapos kong malaman ang misyon ni Nathalia na patayin ako legal ang baril na dala ko kaya hindi ako hinarang sa immigration.

Kaylangan kong makausap si Marco .

Nang makarating ako sa bahay namin sa Europe ay naabutan ko si Marco na nagmamadaling mag impake ng mga gamit nya , kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para itutok sa sintido nya ang baril na hawak ko at nagulat sya nang makita nya ko kaya tinaas nya ang mga kamay nya para sumuko

"Na-Nathaniel anong ginagawa mo?!"

"Isang tanong , isang sagot kuya Marco"

"Magkasama ba kayo ni Nathalia nun sa Isla Jus Ratio?!"

"Nathaniel ano bang pinagsasasabi mo?!"

Nainis na ko kaya inilapit ko pa sa sintido nya ang baril na hawak ko , wag ka nang mag maang maangan Marco

"Kitang kita ng dalawang mata ko na hawak hawak nya yung baril mo na ipinakita mo saken noon!!"

"Oo sige.. Inaamin ko na.. Magkasama nga kami nun..."

"Bakit ?!"

"Ibaba mo muna yung baril mo, pag usapan naten ng maayos to Nathaniel.."

Ibinaba ko ang baril ko at nag usap kaming dalawa

"Misyon kong patayin sya dahil sagabal sya sa mga plano ng Web Corporation, pero nalaman kong misyon nyang patayin ka , kaya ginamit ko iyon para makalapit sa kanya, at... At.. Nagkagusto ako sa kanya kaya hindi ko sya nagawang patayin, sya ang dahilan kung bakit nagawa kong talikuran ang pagiging spy agent ko sa Web Corporation, pero naging dahilan yun para tugisin ako ng agency, kaya nagpakalayu layo ako hanggang sa aksidenteng magkita kami ni Nathalia sa Isla Jus ratio, sugatan ako nung magkita kami, kaya tinulungan nya ko at humingi sya ng pabor para tulungan ko sya sa misyon nya doon.. "

"Pano mo nagawa saken to kuya?! , buong buhay ko nilalayuan ako ni Nathalia, pero ikaw nakakasama mo sya?! May relasyon ba kayo?! Ikaw ba ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ni Nathalia?! "

"Nathaniel, Oo minahal ko si Nathalia, pero ikaw ang mahal nya, ikaw ang dahilan kung bakit hindi nya ko magawang mahalin! Kaya magpaparaya na ko ikaw nang bahala sa kanya Nathaniel, tutal naman wala na kong rason para ipaglaban sya sayo dahil wala naman syang ibang ginawa kundi saktan ako sa tuwing titignan ka nya ng palihim "

"Kung ganon... Bakit ipinasa mo pa saken ang misyon mong patayin sya kung mahal mo sya? ha?"

"Gusto lang kitang subukan, gusto ko lang malaman kung magagawa mo talaga yun sa kanya"

"Kuya, alam mong hindi ko magagawa yun.."

"Sabi mo, papuntang Russia ngayon si Nathalia?.. Papunta rin ako dun ngayon, Kumuha ako ng bagong misyon sa isang spy agency, pero hindi ko alam na makakalaban ko si Nathalia sa misyong ito, kaylangan ko syang maunahan , kung hindi baka mamatay sya Nathan!"

"Kuya, sasama ko!"

"Nathaniel, masyadong mapanganib! Lalo nat wala kang kaalam alam sa trabaho naming mga spy agents, kaya ako nalang ang susunod kay Nathalia don"

"Please, kuya, ingatan mo sya para saken .. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya"

"Wag kang mag alala , ibabalik ko sya sayo ng buhay"

Nathalia's Pov:

Nasa eroplano parin ako at nagbabasa ng magazine nang marinig ko ang isang balita mula sa T.V

"At balitang international naman tayo, isang Museo sa Russia, ninakawan umano ng isang magaling na magnanakaw, ayon sa mga pulisya , kinilala ang magnanakaw na ito na si Antonio Lejares, na nakatakas daw sa pihitan at ninakaw ang tunay na Alexandrite Gemstone, pahirapan ang paghuli sa magnanakaw dahil hindi raw nila alam kung saan ito nagtatago"

Matapos ang news ay tumunog ang spy agent wristwatch ko at narinig ko ang boses ni Agent Sam

*Nathalia? Narinig mo yung news?*

*Oo ngayon ngayon lang, paanong nakatakas si Antonio Lejares*

*Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga pulis iyon, okay, sabi ni General , pagka check-in mo sa Hotel na malapit dun sa museum ay ihanda mo agad ang binoculars at pagplanuhang mabuti kung paano makakapasok sa loob ng walang makakapansin sayo , mas mabuti nang kabisado mo ang lugar Agent Nathalia*

*sige , gagawin ko iyon*

Pagkatapos ng usapan ay lumingon lingon ako sa paligid, at may nakita akong isang lalaking kahina hinala , sino kaya sya?... Isa rin ba syang Assassin?..

Pero nanatili akong kalmado at nagbasa nalang ng Magazine, pero nang mapatingin ako ulit sa lalaking yun ay nakita ko ang sign ng Rain Corporation sa suitcase nya, isa ring spy agent??? Pero bakit hindi ko alam to???!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.