Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 21

Nathaniel's Pov:

8:56 a.m na ng nagising akong katabi ko si Nathalia at maaliwalas na natutulog , niyakap ko sya at hindi ko maiwasang wag mapangiti habang pinagmamasdan ko ang mala anghel nyang mukha, hinalikan ko sya sa labi at sinubukang gisingin

"GoodMorning Sweetie.. Time to wake up.."

Gumalaw lang sya pero hindi sya dumilat

"Inaantok pa ko Nathan.."

Hinawakan ko ulit ang noo nya at naramdaman kong wala na syang lagnat, magaling na sya.

"Tumayo ka na dyan, wala ka naman nang lagnat eh, yung ANO lang pala makakapagpagaling sayo eh hehe!"

"Uhm! -- (sabay siko sa tiyan ko) Bwiset!"

"Ow! Ah! Aray! Ang sakit!"

"Nang aasar ka kasi eh"

Tumayo na sya at ipinulupot ang kumot sa katawan nya

"Teka, san ka pupunta?.."

"Sa c.r malamang"

"Magsho shower ka na sweetie?.."

"Ay hindi, mag co concert ako dito sa banyo"

Namilosopo pa -_-

"Sama koo~ "

"Hep hep! Ayoko!"

Binilisan nyang pumasok sa c.r at sinubukang isarado ang pinto pero nahawakan ko na agad ang door knob bago nya pa maisara ito

"Ugh. Bwiset ka talaga, bahala ka dyan!"

"Bakit ba ang sungit mo? Sasabay lang naman akong maligo eh.. Ah alam ko na.. siguro nabitin ka kagabe noh?.. Dont worry , we can DO IT AGAIN!" :D

"Hindi ka na nakakatuwa Nathaniel"

Nakatayo na sya ngayon sa harap ng bath thub at ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang nakatalikod sya saken, unti unti nyang tinanggal ang kumot sa katawan nya , nahulog ito sa lapag , at hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa kagandahang nakikita ko sa aking harapan.. She's so perfect. So beautiful..

lumapit ako sa kanya at sumampa na rin sa bath thub , nasa magkabilang dulo kaming dalawa at nagtititigan lang , anong problema nitong babaeng to? aga aga nakasimangot -_-

Nang matapos kaming maligo ay pinasuot ko muna sa kanya ang robe ko (ayaw nya kasing suotin yung mga damit dito na naiwan ng mga naging babae ko) at pati narin ang damit ko dahil malaki raw

"May kaylangan ka ba dun sa bahay mo?.. Ako na kukuha"

"Dalhin mo lahat ng gamit ko dito, eto yung susi ng basement (sabay abot saken ng susi) maraming baril na nakalagay sa loob ng basement kaya mag iingat ka, kunin mo yung dalawang malaking itim na suitcase"

"Ha ? Bakit?"

"Basta. Saka ko na ipapaliwanag sayo pag nakuha mo na yung pinapakuha ko "

"Okay...wag kang aalis dito ha.."

"Bangag ka ba? Sa tingin mo makaka alis ako dito nang eto lang ang suot ko?!"

"Haha sige, punta na ko dun"

"Mag ingat ka..."

Nathalia's Pov:

Pagkalabas ni Nathaniel, ay sinarado ko na ang pinto at bintana at mabilis na inempake ang mga gamit ni Nathaniel, kaylangan naming maka alis agad dito sigurado akong alam na ni General na pumalpak nanaman ako sa misyon ko .

Habang nag eempake ako ay may biglang tumawag sa phone ko nang tignan ko sa screen ay si Agent Anne

*Yes , Hello?*

*Nathalia?! Nasan ka?!*

*nasa bahay bakit?*

*umalis ka na dyan! Alam na nilang ikaw ang nagpatakas kay Antonio Lejares! Papatayin ka nila!*

Shit. Shit. Shit. Sabe na nga ba pahamak yung secret agent na nakasabay ko sa eroplano papuntang Russia eh malamang sya ang nag report nun kay General

*oh sige , sige salamat Anne!*

*wala yun para na kitang kapatid , kaya sige na, ayokong may mangyaring masama sayo*

*salamat talaga sige..*

-call ended

Nang matapos ko nang iempake ang lahat ng gamit ni Nathaniel ay hinintay ko sya saglit at nang makabalik sya ay dala dala nya na lahat ng pinapadala ko. Hmm.. Very good

"Oh? Bat naka empake din yung mga gamit ko?!"

"Kaylangan nating maka alis dito agad , Nathaniel!"

Kinuha ko ang bag kong lalagyanan ng damit at nagpalit na ko ng damit sa c.r , paglabas ko ng c.r ay nakita kong wala na yung mga gamit namen don

"Asan yung mga gamit?!"

"Nasa kotse na, sabi mo kasi aalis tayo eh, tara na"

Nang lalabas na kami ng kwarto ay may dart na tumama sa pintuan ng kwarto ni Nathaniel, alam ko tong dart na to, eto ang senyales na nandito na ang Rain Corporation kaya hinawakan ko ang kamay ni Nathaniel

"Takbo!"

"Ha bakit?"

"Pag sinabi kong takbo, tumakbo ka!"

Tumakbo kami pareho at ilang sandali pa ay umalingaw ngaw ang sunud sunod na putok ng baril , dumaan kami sa backdoor para makapunta sa kotse ni Nathaniel pero nang makapasok na kami sa loob ay may tama pala sya ng baril sa braso

"Ako na ang magda drive! Tabi dyan!"

Nagpalit kami ng upuan at pumunit ako ng tela sa manipis kong jacket at inilagay sa braso nya , pagkatapos ay nag drive na ko at binilisan ko ang pagpapalipad ng kotse nya pero pilit parin kaming sinusundan ng Rain Corporation at pinapaputukan .

"Yumuko ka!"

Sabi ko sa kanya

"Bakit?!"

"Basta , yumuko ka!"

Sinunod nya yung sinabi ko

"Nathalia, nasa speed limit ka na! Ang bilis mo magdrive! Hindi ko pa na drive ng ganyan kabilis yang kotse ko baka madisgrasya tayo!"

"Tumahimik ka! Hindi ako makapag isip!"

"Bakit ba kase tayo hinahabol ng mga yon?!!"

"Basta manahimik ka!"

Nasa mahabang road bridge kami ngayon at pilit na hinahabol ng mga ibang spy agents ng Rain  Corporation, butas butas na rin tong sasakyan namen kaylangan naming maka alis dito at kung daaan pa kami sa susunod na daanan ay may posibilidad na mahuli nila kami, wala na kong choice kundi ihulog tong kotse na to sa ilog kaya lumiko ako at habang bumubuwelo ako ay binukasan ko ang magkabilang pintuan ng kotse para pag nahulog kami sa ilog ay makakalabas kami kaagad

"Nahihibang ka na ba Nathalia?!! Anong gagawin mo sa kotse ko?!!"

"Manahimik ka sabe!"

1.. 2.. 3 !!!

Lumipad ang kotseng sinasakyan namen sa ere pababa ng ilog nang mahulog kami sa ilog ay nakalabas ako kaagad at kinuha ang mga gamit sa back seat ng kotse , ganun din ang ginawa ni Nathaniel at lumangoy kami palayo, aba marunong naman palang lumangoy tong mokong na to bakit hindi man lang lumangoy dati nung tumilapon yung kotse nya sa bangin? Sira ulo to ah -_-

Hawak hawak nya yung kamay ko habang lumalangoy kami pareho , buti nalang at hindi na kami nasundan ng Rain Corporation, nang maubusan na kami ng hininga ay umahon na kami at napadpad sa may maliit na kweba na naroon

"Dito muna tayo"

Sabi ko sa kanya pero iniinda nya pa rin yung tama nya ng baril sa braso

"Sigurado ka bang hindi na susunod yung mga yon?"

tanong ni Nathaniel

"Hindi mo kilala ang Rain Corporation Nathaniel, tinatapos nila ang nasimulan nila at hindi sila titigil hanggat hindi tayo nahahanap"

Nagpahinga kami dun saglit at nang nakapagpahinga na kami ay humanap kami ng daan paalis sa ilog na yun at nag check in sa Hyatt Hotel na nakita namen malapit don , na check in kami sa 5th floor room 558.

Pero bago yun ay dinala ko muna si Nathaniel sa ospital para magamot ang sugat nya

-------------------------------------------------------

Nathaniel's Pov:

Pagkadilat ng mata ko ay nagbu blurred ang paningin ko , sa tingin ko ay nasa ospital nanaman ako , nang luminaw ng konti ang mata ko ay may nakita akong nurse sa gilid ko

"Ahm, miss? Nakita mo ba yung babaeng kasama ko?"

"Ah opo sir Nathaniel si Ms. Nathalia po ba?  nagpaalam lang po saglit na magche check in daw sa Hyatt Hotel"

"Sige, salamat.."

"Ahm sir , sa ngayon okay na po ang lagay nyo , nalinis at natanggal na rin po namen ang bala ng baril sa braso nyo kaya pwede na ho kayong ma discharge mamaya pero siguraduhin nyo po na magpapahinga muna kayo ng mga ilang araw para gumaling kayo"

"Sige, salamat ha"

"Ah eh sir, pwede po bang pa autograph? Idol na idol ho kase kayo ng anak kong si Nathalie eh"

Sabay abot saken ng ballpen at nung hawak hawak nyang chart yata yun ? Basta yung hawak nung mga nurse yun na yun, yung sinusulatan nila ng kung anu ano

"Ah ganun ba, sure"

Syempre , pinirmahan ko at nilagyan ko ng konting sayings haha maarte ako mag autograph eh xD

Always be good at people , Nathalie

-Nathaniel Perez

"Salamat po sir"

Pagkalingon ko sa pintuan ay nakita ko si Nathalia na naka ayos na at nakapag palit narin ng tuyo at maayos na damit , naka shades sya pagka labas ng nurse ay tinanggal nya ang shades nya at naningkit ang mata habang lumalapit saken

"Aba't may gana ka pang mag autograph , ganyan na nga nangyare sayo?!"

"Well, im popular what did you expect?"

"Yabang !"

"And besides, she's not the one who wants to take my autograph.. Its her daughter who wants it , thats why, at saka kapangalan mo pa nga yung anak nya eh, Nathalie"

"Excuse me?.. My name is Nathalia , not Nathalie "  *roll eyes*

"Ang arte mo! Ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sayo"

"Kung makapag salita ka ah , eh ikaw nga tong mayabang eh"

"Basta maarte ka!"

"Mayabang!"

"Maarte!"

"Mayabang!"

"Maarte!"

"Mayabang!"

"Edi ako na mayabang!!!"

Kanina ay nag aasaran kami pero ngayon ay nagtatawanan na kami ,edi kami na ang weird haha xD

Hinawakan ko ang kamay nya

"So what were gonna do now Ms. Spy Agent ?"

"I dont know..."

"Where do you wanna go?.."

"Anywhere as long as im with you.."

"Okay..."

hinigit ko ang braso nya para mahulog sya saken ng konti at inabot ko ang mapulat at malambot nyang labi.

"Im sorry if i put you into this kind of danger.."

"Its okay... may maganda namang resulta eh atleast nasaken kana ulit.."

"Dont worry we will escape this mess"

"No baby, we will escape everything"

Ngumiti sya saken at hinalikan ko sya ulit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.