Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 22

Nathalia's Pov:

"Ahm Ms.Nathalia, maaari na hong lumabas ng ospital si Sir Nathaniel okay na po sya at konting pahinga nalang po ang kaylangan"

"Sige po Doc, salamat."

"Naku wala po yun mam trabaho ko po yun, mas maganda ho pala kayo sa personal kesa sa magazine"

"Ah-haha ikaw naman Doc, binobola mo naman ako"

Napangiti nalang ako sa bwiset na Doktor na yun

"Hindi naman ho mam, maganda ho talaga kayo , ahe sige po una na ko"

Mabuti pa nga't umalis ka na! Bwiset kang Doktor ka kung hindi lang dahil kay Nathaniel eh ! >.<

--Hyatt Hotel

"Oh dahan dahan.."

Inalalayan ko syang humiga sa kama pero hinila nya ko para mapahiga rin ako

"Ano ba?!"

"Bat ka galit? Gusto ko lang naman tabihan mo ko dito eh.."

"Eh ayoko! Madami pa kong gagawin!"

"Sige na... Naglalambing lang naman ako sayo eh"

"Wala kong pake, bitiwan mo nga ko may gagawin pa ko!"

"Ano ba kasing gagawin mo? Pwede namang mamaya na yan eh"

"Tanga! Hindi pwede , kaylangan kong ayusin yung mga dala nating baril!"

"Maka-tanga ka wagas ah!"

Tinulak nya ko bigla at nahulog ako sa kama , tumayo ako agad , pagkatayo ko ay nakatagilid na sya ng higa

"Bahala ka dyan! Gawin mo kung anong gusto mong gawin!"

Sabi nya saken, nagtampo yung mokong tss.. susuyuin ko nanaman to mamaya >.<

Hay ... Sisimulan ko na nga yung gagawin ko tamang tama may malaking lamesa sa pinag check-inan namen na hotel room

Sinimulan ko nang buksan yung kulay itim na bag at dahan dahang inilabas ang mga baril na kakaylanganin namen kung sakaling matunton nanaman kami ng Rain Corporation

Inassemble ko ang iba at ang iba naman ay pinuno ko ng bala

"Anong ginagawa mo?"

Hindi ko namalayang kanina pa pala ko pinapanuod ni Nathaniel habang nag aayos ako ng mga baril

"Kaylangan kong ayusin to, mahirap sumabak sa gera nang walang dalang armas"

"May pagkain ba tayo dyan?.."

"Ay Oo nga pala.. Nag pa deliver na ko hintayin mo ha dadating na yun.."

"Okay.."

Pinikit nya nalang ang mata nya at tinuloy ko na ang ginagawa ko, dumungaw ako sa bintana hawak ang binoculars , at nagmasid sa paligid, hmm.. So far hindi pa naman kame natutunton ng Rain Corporation pero bukas sigurado akong alam na nila kung nasan kami kaya kaylangan na naming maka alis agad.

Nang dumating na ang pagkain na pina deliver ko ay ginising ko na si Nathaniel para makakain.

"Kamusta pakiramdam mo?.."

"Okay na ko .."

"Sigurado ka?.."

"Wag ka na mag alala galos lang to.."

"Oh sige, dito lang muna ko sa bintana, kaylangan kong bantayan ang buong lugar , mahirap na baka matunton nila tayo"

Habang tumitingin ako sa binoculars ay hindi ko maiwasang wag kabahan, natatakot ako , nagagalit ako, naghahalo halo na yung emosyon ko kaya wala akong magawa kundi umiyak nalang, bigla naman akong niyakap ni Nathaniel mula sa likod kaya meyo nagulat ako

"Oh?.. Bakit ka tumayo?.. Hindi ka pa magaling"

"Diba sabi ko naman sayo , okay na ko?.. teka, umiiyak ka ba?.."

"Nathaniel.."

Humarap ako sa kanya para yakapin din sya at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya

"Natatakot ako Nathaniel.. natatakot ako.. pano kung makita nila tayo dito pano kung--"

"Ssshhh... diba sinabi ko na sayo?.. ako nang bahala.. tara na , umalis na tayo dito.."

hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan nya ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko at hinalikan ako sa labi ..

"san tayo pupunta?.."

"may alam akong lugar... just trust me on this okay?.."

"okay.."

binilisan namen ang pag ayos ng mga gamit namen , paglabas namen ng pinto ay biglang bumulaga sa amin ang mga baril at tila napapaligiran kami ng mga Spy agents na nananatiling tapat sa Rain Corporation, nasa harap namen ngayon ni Nathaniel si Petulya at Sam .

"so... well well well.. totoo nga na may relasyon pala kayo nyang target mo ha Nathalia?.."

tanog saken ni Petulya, pero hindi ko sya pinansin at bumaling ang tingin ko kay Sam na kasalukuyang nakatutok ang baril kay Nathaniel.

"Sam, you know me .. right?.. please.. kahit ako nalang ang parusahan nyo, kahit ako nalang ang patayin mo.. wag lang si Nathaniel.. please im begging you.."

"No! i wont let you, Nathalia! laban ko rin to "

sabi saken ni Nathaniel sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko

"how sweet... pero times up na , sa impyerno nyo nalang ituloy yang paglalambingan nyo!"

kakalabitin na sana ni Petulya ang gatilyo ng baril nya na nakatutok saken nang may biglang nagpaulan ng baril sa itaas kaya napayuko kaming lahat at nang maaninag ko kung sino yun ay nakita ko si Marco , mabilis syang nakalapit samen at bigla nyang hinawakan ang kamay ko ,

"tara na! umalis na tayo dito!"

pagkasabi nya nun ay nagmadali na kaming makalabas ng hotel

"Kuya Marco! maaasahan ka talaga! lagi kang on time!"

sabi naman ni Nathaniel

"bwiset kayong dalawa, ano to ha?! bakit hindi ko alam to ha?!"

"saka ko na ipapaliwanag sayo sweetie, ang mahalaga maka alis muna tayo dito ngayon"

sabi saken ni Nathaniel

"mahirap lumabas lalo nat napapaligiran na tayo ngayon ng mga spy agents pero nakahanap naman ako ng dadaanan naten"

sinundan lang namin si marco hanggang sa makarating kami sa isang fire exit , tumalon kami sa bintana at nahulog kami sa may big empty trashcan, dali dali kaming umalis sa trashcan na yun at sumakay sa kotse na naroon, pagkatapos nun ay pinaharurot ni Marco ang kotse para hindi na kami mahabol ng mga spy agents , pinapaputukan na nila kami ng baril kaya wala kaming magawa kundi yumuko habang nagsisitagusan ang mga bala ng baril sa bintana ng kotseng sinasakyan namen .

"bwiset ka! bwiset ka! bwiset ka!"

sinasabi ko yun habang pinupukpok ko ng baril sa ulo at balikat si Marco

"ah! aray! Nathalia! ano ba?! hindi ako makapag drive ng maayos! mahahabol nila tayo! aray!"

"sinungaling! sinungaling! sinungaling ka!!!" *pok* *pok* *pok* *thug!*

"aray! Nathalia! hindi ganyan paggamit nyan! Nathaniel ! pakalmahin mo nga yang girlfriend mo! mapapatay nya na ko kakapukpok ! ang sakit!"

"hahahahahahaha! bahala kayo dyan magpatayan kayo! haha!"

"sinungaling!"

"isa?! Nathalia ah! masakit ! tama na!"

"haha hey! babe! enough! okay?!"

inaawat ako ni Nathaniel pero ayoko pa rin, dahil naiinis ako , sinungaling yang Marco na yan eh! hinigit ako ni Nathaniel sa braso para mapigilan ako sa pananakit ko kay Marco

"isa! Nathalia ah! tama na!"

nasigawan ako ni Nathaniel dahilan para mapahinto nya ko , kumunot ang noo nya at pinunasan ang pumapatak na luha sa pisngi ko, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako ng mga oras na yun

"sinungaling sya Nathaniel eh.. sinunga--"

hindi na ko nakapagsalita dahil inabot nya bigla ang mga labi ko at binigyan ako ng masuyong halik, huminahon ang pakiramdam ko.

"sorry kung nasigawan kita, ikaw kasi ang kulit mo eh, sorry na ha?.. wag ka na magalit.."

tinignan ko ng masama si Marco mula sa salamin ng kotse , pero hinawakan ako ni Nathaniel sa pisngi dahilan para mapatingin ako sa kanya .

"tama na... okay?.."

tumahimik nalang ako , pasalamat talaga si Marco at mahal ko yung pinsan nya , kung hindi baka kanina pa sya pinaglalamayan tss -_-

Nathaniel's Pov:

Nakatulog na si Nathalia sa haba ng byahe kaya isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko at hinimas himas ang malambot nyang buhok , nagtataka ba kayo kung bakit biglang napasok sa eksena ang pinsan kong si Marco? kase ganito yan

*flashback*

-Message Received from: Marco

/hoy gago! ano?! buhay ka pa? nandito ko ngayon sa harap ng Hyatt Hotel nakikita ko si Nathalia mula dito, ang ganda talaga ng view/

nag type ako ng message

/haha! gago ka rin! Oo buhay pa ko, ahm kuya buti nandyan ka kaylangan namen ng tulong mo/

-message sent

ilang sandali pa ay nag vibrate na kagad ang cp ko

/Oo alam ko kaya nga ko nandito eh, sa ngayon wala pa naman sila pero sa tingin ko ay papunta na sila dito kaya umalis na kayo dyan/

/sige kuya salamat/

-message sent.

tumayo ako at niyakap si Nathalia habang nakatalikod.

*end of flashback

Marco's Pov:

Nagba byahe na kami ngayon at hindi na kami nasundan ng mga spy agents ng Rain Corporation, hindi ko alam kung bakit nagagalit saken si Nathalia, ano bang kasalanan ko sa kanya?...

pagtingin ko sa salamin ng kotse ay nakita kong nakatulog na si Nathalia sa byahe habang si Nathaniel naman ay hinihimas lang ang buhok nya habang natutulog.

"oy, bat ba nagagalit saken yan?"

"eh kase sabi mo yata sa kanya fake background files yung binigay mo saken eh, nalaman nya yung totoong background files pala yung binigay mo kaya ayun"

"bat mo sinabe?!"

"malay ko bang ganun yung magiging reaksyon nya"

"pero, buti naman buhay ka pa, atleast hindi natuloy yung kinatatakutan kong mangyare"

"ako pa Kuya, alam mo naman kung gano ko kamahal netong babaeng to eh, kaya imposible talagang mapatay nya ko"

"pano yung career mo? mukhang tinalikuran mo na yata , may narinig ako sa news eh, nakakatawa talaga ang mga paparazzi, sabi ba naman , nawawala ka daw haha"

"hayaan mo sila, wala na kong pake basta kasama ko si Nathalia, okay na ko"

"iingatan mo yang babaeng yan ah? kahit naman napaka bwiset nyan eh , mabait parin yan"

"Oo naman kuya, syempre hindi na ko papayag na mawala sya saken ulit"

sa totoo lang naiinis na ko kanina pa kaya mahigpit ang hawak ko sa manibela, Oo nagseselos ako, ayokong nakikitang magkasama sila pero siguro ganun talaga .. 4:30 palang ng hapon nang makarating kami sa Baler .

si Nathaniel naman ang nakatulog at si Nathalia naman ang nagising

"nasan tayo?? anong lugar to?.."

"dito muna kayo magtago pansamantala"

"ang lamig..."

niyakap nya ang sarili nya at sumiksik sa dib dib ni Nathaniel hindi ko na matiis yung nakikita ko kaya bumaba na ko ng kotse, pero ang kinagulat ko ay bumaba rin si Nathalia ng kotse.

"bakit ka bumaba ng kotse? pasaway ka talaga! malamig na nga bumaba ka pa! tss!"

"bakit mo binigay kay Nathaniel yung totoong background files ko?!"

"wala lang"

"anong wala lang?! ayos ka rin sumagot eh noh!"

hinubad ko ang jacket ko at ipinatong ko sa balikat nya

"sabi na kasing malamig eh, ang kulit mo"

"wag mong ibahin yung usapan!"

"ano bang big deal don ha?!"

"Marco, hindi mo ba talaga alam kung anong big deal don?! nang dahil sayo, nasira lahat ng plano ko, dahil sayo, sumama loob saken ni Nathaniel dahil alam nya palang plano kong patayin sya! at higit sa lahat pinaniwala mo kong walang ka alam alam si Nathaniel sa trabaho ko! pano mo nagawa saken to ha?.. pano?.."

bigla syang umiyak sa harapan ko , at yun ang kahinaan ko

"Sorry.. patawarin mo ko Nathalia.. kung gusto mo luluhod ako dito para mapatawad mo ko.."

"nang dahil sayo muntik na kong mapatay ni Nathaniel.."

"bakit ha?! anong ginawa nya sayo?! gago yun ah!!"

"wala syang ksalanan dito! ikaw! ikaw ang may kasalanan! kung hindi mo binigay yung totoong background files ko sa kanya, hindi sana tayo magkakaganito !"

"Oo sige! ako na ang may kasalanan!"

hinila ko sya palapit saken at hinawakan ang pisngi nya , hinalikan ko sya ng marahas pero sinampal nya lang ako

"is that how you treat your savior?!"

"excuse me ?! is that how you treat a woman?!"

bumalik na sya sa loob ng kotse at sa tingin ko ay ginising nya na si Nathaniel .

Nathalia's Pov:

bwiset! bwiset! bwiset! naiinis talaga ko kay Marco >.<

"huy! bakit ka nakasimangot dyan? ang ganda ganda ng view dito oh"

"wag mo kong kausapin!"

sabi ko kay Nathaniel sabay irap

"whats your problem?!"

"dapat kasi hindi ka nalang humingi ng tulong dun sa sinungaling na yun eh!"

"tss, Nathalia, He's my cousin at higit sa lahat , sya lang ang malalapitan ko tungkol dito dahil isa syang spy agent kagaya mo"

"pinagmumukha nya na tayong tanga, hindi mo pa rin marealize!"

"bakit ha?! bakit mainit ang ulo mo sa kanya? nang dahil lang ba sa letcheng background files na yun? o dahil iniiwasan mo sya dahil may nararamdaman ka na para sa kanya?"

boom. yun yon eh! fvck sh*t >.<

"anong pinagsasasabi mo?"

"hindi bat magkasama kayo sa Isla Jus Ratio?.. bakit may nangyare ba sa inyo?.. hinawakan ka ba nya?.. hinalikan?.. ano Nathalia?.."

"he... he kissed me and i kissed him back."

nagulat ako nang biglang nabasag yung center table na gawa sa salamin nang suntukin nya ito , he was so strong... yan ba ang natamaan ng baril?.. eh mas mukhang kayang kaya nya pa nga ang mga trabaho sa spy agency kesa saken eh, nanginginig sya sa galit kaya hinawakan ko ang kamay nya

"hindi pa ko tapos sa sinasabi ko, nagdabog ka na kaagad.. he kissed me, and i kissed him back.. but it was never my intention to do that, i just missed you that time, and im feeling so conscious, sometimes i wish he was you, who's kissing me so pasionately and full of warmth.. i love you Nathaniel.. so stop questioning my feelings for you, kase kahit ano mang nangyare at kahit ganon kasakit yung naging nakaraan naten, walang nagbago.. ikaw pa rin ang mahal ko.. "

hinawakan ko sya sa batok at hinila palapit saken at saka hinalikan, tinugon nya naman iyon at bigla kaming natumba sa sofa bed , damn... he unbuttoned my blouse and take it off kaya tinulak ko na sya palayo

"sorry"

"no. im fine.."

biglang pumasok si Marco sa pinto at nakita nya na ganon ang ayos namin at naka bra lang ako, shems! nakakahiya! >.< agad agad kong pinulot ang blouse ko at tumakbo papuntang c.r

"ahm-- sorry kuya yung nakita mo ah-- wa-wala yun ano--"

"hindi , ayos lang may kukunin lang ako sa kwarto ko"

nang marinig kong nagdadahilan si Nathaniel kay Marco ay napailing nalang ako , paglabas ko ng c.r ay bagsak ang mga balikat ni Marco na umakyat sa hagdanan

Marco's Pov:

dali dali akong umakyat sa hagdanan para kausapin ang tatay ni Nathaniel

*General?..*

*Agent Marco, anong balita dyan?*

*so far sir , maayos pa naman po, nandito na kami sa Baler*

*good. gusto kong makausap si Nathalia.. ng personal*

*ah sa tingin ko sir mukhang mahihirapan tayo lalo na't palagi silang magkasama ni Nathaniel, ano ho bang plano nyo? wala pa ba kayong balak sabihin sa pinsan ko ang totoo? naaawa na ko sa kanya tito, para ko na syang kapatid, at ayokong may inililihim ako sa kanya*

*hindi pwede, mas lalong malalagay sa piligro ang buhay ng anak ko, kapag sinabi mo sa kanya ang totoo , wag mo kong pangunahan Marco*

*basta gawan mo ng paraan para makausap ko si Nathalia ng personal, dalhin mo sya dito sa Shadow Corporation kung kinakailangang gumamit ka ng dahas gawin mo*

*yes sir, copy*

*sige , meron kang 5 hours para dalhin sya dito*

*yes, sir*

pinagplanuhan ko nang mabuti kung pano ko madadala si Nathalia sa Shadow Corporation nang hindi namamalayan ni Nathaniel .

Nathaniel's Pov:

Binuksan ko ang T.V and... fvck sh8t! its all over the news! at sinasabi nga nilang nawawala ako???!! mga sira ulo ba sila??!! >.<

kinuha ni Nathalia ang remote at pinatay yung T.V

"wag ka nang manuod ng ganyan, mas lalo akong kinakabahan eh.."

"Nathalia... pano kung... pano kung matunton nila tayo dito? pano kung isa saten ang... mawala?.."

"bakit mo ba sinasabi yan? wag mo kong tanungin, hindi ko rin alam.."

naihilamos nya ang palad nya sa mukha nya

"well i think dying with you is fine.. atleast youre mine now.."

"if you'll die... i'll die too.."

"pano kaya kung hindi ko nalaman na misyon mong patayin ako?.. ano kayang mangyayare?.."

"siguro baka patay ka na ngayon at ako naman ay nagpapakalasing, umiiyak at nagdurusa dahil habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko dahil ako ang pumatay sayo.."

"Nathalia.. anong nangyare?.. bakit sa dami ng trabaho.. bakit yan pa ang napili mo?.."

Oo alam kong nakukulitan na sya sa kakatanong ko pero marami pakong gustong malaman.

"kase.. kaylangan ko tong trabahong to, tinuruan ako nito para maging malakas, at para na rin maipaghiganti ko ang pagkamatay ng mama ko.. ikaw? bakit naisipan mong mag artista?"

"nag artista ko kase gwapo ako! hehe! joke! nag artista ko kase gusto kitang mahanap, baka kase.. pag sikat na ko, baka makita mo ko sa T.V at.. nagbakasakali akong bumalik ka saken ulit, hanggang sa makita kita nun sa Gathering.."

napangiti sya sa sinabi ko

"You Live in the spotlight, while i live in the shadows"

"alam kong mahirap yung pinagdadaanan naten ngayon pero pinapangako ko sayo na malalampasan natin to.."

"naniniwala ako sayo.."

niyakap ko sya ng mahigpit dahil medyo nanginginig sya sa takot .

Nathalia's Pov:

hindi ko alam pero.. sa tingin ko mas lalo ko pang minahal si Nathaniel ngayon kesa noon.. hindi ko alam pero, napapagaan nya ang loob ko ...

magkayakap kami ni Nathaniel nang bumaba si Marco ng hagdan , napatingin kame pareho sa kanya

"ahm.. wala bang kape dito?.. "

"you seem so causious, why?"

tanong ko kay Marco dahil kanina pa sya hindi mapakali, parang meron syang alam na hindi namen alam ni Nathaniel , kaylangan kong malaman kung ano iyon.

"ah-- ano hinde , wala kulang lang ako sa tulog"

"kulang ka sa tulog pero iinom ka ng kape?"

"kase -- ano pampatulog ko yun"

"andun yung kape sa may kusina, tinimpla ko na , initin mo nalang"

sabi ni Nathaniel sa kanya

"sig--sige salamat "

tumuloy na sya sa kusina

"ahm.. wait lang babes ah, may kukunin lang ako sa kwarto"

"sige"

pagka akyat ni Nathaniel ay pinuntahan ko si Marco sa kusina

"bakit? anong problema?"

"His dad wants to talk to you"

"does he know?.."

"no. they didnt allow me to say it to him"

"why?"

"i dont know"

"okay im coming with you"

"pano si Nathaniel?.."

"wait"

kumuha ako ng dalawang baso at nagtimpla ng juice

"anong ginagawa mo?"

"watch and learn.."

may kinuha ako sa bulsa kong sleeping pills at inilagay ko sa isang baso ng juice at hinalo

"ano yan?"

"sleeping pills lang yan, ginagamit ko yan pag hindi ako makatulog"

"sa tingin mo gagana yan?"

"bakit? may duda ka? gusto mong subukan?"

"tss.."

bumaba si Nathaniel ng hagdan

"honey! i made some juice"

"uy.. thanks"

lumapit ako kay Nathaniel at ibinigay iyon sa kanya, sabay kaming uminom ng juice, hanggang sa naubos nya yung isang baso nun

"teka.. parang nahihilo ako"

"ha?.. nahihilo ka? bakit?.. upo ka muna"

inalalayan ko syang umupo

"nahihilo talaga ko..."

maya maya ay pumikit na ang mga mata nya kinumutan ko sya at nilock ko ang mga bintana at pati na rin ang pinto

"sorry Nathaniel , pero kaylangan kong gawin to.."

hinalikan ko sya sa noo at umalis na kami ni Marco.

*General, okay na papunta na kame dyan*

nagkibit balikat nalang ako habang nakasakay sa kotse nya , napatingin sya saken

"ano bang kaylangan saken ni Agent Danilo Perez?"

"gusto ka nyang makilala"

"kilala ko na si tito noh.. palagi syang nakikipaglaro samen ni Nathaniel dati nung mga bata pa kami"

"you have a beautiful childhood Nathalia.."

"thanks"

--SHADOW CORPORATION

pagkapasok ko sa hideout nila ay napakaganda nito , may class ang lugar na yun at napaka elegante, mukhang mas gusto kong magtrabaho dito.. Naglakad pa kami hanggang sa makita namen ang pakay namen, i still cant believe that he is tito Danilo, hindi ganyan ang ayos nya pag nakikipaglaro sya samen ni Nathaniel noon... kahit kelan hindi pumasok sa isip ko na ganito ang propesyon nya noon pa.

"So, all the rumors are true, totoo ngang napakaganda mo, hindi lamang sa magazine kundi sa personal din"

"I didnt put your son in danger, its just happend, im sorry..."

"Nathalia , im not blaming you, everything has a reason... we have to find those reasons.. halika't sumama kayo saken, kaylangan nating mag usap somewhere private"

Habang naglalakad kami ay may mga nakikita akong gadgets sa paligid , pwede naman sigurong tignan diba? Nacu curious ako eh , kinuha ko yung isang ballpen doon at pinindot ko ang buton na nakadikit sa ballpen nagulat ako nang biglang may bullet na lumabas mula sa loob ng ballpen , napatingin ako kay Marco at napa face palm nalang sya, kaya inignore ko nalang sya at naglakad na ulit , habang naglalakad kami ay nakakita nanaman ako ng isa pang gadget, isang napakagandang relo , hinawakan ko ito at biglang kinuha iyon saken ni tito Danilo

"Ah-ah-ah , not that thing sweetie, its too dangerous when you dont know how to use it"

"Sorry"

"Can you just stop touching things?"

Sabi saken ni Marco na halatang naiinis na

"Okay, okay! tss"

nang makarating kami sa hideout ni General Danilo Perez ay pina upo nya kaming dalawa ni Marco sa squivel chair, nagkibit balikat lang ako at matamang nakinig nang magsimula syang magsalita

"asan ang anak ko ngayon?"

"iniwan namin sya dun sa resthouse"

sagot ni Marco

"okay, well Nathalia, nangyare na rin ang ganyang sitwasyon kay Marco pero hindi dapat dumaan sa marahas na paraan ang lahat... tinutugis ka ng rain Corporation dahil hindi mo nagawa ang misyon mo hindi ba?.. wag kang mag alala, kakausapin ko sila , pero kung hindi sila makakausap ng maayos ay gagamit na kami ng dahas dahil hindi naman ganon ang patakaran dito sa Agency ko , nagtuturingan kami dito bilang isang pamilya at hindi kami pumapatay ng mga Spy Agents.."

"okay.. just let me know the plan and i will manage everything.."

tumayo na ko dahil sa tingin ko ay tapos na ang pag uusap namin lumapit ako kay general Danilo Perez at hinaplos nya ang pisngi ko, niyakap ko sya.

"i will take care of him.. i promise.. thankyou tito.."

"okay, take care too.. ayokong merong masasaktan kahit isa sa inyo, maliwanag?.."

"opo.."

kumalas na ko sa pagkakayap sa lalaking itinuring ko na rin na para kong tunay na ama at lumapit na ko kay Marco

"bumalik na tayo sa bahay.. baka magising na si Nathaniel"

"sige.."

umalis na kami ng Shadow Corporation at bumalik na sa resthouse .

Marco's Pov:

Pagkabalik namin ay nahihimbing pa sa pagkakatulog ang pinsan ko, tinabihan sya ni Nathalia at hinalikan sa noo, hinaplos haplos nya ang buhok nito... habang tinitignan ko sila ay nakaramdam ako ng selos.. at hinihiling sa sarili ko na sana ako nalang si Nathaniel para nararamdaman ko yung pagmamahal ni Nathalia..

napasandal nalang ako sa may pader sa hagdanan , hanggang sa narinig kong nagising na si Nathaniel at nag uusap sila

"okay ka lang ba?.. parang bigla kang nahilo eh.. may sakit ka ba?.."

nag aalalang tanong ni Nathalia

"okay na ko, medyo nahilo lang siguro... teka kumain ka na ba?.. "

"hindi pa, binantayan lang kita habang natutulog eh.."

"talaga?.. sweet naman ng mahal ko.."

"haha syempre.. papabayaan ba naman kita dito?.. youre my responsibility now.. "

napabuntong hininga nalang ako, Oh Nathalia your'e a good liar too. takot na takot ka na pero hindi mo pa rin pinapahalata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.