Nathaniel's Pov :
nasa Van na ko pa uwi , kasama ko ang mga co-star ko na si Alexandria at Renzo .
"Nathaniel, grabe talaga yung nangyare kanina noh?.. parang may nagtatangka sa buhay mo.."
sabi ni Alexandria
"No Comment"
supladong sabi ko , pagod na kase ako eh at ayoko nalang pag usapan yung nangyare
"napaka showbiz mo talaga eh noh... alam mo yung mga ganyang sagot para sa mga paparazzi lang yan"
kinuha ko ang ipod ko at nag headset , ang ingay ingay kase nila at naiirita ako
pinalo naman ako ni Alexandria sa braso
"napaka Suplado mo talaga!"
napatingin naman ako kay Mrs. Lauchengco na nagbabasa ng news sa dyaryo
"My God, its all over the news.."
"tigilan nyo na kasi yang pagbabasa nyo ng mga walang kwentang dyaryo na yan!"
"sino nanaman tong babaeng to aber?!"
pinakita saken ni Mrs. Lauchengco yung picture namin ni Nathalia na nagkahalikan sa Gathering , gusto ko sanang sabihin na kababata ko sya pero .. i need to protect her..
"aba! malay ko! hindi ko kilala yan! bigla nya lang akong hinalikan dun sa gathering, fan girl siguro!"
pagma maang maangan ko
"naku naku Nathaniel! kunsomisyon ka talaga! teka nga pano ba yan may bago nanamang scoop tungkol sayo , iniimbestigahan pa ng mga security at pulis kung sino yung nag paulan ng bala sa shooting nyo, mukhang ikaw nanaman ang pupuntiryahin ng mga paparazzi!"
"hayaan nyo sila! wala kong pakeelam dyan sa mga intriga na yan!"
nakakainis na talaga .. pero i wonder, sino kaya yung nagtatangkang pumatay saken?..
Nathalia's Pov:
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar.. ang kwarto ko .. nagbu blurred yung paningin ko pero luminaw din naman kaagad ..
"ACE!!! ... ACE!!.."
sigaw ko sa kapatid ko
"bakit ate?.. ang ingay mo naman natutulog lang kaya ako sa kwarto ko"
"ilang araw na kong tulog?!!"
"3 days.. sabi ni Kuya Sam hayaan daw muna kitang magpahinga dahil hindi ka pa magaling"
"magaling na ko!! sigurado kang 3 days na kong natutulog?!!"
"oo nga bakit ba?!"
"we?? di nga 3 days talaga?!"
"oo nga ate ang kulit mo paplasteran ko na yang bibig mo paulit ulit ka eh!"
napabalikwas ako ng bangon at akmang lalabas na sa kwarto ko nang biglang
*ggrrruuuuu~*
"ha?.. ano yun?.. tiyan mo ba yun ate?.."
namula naman ako sa hiya
"O-oo nagugutom na ko ipaghanda mo ko ng kahit anong pagkaen!"
seryoso kong sagot sa kanya habang sya nagpipigil ng tawa arrgghh!! kainis ! bwiset talaga tong kapatid ko na to! >.<
umupo ako sa kama at binuksan ang laptop ko , may nakita akong email galing kay Samuel na nagsasabing:
"once na magising ka, pumunta ka dito sa Rain Corporation, merong big assignment sayo si General"
ano???.. assignment nanaman? at take note! BIG assignment daw??.. mukhang interesting ano kaya yun ?..
"ate , cereals nalang natirang pagkain eh"
tinignan ko yung dala nyang pagkain at inagaw ko yun sa kanya
"sige! pwede na to!"
"mag grocery ka na ate , wala nang makain dito sa bahay.."
pagkasabi nya nun ay sinara nya na ang pintuan ng kwarto ko at nilantakan ko na yung pagkaen na yun , grabe gutom na gutom ako, mukha akong patay gutom , tss! kasalanan to ni Nathaniel eh! >.<
pagka kain ko ay nag shower na ko at nagbihis , sabi kase ni Ace wala na daw pagkaen dto sa bahay kaya mag go grocery muna ako
--- Supermarket
naghahanap hanap ako ng mga kaylangang bilhin nang makita kong may nagkukumpulan sa labas ng Supermarket , nakita ko si Nathaniel Perez na pinagkakaguluhan ng mga fans nya , autograph dito , autograph doon, picture dito , picture doon , kaya sinuot ko ang shades ko baka kase makita nya ko dito
nang makapagbayad na ko sa counter ay binitbit ko na yung mga pinamili ko at palabas na ko ng Supermarket nang magkabungguan kami at nahulog yung mga pinamili ko , tinulungan nya kong pulutin ang mga iyon
"miss, okay ka lang? sorry ah.."
"ah-eh o-oo okay lang ako salamat"
"ah nga pala ako si , ako si Nathaniel Perez!"
abat ang loko! nakipagkilala pa saken ! >.< nilahad nya ang kamay nya pero hindi ako nakipag kamay sa kanya
"oo kilala kita, diba ikaw yung Superstar na maraming babae diba?.."
sabi ko with matching mataray na taas kilay , ibinaba nya ang kamay nya at yumuko
"excuse me."
sabi ko at nilagpasan ko na sya para pumunta na sa kotse ko
hah! ano ka ngayon Nathaniel?! haha *evil laugh*
pagka uwi ko sa bahay ay nagbihis na ko kaagad 4:30 palang naman ng hapon
"oh ate? kakalabas mo lang aalis ka nanaman?"
sabi ni Ace habang tinitignan yung mga pinamili ko at isa isang nilalagay sa ref
"Ace, may trabaho ako .. okay?.. kung na bo boring ka dito sa bahay edi papuntahin mo nalang mga kaibigan mo dito mag movie marathon kayo basta maglinis lang kayo ng mga kalat nyo pagkatapos"
"oh sige, anong oras ka uuwi?"
"maya maya basta ite text kita pag pa uwi na ko, at saka.. marunong ka nang magluto diba?.. parang gusto ko kasi ng tinola mamayang gabi.. can you cook that?"
"okay ate.. bye! ingat!"
"okay!"
lumabas na ko ng pintuan
--Rain Corporation
"what do we have here General?"
"Nathalia! my favorite! here's your new assignment "
binigay nya saken ang isang blue print at pinag aralan ko yun ng mabuti
"so isa syang Grand Bar & Cassino tapos.. ano to?.. hmm.. "
nakakita ako ng isang kwarto doon na naka ekis
"may nangyayareng transaksyon sa loob ng kwarto na yan.. at gusto kong alamin mo kung mayroon ngang nakatagong bentahan ng mga shabu, ecstacy, marijuana at drugs sa loob nyan, kaylangang magawa mo yan as soon as possible kaylangang malaman mo kung anong klaseng misteryo o inside job ang nandyan, "
"sige po sir , aalamin ko po.. "
akmang aalis na ko ng marinig kong magsalita ulit si General
"and one more thing Nathalia, kaylangan mong maging maingat dahil kapag nahuli ka ng mga tauhan nila, siguradong hindi ka makakalabas ng buhay sa lugar na yon.. so you will gonna need a disguise again.. kaya pina ayos ko na kay Sam yung fake resumes mo , he will give it to you as soon as he finished it"
"so?.. mag a apply ako ng trabaho doon sir?.."
"yes"
"okay .. "
" im sure matatanggap ka naman kaagad eh"
pagkatapos nun ay pumunta na ko kay Sam
"ahm.. fake Resume?.."
"oh Nathalia, here .."
binigay nya saken yung resumes at napatingin ako sa kanya
"ahm.. Sam.. ano kase may tatanong lang sana ko"
"ano yun?.."
"nung gabing hinatid mo ko sa bahay.. sa kwarto ko.. may nakita ka bang kalat , kalat na pictures?.."
"ah- O-oo pero hindi ko na pinakeelaman kase ipa park ko pa yung kotse mo at saka hindi ako mahilig makeelam ng hindi ko gamit "
"ah s-sige.. alis na ko.."
lumabas na ko ng Rain Corporation, nagmamatigas kasi si Sam eh talagang ayaw umamin , mukhang hindi papahuli ng buhay
nagpunta muna ako sa mall para bumili ng damit na pang disguise , tinanggal ko rin ang make up ko para magmukha lang akong aplikante
--Grand Bar & Cassino
"next Applicant please"
sabi nung babaeng nag a assist sa mga nag a apply ng trabaho sa Bar
tinignan ng recruiter yung resumes ko
"hmm.. youre good.. pero.. nakakuha na kasi kami ng mga bagong waitress eh so sorry-- "
"ah - eh mam! kahit anong trabaho na po basta makapasok lang at matanggap ako dito sa Bar na to sige na ho.."
"hmm.."
tumayo ang recruiter at nagsimulang lumakad pa ikot sa akin
"may korte ang katawan mo, maganda ka rin.. pwede kang Dancer dito sa Bar.."
"da-dancer ho?"
nawala sa isip ko yun ah..
"oo ano? .. gusto mo ng trabaho diba? at yun lang ang bakante dito.."
"ah sige ho tatanggapin ko na po"
"good.. pwede ka nang magsimula mamayang gabi miss...."
tinignan nya yung resume ko para makita ang pangalan ko
"Ms. Thalia Gomez"
fvck!! wala talaga sa isip ko na yun ang ibibigay na trabaho saken, para akong prostitute! damn! >.<
nang lumalim ang gabi ay nagsimula na kong magbihis sa itinuro saking dressing room.. magaganda ang mga damit doon pero pang prostitute talaga.. class A prostitutes..
naglagay ako ng makapal na pulang lipstick at kinulot ang buhok ko .. marunong naman akong sumayaw kaya sa tingin ko kayang kaya ko ang trabahong to .. ang hindi ko lang kaya ay tignan ako ng mga lalaking naghahangad na maangkin ang katawan ko .. kinakabahan ako pero wala akong magagawa kaylangan kong gawin to dahil ito ang trabaho ng isang spy agent na kagaya ko, dahil kung ikaw ay tunay na spy agent dapat lahat or kahit anong ipagawa sayo ay kaylangan mong gawin sa abot ng makakaya mo
nagsimula na kong lumabas ng dressing room at umakyat sa stage .. maraming lalaki ang nanunuod sa akin habang ginigiling giling ko ang katawan ko sa pole ng dahan dahan..
lahat sila tahimik na pinapanuod ang bawat pag galaw ng katawan ko, pakiramdam ko nanginginig ang tuhod ko sa takot..
pero bigla kong nakita si Nathaniel na papasok ng Bar , patay! hindi nya ko pwedeng makita! pero wala akong magawa , sana lang hindi nya ko makita habang sumasayaw ako dito..
pero tama ba yung nakikita ko?.. inabutan nya ng pera yung kasama nya?.. para saan ang pera na yun?.. pero dahil medyo madilim ay nawala sya sa paningin ko
maya maya ay lumapit sa akin yung nag a assist ng mga aplikante kanina, at binulungan ako:
"merong isang big time costumer doon at gusto kang i-table , nandun sya sa gawing kanan , dun sa may couch pwede mo na syang puntahan"
"ah-si-sige po"
lumapit ako sa kumpulan ng mga lalaking naroon , buti naman para makapagtago ako kay Nathaniel
pero paglapit ko ay nakita ko syang napa-upo doon.
"ikaw nanaman?! ano bang kaylangan mo?! hindi mo ba nakikita? busy ako , sumasayaw ako doon oh! "
maang maangang tanong ko sa kanya
"whoa! pre! palaban yang gusto mong i table ah yan ang mga gusto ko!"
sabi nung isa nyang kasama at inakbayan ako pero tinanggal ni Nathaniel ang braso nung lalaki sa akin at hinawakan ako sa pulso at hinila palabas ng Bar , nagpumiglas ako
"ano bang kaylangan mo! bitiwan mo nga ko!"
"anong ginagawa mo dito ha?! bakit dito ka nagta trabaho? at saka bakit sumasayaw ka doon ha?!!"
halatang nagagalit sya
"at bakit ha?! pwede ba! hindi kita kilala kaya wala kang pakeelam kung dito ako nagta trabaho o kung nagpapabastos ako sa mga lalake!!"
"wag ka nang magtrabaho dyan Nathalia! mapapahamak ka lang! ano bang nangyayare sayo wala ka na ba sa katinuan?.. tutulungan kita.. bibigyan kitang trabaho basta umalis ka lang dyan sa Bar na yan! sige na!"
"AYOKO! "
"ganon?!! ayaw mo?!! oh sige ! kung kinakailangang bilhin kita gabi gabi gagawin ko wag lang kita makitang mag sasayaw at magpa bastos sa mga lalake dito!"
"bahala ka sa buhay mo! gawin mo kung anong gusto mong gawin!! bwiset!!"
akmang aalis na ko nang higitin nya ulit ang kamay ko
"san ka pupunta ha?!"
"babalik na ko sa trabaho ko bakit?!!"
galit kong sabi sa kanya
"hindi na pwede! bayad ka na diba?! kaya sasama ka saken ngayon!"
ha ?.. ano?.. saan nya ko dadalhin?!.. hindi pwede! pano yung tunay na dahilan ng pagpasok ko dito? pano yung tunay na trabaho ko sa Bar na to?..
hinubad nya ang jacket nya at nilagay sa akin upang matakpan ang hantad kong katawan ,tuluyan nya na kong hinigit palabas ng Bar at pinasakay sa kotse nya
"san mo ba ko dadalhin?! ano ba?!!"
"bayaran ka diba?! kaya dapat hindi ka nagrereklamo kung saan kita dalhin! dahil ang trabaho mo lang mag benta ng aliw!"
yun ang pinakamasakit na narinig ko sa kanya kaya hindi ko mapigilang wag umiyak pero hindi ko yun pinapakita , kaya yumuko nalang ako, bakit ba kase ganyan ka Nathaniel?.. iniwan kita noon, dapat wala ka nang pakeelam saken!! :'(
-- Perez Residence
"baba ! nandito na tayo!"
sinunod ko lang yung sinabi nya
at hinigit nya nanaman ako papasok sa loob , nagpatianod nalang ako dahil nanghihina ako... sana magawa ko.. papatayin ko sya.. ngayong gabi..
pagpasok namin sa loob ng bahay nya ay napakaraming alak sa lamesa , bigla nya kong sinandal sa pader at pinaghahalikan , sinampal ko lang sya
"wag kang mag alala.. hindi naman kita gagalawin eh.. gusto ko lang samahan mo kong uminom..pero kung gusto mo--"
pinutol ko na ang sasabihin nya, pumunta ako sa sofa at binato sya ng throw pillow
"hayup ka! tigilan mo ko! bastos!"
tatawa tawa naman syang naglagay ng red wine sa isang glass at binigay yun saken
"oh "
inabot ko iyon at ininom pero mas gusto ko yung hard liqour para pag wala na ko sa katinuan saka ko sya papatayin
ilang oras pa ang lumipas , lasing na kami pareho pero kaya ko pa , inalalayan ko syang humiga sa kama dahil lasing na sya
"Nathalia..."
tulog pero nagsasalita.. ano kaya yun..
nilabas ko ang dala dala kong kutsilyo at akmang sasaksakin na sya pero nagsalita sya ulit...
"Nathalia.. mahal pa din kita.."
it was something that i cant stand... tumulo nanaman ang luha sa mga mata ko at nanlulumo ko syang pinagmasdan..
"wag mo na kong iiwan ulit ...."
hindi ko namamalayang humahagulgol na pala ko ng iyak.. nanghihina ako at hindi ko magawang patayin sya..
"please.. dito ka lang sa tabi ko Nathalia..."
kaylangan ko nang maka alis dito!
kinuha ko ang lipstick ko sa bag at sinimulang magsulat sa salamin gamit ang lipstick, at kahit nanghihina ako ay naisulat ko pa rin naman ng maayos ang salitang
Goodbye....