Nathaniel's POV:
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko , at wala na si Nathalia sa bahay ko.. umalis na sya.. ang aga naman.. pagtayo ko ay kinusot kusot ko ang mata ko at nakita ang sulat sa salamin gamit ang kulay pulang lipstick
Goodbye...
yun lang nakalagay... anong goodbye?.. ngayong nahanap ko na sya hindi ko na hahayaang mawala sya ulit saken..
habang naghihilamos ako ay binulabog naman ako ni Mrs. Lauchengco na nagsisisigaw sa sala
"Hoy Perez! Lumabas ka dyan! ano nanaman ba itong kalokohan ginawa mo ha?! nakita ka nanaman ng mga press people na may kasama kang babae sa Bar , sino nanaman yon?!"
hinarap ko sya at umupo sa sofa
"hindi ko kilala yon! lasing ako kagabe!"
"sus puro ka hindi kilala eh! tignan mo nga tong mga litrato sa magazine!! hindi bat ikaw yan?!!"
nakita ko ang isang stolen shot ng picture namen ni Nathalia na nag uusap at nakahawak ako sa braso nya , kinukumpronta ko sya ng mga oras na yan
"kaya ka napag uusapan na playboy ka eh! kung sino sinong babae kinakalantari mo!"
"ayaw nyo yun?! atleast sikat ako! laging pinag uusapan! sa ganung paraan hindi ako malalaos!"
"hay ! oh sige na! magbihis ka na! may pupuntahan tayong launching ng new perfume ng Bench , kaylangan nila ng models "
"masakit pa ulo ko eh, may hang over pa ko!"
"abat ! kung makapag reklamo ka ah! hala bilis! magbihis ka na!"
-- Launching ng Bench
"may i present to all of you, the new creations of Bench Perfumes"
sabi ng emcee , kasabay nun ang palakpakan ng mga bisita
at nagsimula na ang fashion show
Nathalia's Pov:
nasa balcony ako habang nag La- Launching ang Bench at kitang kita ko si Nathaniel dito gamit ang telescope ko ..
ngayon, iba nandito lang ako para tignan at bantayan sya .. wala kong dalang kahit anong gamit na makakasakit sa kanya tulad ng kutsilyo o kaya naman ay baril.
ewan ko hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa tuwing tatangkain ko syang patayin..
pero kaylangan ko talagang gawin to kundi mawawalan ako ng trabaho, masisira ang reputasyon ko
habang nag la launching ay naisipan kong lumabas muna ng compound na yun at pumunta sa parking lot kung saan nandoon ang kotse ni Nathaniel..
susubukan kong tanggalin ang break ng sasakyan nya para isipin ng lahat na aksidente ang nangyare.. ayokong masisi sa pagkamatay nya
tumingin tingin ako sa paligid at parang wala naman talagang tao doon.. hay.. buti naman
nang matanggal ko na ang break ng kotse nya ay bumalik na ko sa loob at saktong patapos naman na ang Launching kaya bumalik na ko doon para sumakay sa kotse ko ini- start nya na ang kotse nya ..
hmm.. kilala ko si Nathaniel.. He's a devil on the road kaya mabilis nyang pinatakbo ang kotse nya at sinundan ko yun.. pero ang hindi ko inaasahan eh naka speed limit ang sasakyan nya, kaya binilisan ko rin ang pagmamaneho ko , natunugan nya yata ang pagsunod ko sa kanya, sinubukan nyang lumiko pero dahil wala nang break ang sasakyan nya ay dumere derecho sa bangin ang sasakyan nya at nahulog sa lawa
inuusig ako ng kunsensya ko sinubukan kong lampasan ang nangyareng aksidente pero nag u-turn ako pabalik hindi ko alam kung bakit
"Nathaniel..."
yun nalang ang nasabi ko at bumaba ako ng kotse para tignan , nagulat ako sa nakita ko dahil nakalubog na sa tubig ang sasakyan nya , naiiyak ako , hindi ko kaya !!
bumaba ako ng bangin ng dahan dahan at saka lumusong sa lawa at sinubukang buksan ang kotse nya , binasag ko ang bintanang salamin ng kotse at hinila ang kamay nya paalis ng kotse
nang maka-ahon kami ay bigla syang nasamid samid at lumabas ang tubig sa katawan nya , sinamantala ko yun para makaalis sa kinaroroonan nya
dali dali akong sumakay sa kotse ko nang humahagulgol ng iyak
nakakainis! naiinis ako sa sarili ko! okay na nga eh.. bakit nagkaganun? bakit ko pa sya niligtas?.. sana hindi nalang.. damn it! Nathalia! what the fvck is wrong with you !
Nathaniel's Pov:
pagkagising ko ay nasa hindi ako pamilyar na lugar.. madilim wala kong makita.. ito ba ang sinasabi nilang impyerno?..
"Mr. Perez can you hear me?.."
may nagsalita pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko para sagutin ang taong yun..
"Mr. Perez?.."
lumalabo ang paningin ko pero unti unti nang nawawala ang dilim sa aking gunita.. hanggang sa makita ko na ang liwanag , sinubukan kong magsalita
"Na-nat-thalia.."
hindi ko alam kung bakit sya ang unang binigkas ng mga bibig ko , i was dreming of her all night i guess..
"who's Nathalia?.. can you hear us hijo?.."
iginalaw ko ng konti ang ulo kong masakit pa rin , naaksidente ba ko?..
nakita ko si Mrs. Lauchengco na nakatingin saken at inaalam ang kalagayan ko
"an-anong nangyare saken?.. asan ako?.."
"nandito ka sa ospital.. mabuti na nga lang at may nakakita sayo nang maaksidente ka kung wala eh malamang sa malamang pinag uusapan na ng mga press people ang pagkamatay mo at saka nahulog sa bangin ang kotse mo.. wala ka bang natatandaan?.."
"ano ?! kotse ko nahulog sa bangin?!!"
nanlaki ang mata ko sa nalaman ko ang mahal mahal ng kotse ko ang tagal bago ko napag ipunan yun! tsk!
sinubukan kong alalahanin ang mga pangyayare pero wala talaga kong maalala ang naaalala ko lang ay nagmamaneho ako ng mabilis yun lang..
"buti nga at nagising ka na , isang linggo na kasi ang nakakalipas nang maaksidente ka at ngayon ka lang nagkamalay, siguradong magandang balita nanaman ang maririnig natin sa T.V "
"isang linggo?? ahm.. Mrs. Lauchengco.. may dumalaw ba ditong magandang babae?.. mukha syang suplada..."
"babae nanaman!!"
sabay pukpok saken ng dyaryo
"aray! nagtatanong lang naman po eh!"
"wala kang kadala dala! kamuntikan ka na ngang mamatay babae pa rin ang nasa isip mo!!"
"naman eh ! nagtatanong lang! pero seryoso ko! ano? meron po ba?"
"well bukod saken merong isang babaeng bumisita dito pero isang beses lang at hindi na naulit "
"talaga po?! si Nathalia po ba?!"
"ewan ko! hindi naman kami masyadong nagkausap eh! nakita ko lang syang nakadungaw sa pintuan at tinitignan ka , naka shades sya at pulang dress , mukhang galing sya sa marangyang pamilya mahaba din ang buhok nyang kulot , inanyayahan ko nga syang pumasok dito sa loob pero umiling iling lang sya at umalis na , sino ba yon ha?"
napangiti ako
"si Nathalia nga po yun"
"sino sya?"
"kababata ko.. sabay kaming lumaki kahit na mas matanda ako sa kanya ng isang taon"
"well why cant you introduce here to the media?"
"because i want to protect her.. ayoko nang madamay pa sya sa magulo at maingay kong buhay... gusto ko malaya sya.. malayo sa gulo.. sa ingay.. sa lahat.."
"sya ba yung napapabalitang babaeng kasama mo nitong mga nakaraang araw?.."
"opo pero sana lang Mrs. Lauchengco .. wag nyo nalang pong ipapa alam kahit kanino.."
"oh sige kung yan ang gusto mo"
may pakeelam pa rin pala sya saken.. dinalaw nya pa ko dito aa ospital..
Nathalia's Pov:
*Bench Model/Actor Nathaniel Perez was rushed into hospital after a car accident , many of press people said that the young Actor lose the break of his car while driving 35 kilome-*
pinatay ko ang T.V dahil rinding rindi na ko sa mga naririnig ko hindi dapat ako nakukunsensya ng ganito kahit na alam kong kaya lang sya pinapa patay saken ni General ay para makaganti
napatingin ako sa orasan its almost 8 pm
i decided to go out wearing a red signature dress
pinuntahan ko sya sa ospital , nakita ko syang maaliwalas na natutulog , tumayo lang ako sa pinto at nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba yun o hindi , nangangati kasi yung kamay ko gusto ko sanang takpan sya ng unan para hindi na makahinga mas okay din sana kung tatangalin ko yung oxygen nya , nakahawak na ko sa doorknob nang may narinig akong paparating kaya inalis ko ang kamay ko at tumayo lang doon, nakita kong nakangiti saken yung manager nya
"Hi miss?.. ahm.. are you visiting Nathaniel?.. its okay.. dont be shy.. your free to get inside.. kamag-anak mo ba sya?.."
wala akong nasabi kaya umiling nalang ako at umalis
sh*t nakakahiya yun ah! ang bastos ko! kinakausap ako ng maayos eh pero tss.. wala syang magagawa suplada talaga ko sa personal.. -_-
-----------------------------------------------
isang linggo nang nakalipas nung binisita ko sya
pagbaba ni Ace sa hagdan ay binuksan nya agad yung t.v
*Nathaniel Perez was fully recovered after the tragic accident that once took his life and here is the details *
*Nathaniel? ano nga ba talagang nangyare ? at pano ka nakaligtas sa aksidenteng yun?*
tanong sa kanya ng reporter sabay tapat sa kanya ng mic
*kahit ako mismo hindi ko alam.. siguro may anghel lang talagang naglitas saken sa kapahamakan nung gabing yun*
*he said that an angel save him from that accident , sino kaya ang anghel na tinutukoy nya?*
yun lang at nilipat na ni Ace ang T.v sa ibang chanell
anghel?.. tss! I'm no Angel, Nathaniel Perez , I only did that because I want to play a death game with you once more.
habang nasa ospital sya ay sinamantala ko na ang pagkakataon para gawin ang isa ko pang trabaho..
-Bar
lihim kong pinasok ang isang maliit na eskinita sa malaking Bar na yon...
nakakita ako ng isang pinto na may nakalagay na : OFF LIMITS
hmm?.. bakit off limits to?.. ano kayang meron dito?..
sinilip ko mula sa siwang ng pinto ang nangyayare sa loob..
may grupo ng mga lalaking nagsusugal sa loob.. kasama rito ang may ari ng Bar..
pano ako makakapasok dito?..
nilakasan ko ang loob ko at kinatok ang pintuan..
"sino yan?!!"
"ah sir?! pinapatawag nyo raw po ako?!!"
maang maangang sabi ko
"sige pasok!!"
pagkapasok ko ay nagsitinginan ang mga lalakeng kasama ng may ari ng Bar... ganun ba kanipis ang suot ko para mapansin nila agad ako?..
"hindi kita pinatawag pero.. tutal nandyan ka na rin , salinan mo na kami ng alak habang naglalaro ng poker"
"ah si-sige po sir.."
sinimulan ko nang magsalin ng alak , pero habang nagsasalin ako ay nilalagyan ko iyon palihim ng drugs na nakuha ko kanina sa counter , dinamihan ko ang paglagay para talagang siguradong mamamatay silang nanlilimahid sa drugs ang kanilang mga halang na katawan
habang naglalaro sila ng poker ay nagkakabit na ko ng maliliit na CCTV cam. sa bawat paligid dahil umiikot ako para lagyan ang mga tasa nila ng alak...
pero may isang lalaki dun na nakatayo lang at nilalamon ng dilim sa sulok.. tila pinagmamasdan ang aking ginagawa.. kilala nya kaya ako?.. pero bakit hindi nya man lang ako pinipigilan sa ginagawa ko?.. sino ba sya?..
nanatili ako doon hanggang sa maubos ang alak na iniinom nila..
"ah ano ulit ang pangalan mo hija?.."
tanong sa akin ng may ari ng Bar
"tha-thalia po.."
"ah.. thalia.. sige makaka alis ka na"
lumabas na ko at pumunta sa hindi mataong lugar para tawagan si General
*oh ano? may balita na ba Nathalia?*
tanong ni General sa kabilang linya*
*General , positive, nahanap ko na ang lugar.. nalagyan ko na rin ng CCTV Cam .. kaylangan ko ng makakatulong dito.. *
*good Nathalia , oh sige magpapadala na ko ng mga tao dyan*
sinubukan kong bumalik sa lugar na iyon, akmang bubuksan ko na ang pinto nang may tumakip sa bibig ko at binuhat ako palayo doon, dinala nya ko sa isang kwarto
"arrghh!! sino ka ba?! bitiwan mo ko! ano ba!"
siniko ko sya ng malakas sa tiyan , nabitiwan nya ko at gumulong gulong sya sa sahig
"aray-- mamamatay na yata ako-- ang sakit!"
"ikaw nanaman?!! ano bang ginagawa mo dto?! at bakit mo ko pinapanood habang ginagawa ko ang trabaho ko?!"
"alam ko nang ikaw ang nagtangkang lumunod sa pinsan ko sa lawa nung nakaraang gabi! tinanggalan mo ng break ang sasakyan nya para maaksidente sya!"
tinutukan nya ko ng baril na syang kinatakot ko , oo sanay akong natututukan ng baril pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa mga oras na to
"iniimbistigahan mo ba ko?.."
"alam kong alam mo na spy agent ang tatay ni Nathaniel.. at alam ni tito na may panganib na nakabanta sa pinsan ko.. kaya pinadala nya ko dito para bantayan si Nathaniel.. and then i met you.. alam ko nang gusto mo syang patayin at merong nag uutos sayo para gawin yun... pero bakit niligtas mo pa rin sya nung gabing yun?.. bakit hindi mo sya magawang patayin?.."
"kung papatayin mo ko ngayon hindi mo malalaman ang sagot sa lahat ng tanong mo, sa ngayon hayaan mo muna ako at wag mo nalang hahayaang makawala sa paningin mo si Nathaniel dahil siguradong patay sya pag hindi mo inayos yang trabaho mo"
paglabas ko ng pinto ay nakarinig na ko ng sunud sunod na putok ng baril at mga pagsabog sa buong Bar napayuko ako pero hinawakan
nya ang kamay ko at nagsimula.kaming tumakbo para maka alis sa lugar.
"dito tayo!"
hinila nya ko pero hindi ako nagpahila
"hindi! dito!"
hindi sya pumayag
"dito sabi eh!!"
pagkahila ko sa kanya ay lumapit pa sya lalo sa akin, hinawakan nya ang bewang ko at bigla nya kong hinalikan.
what the fvck!! >.< sira ulo to ah!
tinapakan ko ang paa nya at hinampas hampas ang ulo nya ng baril ko
"ARAY!!! Nathalia! ow! please!! STOP!! Please!! Ow!!"
"subukan mo pang ulitin yung ginawa mo! ipuputok ko talaga sayo tong baril ko! hayup ka!"
"hindi ka pa nakuntento?! muntik na ngang mabiyak yung ulo ko kakahampas mo saken nyang baril mo eh!! tapos tututukan mo pa ko nyan ngayon?!!"
"talaga! bwiset ka! aalis na ko!"
"ahm.. Nathalia.. sya nga pala.. im.. im Agent. Marco Perez.."
"wala kong pake!"
lumapag na ang police helicopter at naglakad na ko papunta doon , inabutan naman ako ng leather jacket ng isang police.
tinignan ko si Agent Marco Perez habang pataas ng pataas ang helicopter.. nag bye bye pa sya saken..
hmm.. he's a hottie too.. but my lips are only for Nathaniel's only..