My Beautiful Assassin Chapter 12

Lacey POV

Isang buwan na lang nalalapit na ang Graduation namin. Ngayon na nagpa plano na ang buong klase tungkol sa JS prom kasama ng ibang mga officer ng school. Hanggang ngayon wala pa rin progress ang paghahabol ko kay Andrew.

Sino kaya napili niyang maging partner sa JS prom? Nakatingin ako sa kanya tahimik nag aaral.

Dapat ko ba siyang tanungin? Papayag kaya siya kung siya ang maging partner ko?

"Lacey" Tawag ni Andrew sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"Di ba ako dapat mag tatanong sa iyo yan?" Kumunot ang noo ko.

Ano bang pinag sasabi niya?

"Tinawag mo ako eh" Balik sagot ko.

"Tsk! Why are you so stupid?" Aray ko naman. Apaka suplado naman nito parang hindi nakahalik sa kin.

"Andrew naman bakit ba ang suplado mo? Maka istupid ka naman!" Gusto ko tuloy umiyak sa kahihiyan.

"Kanina mo pa ako tinititigan kaya kita tinawag" Aw, napansin niya pala nakakahiya. Nakatingin din sa amin ang ibang mga kaklase humahagikgik. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Mukhang hinihintay niya ang itatanong ko.

"Andrew, walang partner si Lacey sa JS prom. Kaya ikaw na lang ang escort niya" Narinig ko ang boses ni Kira.

Lang hiya talaga ang babaeng to walang preno. Plano ko pa naman mag sabi after class namin.

Namumula akong nakatingin kay Kira nakangisi. Tahimik si Misha sa isang gilid napapansin ko pagiging tahimik niya. Mamaya tatanungin ko si Kira kung may problema ba si Misha.

"Sorry but I have a partner" Kung sakit lang sa puso ang pag uusapan walang tatalo kay Andrew. I rate ko siya ng perfect 10. Napayuko ako buti na lang hindi ko pa nasasabi sa kanya.

"Lacey, ako na lang ang escort mo sa JS prom" Aaron said to the rescue.

"Huh?" Naguluhan ako napatingin kay Aaron masayang nakatingin sa akin.

"Su-Sure" Napilitan akong ngumiti kahit mabigat sa loob ko. Napasulyap ako kay Andrew nakasalubong ang kilay. Subalit mas pinili niya ang tumahimik.

Wala sa loob napatingin ako kay Kira. Umiwas ng tingin sa kin. Naguguluhan ako sa mga kaibigan ko.

***

"Ang ganda talaga ng Baby Girl ko! Sa lahat ng anak ko ikaw ang kamukhang kamukha ko." Gusto kong umirap kay Mommy.

"Mommy, may iba ka pa bang anak na babae? Maliban sa amin ni Kuya Luis?" Natawa na lang si Mommy sa sinabi ko.

"Akala ko si Andrew na ang partner mo. Excited pa naman ako magka love life ang anak kong babae" Hay naku. Hopeless na talaga si Mommy President ng Fans club ni Andrew.

"Tumayo ka na dyan Baby Girl, nasa labas na si Aaron" Anyaya niya sa akin sabay na kaming lumabas ng kwarto.

***

Nakita kong nag hihintay si Aaron sa akin. Kung titignan mo parehong gwapo si Andrew at Aaron. Pero tumibok ang puso ko kay Andrew. Kung pwede ko lang ibaling kay Aaron ang puso na palaging nandyan sa aking tabi.

Nakita ko ang pag kislap sa mata ni Aaron

"Lace, you are so beautiful!" Namula ang mukha ko.

"Thank you" Pinilit kong maging masaya kahit mabigat ang loob ko.

"Let's go?" Kumapit ako sa kanyang braso papasok sa loob ng sasakyan.

Kinakabahan ako bawat minuto. Hindi mawala sa isip ko kung sino ang magiging partner ni Andrew. Napabuntong hininga ako. Kung si Andrew sana kasama ko. Siguro masayang masaya ako ngayon.

Maraming tao ang napatingin sa amin

"Wow. Pre ang ganda ni Lacey."

"Ang gwapo ni Aaron!"

"Bagay silang dalawa"

Yan ang mga naririnig namin sa mga kaklase at ibang mga schoolmates.

Masaya kong pinag mamasdan ang mga kaklase namin sumasayaw sa gitna ng Stage. Napabaling ang tingin ko sa papasok na bagong dating. Kumirot ang puso ko sa nakita si Andrew at Misha.

Kailan pa sila nagkasama?

Nagsalubong ang kilay ko. Napaigtad ako dahil ang kamay ni Aaron nakapatong sa kin. Mapang unawa ang mata niya nakatingin sa akin. Alam niya ang nararamdaman ko. Kumuyom ang kamay ko.

Pinilit kong maging masaya sa JS prom.

Ina announced ng Principal kung sino ang kalahok sa gaganapin na King and Queen Of The Night. Nalaman ko na tinanggihan ni Andrew na sumali sa Competition.

Kami ni Aaron ang napili sa King and Queen Of The Night.

"Please give us applause to Our New King and Queen Of The Night" Masayang sinabi ng Host ng JS Prom.

Sumayaw kami sa gitna ng bulwagan bilang King and Queen of the Night

We're the king and queen of hearts

Hold me when the music starts

All my dreams come true

When I dance with you

Promise me you're mine tonight

I've been waitin' lyin' tonight

While the lights are low

I'll never let you go

Did I dream that we danced forever

In a wish that we made together

On a night that I prayed would never end?

Maraming tao ang nag hiyawan sa amin dalawa ni Aaron.

You know it's not my imagination

Or a part of the orchestration

Love was here at the coronation

I'm the king and you're the queen of hearts

Time will pass and tears will fall

But someday we'll both recall

Moments made of this

Golden memories

Did I dream that we danced forever

In a wish that we made together

On a night that I prayed would never end?

In a once and future dream

Where the dances never seem to start

(Hoh) Did I dream that we danced forever

In a wish that we made together

On a night that I prayed would never end?

"Lace, would you mind if I kiss you?" Napalunok ako nakatitig kay Aaron. Akmang tatanggi ako subalit lumapit ang mukha sa akin ni Aaron. Napapikit ako inihanda ko na ang sarili sa halik ni Aaron. Hindi ko maramdaman ang spark sa halik. Nakadikit lang ang labi namin parang halik ng isang kapatid ang nadarama ko.

Napadilat ako ng mata. Masayang mukha ni Aaron ang namulatan ko.

"I kissed you not because I like you Lace. I kiss you because I want him to realize what he loss." Naguguluhan ako nakatitig kay Aaron.

Anong sinasabi niya?

"Lace, I'm always here for you. I promise you that I will take care of you whatever happens" Mas lalong naguluhan ako sa kanya.

Did I dream that we danced forever

In a wish that we made together

On a night that I prayed would never end?

In a once and future dream

Where the dances never seem to start

(Hoh) Did I dream that we danced forever

In a wish that we made together

On a night that I prayed would never end?

"Aaron, ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?" Masuyong tingin ang binigay niya sa akin.

"Malalaman mo din balang araw Lace" Inilagay ko ang ulo sa dibdib ni Aaron. Hindi sinasadyang napabaling ang tingin ko kay Kira. Namumula ang mata at malungkot nakatingin sa amin.

Bakit naiiyak siya? Anong problema?

Bumaling ang tingin ko sa pwesto ni Andrew nakatitig sa amin. Bumitaw ang kamay niya kay Misha. Walang paalam na lumabas ng bulwagan.

"Follow him! Lace" Bulong ni Aaron sa tainga ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.