My Beautiful Assassin Chapter 11

Lacey POV

"Kakain ba ako or hindi?" Alanganin kong tanong sa sarili. Habang nakatingin kay jollibee. Nakangiti pa siya akin. Mukhang nag a anyayang pumasok ako sa loob.

On diet nga di ba?

Maaga akong gumising para mag jogging. Dalawang oras na ako tumatakbo subalit nakadama ako ng gutom. Kaya mas pinili kong umupo dito sa parke malapit sa eskwelahan. Napakunot noo ako nang napatingin ako sa pamilyar na lalakeng naka White Hoodie Jacket.

Ang ganda naman ng umaga ko! Namumulaklak ang paligid kaya napag desisyonan kong sundan ang lalakeng nagpatibok sa puso ko.

Palihim ko siyang sinundan habang nag tatago sa puno. Kahit mag mukha na akong tanga siguro naramdaman nitong may sumusunod na naman sa kanya kaya napahinto si Andrew.

"What do you want Lacey?" Nakakakilig tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko.

Umalis ako sa tinataguan ko.

"Eh nakita kase kita kaya naisipan kong sabay na tayo mag jogging" Gusto kong batukan sarili ko. Dalawang oras na akong nagtatakbo.

Humarap siya sa akin naka ngisi nag dududang tingin.

"Are you sure? Look at your face sandamakmak na pawis sa buong katawan mo" Nalunok ko bigla ang dila.

Shit! Oo nga pala mukha na akong basang sisiw.

"How about breakfast?" Napa cross finger ako sa likod para hindi niya makita ang kamay ko.

"No!" Tanggi nito.

"B-But?" Hinabol ko siya habang tumatakbo.

"I said No!" Mariin tanggi niya.

***

"Sigurado ka bang nag da diet ka?" Napailing si Andrew habang nakatingin sa inorder namin sa Jollibee.

"Kanina pa ako gutom!" Tuloy tuloy kong kain. Chicken joy, Spaghetti at Cheeseburger kasama ng Chocolate Sunday.

Bahala siya basta ako gutom na isang oras na lang mag a alas dose na. Sinadya niyang pagurin ako bago magdesisyon na kumain.

Kinuha niya ang Spaghetti. Tahimik kaming kumakain. Palihim ko siyang sinusulyapan.

Bakit ang gwapo niya?

Sana spaghetti na lang ako!

Naiinggit ako sa spaghetti.

"Staring is rude!" Suplado niyang sinabi.

"Ano bang masama doon?" Binawi ko ang tingin kay Andrew. Namula ako sa pagkapahiya.

"Kumain ka na lang diyan"

"Hmmp! Pasalamat ka gwapo ka kundi who you ka sa akin" Bulong ko sa sarili.

"Did you say something?" Takang tanong nito.

"Wala" Umiling ako. Tinuloy ko ang pagkain sa Spaghetti.

"Wait!" Pigil ni Andrew akma susubo na ako.

Itinaas niya ang kamay kaya't napaatras ako bigla hinawakan niya ang gilid ng pisngi ko. Pinunasan niya ang sauce sa bandang bibig ko gamit ang daliri niya pagkatapos niyang tanggalin. Dinala niya sa kanyang bibig ang sauce ng spaghetti na akala mo tumitikim ng pagkain.

Nakatulala ako nakatitig sa kanya. Biglang nag ramble na ang utak ko.

Am I dreaming? Tanong ko sa sarili ko

"What?" Angil niya sa akin. Namula ako sa nadaramang kilig sa ginawa ni Andrew.

"Wala" Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinuloy na lang namin kumain.

***

"Pssst Lacey! Anong kukuhain mong course?" Nakatulala ako nakatingin sa kawalan.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa amin sa parke ni Andrew. Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos namin kumain.

"Hoy! Kanina ka pa?! Para kaming walang kausap!" Nagulat ako sa pag hampas ni Kira sa braso ko.

"Ano yun? Nang hahampas ka na naman!" Pagalit kong sinabi.

"Kanina ka pa tulala para kaming hangin dito. Sino ba nasa isip mo? Nasa planet of Andrew ka naman" Umirap ako sa pang aasar nila.

"Ano ba kase kukuhain mong course?" Tanong ulit ni Misha.

"Eh hindi ko pa alam. Naguguluhan pa ako" Sagot ko. Actually hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko. Nalulungkot ako dalawang buwan na lang mag tatapos na ang klase namin ng Senior High School. Mapapalayo na ako kay Andrew.

Paano na ang love life ko? Nalalapit na din ang JS prom.

"Naku! Nalulungkot ang bestfriend natin mapapalayo na siya sa Andrew niya" Sabay nag hagikgik ang dalawang kupal sa buhay ko.

"Dalawang buwan na lang ga graduate na tayo. Ayokong mawalay kay Andrew" Frustrated na ako talaga. Hindi nag sasabi si Andrew kung saan niya gustong mag aral. Ilang beses ko na siyang tinanong subalit wala man lang akong makuhang sagot sa kanya.

"Huwag ka ngang nega! Instead na maging masaya ka dahil mag tatapos na tayo ng highschool. Ikaw itong parang namatayan" Untag ni Kira. Umirap ako sa kanila. Wala man lang maitulong ang mga kaibigan ko.

"Bakit hindi na lang natin tulungan si Lacey?" Anusyo ni Misha. Sa wakas magkaka silbi na din sa buhay ko ang dalawa.

"Ayan ha! Tutulungan ka namin kay Andrew kaya huwag ka nang mag alala dahil mahal ka namin bilang kaibigan" Niyakap ko silang dalawa.

"Thank you! Pag natulungan n'yo ako ilalakad ko kayong dalawa kay Kuya Luis" Masayang sinabi ko sa kanila. Alam ko naman Fans ng dalawa ito ni Kuya Luis.

"Siguraduhin mo lang!" Sabay pa nilang sinabi sa kin. Napailing ako. I'm sure lagot ako sa suplado kong kapatid na walang ginawa kundi magpaka dalubhasa sa pag aaral. Na miss ko na din si Kuya Luis. Mamaya tatawagan ko siya. Kahit nag aaway kami minsan.

"Tara pumasok na tayo" Sabay kaming pumasok sa klase namin dahil palagi na lang ako inaasar.

***

Andrew POV

"Andrew!" Napalingon ako sa dalawang babae.

Anong kailangan sa akin ng dalawang ito?

"Why?" Bored kong tanong.

"Magsabi ka sa amin ng totoo! Saan mo planong mag college?" Tanong ni Kira sa akin.

What the?! Hinarangan nila ako para tanungin kung saan ako mag ka college? Masuyo akong tumingin kay Misha.

Napakunot noo ako sa kanilang dalawa.

"Utos ba ito ni Lacey?" Nag dududa kong tanong sa kanila. Bigla silang nataranta sa tanong ko.

"Hindi! Naaawa na kami kay Lacey umaasa siya sa iyo. Ngayon pa lang sabihin mo na!" Misha said to me. I looked at her gusto ko siyang yakapin.

How I loved this girl.

"No! I don't have plan to tell you girls. I'm not here for your friend" Napatingin ako kay Misha. Napatitig siya sa akin habang nag tatakang tingin.

"Aba?! Kung wala ka naman plano. Huwag mong paasahin ang kaibigan namin. Paasa ka din eh!" Pag tataray ni Kira sa kin. Sumulyap ako kay Misha natahimik.

"Hindi ko pinapaasa ang kaibigan ninyo. Siya ang kusang lumalapit sa akin." Tumalikod na ako sa kanila.

"And Misha, I'll called you later" Tumalikod na ako sa dalawang babae. Narinig ko ang pinag usapan ng dalawa.

"Anong tatawagan ka ni Andrew? Alam ba ito ni Lacey?" Nagdududang tanong ni Kira

"Wala- huwag mo na lang pansinin ang sinabi niya" Umiwas ng tingin si Misha kay Kira.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.