My Beautiful Assassin Chapter 16

Andrew POV

Yakap ko ang aking unan. Naamoy ko ang iniwan na amoy ni Lacey. Isang linggo na simula may mangyari sa amin. After ng klase sabay kaming pumunta sa dito sa condo ko. Hindi na naulit ang nangyari sa amin.

We just doing cuddle and kissing. Minsan nanonood kami ng movies or nag luluto.

Sinabi ni Lacey na pupunta siya sa bahay ng kaklase niya. Iyon ang madalas na ipaalam ni Lacey sa Mommy niya at tatawag na lang pag sinusundo siya ni Kuya Roldan ang driver nila.

The truth I can't get enough of her.

Matinding self control ang ginagawa ko huwag ko lang siyang galawin. Bata pa kami ni Lacey. Kahit gustong gusto ko siyang katabi matulog. Sana kung nasa legal kami na edad pwede ko na siyang pakasalan. I know i love her siguro kailangan ko makausap si Dad. Sasabihin ko na hindi ko pakakasalan ang anak ng kaibigan niya. Ayokong mawala sa buhay ko si Lacey.

Narinig ko ang nag ring ng cellphone ko. Wala naman ibang tatawag sa akin kundi si Dad at Lacey.

"Hello Dad?" Sagot ko.

"You didn't bother to called me? What are you doing Andrew?" Bulyaw ni Dad sa kabilang linya.

"I'm just busy. Dad!" Bagot kong sagot.

"You're busy? I heard that you are dating someone. I told you that you are not allowed to date any girls in Philippines or else, I'll cut off your allowance. Don't wait me to get mad at you! I will send you back here in Massachusetts" Galit na galit na sinabi ni Dad sa akin. Nakaramdam ako ng takot. Kilala ko si Dad kapag sinabi nito gagawin niya talaga.

"And you know we talk about this right?" Patuloy nito.

"But Dad -? you know I don't want to get married!"

"Andrew, you promised me that you just study in philippines because you want to meet your mom and your half sister!" Napakuyom ang kamay ko.

"If you don't stop seeing this girl! You know what I can do!" Banta ni Dad sa akin. Binaba nito ang tawag. Napakamot ako sa ulo dala ng Frustration.

Shit! Eto na nga ba sinasabi ko. Alam ko may mga mata si Dad sa pilipinas. Kaya nakakarating sa kanya ang report sa lahat ng kilos ko.

***

Lacey POV

Hinihintay ko sa gate si Andrew tuwing umaga bago pumasok sa school.

Alam ng buong school na kami na ni Andrew. Masaya akong binati ni Kira at Misha.

Napansin ko palaging tahimik si Misha hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Madalas siyang nakatingin kay Andrew. Parang may gusto siyang sabihin.

Madalas nitong kasama si Brixton ang manliligaw nito na Nerd. Hindi ko alam kung ano ang nangyari after ng JS Prom madalas ko na silang nakikitang sabay mag recess. Si Andrew naman masama ang tingin nito kay Brixton Saavedra. Minsan nakakaramdam ako ng selos dahil pinag uukulan ng atensyon ni Andrew si Misha. Ayoko naman mag away kami lalo na bago pa lang ang relasyon naming dalawa. May tiwala ako kay Andrew alam ko hindi niya ako lolokohin.

Anyway, ngayon na may nangyari sa amin. Naging extra sweet siya. Minsan magugulat na lang ako may dala siyang bulaklak at chocolates. Para kaming nag liligawan. Iba pala kapag inlove maaga ako gumigising para lang mag luto ng ulam sa lunch namin ni Andrew.

Dala ko ang lunch box para sa amin dalawa sa recess.

Nakita ko siyang naglalakad habang nakasuot ang Headset sa tainga niya.

Lumapit ako sa kanya para halikan ko siya sa pisngi. Nagtaka ako iniwas niya ang kanyang pisngi. Napakunot noo ako dahil malamig niya ako tinignan. Nawala ang ngiti ko sa labi.

Siguro may problema lang siya. Napilitan akong ngumiti hindi ko pinahalata ang panlalamig niya.

"Good morning. Love!" Masayang bati ko. Tumango lang siya sa akin hindi niya ako sinagot or niyakap man. Tuloy siya sa paglalakad habang ako naman nanatiling nakatayo. Nagtataka na ako sa ikinikilos ni Andrew.

"Love, wait!" Habol ko. Bumaling ang mukha niya sa akin magkasalubong ang kilay. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang braso.

"May problema ba?" Inalis ni Andrew ang kamay ko sa braso niya. Umiling siya sa akin.

"Nothing. Let's go!" Naiwan akong nagtataka sa kanya.

***

Hindi ako mapakali dahil hindi ako pinapansin ni Andrew. Narinig ko ang bell tanda na mag re recess na kami.

"Sabay na tayo mag lunch. Love!" Sabi ko sa kanya.

"Mauna ka na!" Pasuplado niyang sinabi sa kin.

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Kanina pa niya ako ini ignored. Hindi niya ako kinakausap.

"Andrew, please huwag ka naman ganito sa akin. Ano bang problema mo? Sabihin mo naman sa akin?" Pakiusap ko. Kinakabahan ako sa panlalamig niya simula kanina.

Galit siyang umiling.

"Di ba sinabi kong wala?! Bakit ba ang kulit mo?" Halata ang irita sa boses nito. Napapatingin ang ibang mga kaklase namin.

Huminga ako ng malalim.

"Halika ka na baka nagugutom ka na. May dala akong lunch box niluto ko kaninang umaga." Yaya ko ulit sa kanya pilit ko siyang hinila sa kamay.

"Ano ba Lacey?! di ba sinabi kong mauna ka na! Wala akong ganang kumain!" Kinuha nito ang mga gamit at pinasok sa loob ng bag. Iniwan niya akong nakatulala.

***

Ilang araw na akong iniiwasan ni Andrew. Madalas ako nag me message sa kanya subalit puro seen lang.

Maayos naman kami last time? Pag kinakausap ko siya isusuot niya ang earphones tapos biglang aalis pag recess or break. Hindi na niya ako niyayang kumain. Naguguluhan na ako sa kanya.

Anong nangyari bakit bigla siyang nag bago?

Sinabi ko na gusto ko siyang puntahan sa Condotel niya pero hindi siya nag re reply. Kaya bored ako pag saturday at sunday.

Nag sawa na ba siya agad sa akin? Bakit ang bilis naman? Ganon na lang iyon?

Ayokong mawala sa buhay ko si Andrew. Mahal na mahal ko siya. Siguro palilipasin ko muna ang init ng ulo niya. Baka sa susunod magiging okay din kami. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nararamdaman sakit. Hindi ko mapigilan mapaluha.

Kinuha ko ang Music Box. Eto lang ang nag papakalma sa akin tuwing masama ang loob ko. Malapit na mag takip silim. Lumapit ako sa bintana.

Napatingin ako sa itim na sasakyan feeling ko may tao sa loob at pinag mamasdan ako. Bigla akong kinabahan. Kaya sinarado ko ang bintana. Siguro guni guni ko lang lalo na occupied ni Andrew ang isip ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.