My Beautiful Assassin Chapter 17

Lacey POV

Halos dalawang linggo na kaming hindi nag uusap ni Andrew patuloy pa rin siyang umiiwas sa akin. Napapansin nina Kira at Misha na palagi din akong tahimik. Naiinis ako sankanya dahil nakikipag harutan siya kay Kathleen.

Kaya umaalis na lang ako sa classroom at umiiyak sa likod ng school. Tahimik dito at wala gaanong pumupunta.

Gusto ko siyang kausapin kung ano na ba kami ngayon?

Napag desisyonan ko na sundan ko siya pauwi. Gusto ko siyang tanungin. Ayoko na ganito lang mauuwi ang relasyon namin.

Relasyon nga ba?

Nakita ko siyang naglalakad malapit na kami sa tinitirhan niya.

Tumatakbo ako para makalapit sa kanya.

"Andrew, ano bang nangyayari sa iyo? Akala ko ba okay na tayo? Bakit mo ba ako iniiwasan? Sabihin mo naman sa akin oh para ayusin natin ito!" Umiiyak kong tanong. Hindi ko na siya matiis lalo na ang panlalamig niya sa akin.

"May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman sa akin. Please?" Pag susumamo ko. Lumamlam ang mata niya subalit bumalik ulit sa pagiging malamig.

"Umalis ka na Lacey. Umuwi ka na sa inyo" Malamig niyang sinabi sa akin.

"Bakit? Akala ko ba okay na tayo? Binigay ko ang sarili ko kase mahal kita Andrew!" Napansin ko napalunok siya.

"Gusto mo bang malaman? Ha?! " Biglang nanlisik ang mata ni Andrew.

"Hindi kita mahal Lacey kaya sana huwag ka ng makulit. Hindi mo ba napapansin umiiwas na ako sa iyo pero habol ka pa rin ng habol. Tinatawanan ka na ng ibang mga kaklase natin. Masyado kang desperada!" Parang isang bombang pinasabog ni Andrew sa harap ko. Umalis siya sa harap ko. Iniwan niya akong nakatulala.

Parang paulit ulit sa tainga ko ang sinabi niya.

Hindi kita mahal

Hindi kita mahal

Hindi kita mahal

Huminto siya sa aking likod bago nag salita ulit.

"Lacey, what happened between us. Just only a pure sex! Kaya please. leave.me.alone!" Dagdag nito parang sinaksak ang puso ko sa sakit. Bago nag patuloy lumakad at iniwan akong nag iisa.

Isa isa nag laglagan ang luha sa mga mata ko.

Ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako.

Binigay ko lahat eh bakit ganon? Saan ba ako nagkamali?

***

Mag isa akong naka upo habang nakatingin sa mga puno at bulaklak.

"Lace? Are you okay?" Aaron said to me. Umupo siya sa aking tabi. Nandito kami sa likod ng School.

"Aaron, bakit ang sakit? Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali sa kanya" Isa isang nag naglaglagan ang luha sa aking mata.

"There's nothing wrong about you Lace. Nag mahal ka lang. Ang mali mo wala kang tinira sa sarili mo" Mahina nitong sinabi nag aalala baka may makarinig sa amin.

"Bata ka pa. Lace, balang araw makakalimutan mo din si Andrew. Kung ako sa iyo mag focus ka muna sa pag aaral malapit na din tayo mag tapos." Kung magsalita siya para siyang mas matanda sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha. Nag salubong ang kilay ko dahil may pasa siya sa gilid ng labi niya.

"Anong nangyari sa iyo? Bakit may pasa ka sa mukha? Nakipag away ka ba?" Nag aalala kong tanong. Tumango si Aaron at iniwas ang tingin.

"Napaaway lang ako kaya eto hindi sinasadyang nasuntok ang gwapo kong mukha" Mahina siyang natawa.

"Sure ka?" Inilagay ko ang kamay sa kanyang pasa.

Nagulat ako hinawakan niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pag halik. Kaya bumuka ang bibig ko.

"Pasasalamatan mo din ako Lacey sa ginawa kong ito." Pinisil niya ang pisngi ko. Akmang iiwasan ko ang pag pisil niya napabaling ang tingin ko sa kaliwang gilid ng School.

Bigla nag tambulan na parang drum ang dibdib ko sa lakas ng pintig nito.

It's Andrew!

Masama ang tingin sa amin dalawa ni Aaron.

Kanina pa ba siya dyan? Umalis na lang siya bigla.

Nakita ba niya kami ni Aaron?

"Lace, if you need help. I'm always here for you. Kahit nasasaktan ka na. Huwag kang mahiyang lumapit sa akin" Nagtataka ako sa kinikilos ni Aaron lalo na sa mga sinasabi niya sa akin. Parang pala isipan ang sinasabi niya sa akin.

***

Masaya nag ke kwentuhan si Mommy at Daddy habang ako tahimik lang. Kakauwi ni Daddy galing sa US.

"Bakit ang tahimik ng Baby Girl namin? May problema ba?" Nakita ako ni Daddy mag isa nakaupo sa verandah ng bahay namin.

"Dad, paano mo malalaman kapag mahal mo na ang isang tao?" Mahina natawa si Daddy.

"Inlove na ang Baby Girl namin. Sino ba ang lalake iyon? Tell me? Para matulungan ka namin ng Mommy mo" Kinuwento ko ang tungkol sa amin ni Andrew except sa nangyari. Baka mamaya mag wala na lang si Daddy bigla.

"Bata ka pa anak. Balang araw mawawala din ang feelings mo sa kanya. Gusto mo bang mag bakasyon ka sa US para maglibang at makasama mo ang Kua Luis mo?" Masuyong tanong ni Daddy.

Umiling ako kay Daddy. Sa ngayon hindi ko pa alam ang plano. Malapit na ang graduation namin sa School kaya marami pa akong aasikasuhin.

"Do you know that your Mom was a model when I met her. She has a boyfriend. And I was working as Secret Agent sa CIA na depress ang Mommy mo kaya naisipan niyang mag suicide dahil niloko siya ng Ex Boyfriend niya. Nagkataon nakita ko siyang naglalakad that time. I know na love at first sight ako. Kinausap ko siya na kapag tumalon siya mababasag ang bungo niya at papapakin siya ng mga uod. Yun oras na yun takot na takot ang Mommy mo. Sa sobrang panic niya muntikan na siyang mahulog. So, I save her from death. Since then niligawan ko siya kahit ubod ng sungit ang Mommy mo" Natatawa kwento ni Daddy.

"Alam mo anak, Isa sa nagpapasakit sa nararamdaman natin iyon umasa tayo na mahal ka ng taong mahal natin. Balang araw kapag na overcome mo na feelings mo sa kanya you will be strong woman. Bata ka pa marami ka pang mararating. Kita mo ang Kuya Luis mo nag focus sa pag aaral. Marami pang mangyayari na hindi natin alam" Tumatak sa isip ko ang advice ni Daddy.

Tama! Siguro mawawala din ang feelings ko sa kanya.

Masyado akong padalos dalos. Binigay ko agad ang sarili ko kahit walang tugon kay Andrew. Ngayon ako ang nasasaktan.

Niyakap ko si Daddy.

"Thank you Daddy maswerte si Mommy nakilala niya ang pinaka pogi at mabait na Daddy sa buong mundo!"

"Ang sweet naman ng Baby Girl namin. You know we love you so much. Ikaw ang xerox copy ng Mommy mo" Masaya akong ngumiti. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Daddy. Mag fo focus muna ako sa pag aaral.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.